noveltoon logo noveltoon
A House With Heartthrobs

Chapter 61

Ch. 62 / 78 May 03, 2022

Mahal Kita

May mga bagay na gusto kong maintindihan. Hindi ko maunawaan anong gusto ni T.H na ipahiwatig sa akin. Sa bawat salita niya at sa pagkilos niya. Gusto kong malaman ano bang gusto niya? Bakit kailangan magmukha akong baliw kakaisip kung anong totoong nararamdaman niya sa akin?

Ang malalim niyang paghinga ay ramdam ko habang nakahiga ang kanyang ulo sa aking balikat. Pinagmamasdan naming dalawa ang mga taong kanya-kanyang gumagawa ng bonfire at tent. Malakas ang halakhakan ng ilan sa kanila. Ang iba naman ay katulad namin. Tahimik lang at gustong mapag-isa habang nakatambay sa lilim ng puno.

Naramdaman ko ang bahagyang pagkilos ni T.H kaya naman umayos ako ng upo. Bumangon siya para titigan ng maayos ang buwan. Para bang may mukha iyon at nakangiti sa aming dalawa. Katabi niya ang mga bituin na lalong nagbigay kagandahan sa kanya.

Para bang inabot ni T.H ang buwan saka gumuhit ng hugis puso gamit ang mga bituin. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Medyo weird. Bakit kaya ginawa niya iyon?

"May gusto ka bang kausapin?" Tumingin siya sa akin. Malungkot ang itim niyang mga mata. Pakiramdam ko ay may kung anong bagay na tumusok sa akin.

Ngumiti lang siya saka tinitigan muli ang buwan.

Siguro hindi niya naintindihan ang ibig kong sabihin. Sa amin kasi ni Jez kapag may gusto kaming kausapin at wala na rito sa lupa ay para bang hahawakan naman ang buwan. Matapos nito ay guguhit kami ng hugis puso para lang makarating ang mensahe sa kanila. Tinuro sa akin iyon ni Jez. Nu'ng namatay ang lolo niya nu'ng highschool siya madalas namin gawin iyon. Malapit si Jez sa lolo niya. Katunayan nga, isa ang matanda ang unang taong nakaalam ng tunay na pagkatao ng kaibigan ko.

"Kaoree…" Tumingin siyang muli sa akin.

"Nasaan na ba 'yung dalawang 'yon! Kaloka!" Rinig kong sambit ni Jez. Malamang na nagkakamot na ng ulo ang isang iyon.

"Bakit niyo pinabayaan ang bebe loves ko!!" Aniya Latrelle at sumunod na narinig ko ay dabog ng paa.

Bumalik ang atensyon ko kay T.H ng sandaling tumahimik ang mga kasama namin.

Unti-unting lumapit ang mukha niya habang ang puso ko naman ay parang sasabog na dahil sa kaba. Dahan-dahan na humaplos ang parehas niyang kamay sa magkabila kong pisngi. Mainit at malambot iyon na tila ay pinapaso ako. Mabilis na dumaloy ang kuryente sa buo kong katawan ng dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Naghabol-hininga siya at hindi makatingin ng diretso siya sa akin. Gusto kong tanungin siya kung para saan iyon pero hindi ko magawa. Ang Dyosa mo sa part na yan, Kaoree! Ikaw na talaga! Isang Thaddeus Manzriel lang naman ang humalik sayo'ng haliparot ka.

Winner na!

"Nakita ko na sila!!!" Bulalas ni Jez. Hindi man siya gano'n kalapit sa amin pero sapat na ang distansya niya upang makita ko ang reaksyon ng mukha niya. Masayang-masaya ang mga mata niya habang dahan-dahan na lumakad papunta sa amin.

"Mahal kita, Kaoree." Sabi ni T.H saka naunang bumalik sa bahay-kubo. Pinagmasdan ko siyang lumakad ng mabilis at hindi manlang ako tinignan sa huling pagkakataon.

Sinampal ko ang sarili ko ng ilang beses ng masigurado kong wala na siyang tuluyan sa paningin ko.

"Bakit mo sinampal ang sarili mo? Anong kagagahan ang umiral sa kokote mo, girl?" Nakapamewang si Jez sa harapan ko at nakataas ang kilay niya.

"Cheek massage. Hindi ka na inform? New way of masssage to' para pumayat ang pisngi at maging perfect ang jaw line." Pagsisinungaling ko.

"Palusot ka pa! Eh, kinausap mo lang naman si T.H tapos may sinabi siyang masakit sa'yo kaya gusto mong matauhan sa kagagahan mo." Sabi ni Jez with full of confidence.

Sorry na lang at mali siya iniisip. Hindi na lang ako umimik saka tumayo.

"Tara. Gutom na ko." Sabi ko saka hinila siya.

"Change topic? Para hindi masaktan?" Hindi ko talaga alam kung dapat ko bang sabihin kay Jez 'yung sinabi ni T.H. Pero parang mas okay na sa akin na lang muna. Kasi baka prankster lang si T.H tapos ako naman asadong-asado. Kaso kapag hindi ko sinabi kay Jez baka isipin niya ma-sikreto na ko sa kanya. Hmm… Pero sa tingin ko naman…

"Huwag kang mag-alala narinig ko. Mahal ka raw niya." Dagdag ni Jez sa sinabi nito bago ako humakbang sa unang baitang ng kubo.

"Shh!" Ani ko.

"Anong shh! Ang rupok mo! May Rosella 'yun. Huwag kang kakagat!" Babala niya.

"Ang babagal niyo naman! Kanina pa ko nagugutom!" Reklamo ni Latrelle. Napansin konb siya lang ang handa ng kumain habang ang iba ay may katawagan sa cellphone o hindi kaya naman ay naglalaro.

"Pa-VIP kasi itong Lugaw Girl mo." Aniya Jez saka naglagay ng ulam sa bawat plato. Inayos niya rin ang mga baso upang magsimula na kaming kumain.

"Saan ka ba galing?" Usisa ni Latrelle.

"Dyan lang naman." Matipid kong sagot habang nagsasandok ng kanin para sa plato ng bawat isa.

Hindi naman siya nagtanong matapos na kausapin siya ni Marcus na tungkol sa ibang bagay. Tumigil ang lahat sa kanya-kanyang ginagawa at nagtipon ng si Wyn ang nagsalita. Kagaya ng kinasanayan, pinangunahan niya ang magdasal bago kami kumain.

Para bang walang nangyari kanina dahil normal lang kay T.H ang lahat. Ilang beses siyang sinubukan ni Rosella na subuan pero hindi niya iyon pinapansin. May mga sandali na tumitingin siya sa pwesto kung nasaan ako.

"Kumain ka ng kumain! Alam kong para kang barako, Lugaw Girl. Kaya huwag ka ng mahiya." Nakangiting sambit ni Latrelle habang nilalagyan ako ng kanin at ulam.

"Parang dalaga lang ako kumain. Hindi ako lalaki!" Sagot ko saka inilayo ang plato ko.

"Wow! Ang ganda!" Bighaning wika ni Marcus. Tinigna ko kung sino ang sinabihan niyang maganda.

"Pasensya na sa inyo pero may kanin pa ba kayo?" Nabitiwan ni Latrelle ang hawak niyang plato. Mabuti na lang at wala ng laman iyon.

"Wala na kaming kanin, Yumi." Masungit nitong sagot.

"Ikaw ba ang tinatanong ko? Ang epal mo." Umikot ang mga mata ng babae para sa kanya.

Kung hindi ako nagkakamali siya 'yung kulot na babae na nakita ko rin kanina.

"Hmm…" Sabi ni Marcus kaya agad naman siyang binatukan ni Latrelle.

"Mayroon pa naman dito, Miss." Aniya Yuan saka binigyan siya.

Habol ang tingin ko sa babaeng napakaganda. Para siyang bumaba sa langit. Kulot ang itim niyang buhok, porselana ang balat at pula ang labi.

Pumalakpak si Jez upang makuha niya ang atensyon namin."Oo nga pala, guys! Attention! We decided na maglaro tayo. May mga questions tayong gagawin. Tapos kung anong mabunot natin na question iyon ang ating sasagutin. Pero kung hindi niyo kayang sagutin, syempre may dare kayong gagawin galing sa gumawa ng tanong!"

Nagbulungan ang lahat sa sinabi ni Jez. Agad namang tumaas ang kamay ni Marcus.

"Yes, Marcus. Ano iyon?"

"Paano kung sarili kong tanong ang nabunot ko?" Nagthumbs-up si Latrelle sa tanong ng kaibigan.

"Bubunot ka ng iba pang tanong or pwede naman na sagutin mo iyon. Kapag hindi mo sinagot, 'yung taong naunang bumunot ng question siya ang magda-dare sa'yo." Paliwanag ni Jez.

Magaling talaga sa ganitong bagay ang kaibigan ko. Palaging siya ang leader sa kahit na anong programa. Kaya nga nu'ng Junior High kami balita ko naging president siya ng organization nila sa school. Organized siya sa mga bagay. Mahilig siyang magbigay ng programs na mag e-enjoy ang mga estudyante at the same time may benefits din para sa school.

"Okay, guys! May mga papel akong dala rito at may tatlong ballpens so maghiraman na lang kayo. Simulan niyo ng gumawa ng two questions. Mas okay kasi na two questions each person para marami tayong pagpipilian."

Ang unang kumuha ng ballpens ay sina Rosella, Marcus at Sasha. Ako ay nasa likod lamang ni Sasha habang naghahati ng papel gamit ang aking mga kuko.

"Huwag niyong lawayan 'yung papel. Hindi Elementary students!" Aniya Jez kaya kami ay nagtawanan.

Pero sa peripheral vision ko. Kitang-kita ko ang tingin ni Rosella habang siya ay nagsusulat. Nakakakilabot ang tingin niya katulad ng ugali niya.

"Gusto kong tanong, si Latrelle ba or si T.H!" Bulong ni Drianne kay Vanna.

"Shh! Baka marinig ka ni Kaoree isipin sa'yo Marites ka."

Umiling na lamang ako sa sinabi ni Vanna. Pero 'yung tingin sa akin ni Rosella ay hindi pa rin umaalis.