Manood
"Anong ginagawa mo rito, T.H?" pagod kong tanong ng tinignan ko ang singkit niyang mga mata na walang emosyon.
Imbis na bumaling siya sa akin ay tumungo ang atensyon niya kay Latrelle.
"Bakit hindi mo binitbit ang gamit mo kanina?", ma-awtoridad ang boses nito.
Gusto ko sanang sumingit pero hindi ko magawa nang si Latrelle ang sumagot.
Nakapamewang siya saka nag-smirk.
"Teka, bakit parang big deal na utusan si Kaoree samantalang binabayaran naman natin siya"
Nanlaki ang mga mata ko sa sagot ni Latrelle. Ang ilang mga estudyanteng nandoon ay nagbulungan.
Hindi naman umimik si T.H sa sinabi ni Latrelle. Hinawakan niya ang braso ko at hinigit ako pero bago ako magpatianod sa kanya ay hinawakan ni Latrelle ang braso ko.
Bumulaslas ang mga nandoon. Pakiramdam ko ay ang ganda ko ngayong araw dahil para bang nasa isa kaming serye at pinag-aagawan nila ko.
"Dito ka muna Kaoree may usapan kami ni Marcus" nagbago ang tono ng pananalita ni Latrelle. Kanina ay masaya iyon pero ngayon iba na.
Tila ba may itim na awra sa paligid niya.
"Huh? Anong usapan? Teka? Bakit ako nasali?" kumunot ang noo ko.
"Wala siyang kinalaman sa usapan niyo kaya isasama ko siya", sa isa pang pagkakataon ay hinigit ako ni T.H para sumunod sa kanya pero gano'n na lang ang pagbawi ni Latrelle.
Hinigit niya ko pabalik.
Anong akala nila sa akin tali? Hindi ako na inform na tug-of-war pala ang ganap ngayon.
"Teka lang, T.H. Ang usapan namin ni Marcus si Kaoree ang papalit sa kanya" bumaling naman sa akin ang mga mata ni Latrelle. Huminga siya ng malalim. "Ililibre kitang lugaw basta manood ka mamaya sa laro ko"
Mabilis naman akong bumaling kay T.H.
"Kaya kitang ipagluto ng kahit ano. Higit pa sa lugaw, Kaoree"
Dumagundong ang tibok ng puso ko. Ilang segundo ko siyang tinitigan. Sundan ko ang pagpatak ng pawis ng dahil sa init na binibigay ng araw.
"Magdate tayo Kaoree ng matapos ang usapan"
Nagtilian ang mga nakikinig. Ang iba ay halos malaglag ang panga dahil sa sinabi ni Latrelle.
"Woah! Woah!" sabi ng mga lalaki roon at hinampas ang likuran nito.
"Kailan ka pa nagseryoso sa babae, Latrelle?" ngumisi si T.H.
Sa palagay ko ay gusto lang nilang pikunin ang isa't-isa kaya parehas kong kinagat ang kamay nila.
"Aray! Masakit 'yun ah!" hinipan ni Latrelle ang parteng kinagat ko.
Samantalang si T.H ay pinunasan iyon gamit ng panyo at nilagyan ng alcohol.
"Pahingi nga ako, T.H! Baka may rabbies ang isang ito" tumawa ang mga kaklase ni Latrelle sa sinabi niya.
Pinandilatan ko siya ng mata.
"Bahala na nga kayong dalawa!" nagmartsa ako paalis. Hindi pinansin ang sigaw ni Latrelle.
Tinanaw ko sila habang naglalakad palayo. Si T.H ay nakapamulsa habang pinagmamasdan ako.
"Bakit ka nandito, Kaoree?"
Nasa langit na ba ako? O, mukha lang anghel ang nasa harap ko. Binaba ko ang aking tingin sa dala niyang mga kahon na magkapatong.
"Wyn!" excited kong sambit ngumiti naman siya. Sunod-sunod ang pagtulo ng pawis niya. Tinaas niya ang kanyang balikat na may face towel para maabot ang mukha nitong pawisan pero hindi niya nagawa.
Chance ko na to'!
Inipit ko ang aking labi. Mabilis kong kinuha ang towel saka pinunasan ang mukha niya ng dahan-dahan.
Impit ang boses ko dahil natatakot akong marinig niya.
"Salamat" malambing na tono ng kanyang boses.
"Bitbitin ko na 'yung isa para naman worth it ang pagpunta ko rito" masigla kong sambit pero iniwas niya sa akin iyon ng kukunin ko sana.
"Ah. Ano..." maikli siyang tumawa.
"Huwag ka ng mahiya", sabi ko.
"Mabigat..."
Umiling ako. Kinuha kong muli iyon at binigay niya naman.
"Para saan pala ito?"
Unti-unti kaming nagsimulang maglakad. Tinatanya ko ang bawat hakbang niya dahil hindi ko alam kung saan ba ito dadalhin. Kilala ang eskwelahan na ito pero ngayon lang ako nakapasok dito. Naging eskwelahan ito ni Jez pero kahit kailan ay hindi ko nagawang makatuntong dito noon.
"Sa organization namin"
Wala naman kaming napag-usapan na iba kaya tahimik kaming naglakad. Nasa tagiliran niya ko at hindi niya pansin ang pagtitig ko.
May tatlong grupo ng kababaihan ang tinignan ako mula ulo hanggang paa. 'Yung isa sa kanilang drawing ang kilay ay sinamaan ako ng tingin saka bumulong sa mga kasama niya. Syempre hindi ako padadaig kaya tinaasan ko sila ng kilay.
Pag-inggit, pikit!
Hindi kasi kayo Dyosa kagaya ko.
Tumingin lang ako ng diretso kay Wyn. Hindi alintana ang ilang beses kong pagtapilok.
"Ayos ka lang ba?" tumigil siya.
Inayos ko ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa aking mukha.
"Huh? Uh...Oo naman! Ayos lang ako!"
Nagpatuloy kami sa paglalakad ng may bigla ba namang tumalyang na soccer ball sa harapan ni Wyn. Muntik siyang mahagip nito.
"Thaddeus! Dahan-dahan ka lang!" naka unipormadong dilaw na pang sports ang lalaki. Malaki ang pangangatawan niya na parang body builder.
Kinuha niya ang bola sa harapan ni Wyn. "Pasensya ka na. Masyadong ganado ang bata ko ngayon"
Sinundan ko siya ng tingin. Si T.H ay uminom ng tubig sa plastik na bote saka pinaligo ang natira.
Para siyang model ng tubig. Nagslow motion ang ginawa niya sa mga mata ko.
Naudlot ang pagpapantasya ko sa kanya ng magtagpo ang mga mata namin. Para bang kakainin niya ko ng buhay.
Sinira niya ang bote habang nakatingin sa akin.
"Kaoree!"
Hinanap ko si Wyn na nasa malayo na pala.
"Sorry, Wyn!" napakamot ako sa aking ulo.
Muli akong bumaling kay T.H na ngayon ay inaayos ang medyas niya.
Sumunod ako kay Wyn ng napansin kong nagsimula na ang laro nila.
Binaba ko ang kahon sa mesang nasa unahan. Wala namang paki sa akin ang tatlong lalaking nandoon dahil nagbabasa sila pati na rin ang dalawang babaeng nag-aayos ng buhok.
May panibagong babae na pumasok sa loob. Mahaba ang buhok niyang nakapusod, may taling malapit sa mata at matangos ang ilong.
"Girlfriend mo?"
Humagikhik ako sa isang tabi.
"Hindi. Kaibigan ko lang"
Nawala ang saya ko sa sagot ni Wyn.
Nakareceive naman ako ng text mula kay Latrelle.
Latrelle
Punta ka sa gymnasium, o i-da-date kita.
Umusok ang tenga ko sa sinabi niya.
Ayo...
May panibago akong text na natanggap kaya binura ko iyon.
Marcus
Kaoree, ikaw muna ang pumalit sa akin. Wala rin kasi sina Tito at Tita. Semi-finals ngayon ng laro nina Latrelle. Babawi na lang ako sa'yo. Salamat.
Kinagat ko ng mariin ang labi ko saka kinuyom ang kamao ko bago nagtipa ng mensahe para kay Latrelle.
Oo na!
-Sent
Uminom ako ng marami sa aking tubigan bago nagreply kay Marcus.
Sige. Marcus. Ako ng bahala
-Sent