noveltoon logo noveltoon
A House With Heartthrobs

Chapter 45

Ch. 46 / 78 May 03, 2022

Hahalikan

Halos masuka ako dahil sa dami ng kinain naming tatlo. Nag-unli samgyupsal kami ng sumunod sa amin si Wyn.

Ang kwento sa amin ni Wyn ay may inasikaso lang siya tungkol sa donation na ibibigay ng pamilya niya sa isang organization na nangangalaga ng mga bata.

Hindi biro ang lakas ng kain ng tatlo kong kasama lalo na ni Latrelle. Gusto pa nitong kumain pero sinabihan siya ni Wyn na hindi magandang kumain ng sobra dahil gabi baka samain ang pakiramdam niya.

Nang pabalik na kami sa ospital ay umilaw ang cellphone ko sa gitna ng kwentuhan namin. Mga kwento tungkol sa mga multo at aswang.

"Nakakita na kong multo." Halakhak ni Marcus.

"Si Latrelle, multo. Tamang ghosting yan sa mga babaeng hindi niya gusto."

T.H

Maiwan ka muna sa labas. Mag-usap tayo.

Napalunok ang ako sa sinabi niya tila ba may sound pa ang lalamunan ko ng ginawa ko iyon.

Hindi ko nagawang magreply sa kanya dahil wala naman akong load. Kahit mag-open ng messenger ay hindi ko nagawa dahil mahina ang signal ko.

Umunang bumaba sina Latrelle at Marcus. Pumunta sila sa nagagandahang Santan na nakatanim sa tagiliran ng ospital.

Sumunod kaming bumaba ni Wyn.

Pinakiramdaman niya ko. "Sige na, Wyn.Umuna ka na."

Tumango naman siya saka pumasok sa loob. Tanaw ko ang matangkad at payat na lalaki na nakasandal sa kanyang kotse. Sinuklay niya ang sariling buhok gamit ng kanyang kamay.

Lumapit ako sa kanya. Ilang hakbang pa ay nagwala muli ang puso ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

Napatalon ako sa gulat ng hinawakan niya ang kwintas na nasa leeg ko. Pinagmasdan niya iyon na parang specimen.

Ang balat ng braso niya ang nagpakilabot sa buong katawan ko ng inabot niya ang dulo ng kwintas. Tinanggal niya iyon.

Kusang bumuka ang palad ko.

"Itabi mo 'yan. Mas bagay to' sa'yo."

Tahimik ako habang maingat niyang nilagyan ako ng kwintas sa leeg. Zodiac sign necklace iyon.

Binuksan niya ang kotse at nagmwestrang pumasok ako roon. Para akong robot pagdating sa kanya.

Wala kaming masyadong imikan pero parang konektado ang puso namin sa isa't-isa.

Mabilis kaming nakarating sa dalampasigan ng lawa. Doon ay may lanterns sa paligid.

"Simple lang ang naihanda ko."

Nagkalat ang mga sea shells sa buhangin. Alam ko naman na wala talagang buhangin rito pero ginastusan niya talaga.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at in-on ang pamilyar na kanta. Iyon ang kantang hindi ko malilimutan hindi dahil sa first time kong sumali ng contest. Kung hindi dahil kasama ko siyang kantahin ito na may malalim na lyrics.

Pinulupot ni T.H ang kamay niya sa bewang ko. Pinatong niya ang ulo ko sa dibdib niya. Para kaming sumasayaw.

Taimtim ang paligid dahil tulog ang lahat. Tanging ang ingay ng lawa ang sumasabay sa aming tugtog.

"Happy Birthday, Kaoree." Mainit na halik sa noo ang ginawad niya sa akin.

Ilang linggo na ang nakalipas pero pag nagising ako tuwing umaga ay tila ba panaginip ang lahat.

Nakauwi na rin sina Lolita. Gusto pa sanang magtanggal kung hindi lang dahil may pasok si Lucky ay baka ginawa na nila.

Lalo pa't laro namin ngayon sa P.E. Ang napiling laro nila ay Soccer.

"Magso-soccer ka talaga? Sa patpatin mong 'yan?" Halakhak ni Latrelle habang nagsasalin ng kape sa tasa ni Marcus.

"Hindi ka naman kita inobligang manood ka. Si Marcus ang sinabihan ko. HINDI IKAW." Umikot ang mga mata ko saka kinuha ang aking bag na nakapatong sa mesa.

"Oy! Saan ka pupunta?" pagpigil nito.

"Malamang sa school! Papasok na ko eh." Bumaling naman ako kay Marcus.

"Pahiramin mo ko ha." Bilin ko sa kanya. Sabi niya kasi sa akin ay papahiramin niya kong knee pad. Ang kwento niya sa akin ay dati siyang manlalaro ng soccer katulad ni T.H saka ni Yuan. Pero ngayon ay hindi na siya nakapaglaro dahil muntik na siyang ma-injure noon.

"Bakit kasi hindi ka na lang kay T.H nanghiram ha?" saad ni Jez.

"Eh. Nahihiya ako!"

Hindi naman ako makahiram kay T.H dahil palagi ako inuunahan ng hiya. Ilang beses niya na kong nahuling nakatayo sa kwarto niya at may badyang pagkatok pero hindi ko ginawa.

"Kailan ka pa nahiya girl? Kasing kapal ng foam ng bra mo ang mukha mo." Aniya Jez habang inaayos ang bb cream sa mukha niya. Napa-kapal kasi ang lagay niya.

Kaya humagalpak sa pagtawa ang dalawa. Umuna na lang akong lumabas dahil wala naman akong matinong makausap sa mga yon.

Dumating ang hapon ay ito na ang pinakahihintay ko. Iniabot sa akin ni Marcus ang knee pad niya sa room namin.

Nang pumunta kami sa field ay iniwan ko muna iyon sa loob ng bag ko upang gumamit ng comfort room.

"Uy! Good luck!" Hinalikan ako ni Melissa. Sila ang kalaban ko ngayon, ang ka-grupo niya ay sina Wanwan at Vanna.

Habang ako naman ay si Sasha. Hindi pa naman kami masyadong nag-uusap ni Sasha dahil may lihim na galit pa rin siya sa akin.

"Nako! Manonood si Marcus kaya good luck sa'yo!" Sabi ko habang nagpapalagay ng face towel sa kanya sa likod ko.

"Magpatalo na agad kayo! Kailangan ko ito para makapagpasikat sa kanya." Umikot ang paningin ko.

Bumalik kami sa field ng natapos kami sa pag-aayos. Nagmadali ako sa pagkilos ng nagtawag ang professor namin dahil magsisimula na ang kalaro. Grupo pa naman namin ni Melissa ang unang sasalang.

Nagkalat ang gamit ko ng hindi ko mahanap ang knee pad.

"Kaoree." Tawag sa akin ni Sasha.

"Ah. Oo. Ito na."

Malungkot akong tumakbo palapit sa gitna ng field. Tinanaw ko si Marcus na kunot ang noo ng tinignan ang tuhod ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Sorry, Marcus.

Nagsimula ang laro at sa amin ang unang bola. Buti na lang ay bihasa ako sa paglalaro ng sipa ball kaya basic lang ito sa akin.

Nakailang bangga sa akin si Wanwan dahil kami ang palaging nagkakatapat lalo na ng nasa kanya ang bola.

"Sorry." Ngumiwi siya.

"Wala yon."

Nabawi muli namin ang bola ng hindi sila nakakascore. Ako muli ang may dala. Tinatanaw ko kung kanino ko pwedeng ipasa. Sumenyas si Sasha kaya tumakbo ako ng mabilis palapit sa kanya ngunit...

"Aray!!!" Natumba ng kusa ang katawan ko. Namilipit ako sa sakit. Hawak-hawak ako aking paa.

Nasipa ni Wanwan ang paa ko. Malakas ang tamang ginawa niya. Imbis na bola ang masipa niya ay iba ang tinamaan.

Mabilis na lumapit sa akin si Melissa.

"Kaoree!!" hinawakan niya ang paa ko. Malaki ang bukol nito. Hindi ako magkamayaw dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Bruno! Buhatin mo si Kaoree! Dalian mo!" Tawag ni Wanwan.

Ngunit bago pa man siya sa akin makalapit ay binuhat ako ni T.H. Muntik pang sumabit ang ID niya sa pagitan ng katawan naming dalawa. Hindi niya alintana ang pagdumi ng puti niyang uniporme.

"Humawak ka." Wika niya sa baritonong boses.

Laglag ang panga ng lahat habang pinagmamasdan nila kaming dalawa.

Maraming bulungan sa paligid habang si Melissa na nasa likuran namin ay impit ang pagsigaw.

Pero ramdam ko pa rin ang sakit ng paa ko kaya hindi ko mapigilan ang hindi maglikot at umiyak sa mga bisig niya.

"Kapag umiyak ka pa ay hahalikan kita sa gitna ng karamihang tao. Kaya tumahan ka at dadalhin kita sa clinic."

Inipit ko ang aking labi. Hala! Sige! Halikan niya na lang ako.