noveltoon logo noveltoon
A House With Heartthrobs

Chapter 55

Ch. 56 / 78 May 03, 2022

Powder Room

Ang sarap naman sa likod ng higaan na to'. Umungol ako ng bahagya saka umiikot.

"Aray!" Saka lang bumukas ang aking mata ng nahulog ako. Hawak ko ang aking bewang habang kumakamot sa aking ulo.

Umikot ang tingin ko sa buong silid. Hindi naman ito ang bahay nila Melissa.

Ang ganda ha. Infairness. White ang buong silid. Cream ang makapal na kurtina at bahagya iyon na nakabukas.

May seashells na nagsisilbing design ng pader at mayroon pang painting sa tapat ng kama.

Napansin ko ang kulay brown na bricks. Papunta iyon sa maliit at bukas na comfort room. Aba, pangmayaman.

Kumamot muli ako sa aking ulo.

"Aba, teka. Nasaan naman kaya ako?"

Ano bang ginawa ko kagabi? Inalog ko ang aking ulo. Aish! Wala akong maalala.

Lumapit ako sa malaking salamin baka sakaling maalala ko ang ginawa ko kagabi. Hinigit ko ang kahoy na upuan nito.

Pero mukhang hindi iyon epektibo."Gosh! Anong nangyari sa Dyosa kong face!"

"Buti gising ka na, Kaoree." Napatalon ako sa gulat ng makita si Wyn. Tanging kalhati lamang ng katawan nito ang may cover.

Wala man six packed abs at flat lang tiyan pero bakit parang ...

Lumunok ako saka ngumiti ng bahagya.

Ang yummy niya. Pero no...

Kaoree, ikalma mo ang sarili mo sa bagay na hindi mo dapat gustuhin.

"Hindi ako gising Wyn nanaginip lang ako."

Kinurot niya ang dulo ng ilong ko.

"Nakakatuwa ka talaga." Kung nakakatuwa ako bakit hindi siya tumawa?

Pero teka nga... kung ako at siya ay nasa iisang kwarto. Hinimas ko ang baba ko.

Lumunok ako ng ilang beses.

Wait, Kaoree. Humanahon ka. Hindi mo sinuko ang Dyosa mong perlas.

Sabi ni Jez, masakit daw sa bandang gano'n. Huminga ako ng malalim. Pinakiramdaman ko ang aking sarili.

Okay, hindi naman masakit sa bandang gano'n. Safe.

Malisyosa lang talaga ako.

"Ah, lalabas na lang ako para makapagbihis ka."

"Dumiretso ka na sa kusina at kumain ka." Ngumiti siya na parang isang anghel.

Pinihit ko ang door knob at sa wakas ay nakalabas ako. Napasandal ako sa pinto dahil sa malakas na pagkabog ng dibdib ko.

Tumilapon ako ng kaunti dahil sa pagbukas nito. Mabilis akong tumayo saka inayos ang sarili ko.

"Ayos ka lang ba, Kaoree saka anong ginagawa mo sa likod ng pinto?" Worried ang mukha niya.

"Ayos lang ako. Saka kaunting walling. Alam mo na..." pilit akong tumawa. "Ginaya ko lang 'yung napanood ko sa TV." Awkward kong sagot saka umayos ng pagkakatayo.

Kumamot siya sa ulo. "Suklay nga pala para maayos mo ang buhok. Pagkatapos mong kumain saka ka pumunta ng powder room. Nandoon lang iyon malapit sa kusina."

Tumango-tango ako habang pinagmamasdan ang brush niyang binigay sa akin.

Powder room ha. Ano na namang gagawin ko sa powder room?

Dumiretso ako sa kusina at naghila ng upuan. Mahalimuyak ang amoy ng sinigang na hipon. Mayroon pang bacon na prito.

Umingay ang tiyan ko. "Okay. Kakain na ko."

Kinse minutos ang nakalipas at natapos akong kumain. Hindi ko akalain na mauubos ko ang isang bowl ng ulam.

Baka wala ng ulam si Wyn! Nako po!

Tumayo ako at sinilip ang kaserola.

Salamat at mayroon pa.

Naglakad-lakad ako sa makipot na daan.

Ito na kaya 'yung powder room? Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang maliit na lababo.

Mukhang hindi. Wala namang laman na powder. Pero ayos din ha. May salamin. Dito na lang ako mag-aayos ng sarili.

Sinuklay ko ang buhok ko. Sa unang higit ay maganit. Inulit kong muli. Aba, ayaw talaga. Hinigit kong muli iyon matapos idaan sa gula-gulanit kong buhok.

Tumilapon ang brush at humiwalay ang mga ngipin nito sa mismong kahoy na nilagyan nito.

"Kaoree! Nasaan ka!" Boses iyon ni Jez.

Pumikit-pikit ako at nagmadali sa pag-ayos ng brush na suklay pero huli na ang lahat.

"Girl, ano ba yang ginagawa mo! Saka napano ka? Bakit ganyan ang itsura mo? Hindi ka namasukan sa amin para magmukhang pulubi."

Inalalayan niya ko sa pagtayo at kumuha siya ng suklay sa kanyang bag.

"Anong shampoo mo?" Kita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Rehope that smoothens and gives silks to our hair." Confident kong sagot.

"Rehope naman pala. Eh, bakit parang bareta ang gamit mo?" Umikot ang mga mata niya.

Mabilis kong kinuha ang suklay sa kanya. "Ako na nga! Puro ka lait eh."

Hinayaan niya lang ako. Pinanood niya ko habang nakakrus ang kanyang mga braso.

"Nalaman ko ang eskandalo na kinasangkutan mo kagabi."

Pumihit ako sa kanya habang inaalis ang buhol ng buhok ko. "Anong eskandalo? Grabe ka naman sa salitang kinasangkutan parang pumatay ako ng tao."

"Gaga! Bakit ka naman kasi naglasing ka kagabi!? Nagmukha ka pang desperado. Luka-loka!"

Tumigil ako sa aking ginagawa. Tumulala ako sa salamin. Hinayaan kong magloading ang utak ko hanggang sa...

Bumulalas ako. "JEZ! AYOKO NA!"

"Gaga ka! Lalaki lang 'yon! Tanga. Ang daming lalaki sa mundo!"

Bumagsak ang balikat ko. Nanghina ako sa sinabi niya. Basta ang alam ko lang nadala ako sa dami ng alak na ininom ko. Idagdag pa ang sakit na nararamdaman ko. Malamang iyon ang nag-udyok sa akin.

Niyakap ako ni Jez saka hinagod ang aking lingkod.

"Akala ko pa naman si Wyn ang bet ng petchay mo. Nakakagulat. Akala ko naman option mo lang si T.H."

Ngumiwi ako. Hindi ko rin alam kung paano ko siya nagustuhan. Siguro kasi iba siya talaga. Iba 'yung pinararamdam niya sa akin.

"Dalian mo na dyan. Mayamaya ay babalikan ka nina Melissa."

Matapos kong magsuklay ay pinagpalit ako ng damit ni Jez. Mabuti na lang talaga at binili niya ko.

"Tandaan mo, a-attend ka pa sa engagement party nina T.H at Rosella. Act prim and proper."

Tumingin ako sa kanya. Gusto niya talaga akong masaktan.

"Alam ko yang nasa isip mo. Sinabihan lang kita dahil ayokong magmukha kang desperada. Obviously, girl. Hindi na ikaw ang gusto ni T.H. What I mean is tama 'yung sinabi mo sa video. Past time ka lang niya." Inayos niya ang bb cream na nilagay niya sa mukha ko saka ang pink na lipstick sa labi ko.

"Anong video?"

"Hello! Trending na kayo sa YT dahil sa kagagahan niyo sa isang lalaki."

Mabilis kong kinuha ang cellphone niya sa side table.

"Huwag mo ng tignan. Marami ka lang na mababasang nega! Ma-i-stress ka lang!"

Humalakhak ako saka nagflip ng buhok.

"Jez, ano ka ba!? I can handle naman. Saka titignan ko lang kung ilang subscribers ang makukuha ko kapag naggawa ako ng YT. Malay mo naman yumaman ako dahil dyan!"

Naningkit ang mga mata niya. "Mag-isip ka nga ng tama. Hay nako!" Bumuntong-hininga siya.