noveltoon logo noveltoon
A House With Heartthrobs

Chapter 44

Ch. 45 / 78 May 03, 2022

Kumain

"Uuwi rin kami kinabukasan, Apo." Aniya Lolita.

Nakatingin lang ako sa kanya habang pinagmamasdan siyang kumain. Kitang-kita sa mga mata niya kung gaano siya kasaya lalo pa ng nakipagkwentuhan sa kanya si Jez.

Sandali akong tumayo upang alalayan si Melissa dahil kanina pa siyang nahihilo. Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagkalabit ni Jez sa aking tagiliran.

"Dahan-dahan lang." Ani ko.

Binigyan ni Marcus si Melissa ng tubig. Umikot ang mga mata ko sa kung paano lumiwanag ang awra nito.

"Siguro magiging ayos na ang lagay niya." Bulong ko sa aking sarili.

"Girl!" si Jez na kanina pa akong kinakalabit.

May bahid na pag-alala sa mga mata niya. Hindi siya mapakali dahil pabalik-balik ang paglakad niya.

"Ano bang problema?"

"Nagtanong si Lolita kung nasaan sina Tita. Lakad! Ikaw ng bahala!"

Sinampal ko ng mahina si Jez sa mukha niya. Kumunot ang noo nito.

"Walang ganyanan! Baka matanggal ang bb cream ko!" agad niyang kinuha ang bb cream sa bulsa ng polo niya. Umiling na lang ako.

"Pwede naman kasing kumalma!" iniwan ko siya roon kasama si Melissa.

Magkatabi sila pareho. Pa-simple pang naglagay ng lipstick si Melissa. Narinig ko pa ang sinabi niyang nahihilo pa rin siya. As usual, ang mukha ni Jez ay hindi maipinta dahil sa paghilot ng kaibigan niyang si Marcus sa noo ng kaibigan ko.

Lumapit ako kay Lolita na iniwan ni Lucky upang kumuha ng panibagong pagkain.

"Nasaan nga pala ang Nanay at Tatay mo?"

Bawat pagsubo niya ng spaghetti ay pagtulo ng pawis ko. Tila buo-buo ito na galing sa aking noo. Hindi ako makahinga ng ayos.

Tumingin ako sa gawi nina Jez. Nagmwestra siyang tignan ko ang aking cellphone.

Jez Ganda

Sabihin mo na ang totoo kung ayaw mong sa iba pa niya malaman.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko tila ang ingay sa paligid ko ay naglahok-lahok. Nakabibingi. Nakalilito

Mariin akong pumikit para kalmahin ang sarili ko.

"Kaoree, apo?" Inalalayan ako ni Lolita sa pag-upo. Ngayon ay nangining ang kamay ko pati ang aking tuhod.

Sa tagiliran ng mga mata ko ay nakita kong palapit si Latrelle.

"Tubig, lugaw girl." Kumindat siya. Tss.

"Latrelle, pwedeng iwan mo muna kami?" Agad naman siyang tumango.

Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Lolita tila ay nasa hot seat ako. Hindi ko alam paano ko sisimulan lalo pa't sayang-saya siya habang pinagmamasdan ang buong paligid.

Tumingin siya sa kanyang relos. Alam ko kapag gano'n ang ginawa niya. May hinihintay siya. Alam ko hinihintay niya sina Mama at Papa. Lumayo ako ng tingin, hindi pwedeng ganito na duwag ako.

"Lolita..." Nanuyo ang lalamunan ko at kahit anong oras ay para bang uurong ang dila ko.

"Si—sina Mama at Papa... matagal na silang wala."

"Bakit? Malayo ba ang trabaho ng Tatay mo at kailangan ka nilang iwan pareho sa mga lalaking ito?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya lumuhod ako. Sa kandungan ni Lolita ay doon bumuhos ang luha ko.

"Lolita, sorry. Patawarin mo ko. Hindi ko nailagtas sina Mama at Papa. Matagal na silang patay. Parehas silang nasawi nang dahil sa sunog."

Sunod-sunod ang paghikbi ko.

"A..ano kamo?" Hawak-hawak ni Lolita ang dibdib niya.

"Matagal na pong wala sina Mama at Papa. Lolita, pasensya na kasi—"

"H-hindi a-ako m-makahinga."

"La!!!" mabilis na pumunta si Lucky sa aming pwesto.

Nawala na rin ang masayang music background. Ang lahat ay nagpanic. Isa-isa silang lumapit sa amin. Abot-abot ang luha sa pisngi ko.

"Lolita!" sigaw ko.

"Shh. Kaoree. Nabigla lang si Lolita." Hinagod ni Jez ang likuran ko.

Binuhat ni Lucky si Lolita sa loob ng kotse ni Latrelle. Habang nasa sasakyan ay pinapaypayan ko siya.

Hawak-hawak pa rin ni Lolita ang kanyang dibdib. Nilakasan ko ang aircon pero hindi ito nakatulong sa kanya.

"Latrelle! Bilisan mo!"

"Mababangga tayo, Kaoree."

"Lolita, magiging ayos rin ang lahat." Hinalikan ko ang noo niya.

Napapikit na lang siya.

Alas nueve ng gabi ng nagising ako dahil sa hagikhikan.

Kinusot ko ang aking mga mata nakatulog pala ako sa tabi ni Lolita habang binabantayan siya. Ang sabi ng Doktor ay stable ang lagay niya at pwede ng lumabas bukas ng tanghali.

"Ang ingay niyo. Nagising tuloy si Kaoree." Saway ni Jez, sa dalawang lalaki na naglalaro ng Uno.

Kinaltukan ni Latrelle si Marcus sa ulo dahil natalo niya ito.

Luminga ang mga mata ko sa paligid.May prutas sa tagiliran ng side table pati mga fruit juice.

"Bigay yan Ate nu'ng T.H at saka ni Wyn." Wika ni Lucky na bagong tayo galing sa maliit na sofa.

"Masakit yata ang ulo ko." Malat ang boses ni Lolita.

Tumakbo ako upang yakapin siya.

Huminga siya ng malalim. "Ano ka ba naman, Apo? Ayos lang ako. Pero hindi ko nagustuhan ang ginawa mo."

Kinagat ko ang aking ibabang labi.

Lumandas ang kaunting luha galing sa kanyang mga mata. "Pagkalabas ko ay pwede ba natin silang dalawin."

Tumango ako. "Lolita, hindi ko gustong itago iyon sa inyo. Ayoko lang na may mangyaring masama sayo."

Hinaplos niya ang braso ko. "Karapatan kong malaman iyon, Apo. Saka paano ka? Gusto mo bang manirahan na lang kasama namin sa probinsya?"

Nagkatinginan kami ni Jez. Pilit siyang ngumiti. Tumingin ako sa dalawang lalaki na abala sa kanilang ginagawa.

Bukod sa mahirap ang buhay roon ay hindi ko pa sila kayang iwan.

Lalong-lalo na...

si T.H...

Yumuko ng mapagtanto kong wala siya rito sa tabi ko.

"Lolita, hindi pa po sa ngayon. Ang mahalaga ay nasusuportahan ko po kayo sa mga gastusin. Lalo na at nag-aaral pa rin si Lucky."

Hindi namin kakayanin ni Lolita sa probinsya lalo pa't malapit ng magkolehiyo si Lucky. Hindi ko pa nga naitatanong sa pinsan kong ito kung ano ang gusto niyang kunin na course kapag nagcollege na siya.

Nang si Jez naman ang nakipagkwentuhan kay Lolita ay lumabas ako upang pumunta sa dalanginan ng ospital.

Lumuhod ako upang magdasal. Nagpasalamat ako sa biyaya ng Diyos.

Pagkalabas ko ay napadalawang-tingin ako sa lalaking naka v-neck shirt, at kumikinang ang piercings niya.

Bigla siyang nawala ng may humarang na matanda sa harap ko.

Alam ko nandoon lang siya sa may counter. Parang pamilyar siya.

"Pst! Lugaw girl. Date muna tayo."

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking parang kabute na sumulpot sa harapan ko.

"Ibig kong sabihin kumain muna tayo. Tara. Libre ko." Hindi pa man ako nakasasagot ay hinigit niya ko palabas.

Sumunod si Marcus na ngayon ay nasa likuran ko.

Pasakay palang kami ng kotse ng may humawak sa braso ko. Umangat ang tingin ko sa kanya.

Hindi ko siya maaninag ng ayos dahil masyadong madilim ang pwesto namin. Mataas ang puno na hinarangan ang liwanag ng buwan.

Kumikinang ang kwintas nito at amoy niyang mamahalin ay pamilyar ako kung sino siya.

"Ehem." Pagbasag ni Marcus sa katahimikan naming apat.

"Bakit T.H?" Tinitigan niya kong mabuti at tumitig siya kay Latrelle. Unti-unting lumuwag ang hawak nito sa braso ko.

Hinigit ako ni T.H papunta sa kanya. Muntin akong mapayakap sa kanya kaya gano'n na lang ang kaba ko. Naghuramentado ang puso ko.

Hinawi niya ang buhok ko sa may tenga na talaga namang naging sanhi upang tumaas ang balahibo ko.

"Kumain ka ng matiwasay kasama sila at pagkatapos niyan sa akin ka na ulit." Ngumisi siya. Hindi para sa akin iyong kung hindi kay Latrelle.

Awtomatikong tumango ako na parang robot. Napalunok ako ng tinalikuran ko siya.

"Anong sabi sayo?" nag-aalalang sambit ni Marcus.

"Huh? Uhm.." Kumamot ako sa ulo.

"Kumain lang daw tayo. Tara!"

Kahit na nakasakay na ko sa loob ay nandoon pa rin si T.H. nakapamulsa. Bumalik siya sa kanyang kotse ng napagtanto niyang malayo na kami.