T.H and Latrelle
Sabay-sabay kaming umuwi bago magtanghali. Ang lahat ay tulog sa sasakyan maliban sa driver at sa akin. Ako lang yata ang may maayos natulog sa kanila. Sino ba namang hindi magiging mahimbing ang tulog kung isang T.H Manzriel ang katabi?
Idagdag pang may date kami mamaya kaya dapat umidlip ako kahit kalhating minuto. Malayo pa naman ang biyahe kaya makababawi ako sa pagod ko kahapon. Hiniga ko ang aking ulo sa balikat ni Melissa na nakapatong naman ang ulo sa may bintana ng sasakyan. Nakanganga siya habang natutulog at may kaunting laway ang lumabas mula sa kanyang bibig kaya naman pinunasan ko iyon ng gamit ng panyo.
Niyakap ko siya gamit ng isa kong kamay at siniksik ang sarili ko sa kanya. Habang si Jez naman ay pinatong ang hita niya sa akin. Para akong palaman sa tinapay dahil sa kanilang dalawa. Malakas ang hagok ni Jez pero hindi ko alintana iyon dahil inisip kong kailangan fresh ang aura ko mamaya sa date namin ni T.H.
"Dito na lang po kami, Manong!" Nagising ako sa sigaw ni Latrelle at sa pagpreno ng driver.
Nagstretch ng katawan si Marcus na katabi nito. "Ingat kayo!" Sabi ni Marcus sa dalawa. Unang lumabas si Wyn na kumuway sa akin at sumunod sa kanya si Latrelle.
"Kita-kits." Aniya.
Kumunot ang noo ko. Anong sinabi niyang kita-kist?
Babalik sana ako sa pagkakatulog pero hindi ko na nagawa. Sadyang nag-iisip ako sa mga bagay lalo na sa kung anong mangyayari mamaya sa date namin ni T.H. Hindi ko naman ito first date. Iba lang talaga kapag si T.H.
"Nandito na tayo." Sabi ni Sasha na nasa passenger sit.
Ilang beses kong tinapik ang dalawa kong katabi para magising. Masyadong malalim ang tulog nila. Kinusot ni Jez ang kanyang mga mata. "Finally! Magpapahinga muna ako sandali then gora na ako sa work ko." Sabi nito.
"Hay! Salamat!" Matapos na humikab ni Melissa ay nag-ayos siya ng kanyang buhok at saka bumaba sa sasakyan.
Ang dalawa pang kaibigan ni Sasha na si Drianne at Vanna ay nagpusod ng buhok bago bumaba ng sasakyan. Nagpasalamat kami kay Manong driver na naghatid at sundo sa amin. Patakbo akong dumiretso sa aking kwarto at nagpalit ng damit. Saka ako humilata sa aking kama.
Tinignan ko ang oras sa aking relo. May isa at kalhating minuto pa ko para magpahinga. Kasabay ng pagtakbo ng oras ang siyang palakas na palakas na kaba sa aking dibdib.
"Kaoree. Baka naman may gusto kang sabihin." Lumundo ang kama sa pag-upo ni Melissa sa tabi ko. Kakatapos niya lang makipagkwentuhan kay Marcus bago tuluyang puntahan ako sa aming kwartom
"May date kami ni T.H kaya ganito ako ngayon. Hashtag Dyosang excited!" Masaya kong sambit.
"Panindigan mo 'yan. Yan na kalandian at karupukan mo." Humiga siya sa tabi ko at binigyan ko siyang unan.
"Alam kong gusto niyo ni T.H ang isa't-isa pero sana linawin niya. Buti pa ang gatas may label. Pero 'yung sa inyo? When kaya?" Humalubaba siya at nakapatong ang siko niya sa unan.
"Hindi mahalaga ang label. Saka mas magulo pagnilagyan ng label. Okay na ko rito. Masaya ako. Masaya kami." Ngumuso ako habang nilalaro ang ilan sa mga hibla ng buhok ko.
"Gumising ka sa kahibangan mo. Kapag walang label hindi ka balak seryosohin ng lalaki. Pangpalipas oras ka lang. May kapit ka sa kanya." Katwiran nito.
Nakukuha ko ang punto niya na concern siya siya sa akin pero dito kami masaya. Saka hindi dapat i-demand ng babae 'yun sa lalaki. Ibibigay niya iyon ng may pagkukusa kaya ito ako naghihintay. Alam ko naman nahihirapan siya kay Rosella. Thoughtful lang si T.H dahil sa nararamdaman ng babaeng iyon.
"Mas madaling mag-let go kapag walang label. Mas masakit 'yung may label na nga kayo tapos iniwan ka rin." Isa pang sumagot siya ay lalabas na lamang ako at lilibangin ang sarili ko na makipag-usap sa magkakaibigang Sasha.
Tumalikod siya sa akin at nagkumot. "Hindi ko na alam sayo. Baliw ka. Mas okay pang matulog kaysa makipagtalo sayo." Pagod niyang sambit. Nagkibit-balikat na lamang ako.
Kinuha ko na lamang ang cellphone ko at nanood sa Youtube para magpalipas ng oras. Tumayo lamang ako ng nag-alarm ang aking cellphone. Naligo ako saka nagbihis. Pumili ako ng lavender dress at doll shoes. Naglagay rin ako ng ribbon clip sa aking buhok para cute tignan.
"Saan ang punta mo?" Tanong ni Yuan ng makita niya akong lumabas ng kwarto. Humihigop siya ng kape ng pinasadahan niya ko ng tingin mula ulo hanggang paa.
Ngunit bago pa man ako makasagot ay inunahan ako ni Marcus."May date sila ni Latrelle!"
"You should tell me! Next time ha! Sayang! Mas bagay sayo ang kulot! Mas papagandahin pa kita." Aniya Sasha na nagkakape rin katulad ni Yuan at katabi ni Marcus.
"Thank you, Sasha. O, sige na. Aalis na ko. Bye!" Nagflying kiss ako sa kanilang tatlo saka nagflip ng buhok.
Nagvibrate naman ang aking cellphone na nakalagay sa aking sling bag na white.
T.H
I am here.
Excited akong lumabas at ayon nga si T.H nakapamulsa habang nakasandal sa kanyang sasakyan. Naka V-neck shirt siya na kulay pink at naka khaki. Kumuway siya kaya kumuway rin ako. Tatawid na sana ako para masimulan na ang date namin pero…
"Hi, Gorgeous!" Aniya Latrelle na nagmistulang harang sa pagitan namin ni Latrelle.
Kababa niya lang ng tricycle at gulo ang kanyang buhok. "Nasiraan ako ng sasakyan kaya kailangan kong magcommute." Paliwanag niya habang nagpupunas siya ng mukha gamit ang kanyang panyo.
"O, anong concern ko roon?" Tanong ko. Tinanaw ko si T.H na nagsenyas na tignan ang aking cellphone.
T.H
Tell him we're going on a date.
Tumango ako ng ilang beses matapos mabasa ang kanyang text.
"Date natin di ba? Hindi mo ba naalala?" Malaki ang pagngiti niya.
"Uh. Mukhang nagkakamali ka kasi—"
"Latrelle, sorry. Can you respect our bro code?"
Ngumiti ng sarkastiko si Latrelle. "Oh come on! Bro code your ass! Teka nga. Anong ginagawa mo rito?"
"Obviously, we're going on a date." Pinulupot ni T.H ang kamay niya sa bewang ko.
"Well, if that's the case. Ka-date niya rin ako ngayong araw kaya sasama ako kahit ayaw mo." Mayabang na sambit ni Latrelle.
Tinignan ako ni T.H na para bang nagtatanong. "Uhm. Sige. Latrelle." Kabado kong sagot.
"O, gano'n naman pala! Eh 'di tara!" Nanguna pa si Latrelle na maglakad papuntang sasakyan ni T.H. Habang kaming dalawa naman ay sandaling nagkatitigan muna sa isa't-isa bago nagsink-in sa amin ang nangyari.
Parang masakit yata ito sa ulo.