Dyosa ng Marurupok
Ang lahat ay nakatulog sa van dahil sa aga ng gising namin kanina. Naalimpungatan ako dahil sa bahagyang pagpreno ni Manong Driver para umiwas sa motor na bigla na lang sumulpot galing sa kabilang kanto.
Nakarinig ako ng bahagyang pagbukas ng plastik ng chichirya. Lumingon ako mula sa aking kinauupuan. Halatang bagong gising palang si Jez habang unti-unting binubuksan ang paborito niyang chichirya.
"Uy! Ang damot ah!" Sabi ko sa kanya na kinagulat naman niyo kaya muntik niya ng mabitiwan ang bagay na hawak niya.
"Ang damot agad! Hindi ba pwedeng nag-alala lang ako na kapag humingi ka eh maubusan ako." Pagalit niyang sinubo ang chichirya.
"Pahingi naman ako! Para naman akong others!" Sabi ko. Kung alam ko lang na may dala siyang pagkain ay hindi na sana ako umupo katabi ng driver.
Pinilit kong abutin iyon pero kapos ang braso ko.
"Ayan, sige panindigan mong dyan ka sa unahan! Kung bakit kasi dyan ka umupo. Gusto mo laging nagdra-drama ka eh. Feel na feel ang view sa unahan habang iniisip mo 'yung tao iba ang gusto." Singhal niya sa akin saka inabot sa akin ang kinakain niya.
"Ano ba yan! Dami mo namang sinabi" reklamo ko. Nang naabot ko na ang pagkain ay umayos ako sa aking pagkakaupo.
"Huwag mong ubusin yan! Favorite ko yang Piatas na Red!" Bilin nito. Para siyang batang inagawan ng kendi dahil sa kanyang pagmaktol.
"Oo. Saka isa pa. Busog pa ko no. Titikim lang ako."
Nagningning agad ang mga ko nang tinignan ko kung gaano karami ang laman ng chichiryang kinakain niya. Unang subo ko ay kaunti. Pangalawa, tumikim muli ako. Pangatlo, hindi ko na napigilan basta masarap ito. Pang-apat nang...
"Hoy! Sabi mo hindi ka gutom! Tapos grabe ka ha. Nahiya ka pang ubusin to eh no."
Basta talaga sa paborito niyang pagkain ay madamot ang isang tao.
"Kaya hindi ako naniniwala sayo. Madalas kang clowning lalo na sa pagkain." Sabi nito saka tumawa.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa sinasabi nilang malaparaiso. Iniwan kami ng driver dahil kailangan daw siya ng kanyang Misis. Babalik na lang daw kapag natapos na kami. Kakilala naman siya ni Yuta kaya hinayaan namin si Manong saka mukha namang urgent ang paalam nito.
"Tignan mo nga naman! Kahit saan eh iba ang dating ng isang Latrelle Aurelius." Sabi niya nang tinanggal niya ang shades ng kanyang mga mata. Humangin naman ng malakas kaya napuwing siya.
"Ang sakit!!" Palirit nito na parang babae. Pinagtawanana siya ng mga babaeng dumadaan.
"Marcus! Hipan mo!" Utos niya sa kaibigan niyang abalang nakikipag-usap kay Yuta tungkol sa iba't-ibang pasyalan na katulad ng lugar na ito.
"Marcus!" Pero hindi pa rin siya pinapansin ng kaibigan niya.
Sa kabilang banda ng pasyalan ay tinignan ko sina Sasha. Sabi nila ay magbabanyo lang daw sila pero kanina pa silang hindi nakabalik. Ano na kayang nangyari sa mga yon?
Pati rin si Jez. Hindi kaya nagtampo siya dahil muntikan ko ng maubos ang chichirya niyang dala. Pero ang babaw naman. Ang mga Dyosang katulad namin hindi nagtatampo sa maliliit na bagay.
Sa kabilang parte ng kalsada ay mayroon pamilyar na kotse na bumaba. Bumukas ang unahan nito at ngumiti sa akin si Wyndery na nakasaklob. Maganda ang ngiti niya katulad ng suot niyang kulay dilaw na T-shirt na binagayan niya ng faded ripped shorta at tsinelas.
"Kaoree! Masakit ang mata ko! Pansinin mo ko!" Pagsusumamo ni Latrelle. Hanggang ngayon ba naman hindi niya pa rin maalis ang puwing sa kanyang mga mata.
Bu-buwelo pala ako ng paghipan ng nagsalita siya. "Teka nga." Nakapikit ang isa niyang mata.
"Bakit?" Pagtataka ko.
"Nagtooth brush ka ba?"Humagalpak ako sa tawa dahil sa tanong niya.
"Oo naman. Amoy Dyosa itong hininga ko. Baka nga pag naamoy mo gawin mo pang cologne."
Tumawa siya ng malakas kaya mas lalo siyang pinagtinginan ng mga taong dumadaan. "What a nice joke! O, siya. Hipan mo na ang mata ko."
Yumuko siya ng bahagya upang magpantay kami. Pinalapit ko pa siya at...
"Ako na." Hinila ako ni T.H at siya ang gumawa ng pinagagawa sa akin ni Latrelle.
Kumunot ang noo ng lalaking namumula ang mata sa lalaking nakatayo sa tabi ko. Parehas silang nakapamulsa at nagsusukatan ng tingin.
Naputol ang pagsukat nila sa tingin ng isa't-isa ng dumating ang isang babae, "I'm here na T.H" pinulupot niya ang kanyang mga kamay sa braso ni T.H.
"O, nandito ka na naman?" Tanong nito na tila naalibadbaran sa presensya ko.
Sigurado akong matapang lang ang babaeng ito dahil alam niyang may kakampi siya pero tiyak na kung kaming dalawa lang ay wala siyang palag.
"Oo, bakit triggered ka?" Ngumisi ako saka tinignan si T.H na nakaawang ang labi dahil sa sinabi ko. Bumalik ang tingin ko sa babaeng kasama niya.
"Hindi naman. Sorry, hindi ako na tri-triggered sa low class bitch." Ngumiti ang mapula niyang labi na parang kinagat ng sampung libong bubuyog.
"Kung hindi ka triggered bakit ganyan ang tono mo? Nangangamba? Baka maagawan?" Tinignan ko kung gaano kahigpit ang hawak niya sa braso ni T.H kumpara kanina.
"O, tama na yan. Mukhang mas mainit pa kayo sa pandesal na tininda kaninang umaga." Pagsingit ni Marcus sa pagitan naming dalawa.
"Magsisimula na tayo! Ihanda niyo na ang mga binti niyo!" Paalala ni Yuan Sakto naman ang pagdating ng mga kasama namin na tumambay pa yata sa banyo.
"Ah, akala ko kinain na kayo ng bowl." Sabi ko kila Melissa at Jez. Ang tatlo namang magkakaibigan ay sumabay kay Yuan na nasa unahan. Enjoy na enjoy silang nakikipag-usap sa magaling naming tourist guide. Halos yata ng lugar ay alam niya. Kung sabagay ay mamumundok kasi siya saka mandaragat, ayon sa kwento ni Marcus sa akin tungkol sa pinsan niya.
"Hindi. Nag LBM kasi si Jez" Lihim na hagikhik ni Melissa.
"Nanibago yata ako sa kape." Sabi niya habang nakahawak sa tiyan niyang rinig namin ang pagkulo.
"Sa susunod maggatas ka na lang. Ang choosy kasi ng tiyan mo." Sabi ko na lang sa kanya.
Nang nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad ay akala ko titigil kami kaya huminto muna ako sa hanay na puno ng mangga.
Lumundag ang puso ko at awtomatikong napaatras ng makita ko si T.H sa harapan ko. Lumunok ako kahit nanunuyo ang aking laway.
"T.H, baka hanapin ka ni Rosella." Sabi ko. Kasabay siya ngayon nina Latrelle at Marcus. Libang na libang siya habang nakikipagtawanan sa dalawa.
"Ano naman kung hanapin niya ko." Nagulat ako sa kakaiba niyang pagsagot. Unti-unti siyang lumapit saka bumaba ang tingin niya sa labi ko na nagpatibok ng malakas sa dibdib ko. Dumako ang mga mata niya sa mga mata ko na at tinitigan ko. Namalayan ko na nalang na nagpantay kaming dalawa.
Ang paghinga niya ng malalim at dahan-dahan ay ramdam ko sa aking tainga. "Kaoree, let's..."
"Gosh! My eyes! Anong kalandian ito!" Parehas kaming nanlaki ang mga mata ni Jez. Gusto ko siyang batuhin.
Masyadong mabagal magproseso ang utak ko. Ano bang magandang pambato? 'Yung sanga ng puno na nakaharang sa daan o 'yung maliliit na bato na malapit sa paa ko.
"Maiwan ko na kayo." Sabi ni T.H. na para bang wala lang yung ginawa niya. Para namang nakawala sa pagkakatali ang puso ko kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Hoy! Ang rupok mo!" Hinampas ako ni Jez sa braso. Para sa kanya ay mahina iyon pero bumakat ang mga kamay niya.
"Hindi naman sa marupok saka nag-usap lang." Katwiran ko saka pinagpatuloy ko ang paglalakad para makaabot sa aming mga kasama.
"Ay! Grabeng pag-uusap yun ha! Usap? Tapos gano'ng kalapit! Iba ka talaga, Kaoree!" Sabi nito at nagsabi kami sa huli niyang sinabi.
"Dyosa ka ng marurupok!" Nag-apir kami saka humagalpak sa tawa.
"Pero seryoso ha. Huwag ka ng papabiktima sa kamandag ni T.H." Babala niya.
"Ay, sorry! Gusto kong maging biktima!" Tumawa muli ako ng malakas.
"Ay! Shunga ka talaga. Alam mo ewan ko sayo basta sinabihan na kita!" Muli niyang paalala habang naglalagay ng BB cream sa kanyang mukha.