noveltoon logo noveltoon
A House With Heartthrobs

Chapter 54

Ch. 55 / 78 May 03, 2022

Alaga

Habang lumilipas ang oras ay parami ng parami ang tao. Hindi ko na rin maaninag kung nasaan ang mga kasama ko.

Sa gawing kanan ko ay may magkakaibigan na babae ang um-order ng tequila. Humagikhik ang isa sa kanila na nakasuot ng dangling earrings. May lumapit kasing lalaki sa kanya.

Long-hair, matangos ang ilong na nakasuot ng sleeves. Depina ang muscles ng katawan nito dahil fitted.

Nagkantyawan ang mga kasama niya dahil tila yata kinukuha ng lalaki ang phone number nito.

Dahil sa aking pagkainip ay umorder din ako ng tequila. Hindi naman tumagal ang dating ng order kaya naman nalasap ko agad ang lasa nito. Mapait na hindi ko maintindihan ang lasa.

Napangiwi na lang ako sa tapang.

Namalayan ko na lang na nakikiindak ako sa saliw ng tugtog sa gitna ng dance floor. Hindi ko maalala kung ilang tequila ang inorder ko basta ang alam ko lang na manhid ako sa sakit na ginawa ni T.H.

Gumiling ako ng gumiling at tumigil lang ako ng may pamilyar na haplos ang humawak sa aking braso. Ang unang dampi nito ay marahan pero hindi ko inalintana iyon.

Sa pangalawang pagkakataon na ginawa niya ay hinila niya ko palapit sa kanya.

"Sinong kasama mo?" Matapang ang baritono niyang boses.

Napangiti ako ng makita ang mukha niyang dinepina ng party lights.

"Ikaw kailan mo ba ipapaliwanag sa akin? Anong meron sa inyo ni Rosella?"

Nakatitig lang siya sa akin. Umalon ang Adam's Apple nito. Ilang minuto akong naghintay para sa sagot niya pero bigo ako.

"Okay lang. Inaasahan ko naman na wala kang matinong isasagot."

Naglandas ang kaunting luha mula sa mga mata ko.

"Ikaw na naman? What a small world?" Sandali akong nagulat sa babaeng nakacrop top at maikling ripped shorts. Yumakap siya kay T.H habang nakatingin sa akin.

Hinimas niya ang pisngi ni T.H na para bang kinikiliti niya rin ito. "Ginugulo ka ba niya T.H? Sabi ni Wanwan ay kaibigan mo lang daw ang babaeng to'? Is that right?" Maarte ang tono ng boses niya.

Hindi makatingin ng ayos sa akin si T.H. Hinawakan niya sa braso si Rosella.

"Umalis na tayo." Malamig na sabi nito pero hindi nagpaawat si Rosella.

"Hindi pwede. I'm enjoying the party right now. Saka mukha naman kaming magkakasundo ni Kaoree." Tumaas ang kilay ko.

Feeling niya naman.

Mayaman lang siya kaya siya naging maganda.

Kung mahirap siya. Tiyak na wala siyang pang skin care kaya hindi siya pwedeng magfeeling na magiging close kami.

Isa pa, ang pinakamasakit sa lahat ay...

Ayoko na ngang isipin yon.

Iniwan ko silang nagtatalo. Bahala sila. Basta ako, iinom lang ako.

Walang humpay akong uminom hanggang sa tuluyan na kong tinamaan.

Luminga-linga ako sa paligid. Ayon, palapit si Melissa sa akin. Buti naman at nandito na siya.

"Melissa, halika. Samahan mo ko."

"Saan?"

"Basta sumama ka!" Hinigit ko siya palapit sa pwesto kung nasaan sina T.H at Rosella kasama ang ilan pang kaibigan nila.

Kahit hindi malinaw ang mukha nila sa aking mga mata ay malinaw naman sa isip ko kung anong gusto kong gawin.

"Girl, ano ba! Anong gagawin mo!"Pagpigil sa akin ni Melissa.

"Basta dyan ka lang. Kailangan kita. Tumayo ka lang dyan."

Huminga siya ng malalim. "Okay. Basta siguraduhin mo lang wala kang gagawin na masama?"

Ngumisi ako saka tumango.

"Hoy, Thaddeus Manzriel!" Nanlaki sandali ang mata niya. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Kung talagang mahal mo ako sabihin mong mahal mo ako! Gago ka pala! Nilandi mo ko tapos hindi mo kayang panindigan."

Lumapit na rin sa akin si Melissa. Pero tinulak ko siya. Bumaling muli ako kay T.H at hinawakan ang kwelyo ng damit niya.

"Ano ko? Past time? Gago ka ba? May girlfriend ka pala tapos nilandi mo ko! Nasa loob pala ang kulo mo! Ang landi mo! Ang landi-landi mo!" Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Lalo ng niyakap niya ko habang binibigyan ko siya ng sunod-sunod na suntok.

"Tanga! Huwag kang mangyakap! Hindi naman tayo nasa ring para mangyakap ka!" Humagulgol pa ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko.

Napakawalang isip ko. Hindi muna ako nagtanong kung gusto niya ba ko? Kung mahal niya ko. Basta na lang akong nag assume out of nowhere. Tanga ka kasi, Kaoree.

Okay, Kaoree. Kahit maganda, minsan nagiging tanga.

Pero hindi! Sobrang kahihiyan ito.

Sa tagiliran ng mga mata ko kita ko kung paano ako pagchismisan ng mga kaibigan ni Rosella at siya.

Tumayo siya saka dahan-dahan na pumalakpak. "Ang pathetic mo naman. Kawawa ka naman. Umasa ka palang magugustuhan ka ng boyfriend ko? Hindi nga tayo magka-level eh. Tapos magugustuhan ka niya?"

Napuno ng tawanan ang paligid ko. Ang karamihan sa kanila ay vini-video pa ang nangyayari.

"Ibig sabihin pala, mababang-uri ng babae ang gusto ni T.H na kagaya mo? Sabagay, may point ka nga kung bakit ikaw ang gusto niya."

Tumango-tango at nag woah ang lahat sabay ang masigabong palakpakan.

"You should pay for what you have said!" Nagtagpo ang drawing niyang kilay at umusok ang ilong niya.

Hinigit niya ang dulo ng buhok ko hanggang sa nauwi ng sabunutan.

Hinigpitan ko ang hawak ng buhok niya dahil sa matinding paghawak niya rin sa akin na tagos sa aking anit.

Natigil lang kami ng dumating sina Marcus, at Wyn.

Hinawakan ako ng dalawa. Habang si Rosella naman ay hinawakan ni T.H.

Pinakalma kami pareho at pinaglayo.

Yumuko ako tila may kung anong gustong kumawala sa sikmura ko.

"Kaoree, ayos ka lang ba?" Tanong ni Wyn habang tinutulungan akong ayusin ang gula-gulanit kong buhok.

Si Marcus na kaninang nasa tabi ko ay kinausap si Melissa. Halatang problemado ang kaibigan ko dahil sa kung paanong kumamot siya sa kanyang ulo.

"Kaoree!" Hayag ni Wyn ng nagsuka ako sa sahig.

Ngumiti ako. I'm wondering kung anong itsura ko ngayon. Nakakadiri.

"Sorry."

"Wyn, ako na." Aniya ni T.H na parang kabuteng sumulpot sa harapan ko.

Akmang hahawakan niya na ko sa braso ng tinabig iyon ni Wyn.

Napanganga ako sa ginawa niya. Sumeryoso ang awra nilang dalawa at nangungusap ang mga mata nila sa isa't-isa.

"Ako ng bahala sa sarili ko."

Pinilit kong maglakad. Umikot ang paningin ko kaya bahagya akong nawalan ng balanse.

"Kaoree. Sumakay ka na sa likod ko."

Nagdalawang-isip ako sa sinabi ni Wyn. Sa huli ay sumakay ako sa likuran niya.

Napapikit ako ng unti-unti hanggang sa naramdaman ko ng lambot ng kama sa aking likod ng dahan-dahan niya kong hiniga.

Hindi ako makamulat dahil hindi lang katawan ko ang bagsak kung hindi ang mga mata ko.

Nilagyan ko ng comforter at inayos ang ilang hibla ng aking buhok na humarang sa aking mukha.

Humikab ako at siniksik ang mukha ko sa unan. Binalot ng antok ang aking sistema.

"Kung hindi ka niya kayang alagaan. Ako ang gagawa." Ang huli kong narinig bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.

Hindi ko alam kung panaginip iyon, o ilusyon iyon.