Paint
Pinuno ang limang araw ko ng pagpra-practice namin ni Aviel. Mabuti na lang at magaling siyang maggitara saka kumanta.
Dito kami malimit magpractice sa kanila dahil ang Mama nito ang naggu-guide sa amin sa pagkanta.
Matapos niya kong abutan ng tubig ay sumulpot si Latrelle sa harapan ko kasama si Marcus. May dala silang meryenda.
Saktong wala ang mga magulang ni Aviel ay wala ngayon. Tanging siya at kapatid niyang bunso lang ang nandito kaya wala kaming meryenda.
Binaba ni Latrelle ang dala niyang basket saka inilabas ang pamilyar na tupper ware.
Umupo naman si Marcus doon saka naunang kumuha ng cup cakes.
"Pareng Aviel, kain!" pa-feeling close itong si Latrelle. Minsan niya na kasing nakausap ang lalaki ng dalawang beses kaming magpractice sa bahay ng limang lalaki.
"Salamat!" aniya Aviel saka sumenyas na pumunta kami roon.
Kumuha ako ng cupcake at tila may nagbalik sa alaala ko. Tumigil ako sandali kaya tumigil din si Marcus sa pagkain.
"Ayaw mo ba? 'Di ba malakas kang kumain?", sabi nito na sadyang kinasingkit ng mga mata ko.
"Sa akin ba talaga to'?" naalala ko kasi 'yung kinain ko ang hindi para sa akin.
Taka naman siyang tumango saka nilagay ang spaghetti sa harap ko. Bakit ang dami naman yata nilang pagkaing dala?
Mayroon pang leche flan, ube saka ice-cream. Ano ba to' fiestahan?
"Oo, dinalhan ka namin. Abala ka kasi sa practice mo eh. May hindi ka naalala", sabi nito habang nagpupunas ng tissue.
Si Latrelle ay naglaro ng bola sa maliit na court nila Aviel. Mabuti naman na abala siya roon kaysa kulitin ako.
"Ano ba 'yun?" sabi ko.
Umismid siya saka nagpatuloy sa pagkain. Kumain na lang din ako at hindi inaalala ang sinabi niya. Nag-usap kami ni Aviel sa kung paano ang magiging sagot namin sa pageant.
May kunong questions na ginawa ang Mama niya para makatulong sa amin. Supportive ang Mama niya sa kanya. Habang palapit ng papalapit ang pageant ay kinakabahan ako. Dalawang araw na lang ay isasalang na kaming dalawa.
"Wow? May handaan?" sabi ni Melissa matapos na ibaba ang shoulder bag niya sa upuan na katabi ko.
"Muntik kang ma-late", ngumuso ako. Ka-grupo ko si Melissa sa isang subject kung saan magrereport kami kasama si Aviel. Si Wanwan ay dapat sanang sa amin kaso pinalitan ni Ma'am, kaya si Sasha ang naging ka-grupo namin.
"Nasaan si Sasha?" tanong ko sa kanya. Pero imbis na unahin ang pagsagot ay kumuha siya ng pagkain..
Nagngitian sila ni Marcus. Ay? May ngitiang nagagaganap? Hindi ako na inform tungkol dito.
"May fiestahan ba rito?" tanong ni Melissa matapos na maginhawang umupo. Inayos niya ang asul niyang blusa at niluwagan ang sinturon niya.
"Wala naman. Kumain lang kayo" aniya Marcus na ngayon ay abalang naglalaro ng Mobile Legends kasama si Aviel.
"Ano kayang oras darating si Sasha?", gusto ko sanang matapos agad ang gagawin namin kaya gano'n na lang ang pag-alala ako. Alam ko namang matalino siya pero hindi valid reason na hindi siya pumunta.
Huling usap namin kanina ay magpapasalon siya kaya hindi siya makakapunta.
"Speaking of the devil", ngumuso si Melissa kung saan nandoon si Latrelle.
Nakipagtawanan si Sasha sa lalaki habang hawak-hawak ang mamahalin niyang bag. Mula rito ay kitang-kita ang kintab ng porselas niyang ginto.
"Hi, guys! Sorry I'm late", anito.
"Hi!", sabay-sabay naming sambit nina Amiel at Melissa.
Tinulungan muna nila kaming mag-ayos ng lakad pangrampa. Talagang bihasa itong si Sasha kaya umayos ang tindig ko kumpara noon.
"Be confident. Alam mo kahit hindi kita close susuportahan pa rin kita", ngumiti siya saka bumalik upang harapin ang laptop niya.
Hindi ko alam kung totoo iyon pero mukha naman dahil nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko ng sinabi niya iyon.
Napansin kong lumalayo si Latrelle sa kanya pero sadyang type talaga siya ni Sasha kaya palagi siyang nalapit sa binata.
"Type ka non", rinig kong sabi ni Marcus habang nag-aayos ako ng aking sintas. Tinukoy niya si Sasha na nakikipag-usap kay Melissa habang kumakain.
"Gano'n talaga paggwapo. Natural 'yun!" halakhak ni Latrelle sa tabi ko.
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng dalawa.
Kasalukuyan kasi akong nasa kabilang table malayo kila Sasha. Masikip na kasi ang table na iyon kaya ako na lang ang nag-adjust.
Itong dalawang ito ay sumunod lang sa akin.
"Eh hindi ka pa nga nagkakaroon ng girlfriend!", halakhak ni Marcus na parang wala siyang karatula sa kanyang pagkatao na NGSB.
"Hindi naman ako nanliligaw", sabi ni Latrelle na seryosong naglalaro sa kanyang cellphone.
Bakit parang cooking Mama ang nilalaro niya?
Pumunta ako sandali kila Melissa para tignan kung tama ang ginagawa ko. Konti na lang ay matatapos na kami.
"Sa dami ng may gusto sayo wala kang magustuhan", kumamot sa ulo si Marcus. "Tinanong sa akin ni Ate Laycee kung sino raw 'yung babaeng pininta mo"
Tumigil ako sandali sa pagtitipa. Nagpapaint pala si Latrelle ngumuso ako saka nagpatuloy muli sa ginagawa.
"Wala akong maalala sa tinukoy mo", patay malisyang sambit ni Latrelle saka nilagay ang cellphone niya sa mesa.
Mula sa tagiliran ng mga mata ko ay mukha siyang pagod na pagod. Halos yumuko na kasi siya sa pagkakaupo.
"Sa kwarto mo, may paint ka raw doon. Nakasulat K.R. Sino 'yun?" nagkrus ang mga braso ni Marcus.
Pwede na siyang pamalit sa The Buzz ni Tito Boy dahil sa intriga niyang magtanong.
Tawa ni Sasha at ang pagtitipa konsa laptop ang tanging namayapa sa buong paligid dahil sa mahabang katahimikan na naghari sa pagitan nilang dalawa.
Pakiramdam ko, pati ako ay na intriga. Malalim ang pag-ahon at sulong ng paghinga ko.
"Kaoree..." lumingon ako dahil akala ko tinawag ako ni Latrelle.
Nagtagpo ang mga mata namin. Seryoso siya saka nilagay ang isa niyang kamay sa likuran ng upuan ko habang ang isa ay sa tagiliran nito. Tila kinulong niya ko sa kanya.
"Kaoree... Kaoree Rogen ang ibig sabihin ng KR..." saka siya tumingin sa kaibigan niya. "...Marcus"
Nang mawala sa harapan ko ang mga bisig niya ay para bang nawala ang tusok sa dibdib ko.
Tinignan ako ni Marcus pabalik kay Latrelle. Hindi niya malaman kung tama bang nagtanong siya tungkol doon.
Nagfake smile na lang ako. Alam kong maganda ako pero hindi niya naman kailangang i-pinta ako.
"Ang purpose kasi ng paint na 'yun pangpaalis ng multo, Marcus. Eh, ito kasing Kaoree mas mukha pang multo kaysa sa kanila", kumunot ang noo ko sa sinabi niya na dahilan kung bakit kumurba ang ngisi sa labi niya.
"Huwag kang feeling! Kaya umaalis ang multo sa kwarto mo kasi may anghel silang nakita at iyon ay ang picture ko!"
Walang nagawa si Marcus kung hindi ang panoorin ang pagtatalo namin ni Latrelle.
"Mukha kang anghel?", halakhak ni Latrelle.
"Eh, mas mukha pang anghel 'yung aso ni T.H sa'yo!" hagalpak sa tawa si Latrelle sa sarili niyang sinabi kaya nakipag-apir siya kay Marcus.
Hindi ko na lang siya pinansin. Mas mabuting gawin ko na lang itong report ko kaysa ubusin ang lakas sa pakikipagtalo sa kanya.
Pero sa isang banda ng isip ko. Gusto kong makita ang paint na iyon. Maganda kaya?