Surprise
Pag-uwi namin ni Latrelle ay tahimik ang bahay. Ang langitngit ng pinto ang siyang namutawi ng binuksan ko ang likod bahay.
"Wala sila."
"Baka may kanya-kanyang gala."
Tamad umupo si Latrelle sa may sala. Binuksan ang TV at tinaas ang parehas na paa sa mini table.
"Kung gusto mo matulog ka muna. Mag a-alas dos palang naman ng hapon."
Tama nga siya, kailangan kong matulog dahil puyat ako kagabi. Tinali ko muna ang kurtina para pumasok ang hangin.
Humiga ako at agad kong naramdaman iyon. Para akong dinuduyan sa bawat pagsamyo nito sa aking mukha.
Nagising ako dahil sa hagikhikan mula sa ibaba. Malamang nakauwi na ang apat na lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Marcus ng makita kong pababa ng hagdan.
"Uy! Kaoree! Maaga pa!"
Kumunot ang noo ko. May sinenyas sa kanya si Latrelle na hindi ko alam kung anong ibig sabihin. Lumapit siya kay Marcus. Gusto ko man marinig ang bulungan nila ay hindi ko magawa masyado silang malayo mula sa pwesto.
Si Jez ay nagulat din ng makita ako. Pawis ang mukha niya kaya walang bakas ng BB cream na makikita. Hinigit niya ko sa aking siko.
"Halika muna sa kwarto at aayusan kita."
Hindi niya pa ko nababati. Nakakapagtampo. Kahit busy siya ay siya ang unang nabati sa akin bago ang mga magulang ko. Alas-dose palang ng madaling araw ay binabati niya na ko mapa-phone call man o text pero ngayon ay wala.
Kahit kaninang umaga ng magtagpo ang mata namin ay hindi manlang siya ngumiti.
May kumatok sa pinto ng pinusod niya ang buhok ko. Si Wyn iyon suot ang paborito niyang polo na kulay mint green.
May inabot siyang paper na nilagay ni Jez sa kama.
"Girl, ikaw ng bahala sa lahat ha. Oo nga pala magbihis ka niyan. Bagay sa'yo. Happy Birthday", ngumuso ako ng sandali niyang hinalikan ang noo ko.
Akala ko ay nalimutan niya na.
Palabas na siya ng bumalik siya. "Gift ko sa'yo."
Tinaas niya ang buhok ko saka sinabit ang kwintas sa leeg ko. Ang chains nito ay kulay ginto ang may rosas na pula sa gitna. Mukhang mamahalin.
"Grabe ka naman, Jez! Mukhang mamahalin ah!"
Hinampas niya kong mahina. "Syempre, minsan lang naman ang birthday mo kaya dapat lubusin natin."
Hinalikan ko siya sa pisngi saka niyakap. "Salamat!"
"Basta bumaba ka mamaya doon."
Ngumiti ako saka tumango.
Sandali lang akong nagbihis at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Napakaganda kong tignan dito.
Mukha akong Sleeping Cinderella dahil sa blue dress ko. Pinakintab iyon ng mga glitters at maliliit na diyamante.
Daig ko pang nagdebut at may eighteen roses ako. Umikot ako ng ilang beses. Pang Disney princess talaga ang dating ko.
Bumaba ako at sinalubong ako ni Jez. Nagmadali siyang lagyan ng piring ang mata ko.
"Oo nga pala." Boses iyon ni Wyn. Naramdaman ko ang pagluhod niya.
"Itukod mo ang kamay mo sa akin. Isuot mo ito." Muntik pa kong mawalan ng balanse dahil sa pagtuon ko.
Mabilis naman ang kamay ni Jez upang alalayan ako. Matagal bago ako makaayos ng hakbang dahil wala akong makita.
Paulit-ulit akong sinabihan ni Jez para magdahan-dahan ng lakad. May kung anong saya akong naramdaman sa dibdib ko.
Pakiramdam ko ay may magandang mangyayari, o baka naman mataas lang ang expectation ko.
Narinig ko ang pagpihit ni Jez sa silyador ng pinto hudyat na nasa labas kami. Ramdam ko rin ang hangin.
Tinanggal ko ang piring sa mata ko at...
"Happy Birthday, Dyosa!" napapikit ako sa sabay-sabay nilang sambit.
Ang saya! Sa wakas ay kahit isang araw lang natanggap nilang isa akong Dyosa. Dyosa ng kagandahan.
Sa pagmulat ko, kitang-kita kung paanong inayos ni Jez ito na parang may catering group silang hinire.
Blue and white ang tema na para bang isa akong debutante.
"Maganda ba?" Nagthumbs-up ako saka ngumiti ng malawak. Hindi ko napigilan na hindi maiyak.
"Syempre hindi lang ako ang nagplano nito. Kasama ko ang iba mo pang kaibigan."
Nakatayo ang apat na lalaki kasama sina Wanwan, at Melissa sa birthday sign. Agaw-pansin ang two-layered cake.
Ginapangan ako ng hiya nga makita iyon. Sobra pa ito sa sweldo ko ng tatlong buwan.
"One. Two. Three...", bilang ni Marcus.
Nagsimula silang kumanta at binigyan ako ng rosas isa-isa.
Ngayon ko lang napansin na wala si T.H. Kumunot ang noo ko. Bumigat ang pakiramdam ko. Luminga ako sa paligid.
"May hinahanap ka?" sabi ni Melissa ng pinaghila ako ng upuan.
"Huh? Wala naman." Umupo ako sa tabi niya.
Sa kabilang dulo ng mahabang table kasama ang cake ay may chocolate fountain. Tila ba naglaway ako. First time in my life!
"Girl! Chocolate fountain 'yung wish mo dati sa debut mo!" sabi ni Jez. Naramdaman niya yatang malungkot ako.
"Salamat talaga, Jez ha!"
Ngumiti siya sa akin saka sumaludo. Pumunta siya sa unahan. Mistula siyang emcee ng isang birthday party. Ang dami niyang sinabi pero wala akong naintindihan.
Masaya dapat ako dahil ganito ang preparasyon nila pero ang wala si T.H ay mabigat sa pakiramdam.
Huminga ako ng malalim. Ngayong ,araw pa talaga siya busy.
Isa-isa silang lumapit sa akin at nagbigay ng birthday gift. Isa-isa akong nagpasalamat.
Humabol si Bruno na abot-abot ang paghinga.
"Sorry na late ako. Naligaw", nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi niya.
Tumawa rin ako dahil siya ang naiiba ang suot sa lahat. Bukod tangi ay siya lang ang naka-Tuxedo.
"Talagang pinaghandaan mo ito ha?" sabi ni Melissa na nagpigil ng tawa.
"Oo naman!" proud na sambit ni Bruno saka inabot ang regalo sa akin.
"Happy Birthday, Kaoree!" mabilis na halik sa pisngi ang ginawa niya.
"Guys! For the highlights ng ating pagdiriwang. Let's welcome, T.H with Lucky and Lolita." Pumalakpak ang lahat sa sinabi ni Jez.
Lumingon ako sa likod. Mula sa gate ay palapit ang tatlo sa akin. Nangiyak ako sa tuwa ng makita sila lalo na si Lolita na nakangiti. Suot niya ang paborito niyang kulay pink na bestida na binigay ko sa kanya habang si Lucky naman ay nakajumper shorts.
Si T.H naman ay simple naka-polo shirts na cream at tokong na binagayan niya ng simpleng tsinelas lang.
"Happy Birthday, Apo!" Nagyakap kaming mahigpit ni Lola.
"Happy Birthday, Ate!" Niyakap ko rin si Lucky hanggang sa kaming tatlo ang nagyakap.
Pinunasan ni Lolita ang luha ko. "Huwag ka ng maiyak. Nandito si Lolita." Hinalikan niya ang noo ko.
Sa kabilang side ko ay nandoon si T.H. Nginitian ko siya.
Matapos ng batian ay umupo na kami sa kanya-kanyang pwesto.
Lumapit ako kay Jez. "Alam ko talaga ikaw ang nagplano nito! Salamat ha!"
"Hm.Hm! Hindi!" Pinagtaasan niya ko ng kilay.
"Sila ang nagplano. Iba talaga ang balak ko. Pero si T.H ang mastermind ng nangyayari ngayon."
Tinignan ko si T.H na nagse-serve ng pagkain kina Lolita at Lucky.
"Sabihin mo nga sa akin, pinopormahan ka ba niya, girl?"
Ilang ulit akong napakurap dahil sa tanong niya.
"Uhm. Jez, mas mahalaga nandito ang importanteng tao sa buhay ko."
Naglakad ako papunta sa pwesto ko.
"Ay! Intriga! Iwas sa issue ha?"
Tumawa ako sa sinabi niya at umiling na lang.