Kinikilig
"Ano ba! Sinabing ako muna!", giit ni Vanna.
"Please, ako muna! Ang tagal mo kaya maligo. Duh!" Aniya Drianne.
"Calm ladies. Dalawa ang banyo for girls." Pagsingit ni Marcus sa dalawang babaeng nagbabangayan dahil gusto nilang excited sila sa pupuntahin namin ngayong araw.
Maagang gumising ang lahat para mag-exercise. Bilin iyon ni Yuan para hindi sumakit ang aming katawan kaya kahit medyo bangag at wala sa katinuan ay pinilit kong bumangon.
Tinali ni Melissa ang kurtina na humaharang sa view ng labas. Napakaganda ng kalangitan inaagaw ng liwanag ang buong kalangitan mula sa dilim. Kasabay nito ang magkakasunod na tilaok ng manok.
"Pandesal! Pandesal kayo dyan!" Sambit ng tindero kasabay ng pagpopot.
"Bibili lang ako! Aabangan ko si Manong sa labas!" Masayang sambit ni Melissa. Nagjacket muna siya bago tuluyang lumabas. Ramdam ang lamig ng umaga sa lugar nila kaysa sa amin.
Kahit nga ako ngayon, ay mukhang mahihirapan sa pagligo. Tapos masarap ang aroma ng kape kapag ganito kalamig ang umaga. Naalala ko ang mga sandaling kasama ko sila Inay at Itay. "Kape? Alam kong paborito mo ito."
Ngumiti ako sa pag-alok ni Jez. Humahalimuyak ang pagkabarako nito. Kitang-kita ko ang aking repleksyon sa itim na kape. Naalala ko ang masarap na timpla ni Inay lalo na kapag may pasok ako sa umaga. Kahit walang palaman ang pandesal ay nakararami ako ng kain.
Dahan-dahan kong hinipan iyon saka humigop ng kaunti.
"Ang tagal kong hindi nakatikim ng kape." Wika ko kay Jez na kasalukuyan na umiinom ng gatas. Kahit kailan talaga ay hindi siya mapapainom ng kape dahil naniniwala siyang nahawa iyon sa balat. Bukod pa roon ay madagdagan ang anxiety niya.
"I know, girl. Kaya nga kita pinagtimpla." Maikli nitong sambit.
"Sinong sunod na maliligo?" Pa-sigaw na tanong ni Yuan. Kitang-kitang defined niyang abs dahil tanging kalahati lang ng katawan niya ang natatakpan ng puting towel.
"E..eke! I mean ako!" Lihim akong tumawa dahil sa naging reaksyon ni Jez.
Mabilis niyang kinuha ang towel sa kanyang kinauupuan. Tumakbo siya at nagkunwaring nadapa. Sakto naman ang pag-alalay ni Yuan sa kanya kaya gano'n na lamang ang paghawak niya sa biceps nito.
"Dahan-dahan lang." Sambit ni Yuan na hindi manlang nakahalata na may malisya iyon para kay Jez.
Napataas na lamang ako ng kilay dahil sa kalandiang taglay ng kaibigan ko. Agad naman siyang tumingin sa akin saka nagthumbs-up na hindi napansin ni Yuan.
Tumabi sa akin si Melissa matapos na magtimpla ng sarili niyang kape. Nilagay niya ang mga pandesal sa isang pinggan. Mukhang bagong luto pa ang mga iyon at idagdag pa na mas maraming sunog. Pakiramdam ko ay marami akong makakain.
"Grabe. Ang lamig no!" Sabi niya habang kinakaligkig.
"Pero alam mo kung alin ang mas malamig?" Ngumiti siya saka nagpeace sign.
Kuha ko na ang gusto niyang ipahiwatig. "Alam ko na yan, Melissa! Porket, okay kayo ni Marcus ha!"
Namula ang mukha niya saka ako bahagyang hinampas sa tagiliran. "Enebe! Friends lang kami no!" Lumabi siya.
"Tigilan mo ako sa friends lang kami no!" Ginaya ko ang boses niyang pabebe.
"Wow! Sabay dyan mo nga rin pala ako dinaan sa friends kuno kayo ni T.H tapos kiniss ka niya sa noo." Humalumbaba siya sa harapan ko saka ngumiti ng kahulugan.
"Bakit nagkiss na kayo ni Marcus ha?"
"How I wish! Syempre hindi!" Humalakhak siya. Intriga itong babaeng ito.
"Saka ang dami ko kayang boys ngayon. Gusto mo isa-isahin ko?" Pagmamalaki niya. Kahit ipagmalaki niya puro one-sided lang naman. Siya lang ang may crush at hindi siya pinapatulan.
"Huwag na. Mauubos lang ang oras natin." Sabi ko saka kumagat ng pandesal.
"Ikaw ha. Maligo ka na roon. Wala na yatang naliligo saka mukhang mga fresh ang mga kasama natin ngayon."
May gano'ng eksena talaga?
Kailangan sabay-sabay na lumabas ng kwarto. De javu yata ito. Pupuntang bundok tapos parang fashion show ang pormahan?
Tignan mo itong si Sasha na naka spaghetti strap at ang pang-ibaba ay shorts na tastas. Sure ba siyang iyan ang outfit niya?
"Hindi kaya mangati ka sa suot mo?" Puna sa kanya ni Marcus.
"May dala akong extra. Don't worry about me." Kumindat si Sasha kay Marcus kaya naman iba ang reaksyon ni Melissa.
"Pigilan mo ko! Nako!" Nanlaki ang mga mata niya sa nakita at nagtagis ang mga ngipin nito.
"Bakit naman ganyan ang reaksyon mo?" Ani ko.
"Eh, kinindatan!" Maktol nitong sagot.
"Hayaan mo na. Wala namang kayo." Sinasawsaw ko sa kape ang pandesal.
"Ay! Hindi ako nasaktan ha! Hindi talaga!" Sarkastiko nitong sambit.
"Nagsabi lang ako ng totoo." Tumayo ako saka hinugasan ang tasa na pinag-inuman ko ng kape.
"Una na ko. Maliligo pa."
Kinuha ko ang aking towel sa kwarto saka dumiretso sa banyo pero laking gulat ko sa nadatnan ko.
Akala ko bumalik ako sa sinaunang panahon. Tumili ako ng malakas hanggang sa maging okay ako.
Ikalma mo ang sarili mo, Kaoree. Kasoy lang yon. Okay? Kasoy na nagtatago sa kaililamin ng tela.
"Kung bakit kasi hindi ka maalam kumatok!" Singhal niya sa akin saka kinuha ang spare towel na nakasabit sa pader. Tinakpan niya ang dapat takpan.
"Kailangan ko pa bang gawin yun? Eh lahat ng babae nandoon na!" Pambawi ko sa sinabi niya. Hindi pwedeng mahalata niya na namumutla ang mukha ko.
"Saka, bathroom ito ng babae. Hindi ng lalaki!" Pagtatama ko sa kanya.
"Alam mo padaanin mo na lang ako, or baka naman gusto mo ng tagahilod?" Ngumisi siya.
"Hilod! Ikaw ang maghilod ng ayos! May libag ka pa sa leeg!" Napalunok ako dahil ang hot niya kahit may palamuti siyang di kaaya-aya sa parteng iyon.
"Sorry. Would you mind na maghintay muna at least for five minutes?" Tamad akong tumango. Hindi niya naman ako binigo dahil matapos ang nasabing minuto ay lumabas na siya ng banyo.
May pahabol pa siyang pagtawa upang asarin ako. Naghugas muna ako ng mukha hanggang sa may napansin akong tela sa sink.
Gosh! Sumakit ang sentido ko.
Mabilis akong lumigo dahil sa bagay na nakita ko. Matapos nito ay mabilis din akong nagbihis.
Si Latrelle ay nakikipagtawanan kila Marcus at Yuan habang naglalaro ng chess.
"Psst!"
"Psst!"
"Psst!" Salamat naman at tumingin siya.
"Bakit hindi maipinta ang mukha mo? Kulang ka ba sa pagmamahal?" Akala niya ay nakikipagbiruan pa ko.
"Nandito naman ako bubuin ko yung pagkukulang na pagmamahal sayo ni T.H." kumindat siya.
"YUNG BRIEF MO!"
"Anong meron sa brief ko?" Pinagkrus niya ang kanyang braso.
"Pakalat-kalat sa banyo! Alam mong para lang yun sa babae tapos kakaibang gamit pa ang iniwan mo."
"Nako, Latrelle!" Sambit ni Yuan saka humalakhak.
"Pwede mo naman sabihin sa akin ng malumanay at may paglalambing." Tumaas ang balahibo ko sa tono ng boses niya.
"Ayoko!" Ngumuso ako saka yumuko.Hindi ko alam kung nagbalik muli ang init ng dugo ko sa kanya. Siguro dahil sa pagiging pabaya niya sa gamit na dapat niyang ingatan.
"Kaya mas lalo kitang minamahal dahil kahit galit ka kinikilig ako." Tumingala ako upang tignan kung tatawa siya o ngi-ngiti. Pero 'yung mata niya, kakaiba. May kung anong tumama sa akin.
"Tama na 'yang bolohan! Tapusin muna natin ito." Pagsingit ni Yuan.
Traydor itong puso at isip ko. Mas gusto kong marinig iyon galing sa taong pinaasa ako.