Know Your Place
"Grabe! Ayoko na nakakadiri!"
Naalimpungatan ako sa ingay ni Latrelle. Mas lalo pang nagising ang mga mata ko ng masulyapan kong nainom ng alak si Wyn.
"Gising ka na pala."
"Buti nga at nagising na siya." Aniya Latrelle na abalang nanonood. Akala ko ay nandidiri siya sa pinapanood niya pero ayon siya at sige pa rin sa kanyang ginagawa.
Tinatakluban niya ang sariling mga mata gamit ang mga kamay niya pero nakasilip naman sa siwang mga daliri niya.
Hinawakan ko ang aking ulo. "Ikukuha kitang kape." Ngunit bago pa man ako makatanggi ay pumunta na siyang kusina.
Napabuntong-hininga na lang ako sa reaksyon ni Wyn. Kaya nga ako pumuyag sa gusto ni Latrelle ay para makatulog ako.
Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit pa ko nagising samantalang pwede naman akong tumulog magdamag dito sa sala.
Unti-unti kong binangon ang aking katawan kahit mahirap. Kasabay din nito ang pagtibok ng ulo ko.
"Hindi ko na kaya to'. Iba na lang." Sambit ni Latrelle sa sarili niya habang nag br-browse ng iba pang palabas.
"Kinuha mo pang kape si Kaoree. Eh nagpapaantok yan." Aniya Latrelle kat Wyn matapos na ibaba ang tasa sa center table.
Kumamot siya ng ulo. "Pasensya na, Kaoree. Kung gusto mo ay gatas na lang ang ititimpla ko."
Ngumuso ako. Para talaga siyang anghel. 'Yung tono kung paano siya magsalita ay parang hinehele ako papuntang langit.
"Kaoree? Ayos ka lang ba?" hinipo niya ang ulo ko. Kaya mabilis naman akong tumango. "O–oo naman!"
"Huwag mo na kong ipagtimpla. Matutulog na ko sa kwarto." Ngumiti ako.
Tumango lang siya. Hindi na ko nagpaalam kay Latrelle dahil mukhang abala naman siya sa kanyang ginagawa.
Kinabukasan ay may pasok kami. Muntik pa kong matapilok dahil parang naikot pa rin ang pakiramdam ko. Ibang klase talaga ang hatid ng alak. Hindi ko alam kung bakit maraming tao ang gustong uminom no'n.
Sinuntok-suntok ko ang aking ulo upang mawala ang aking pagkahilo pero hindi iyon naging sapat.
Kami lang ni Wyn ang parehas na may pasok ngayong umaga. Ang iba ay pang hapon ngunit si T.H naman ay may practice para sa kanilang kupunan. Ang alam ko si Latrelle ay mayroon din pero hanggang ngayon a patay pa rin siya sa tulog.
Gigisingin ko sana kanina pero mukhang malabo iyon dahil lungayngay siya sa kanyang higaan. Kung iistorbohin ko siya ay baka masuntok niya lamang ako.
"Ang gwapo niya!"
"Hala. Sino siya?"
"Ay. Mukhang taga-ibang school. Amoy mayaman!"
"Ingatan mo 'yan. Kung hindi papagalitan ka ni Latrelle." Humagikhik siya.
Silang dalawa ni Latrelle ang gumawa ng Diorama ko. May kaunting tinulong din si T.H pero hindi talaga siya gano'ng ka-sipag gumawa ng ganitong bagay at bukod pa roon abala siya kaya 'yung dalawa na lang ang nag asikaso.
Itong diorama ay effort ko ito para sa report namin. Ang sabi kasi ng aming prof ay kasama sa grading ang iba pa naming props sa report. Dito kukuhanin ang grade namin sa finals dahil wala kaming exam sa subject niya kaya ganito ang in-effort ko.
"Oo naman, Wyn. Saka kahit hindi siya magalit ay iingatan ko ito."
Kahit na tanging likod na lang ang kita sa kanya ay pinagtitinginan pa rin siya ng mga kababaihan.
Dumating ang tanghalian ay wala akong kasabay. Ang sabi ng isa naming kaklase ay may biglaan na lakad kahapon pa-Maynila ang pamilya ni Melissa kaya absent siya ngayong araw.
"Uy! Kaoree!" pagbati ni Melissa habang nakain ako malapit sa dulong bintana ng canteen.
Naningkit ang mga mata ko. "Bakit hindi ka nagsabi sa akin na liliban ka kanina! May cellphone ka naman ah!"
"Ay. Sus! Namiss ako kaagad. Sorry. May biglaang family gathering kasi kami. Pero anyway, balita ko maganda raw ang presentation mo mamaya." Umupo siya sa tabi ko saka humalumbaba sa mesa. Tinampal ko ang kamay niya ng bumawas siya sa aking ulam. "Huwag mo naman bawasan!"
"Oo nga pala. Sorry. Anyway, nasaan 'yung diorama mo? Gusto kong makita."
Sakto naman na pagtanong niya ay tapos na kong kumain. Kaya ginaya ko siya kung saan ko itinago iyon. Hindi ko naman pwedeng bitbitin lang ang isang iyon dahil baka masira.
"Dahan-dahan lang. 'Yung sprain mo."
Oo nga pala. May benda pa nga pala ako sa paa.
Hinanap ko sa abandonadong room ang diorama na malapit lang sa aming silid.
Nakapameywang si Melissa at kumamot sa ulo. "Baka naman may memory gap ka. Kasi kung nandito 'yun makikita naman natin agad."
Unti-unting kinain ng kaba ang dibdib ko. Hindi pwedeng mawala iyon, bukod sa final grade ko ang nakasalalay para sa major namin ay hindi ako ang gumawa no'n.
"Bukas 'yung back door!"
Mabilis kaming nagtago sa comfort room ng silid.
"May tao huwag kang maingay."Bulong ni Melissa. Nakasandal lamang kami sa pader at nakatago sa sirang pinto.
Ang kaba ko ay muling bumalik at hindi lang iyon. Mas tumindi ito ng makita ko si Wanwan kasama ang isang magandang babae. Nakadress siyang semi-formal. Mahaba ang itim na buhok, at balingkitan ang katawan.
Sa isang kamay niya ay nakasabit ang mamahalin niyang bag.
Nang umikot siya sandali at nag-iba ng pwesto ay napagtanto kong hindi ko lang siya hawigin. Kamukhang-kamukha ko siya.
"Kaoree. Para kayong kambal." Bulong ni Melissa na nakayakap sa isa kong braso.
"Magaling ka talaga, Wanwan. Super duper totoo kang kaibigan. That's why I owe you." Niyakap niya si Wanwan.
"Alam mo may masamang kutob talaga ako. Saka—" naputol ang pagbulong ni Melissa dahil sa ginawa ko.
"Huwag kang maingay."
Matapos na lumabas ang dalawa ay lumabas na rin kami. Nagmadali kaming puntahan ni Melissa ang back door kung saan galing ang dalawa.
Kumirot ang dibdib ko na pinanlambot ng tuhod ko. Tumulo ang luha ko ng makita ko ang bakas ng styrofoam mula sa aking kinatatayuan papuntang basurahan.
"Yu–yung diorama mo."
Bawat paghakba ko ay mabigat. Tumulo ang luha ko ng makita ko kung paanong winasak ito ng mabuti para hindi ko na maayos pa.
"A..anong ginagawa niyo rito?"
Laglag ang panga ni Wanwan at nanlaki ang mga mata niya.
"Ikaw! Traydor ka!" Bago pa man siya malapitan ni Melissa ay hinawakan ko sa braso ang aking kaibigan.
"Ka...kaoree... Melissa?" Ang labi niyang mapula ay bigla na lamang tila nawalan ng dugo.
"Oh. Looks who's here. Mukhang tama nga na dinala mo rito, Wanwan."
Ngumiti ang mapula niyang labi na may halong pagkasarkastiko.
Tinanggal niya ang gloves ng kamay niya."Hi! I'm Rosella." Saka niya nilahad ang mga daliri niyang kasing puti ng kandila at kasing haba nito.
Tinignan lang naman iyon pero hindi namin tinanggap.
Rosella. Mukhang pamilyar ang pangalan niya.
Unti-unti siyang lumapit. Ang maingay na takong ng kanyang heels ay biningi ang aking tainga.
"Ikaw siguro si Kaoree?" bumaba ang tingin niya sa I.D ko.
Ngumisi siya. "Tama. Dyan ka lang sa tabi ng basurahan at kung pwede i-shoot mo ang sarili mo dyan."
Tumaas ang presyon ng dugo ko.
"Sino ka ba? Hindi naman tayo magkakilala. Feeling close ka te'?"
Pinagkrus niya ang kanyang mga braso. "Well. Sorry, Kaoree. Ako lang naman ang girlfriend ng nilalandi mo."
Nagkatinginan kami ni Melissa. Nilalandi? Hindi kaya girlfriend siya ni Latrelle?
Ang lalaking iyon! Pati ba naman ako, mapapasama ng dahil sa kanya!
"Patay malisya pa ang slap soil na ito. Oh, well. Ako lang naman ang girlfriend ni Thaddeus." Lumapit ang mukha niya sa mukha ko at dinuro ang aking balikat. "Know your place, o may kalalagyan ka."
Nanlambot ako hindi lang dahil sa sinabi niya. Tila ba ako nawalan ng kaluluwa.
Akala ko...
Siguro nga assuming lang ako...
"Ayan so alam mo na. And mukha naman na mawawalan ka ng grade sa finals mo kaya masaya na ko." Sabi ng atribidang babae matapos tignan ang pinakaimportanteng bagay na kailangan ko.
Hindi naman makatingin sa amin ng diretso si Wanwan bago sila tuluyang lumabas.
Limang minuto ay hindi ko na napigilan ang umiyak. Higit pa sa kutsilyo ang naramdaman kong tumusok sa aking dibdib.
Sobrang sakit. Sobrang sakit na gusto na lang maging manhid.
"Shhh... Kaoree." Pag-alo sa akin ni Melissa pero hindi sapat iyon upang tumahan ako.
Bakit ganito, Wanwan!?
Lalo ka na THADDEUS! BAKIT? Bakit hindi mo sa akin sinabi agad!?