noveltoon logo noveltoon
A House With Heartthrobs

Chapter 39

Ch. 40 / 78 May 03, 2022

Pamilya

"Congratulations!" puri ang bigay ng mga estudyante kay Latrelle kahit ang kalaban nilang team ay gano'n din sa kanya.

Nagkamayan sila at tinapik ang likod ng isa't-isa. Biglang kasambahay nina Latrelle ay binitbit ko ang mga gamit niya saka inabutan siya ng tubig at pamunas.

"Ayos ba?" nagthumbs-up siya.

Umakbay siya sa akin habang naglalakad. Naramdan ko ang lagkit ng braso niya.

Sumipol ang mga kasama niyang varsity player. Ang ilang kababaihan na naiwan sa gym ay tinignan ako ng masama.

Mga inggitera ng taon!

Umikot ang mga mata ko.

"Hindi mo naman ako kailangan akbayan. Hindi kita boyfriend!" masungit kong sambit saka umunang lumakad.

"Woah! Payag ka no'n, Latrelle? Kinakaya-kaya ka!" pag-udyok ng mga kasama niya.

Pakiramdam ko ay ngumiti ng kakaiba si Latrelle kahit di ko siya kita mula sa aking likuran.

Binilisan ko na lang ang paglakad ko dahil ramdam kong gusto niya kong pagtripan.

Pagkalabas ko ng kanilang eskwelahan ay pumunta ako sa tindahan para umupo.

"Kung hindi ka bibili huwag kang tumambay d'yan!" gamit ng pamaypay para bang langaw akong pinaalis ng tindera.

Tumayo saka hinawakan ang bewang ko. "Ito na nga po bibili na!" nilabas ko ang aking pera. "Isang soft drink!"

"Ano? Soft drink?" paglilinaw niya. Naningkit ang mga nito.

"Opo! Wala naman hard drink, 'di ba?"

"Meron! Alak!" pagtama niya sa akin.

"Eh 'di meron! Pero soft drink lang ang gusto ko", hindi naman siya umimik sa sinabi ko.

Maingat kong binaba ang mga gamit ni Latrelle sa upuan. Inikot ko ang magkabila kong balikat pati na rin ang aking siko.

Mukhang mas mabigat pa sa akin ang dala.

"O, ayan!Sa susunod huwag tatambay ng hindi bibili!" salubong ang drawing na kilay ng babae. Akala niya naman kinaganda niya 'yung rollers niya.

Umismid na lang ako saka uminom. Hindi ko na yata nagawang huminga ng ini-straight ko iyon. Ubos agad dahil sa uhaw kanina. Kahit hindi ko gusto ang pang-aasar sa akin ni Latrelle ay sumigaw naman ako kanina para sa kupunan nila.

Ahon at sulong ang hininga ko habang pinagmasdan ang mga estudyanteng lumabas ng higanteng gate. Kanya-kanya silang sakay sa tricycle at iba naman ay mayroong sariling sasakyan.

Pinatong ko ang aking baba sa sarili kong palad. Pumikit ako ng maramdaman ko ang simoy ng hangin. Ang init nito hindi katulad ng hangin sa bahay.

"Bakit ka nakapikit?"

Napatalon ako sa gulat ng makita ang matangkad na lalaki. Isa-isa niyang binitbit ang sarili niyang gamit. Walang pasabing hinigit niya ang kamay ko.

"Oy! Sandali lang naman! Grabe kang makahigit!" hindi siya nagpatinag kaya mariin kong tinuon ang mga paa ko sa kalsada.

Tumigil siya. "Ililibre kita. Ayaw mo?"

Tinitigan ko siya. Mukha namang seryoso kaya...

umuna akong naglakad sa kanya.

"Tara na! Sana naman kasi sinabi mo agad!"

Bumuntong-hininga siya.

"Nasa loob ang sasakyan ko" tamad niyang sambit.

Hinayaan ko siyang mauna sa akin dahil hindi ko alam kung saan ang parking lot ng school nila. Mabuti na lang at malapit lang iyon dahil pagod na ko para maglakad.

Sumakay ako sa tabi niya matapos niya kong pagbuksan ng pinto.

Buong biyahe ay tahimik kaming dalawa. Ang tanging ingay lang ay ang makina ng sasakyan niya at malalim niyang paghinga. Mas okay siguro na palagi siyang pagod para hindi niya ko pagtripan.

Bumaba kami sa isang mall. Umuna akong pumasok sa

isang Italian restaurant. Tahimik niyang tinuro sa waiter ang mga gusto niya. Samantalang ako ay hindi ko alam kung anong gusto ko.

Kumamot ako sa aking batok. "Uhm.. Pwede kayang... lasagna? Mayroon ba kayo?"

Imbis sa waiter ako nakatingin ay kay Latrelle. Nakaharang ang panyo sa bibig niya gamit ang sariling kamay. Tumaas-baba ang balikat niya.

"Frullato de puta..." sinamaan ko ng tingin si Latrelle. "ay fruta pala"

"Thank you, Ma'am"

Humalumbaba ko sa mesa at pinagmasdan ang lalaking sobrang saya sa harap ko.

"Anong nakakatawa, Aurelius?" pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Oh, you look angry. Rawr!" kinilabutan ako sa kung paano niyang sabihin iyon.

"Huwag mo kong pagtripan. Palibhasa sanay kang kumain sa prestigong kainan", pinagkrus ko ang aking mga braso saka sumandal sa kinauupuan ko.

"Sana manlang dinala mo na lang ako sa simpleng kainan. Okay na sa akin ang lugaw"

Hindi ko alam kung bakit parang tinutunaw ako ng titig niya kaya minabuti kong umayos ng upo.

"Hoy! Ano ba! Huwag mo kong titigan!"

Ngumisi siya. "Kinikilig ka ba?" humagikhik siya. "Natural yan. Ang gwapo kasi ng tumititig sayo"

Nagmake-face ako at hindi na lang umimik. Naghari ang katahimikan sa aming dalawa dahil pareho kaming nakatingin sa labas.

Nang dumating ang pagkain ay tanging mga kubyertos lang ang maingay sa pagitan naming dalawa.

Hindi ko maiwasan na hindi siya tignan. May isang bagay akong gustong malaman. Pagod ang mga mata niya sa bawat kain niya. Bagsak ang balikat niya at iba ang dating niya ngayon.

"Oo nga pala, Latrelle. Ano palang pinagkakaabalahan ng pamilya mo?"

Umangat ang tingin niya na nagpatindig ng balahibo ko. Nakaramdam ako ng takot.

"Ah...ano...uhm..pasensya na! Pwede mo naman hindi sagutin" pilit akong tumawa.

Sumeryoso ang mukha niya habang nakatingin sa labas.

"Ang Mama ko ang sabi niya abala siya sa trabaho. Minsan lang siyang umuwi sa bahay pero nakakatuwa dahil nakita ko siya..." malamlam ang boses niyang pagod. "nakikita ko siya ngayon"

Mabagal kong sinundan kung saan direksyon nakatingin ang mga mata niya.

"Si Mama iyon kasama ang sinabi niyang kaibigan. Nakakatuwa hindi ba?" tila ba tinusok ako ng kung anong bagay sa aking dibdib na dahilan upang hindi ako makahinga ng maayos.

Lumagpak ang tingin ko sa pagkain.

"Sorry..." kinagat ko ang aking ibabang labi.

"Wala kang kasalanan" pinagpatuloy niya ang pagkain.

Tahimik kaming lumabas ng restaurant saka sinundan ko siya papunta ng sasakyan niya.

Namalayan ko na lang na dinala niya ko sa napalaking bahay. Pagpasok namin ay limang kasambahay ang bumungad sa kanya. Hindi siya binati ng mga ito at bagkus ay nagbow lang sa kanya.

Pumunta siya ng kwarto at saka dinala ko roon. Nilagay niya ang trophy niyang nakuha bilang MVP ng laro.

Tinunton ng mga mata ko ang sinabi ni Marcus. Mayroon ngang mukha ko sa kwarto itong pero mas maraming mukha ng isang babaeng hindi ko kilala ang nakadisplay roon.

Tinitigan ko ang maliit na picture. "Sino pala siya? Bakit ang dami niyang picture rito?"

"Wala naman. Huwag mo na lang pansinin"

Mayamaya ay bumukas ang pinto.

Bumungad ang babaeng nakasuot ng bestida at kamukha-kamukha niya.

"La...latrelle!" mangiyak-ngiyak siyang niyakap nito.