Chapter Seven
W ALA siyang pakialam. Iyon ang paulit-ulit na nagre-replay sa isip ni Nykyrel habang sumusubok siyang magluto ng pananghalian nila ni Lechel.
Gusto talaga niyang ipagluto si Lechel. Something tasty. Pero sa cooking skills niya, nasisiguro niyang himala ang mangyayari kapag nakapagluto siya ng masarap.
Malakas siyang napamura. Pagluluto na nga lang, hindi pa niya magawa. Wala talaga siyang silbi. Tulad ng sabi ng kanyang ama, wala siyang kuwenta.
Marahas niyang ipinilig ang ulo para mawala ang kanyang ama sa isip. Wala siyang ibang pagpipilian. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa ng pantalon saka tinawagan si Tegan Galvante. They were friends.
Bakit sila magkaibigan? Kasi hindi nila pinapakialaman ang isa’t isa, maliban na lang sa mga bagay na gusto niyang pakialaman ng mga ito. They had their own demons to deal with. Kaya siguro magkasundo silang dalawa, dahil parehas nilang naranasan ang kutyain at masaktan. They fought the same demons, but different nightmares.
“I’m shocked that you phoned me, Guzmano,” sabi ni Tegan sa kabilang linya nang sagutin ang tawag niya.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. “I n-need h-help.”
“Shoot,” walang pag-aalinlangang sagot nito.
Napangiti si Nykyrel. Alam niya na tutulungan siya nito. Nakilala at naging kaibigan niya si Tegan noong nasa kolehiyo pa siya. Parehas silang may pinagdadaanang hindi maganda kaya siguro nagkasundo silang dalawa. He was the only person who didn’t mock him, well, aside from those three other idiots who also had their own demons to fight—Dustan, Havoc and Nicholas.
“P-puwede mo b-ba akong o-order-an s-sa Délicieux R-Restaurant? ”
“Bakit hindi na lang ikaw?” balik-tanong nito.
“Y-you k-know why.”
“Fine.”
“T-thanks. I-I’ll wire the p-payment t-to your b-bank account,” sabi niya.
“Okay. Ipapa-deliver ko na lang diyan sa bahay mo. And please, hintayin mo ang delivery boy sa gate. The last time na may ipina-deliver ako sa bahay mo, muntik nang lapain ng aso mo `yong tao.”
Napangiti si Nykyrel nang biglang maalala ang dahilan kung bakit hinayaan niyang manatili si Lechel sa bahay niya. Dazner bit her and honestly speaking, he’s kinda thankful for it. Nakilala kasi niya ang isang Lechel De Villa.
“G-got i-it.”
Pinatay niya ang tawag saka ibinalik ang tingin sa sunog niyang niluluto. Curse the gas stove for burning the food. Hindi niya kasalanan iyon.
Iniwan ni Nykyrel ang kusina saka nagpunta sa sala para hintayin ang delivery boy. Hindi siya naghintay nang ganoong katagal. Agad niyang narinig ang pag-iingay ng doorbell sa gate ng kanyang bahay.
Mabilis niyang binuksan ang maliit na pinto ng gate saka tinanggap ang isang box na medyo mainit pa.
“Salamat.” Pagkasabi niyon, isinara niya ang maliit na pinto. Hindi siya nag-aksaya ng oras na bayaran ang delivery boy, alam niyang binayaran na iyon ni Tegan.
Mabilis siyang nagpunta sa kusina at inihanda ang pagkain. Magana siyang naghain saka pinuntahan si Lechel sa kanyang kuwarto. Hindi nga niya alam kung bakit doon sa kuwarto niya dinala ang babae. He just wanted to.
Binuksan ni Nykyrel ang pinto saka pumasok at pinakatitigan ang maamong mukha ng babae na natutulog. Nilapitan niya ito saka umupo sa gilid ng kama. Pinakatitigan ni Nykyrel si Lechel. Hindi niya napigilang haplusin ang pisngi nito.
Here was the woman who didn’t care if he stuttered like an idiot, the woman who stood up for him and threatened the one that mocked him. She’s pretty, smart, talented and could climb gates.
Natawa si Nykyrel sa huling naisip. Yes, she was an amazing woman. At wala itong pakialam kung may disorder man siya. Parang hindi naman iyon issue sa babae kung nauutal man siya.
Aasa ba siya? Aasa ba siya na tatanggapin siya nito kung ano man siya kasama na ang disorder niya?
“Staring is rude,” sabi ng boses na pumukaw sa kanyang pag-iisip.
His eyes settled on hers. They were tantalizingly beautiful. “H-hey.” Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinintay na kutyain siya nito.
Lagi iyong nangyayari, para na iyong routine. Kapag nasa labas siya at nauutal magsalita, kasunod niyon ang walang katapusang pangungutya. But Lechel didn’t say anything. Umupo ito sa kama at walang imik na nagbihis.
Napatitig siya sa hubad nitong katawan. Damn those luscious breasts of her and fuck, she tasted so good he wanted to eat her again.
Naalala ni Nykyrel ang ginawa nila sa kusina, naramdaman niyang nag-init ang kanyang katawan. Nag-umpisang mabuhay ang pagkalalaki niya. His hand itched to touch her body, but he stopped himself. Baka hindi na nito gustuhing may mangyari ulit sa kanila. Baka nasapian lang ito kanina ng kung anong espiritu kaya pumayag ito. He wouldn’t touch her again, unless, she told him to.
Tumikhim siya. “T-time to e-eat, babe.”
Lechel’s eyes snapped at him at the mention of babe.
“S-sorry,” mabilis na hingi niya ng tawad.
Fuck! Why can’t I keep my mouth shut!
He’d been doing a fine job at being quiet for almost six years now!
“I d-didn’t mean—”
“Say it again.” Lumuhod si Lechel sa kama, nakaharap sa kanya. “Say babe one more time.”
“Babe.” Napakadaling sabihin niyon.
“Ulitin mo.”
“Babe.”
“Ulitin mo ulit.”
“Babe.”
“Again.”
“Babe. Babe. Babe. Babe. Babe. Babe.”
Malapad na ngumiti si Lechel saka mahigpit siyang niyakap. Nagulat si Nykyrel sa ginawa nito. Wala pang yumayakap sa kanya dahil sa sobrang saya. Kahit sarili niyang mga magulang hindi siya niyayakap kapag masaya ang mga ito. The last time someone hugged him for no reason was... nothing he remembered.
“Paulit-ulit mong sinabi ang salitang ‘babe’ pero hindi ka nautal.” Napakasaya ng bukas ng mukha ng babae. “My God, Nykyrel, you didn’t stammer!”
Napangiti siya. Oo nga, ano? Hindi siya nautal, kaya naman sinubukan niya ulit.
“Babe.”
Nasisiyahang tumawa si Lechel saka siya niyakap ulit. “Wow! Nakakatuwa naman `to. Sabihin mo ang pangalan ko.”
“Lechel. Lechel. L-Lechel.” Nalukot ang mukha niya. “F-fuck! F-fuck!”
Tinampal siya ng babae sa braso. “Huwag ka ngang magmura. At least hindi ka nautal sa pangalawang beses mong sinabi ang pangalan ko. Maging masaya ka na lang doon. Saka ilang ulit mong sinabi ang babe nang hindi nauutal. Wow. Just wow.”
Halatang tuwang-tuwa si Lechel na ilang beses siyang nagsalita nang hindi nauutal. Hindi mapigilan ni Nykyrel na matawa. Masaya ito para sa kanya at bago iyon sa kanya.
“Teka, nagpa-therapy ka na ba noon?” tanong nito.
Biglang nawala ang kasiyahang nararamdaman niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin at nakaramdam ng hiya. Maybe, he was an abomination like what his mother had said.
“Y-yes. But n-nothing happened as y-you can s-see.”
Tinampal na naman ni Lechel ang pisngi niya. “Huwag ka ngang mahiya sa akin. I told you, I don’t give a shit about you stammering and all that. Ano naman ngayon? Ikaw pa rin naman si Nykyrel Guzmano na masama ang ugali. Walang ipinagbago `yon.”
Mahina siyang natawa sa sinabi nito. Ito lang ang tanging babaeng nagsabi niyon sa kanya at hindi niya mapigilang mapangiti. Alam niyang ilang araw pa lang silang magkakilala, pero nararamdaman niyang mapagkakatiwalaan niya ito. Lechel freaking saved her from Gretta. Who was he to doubt her?
Umalis si Lechel sa kama saka siya hinila palabas ng kanyang kuwarto.
“Halika na. Baka lumamig ang pagkain,” sabi nito at hinila na naman siya papuntang kusina.
As they settled themselves on the dining table, Lechel looked like she was glowing. Wow! So beautiful. Hindi niya maalis ang tingin dito.
“Staring is rude,” natatawang sabi nito saka walang ano mang sinubuan siya dahil bahagyang nakaawang ang mga labi niya.
Nykyrel choked at the food Lechel shoved to his mouth. Mabilis siyang uminom ng tubig at umubo.
“Oh, shit.” Kaagad na dumukwang palapit sa kanya ang babae saka hinagod ang kanyang likod. “I’m so sorry. Hindi ko sinasadyang mabilaukan ka. Pasensiya na talaga, hindi ko sinasadya.”
Humarap siya sa babae. Hindi niya napigilan ang sarili na ilapit ang mukha sa babae at ilapat ang kanyang mga labi sa mga labi nito.
Pareho silang napaungol nang maglapat ang mga labi nilang dalawa. Hinawakan ni Nykyrel ang pisngi nito saka pinalalim ang halik na pinagsasaluhan. God! She tasted so fucking good. She tasted like a very exquisite wine in the cellar.
Nykyrel groaned at the blissful sensation of her lips as they kissed.
Si Lechel ang unang pumutol sa halikan nila. He’s ready to see disgust in her face. Women were disgusted of him because of his disorder, but Lechel was smiling at him shyly. Namumula ang mga pisngi nito habang sinasalubong ang tingin niya. Mas gumaganda ito lalo kapag nagba-blush.
“Kain na tayo,” sabi nito saka ibinalik ang tingin sa pagkain. Mapula pa rin ang mga pisngi nito at nasisiyahan siya na makita iyon.
He made a woman blush. That’s a first time.
NAKANGITI si Lechel habang nasa balkonahe siya ng kuwarto ni Nykyrel. Ayaw nitong lumabas sa balkonahe kaya siya na lang. The stars shone above her and the moon shone so bright. It’s full moon.
Nakahilig siya sa railing ng balkonahe. Nykyrel’s mansion sat on top the hill, kaya naman kitang-kita niya ang buong kapaligiran. The houses, the road and the street lights.
Nang makarinig siya ng kaluskos sa kanyang likuran, alam niyang si Nykyrel iyon.
“Halika rito.”
Slowly, Nykyrel approached her, leaning on the railing beside her.
“Bakit ba ayaw mong lumabas o magpakita?” naguguluhang tanong niya.
“People are judgmental being, Lechel. They will judge you because you could not speak straight. They will judge you in a worse way just because you have a disorder. They will fuck you up and then leave you broken, cursing all of them and retreating to the shadow to hide because you’re fucking afraid to get hurt again.”
Napatitig si Lechel sa lalaki. Naririnig niya ang pait sa boses nito. Iyon ba ang nangyari sa lalaki? Sa tingin niya, iyon nga. Walang emosyon ang mga mata nito, pero iba naman ang naririnig niyang emosyon sa boses nito. And she’s one of those judgmental beings.
Napabuntong-hininga si Lechel saka tiningala ang mga bituin sa kalangitan. Pagkatapos ay biglang namilog ang kanyang mga mata nang ma-realize na hindi nautal si Nykyrel habang nagsasalita kanina.
“Oh, my God!” Malalaki ang mga matang humarap siya sa lalaki. “Hindi ka na nauutal!”
Kumunot ito. “W-what?”
Agad na bumagsak ang mga balikat niya nang marinig na nautal na naman si Nykyrel. Pero kanina... tuwid itong nagsalita at hindi nautal kahit isang beses.
Oh, God. Imahinasyon lang ba niya iyon?
Nalulungkot na huminga siya nang malalim. “Nang nagsalita ka kanina, hindi ka nautal. Hindi mo ba napansin?”
Si Nykyrel naman ang nagulat sa kanyang sinabi. “A-ano?” Realization dawned on his handsome face. “H-hell! Y-yes, I d-didn’t.” Ang gulat ay napalitan ng kalungkutan. “N-nauutal na n-naman a-ako.”
Nginitian niya ito. “Ang importante, nakakapagsalita ka nang maayos.” Ihinilig niya ang ulo sa balikat nito. “Ano ang nararamdaman mo kanina habang nagsasalita ka nang tuwid?”
“I feel r-relax, t-talking to you,” sagot nito saka siya inakbayan.
Napangiti si Lechel sa sinabi nito. Parehas sila ng nararamdaman. She felt relaxed with him, too.
I mean, I should be ashamed .
May nangyari sa kanila, pero heto at nakahilig siya sa balikat ng lalaki na parang walang kababalaghang nangyari sa kanila. Masaya siyang kasama ito.
“Siguro dapat kang mag-relax bago ka magsalita. Huwag mong isiping may disorder ka. Isipin mong normal kang nakikipag-usap sa akin.”
“It’s h-hard. I-I’d been w-with this disorder f-for as l-long as I can remember,” sabi ni Nykyrel na bakas ang kalungkutan sa boses.
Nalulungkot din si Lechel para sa lalaki. Who would want a speaking disorder and he was mocked because of it?
Pinihit niya paharap sa kanya si Nykyrel saka ito hinalikan sa mga labi. Napaungol ito nang maglapat ang mga labi nila. Agad nitong ipinalibot ang braso sa baywang niya at ang kamay nito ay pumipisil sa kanyang pang-upo.
Tingling sensation seeped into her ass towards her mound, making her wet and needy.
Pinakawalan ni Nykyrel ang mga labi niya saka nagtanong. “D-do you s-still need t-that i-interview?”
Nawalan siya ng imik sa tanong ng lalaki. Naumid ang kanyang dila. Gusto niyang sumigaw ng oo dahil para iyon sa promotion niya, pero si Nykyrel ang kanyang naiisip. Anong sasabihin nito kapag nabasa ang laman ng isusulat niya? He would feel betrayed. By her.
“Hayaan mo muna `yon,” sabi niya saka ngumiti. “Makakapaghintay naman `yon.”
Nykyrel rewarded her with a heart-stopping smile before claiming her lips. Nang pakawalan ng lalaki ang mga labi niya, hinaplos nito ang kanyang pisngi.
“Tara, matulog na tayo.”
Ngumiti si Lechel para itago ang mabilis na pagtibok ng puso niya. “Sige.”
Together, they went inside and lay on the bed, cuddling.
HATING-GABI na pero gising pa rin si Lechel. Hawak niya ang cell phone at naka-open ang kanyang note app. Isinusulat niya roon ang lahat ng nalalaman niyang impormasyon tungkol kay Nykyrel.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi saka pinakatitigan ang katabing lalaki. Magkatabi silang natulog, pero hindi siya nito hinawakan o ginalaw. He was a gentleman. He’s always asking if she’s comfortable or not.
Makakaya ba niyang sabihin sa buong mundo ang kahinaan ni Nykyrel Guzmano at hayaan ang mga taong husgahan ito at kutyain? Marami na ang pinagdaanan nito. Nakokonsiyensiya siya. Pero bakit hindi niya mabura-bura ang nakalagay sa kanyang note app?