Chapter Eighteen
A GAD na umayos ng upo si Lechel nang marinig niyang bumukas ang pinto. Mabilis siyang tumingin doon. Malakas na kumabog ang dibdib niya nang makita ang lalaki na isang taon niyang hindi nakita.
God. I miss him, piping sabi niya sa sarili. Sa bilis ng tibok ng kanyang puso, alam ni Lechel na hindi pa siya nakaka-move on.
Nagtagpo ang mga tingin nila. Lechel wanted to see emotion in his eyes, but nothing. Wala siyang makita. Hindi nga yata siya nito na-miss. That stung.
Tumikhim si Lechel at tumayo bilang paggalang dito. “Good morning, Mr. Guzmano. I’m here for the interview.”
Nykyrel cleared his throat too and strode towards her. Nabibingi na si Lechel sa lakas ng tibok ng puso niya.
“Ms. De Villa…” His voice was sexy and husky. “Ano naman ang itatanong mo sa akin na hindi mo pa alam?” Umupo ito sa swivel chair at deretsong tumingin sa kanya.
Napatitig si Lechel kay Nykyrel. He looked every bit of a confident businessman. Hindi niya ma-imagine na isang taon ang nakakaraan, wala itong tiwala sa sarili. He looked high and mighty sitting on his chair, looking at her. Kung hindi niya alam na may disorder ito noon, hindi siya maniniwala ngayon kung may magsasabi sa kanya.
Masaya siya para kay Nykyrel, pero may naramdaman din siyang takot. Noon nga na siya lang ang babae sa buhay nito, hindi nito sinuklian ang nararamdaman niya, paano pa kaya ngayon na siguradong marami siyang kaagaw sa lalaki?
Tumikhim si Nykyrel na nagpagising sa kanyang diwa.
Napakurap-kurap si Lechel. “Ahm, let’s start the interview.” Bumaba ang tingin niya sa papel na hawak na naglalaman ng kanyang mga tanong. Ang editor-in-chief niya ang gumawa ng mga tanong. “Ahm…” Lumunok siya, kinakabahan. “The first question is—”
“Kumusta ka na?”
Napatingin siya kay Nykyrel. “Ano?”
“Sabi ko, kumusta ka na?” tanong ulit nito, wala pa ring emosyon ang mukha. “May... boyfriend ka na?”
Napakurap-kurap si Lechel. “A-ano?”
And then there it was… his broad smile. Her heart thumped like crazy.
“It’s been a year, Lechel, so I assumed that you can still remember tidbits of information about me. I still do. Kaya naman kung ano man `yang mga tanong mo, sagutan mo na lang para sa akin at sagutin mo rin ang tanong ko sa `yo.”
Umawang ang mga labi ni Lechel. “Hindi ka na talaga nauutal?”
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Nykyrel. “For a whole year, everyday sessions with psychologist and therapists cured me. Saka I have a motivation that kept me going.”
“Motivation?” Sumikdo ang puso niyang umaasa. “Ano naman?”
Sa halip na sagutin siya, itinuro ng daliri ni Nykyrel ang papel na hawak niya. “Kung nakasulat diyan ang mga itatanong mo sa akin, I suggest you let the poor paper go. Ang higpit ng hawak mo, eh, mapupunit na.”
Nag-init ang mga pisngi ni Lechel sa sinabi nito. Agad niyang inayos ang papel, ini-on ang recorder at binasa ang unang tanong.
“Are you married?” Napanganga si Lechel nang ma-realize ang itinanong niya. Nag-angat siya ng tingin kay Nykyrel. “Sorry, nakasulat dito, eh.”
Nykyrel chuckled sexily. “Hindi pa ako kasal. Kadarating pa lang ng babaeng gusto kong pakasalan.”
Halos mapugto na ang hininga ni Lechel sa lakas ng tibok niyon. “Okay, second question. Are you in love with someone—” Nasapo niya ang bibig at tumingin kay Nykyrel. “Hindi mo kailangang sagutin `yon.”
“Yes, yes I am.”
Tumaas ang kilay ni Lechel. “Ha?”
“Yes, I’m in love.”
Parang tinusok ng ilang milyong karayom ang puso niya. Sino kaya? Shit! Masakit pa rin.
“Ah, okay.” Binasa niya ang pangatlong tanong. “Ahm, how’s business? Simula nang lumabas ka sa bahay mo three months ago, mas lumago ang Guzmano Company.”
“Yes, lumago nga. Maybe because I made sure that the company would prosper. I invested in other businesses, lots of investors came in. The board listened to me, and all in all, my company is doing well. I’m also opening another business in partnership of my friends. It will be announced soon.”
Namilog ang mga mata ni Lechel sa gulat. “May mga kaibigan ka?”
“Oo naman. Hindi mo lang sila nakilala noon. But maybe, this time, you can meet them.”
Umiling si Lechel. “Hindi na kailangan.” Binasa niya ang pang-apat na tanong. “What was the reason behind your aloofness to the world?”
Humugot ng isang malalim na hininga si Nykyrel saka nagpakawala ng malalim na hininga. “Well, ahm, I had a disorder since I was a kid. I was always bullied and of course, it hurt me. I got really scarred when I was in high school. It was a nightmare. Sobrang takot ako noong pumasok kasi lagi nila akong kinukutya at tinutukso, pero gusto ko talagang makapagtapos ng pag-aaral, eh, kaya pumasok ako kahit pa nga nakakatakot. Until my adulthood, I’m scared to talk to people, afraid that they might insult and mock me, too.
“Until I met the woman who changed me inside and out. I never once questioned myself and why I sought the solitude of my mansion, but when I met her, ginusto ko nang lumabas kasi alam kong gusto niya `yon. I did things I have never done to make her happy and to see her smile. I became a better man and with her help. I defeated my demons, I was cured because of her. She was my hope, my light, my salvation. Kahit noong umalis siya, siya pa rin ang pinanghahawakan ko sa bawat araw na nagdaraan.”
Umawang ang mga labi ni Lechel. Ang puso niya ay parang nakikipagkarera sa bilis. Siya ba ang babaeng tinutukoy nito? Umaasa siyang siya iyon.
Oh, God. Please, ako sana ang tinutukoy niya. Sana ako. Sana…
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “Ahm, ikalimang tanong. What can you see in your future?”
Ngumiti si Nykyrel. “I can see my wife and my kids in the future.”
Napatitig siya kay Nykyrel at lakas-loob na nagtanong. “Gusto mo bang pangalanan ang babaeng napupusuan mong maging asawa?”
Nykyrel just smiled and shrugged.
Huminga siya nang malalim saka pinatay ang recorder. Hindi alam ni Lechel kung bakit ganoon ang mga tanong na nakasulat. God! Ang iba sa mga tanong ay masyadong personal. At sinagot iyon lahat ni Nykyrel.
Tumayo si Lechel. “Thank you for your time, Mr. Guzmano.”
Tumango ito at tumayo saka lumapit sa kanya. “Thanks for coming... back.” Ibinulong lang nito ang huling salita.
Masuyo nitong hinawakan ang mukha niya saka hinaplos ang pisngi niya. Napakalapit lang ng mukha nila sa isa’t isa at natutukso si Lechel na ilapat ang mga labi sa mga labi nito, pero pinigilan niya ang sarili.
Nakikita niyang unti-unting lumalapit ang mga labi nila sa isa’t isa. She badly wanted to kiss him. To taste him. To feel him, but no.
No. Lechel wouldn’t be desperate for his love this time. If he loved her like she’d been dreaming of for a year, he had to do something, not her. Ayaw na niyang maging desperada sa pagmamahal nito.
Humakbang siya paatras at ngumiti. “Thank you.” Pagkasabi niyon ay umalis na siya.
MATAMANG tinitigan ni Nykyrel ang pintong nilabasan ni Lechel. She was so formal, so business-like. He hated it. But her questions caught him off guard. He was honest in every answer he gave though, ayaw niyang magsinungaling dito.
Huminga siya nang malalim saka lumabas ng opisina niya at lumapit sa mesa ni Daniel.
“May lunch meeting ako. I’ll be back later.”
“Yes, Sir.”
Sumakay si Nykyrel sa elevator at nagpahatid sa basement kung saan nandoon ang kotse niya.
Twenty-minutes later, Nykyrel found himself in Délicieux Restaurant. Nandoon na sina Tegan, Dustan, Nicholas, Trek, isang singkit na lalaki at tatlong kalalakihan na hindi niya kilala. Ilang buwan pa lang mula nang lumabas siya, hindi pa niya kilala lahat ng dapat kilalanin.
“Hi,” tipid niyang bati saka umupo.
Agad naman siyang ipinakilala ni Dustan. “Guys, this is Nykyrel Guzmano of Guzmano Company. Nykyrel these are…” Itinuro nito ang apat na kalalakihan na halos pare-parehas ang mukha. “The twins, Phaxton and Pharexter Coleman and their cousin, Zero Coleman. And this one here…” Itinuro nito si Trek na nakilala na niya a year ago. “Is Trek Wolkzbin.” Sunod nitong ipinakilala sa kanya ang singkit na lalaki. “And this is Saito Becker Kim, a tycoon and future Duke of Tuscany.”
“Magkakilala na kami,” sabi ni Trek saka nakipagkamay sa kanya. “A year ago. Sa cafe ko. Kasama mo noon si Lechel.”
Tumango si Nykyrel. “Oo, naalala ko.”
Ang tatlo niyang kaibigan ay napatitig sa kanya.
“Sinong Lechel?” tanong ni Dustan na namimilog ang mga mata.
Tumaas ang kilay ni Tegan. “May babae ka? Ipakilala mo naman sa amin.”
Nicholas grinned. “Is she the reason why you changed?”
Wala siyang sinagot sa tatlo, sa halip ay iniba niya ang usapan. “Ahm, nasaan sina RV Volkzki at NK Velazquez? Akala ko kasali sila sa meeting natin?”
It was Phaxton or Pharexter who answered. “Si NK ay nasa Spain pa. Si RV naman—” Napatigil ito sa pagsasalita. “Well, that piece of shit just entered the restaurant.”
Tumingin silang lahat sa direksiyon kung saan nakatingin ang isa sa kambal. Nykyrel froze, his heart tightened, his soul bleeds. No! Oh, boy, no! It couldn’t be.
Was that Lechel next to RV Volkzki? Hindi siya nagkakamali.
“Hey, dweebs, waiting for me?” RV hugged everybody except the four of them. “Sorry, guys, hindi ako makakasali sa meeting. May date ako.” Inakbayan nito si Lechel na hindi pa tumitingin sa gawi niya mula nang makalapit ang mga ito, pero sigurado siyang nakita siya nito habang palapit sa mesa nila.
“Hey, beautiful Lechel,” nakangiting sabi ni Trek kay Lechel.
“Hey!” balik-bati nito.
Si Pharexter naman, or was it Phaxton, who stood up and shook Lechel’s hand. “Naalala mo ako? It’s me, Phax, in Detroit Mask Ball. Ikaw ang kasama noon ni RV, `di ba?”
Tumango si Lechel. “Oo. Kinulit kasi ako ng dumuho na `to.” Binatukan ni Lechel si RV na para bang normal na gawain iyon.
Zero grinned. “Hmm… Kailan ang kasal?”
Umikot lang ang mga mata ni RV saka nginisihan si Lechel. “Oh, Chel, kailan daw ang kasal natin?”
Tinawanan lang ni Lechel ang tanong na iyon.
“Anyway, guys, doon na kami sa table namin ni Chel. And NK called me, on the way na raw siya.”
Saito Becker grumbled. “Siguradong matatagalan `yon dahil sa traffic.” Binuksan nito ang laptop na dala. “Give me the plate number of his car, I’ll hunt him down.”
RV grinned. “Nah. He’s using Victoria on the way here.”
Nagsalubong ang kilay ng kaibigan niyang si Nicholas. “Sinong Victoria?”
“NK’s Helicopter,” sabay-sabay na sagot ng anim na kalalakihan.
“Bye, guys,” paalam ni RV saka ito naglakad kasama si Lechel papunta sa table ng mga ito.
Bahagyang dumukwang palapit sa kanya si Tegan saka nagtanong. “Siya si Lechel, `no?” Nakanguso ang bibig nito sa mesa ni RV at Lechel. “Kung makatingin ka kasi kay Volkzki, para kang papatay ng tao.”
Hindi siya sumagot at ikinuyom lang ang kamao. Lechel was his. Walang puwedeng umangking iba sa babae kundi siya lang. Hindi siya naghintay ng isang taon para lang sa wala.
Kailangang may gawin siya.
MALAPAD na ngumisi si RV nang makaupo sila. “Para akong kakainin nang buhay ni Mr. Guzmano.” Mahina itong tumawa. “Damn, Chel, what did you do to that guy to make him fall for you hard?”
Kinunutan niya ito ng noo. “Ano bang pinagsasasabi mo? Walang gusto sa akin si Nykyrel. Ayaw niya sa akin. May iba na siyang babaeng mahal at—” Tumigil siya sa pagsasalita saka tumingin kay RV. “At ang sakit-sakit.”
Hinawakan ni RV ang kamay niya. “Chel, I am the biggest jerk on the face of earth, but I would never lie to you. Alam ko ang nakita ko. I saw jealousy on his eyes. Chel, hindi ako bulag para hindi makita ang nakakamatay na titig niya sa akin. Sa tingin ko, parehas lang kayong dalawa, lihim na nagmamahal.”
Umiling si Lechel. “Akala ko, sapat na ang isang taon para makalimutan ko si Nykyrel. Nang umuwi ako rito, sigurado ako sa sarili ko na hindi ko siya kailangan para maging masaya. Well, when I saw him again, it only took a second for me to realize that I still love him and I want to be part of his life again.”
Tinitigan siya ni RV saka ito bumuntong-hininga na para bang napakahirap intindihin ng sinabi niya. “Kumain na nga lang tayo. I’m not good with emotional shits.”
Mahina siyang natawa. “Alam ko.”
Um-order sila ni RV ng pagkain. Habang hinihintay na dumating ang in-order, nararamdaman ni Lechel na parang may nakatingin sa kanya. Ipinalibot niya ang tingin sa kabuunan ng restaurant at tumigil iyon kay Nykyrel.
Their eyes met. He was glaring at her and RV. Kinunutan naman niya ito ng noo. Ano ba ang ginawa niya sa lalaki para maging ganoon ang tingin nito sa kanya?
Nagbawi siya ng tingin at tumingin kay RV. “Nakauwi na pala si NK.”
NK is RV’s best friend. At dahil kaibigan siya ni RV, naging kaibigan na rin niya si NK.
“Oo. Kinumusta ka nga at ang love life mo.” May panunudyo sa boses ni RV.
Umirap siya sa hangin. “Kayong dalawa talaga, mga tsismoso kayo.”
Tumawa lang si RV at nagkibit-balikat. Tamang-tama naman na dumating na ang in-oder nilang pagkain. Habang kumakain sila, panay lang ang kuwentuhan nila ni RV tungkol sa negosyo nito.
“Oo nga at sa akin na nakapangalan ang AirJem Airlines, pero ayaw pa rin akong hayaan ni Daddy na maglagay ng eroplano sa Japan at Spain. That could double up the profit.” Sumimangot ito habang ngumunguya. “Hindi ba siya maka-move on? Nakakainis.”
Minsan nang naikuwento ni RV sa kanya ang dahilan ng galit ng ama nito sa mga Hapon at Espanyol. Medyo naiintindihan niya kung bakit ganoon ang ugali nito. But the ironic part was, kaibigan pala ng ama ni RV ang ama ni NK na isang Espanyol. Like RV and NK, their fathers were best of friends.
“Hayaan mo na. Your father has his reasons,” sabi niya.
RV grumbled. “Whatever.”
“Water, Miss?” tanong ng boses mula sa kanan niya.
“Thanks.” Tumingin siya sa waiter at napailing-iling nang makita si NK na may dalang isang basong tubig. “Saan mo naman inilapag si Victoria?”
“Sa rooftop ng restaurant na `to.” Umupo si NK sa tabi niya at kinain ang natirang pagkain sa plato niya. “Delicious. Just like the name of the restaurant itself.” He gave her a cheeky grin. “Sorry. Nagugutom na ako, eh.”
Itinulak ni RV ang pinggan na may laman pang pagkain. No, actually, may laman pang gulay. “Hayan, sa `yo na. Busog na ako.”
Umingos si NK. “Ang sabihin mo, hindi ka lang talaga kumakain ng gulay.”
RV grinned mischievously. “You know me.”
Itinirik ni NK ang mga mata saka inubos ang tira ni RV at tumayo. “Laters. Doon muna ako sa isang table.” Tumingin ito kay RV. “Text ko na lang sa `yo mamaya ang napag-usapan sa meeting.”
“Sure,” nakangiting sabi ni RV saka tumingin sa kanya. “How about dessert?”
Natatawang pinaikot ni Lechel ang mga mata. “Dessert it is.”