Chapter Twelve
F EAR consumed Nykyrel when he opened his eyes and looked at his surrounding. Hindi pamilyar sa kanya ang kuwarto na namulatan. Mabilis siyang nag-isip nang hindi maganda. Aalis na sana siya sa kama nang maramdamang may yumakap sa kanya sa baywang.
Tiningnan niya ang katabi at bigla siyang kumalma nang makita si Lechel. His sweet and understanding Lechel.
Parehas silang walang suot at magkadikit ang katawan nilang dalawa. After their love-quickie-making in the sofa, they followed it with a multiple hot love making in her bedroom.
Hindi napigilan si Nykyrel na ilapat ang mga labi sa nakaawang na mga labi ng babae. Damn this woman for stirring strange emotions from him.
Naalimpungatan si Lechel at napangiti nang imulat nito ang mga mata at makita siya.
“Good morning, handsome,” pabulong na bati nito saka kumubabaw sa katawan niya.
Nykyrel hissed with pleasure. Agad na nabuhay ang pagkalalaki niya. His erect manhood throbbed in anticipation. Naiiling na natatawa si Lechel nang maramdaman ang dulo ng pagkalalaki niya na tumutusok sa bukana ng pagkababae nito.
“Hmm, baby, you are awake,” sabi nito na ang tinutukoy ay ang gising niyang pagkalalaki.
“Yes, I am.” Hinawakan niya ito sa magkabilang baywang at dahan-dahang ipinasok ang pagkalalaki niya sa loob nito.
Nykyrel groaned as he entered half of him. “God, babe, you’re so tight.”
Hinalikan siya ni Lechel sa mga labi saka umupo nang tuwid. Nykyrel groaned when his manhood slid inside fully now.
“Lechel…” Mahigpit siyang napahawak sa magkabilang hita nito. “God, you’re so good.”
“Uhm, mmm.” Nakangiti si Lechel habang iginagalaw ang katawan. She moved her body up and down. Parehas silang umuungol sa sarap ng pag-iisa ng katawan nila.
Seconds later, they both came and moaned in unison. Pure bliss was written on their faces.
Hinihingal na kumubabaw ulit sa kanya si Lechel at hinalikan ang dibdib niya. “Breakfast?”
Hinaplos ni Nykyrel ang buhok nito. “Ikaw ang magluluto?”
Nag-angat ito ng tingin saka siya inirapan. “Para namang may future ka sa pagluluto.”
Tinawanan lang ito ni Nykyrel saka niya ito niyakap nang mahigpit.
Bumangon si Lechel at parang nang-aakit na naglakad papunta sa banyo. Nykyrel would love to make love with her again, but he knew she’s so sore. Pagkatapos nitong maligo, walang suot itong lumabas ng banyo habang nakapulupot ang tuwalya sa mahaba at kulot nitong buhok.
His eyes darkened with lust. “Lechel, I suggest you put some clothes on before I ravish you again.”
Tinawanan lang siya ni Lechel at talagang nananadyang mabagal na nagbihis sa harap niya. And the picture of Lechel wearing a sexy red lingerie was branded on Nykyrel’s lustful soul.
Napalunok siya nang matapos itong magbihis. Above the knee pencil cut skirt, sleeveless chiffon upper dress at pinatungan nito iyon ng black coat. All in all, Lechel looked like an office girl, pero hindi mawala sa isip niya ang red lingerie na suot nito ngayon.
“Ipagluluto kita ng breakfast saka ako aalis para sa meeting,” sabi nito.
“O-okay.” Hindi niya ipinahalata na ayaw niyang umalis ang babae sa kanyang tabi. Pero anong magagawa niya? Hindi naman niya ito puwedeng pigilang makipag-meeting.
Habang naliligo si Nykyrel, ipinagluto naman siya ng agahan ni Lechel. Nang lumabas siya sa banyo at nagbihis, nagpunta siya sa kusina kung saan handa na ang agahan niya, pero wala na si Lechel. Tanging note lang ang iniwan nito at ang agahan niya.
Baby,
I’m off to work. See yah in your house later. XOXO :)
-Lechel
His heart skipped a beat at the endearment. Si Lechel lang ang may kayang gawin iyon sa kanya. And for the first time in his life, he’s actually genuinely happy.
Lechel was an amazing woman and if she let him, he would keep her forever.
HINDI alam ni Lechel ang isasagot sa tanong ng editor-in-chief. Kinakain ng konsiyensiya ang buo niyang pagkatao. Hindi niya iyon puwedeng gawin kay Nykyrel. But her promotion…
“Miss De Villa, tatanungin kita ulit,” sabi ng editor-in-chief. “Ano na ang nalaman mo kay Nykyrel Guzmano? Hinayaan kitang mag-leave ng isang linggo dahil alam kong close na kayong dalawa at madali na lang para sa `yo ang makakuha ng impormasyon sa kanya. So, what have you learned so far?”
Lumunok si Lechel at ibinuka ang mga labi para magsalita. “I, ahm, I need more time.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “Hindi sapat ang isang linggo para makakuha ng impormasyon kay Nykyrel Guzmano. Sure, I know the basics about him, but I have to dig deeper to get more juicy information.”
Napatango-tango ang editor-in-chief at halatang naniwala ito sa sinabi niya. Totoo naman kasi iyon. Aside from Nykyrel’s disorder, wala na siyang ibang alam sa lalaki. Hindi naman siguro gugustuhin ng mga taong mabasa kung gaano kahaba at kasarap ang “alaga” ni Nykyrel.
Namula ang mga pisngi ni Lechel. She and Nykyrel had been very close physically. At sa bawat pagsasanib ng katawan nila, lalo siyang nagiging close sa lalaki. It had to stop, but could she?
“Sige.” Humugot ito ng malalim na hininga. “I’m giving you a month off but with payment. Siguro naman sapat na `yon para makakuha ka ng mga impormasyong pagkakaguluhan ng mga tao at the same time ay tataas ang sales ng magazine natin.”
Tumango si Lechel. “Salamat po, Ma’am.”
“You’re dismissed.”
Nakahinga nang maluwang si Lechel at nagmamadaling lumabas ng opisina nito. At habang naglalakad papunta sa elevator, nakasalubong niya si Jason, isa sa mga katrabaho niya.
“Hey, Lechel.”
“Hi,” she said politely.
“Balita ko, ang assignment mong si Nykyrel Guzmano ay nagpapa-rehab dahil nalulong ito sa droga.”
Lechel snorted. “Hindi `yan totoo.”
Nagkibit-balikat lang si Jason. “At may tsismis din na may speech disorder siya kaya ayaw lumabas sa bahay niya.”
Bigla siyang nanlamig sa narinig. Naninigas ang katawan niya na tumingin kay Jason. “Anong sabi mo? Speech Disorder?”
No! Wala siyang pinagsabihang iba maliban kay Jan Irish. Walang nakakaalam niyon. Wala, maliban sa mga kaklase noon ni Nykyrel. Oh, God! Ang mga babaeng iyon ba ang dahilan kung bakit lumabas ang impormasyong iyon? This was bad!
“Saan mo naman narinig ang balitang `yan?” pagtataray niya para matakpan ang kabang nararamdaman. “Kasama ko si Nykyrel Guzmano nitong mga nakaraang araw and he’s far from having a disorder.”
“Geez, woman. Chill,” natatawang sabi ni Jason. “Tsismis lang naman `yon.”
Inirapan niya si Jason at nagmamartsang nagpunta sa elevator. Shit! Kapag nagpatuloy ang pagkalat ang balita tungkol kay Nykyrel, siguradong masisira ang lalaki at masasaktan na naman ito. He had been through enough. Hindi pa ba sapat ang pinagdaanan nito?
Like you care? Hindi ba balak mo rin naman siyang saktan? Nauna lang sila sa `yo.
Napakagat-labi si Lechel. That’s true. Ang promotion pa rin ang kanyang pinipili at alam niyang masasaktan niya si Nykyrel one way or another.
UMUWI muna sa bahay niya si Lechel bago nagpunta sa bahay ni Nykyrel. Nang makauwi siya sa bahay niya, nakauwi na ang lalaki at nag-iwan na lang ng sulat na nagsasabi ng pasasalamat nito sa masarap na agahan.
Dala ang backpack na may lamang damit niya, umalis si Lechel sa bahay niya at nagpunta sa bahay ni Nykyrel. Nag-text na lang siya sa lalaki nang nasa labas na siya ng gate ng bahay nito.
Hey, baby. I’m outside the gate. Come and get me? XOXO :)
She liked using baby as endearment for Nykyrel. Baby was very cliché, but very sweet nonetheless.
Napangiti si Lechel nang marinig niya ang yabag ng mga paa sa loob ng gate. Pagkalipas nang ilang segundo, bumukas ang gate at sinalubong siya ng guwapong mukha ng lalaki na nagpapatibok sa puso niya.
“Hey, baby.” Niyakap siya ni Nykyrel at kinuha ang dala niyang backpack. “K-kumusta ang m-meeting mo?”
Lihim siyang napabuntong-hininga, nauutal na naman ito.
“Ayos lang.”
Isinara ni Nykyrel ang gate pagkatapos ay ihinilig siya sa likod niyon at mariing hinalikan sa mga labi na para bang miss na miss na siya nito.
“God, Lechel, you’re so hot in that pencil skirt of yours,” pabulong na sabi ni Nykyrel habang hinahalikan nito ang leeg niya.
Natatawang itinulak niya ang lalaki. “Nykyrel, puwedeng papasukin mo muna ako sa loob ng bahay?”
Naramdaman niyang natigilan ang lalaki at napatitig sa mukha niya, pagkatapos ay napakurap-kurap ito at ngumiti. “Sure thing, babe. Pasok ka na.”
Ipinilig ni Lechel ang ulo saka pumasok sa bahay habang nakasunod sa kanya ang lalaki na dala ang bag niya. Kakapasok palang nila sa sala ng yakapin siya nito mula sa likuran at hinaplos ang mayayaman niyang dibdib.
Napaungol si Lechel sa ginawa nito at nag-init agad ang katawan niya. This man could make her horny with just a single touch. Darn it!
Ang mga labi nito ay nasa leeg niya at hinahalikan siya nang mariin. Napakasarap niyon sa pakiramdam. Her belly tingled in anticipation.
Napadaing siya nang bumaba ang kamay ni Nykyrel papasok sa skirt niya. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang daliri nito na nilalaro ang hiyas ng pagkababae niya. Panay naman ang ungol niya dahil sa sarap na hatid niyon sa kanya.
Lechel was panting as Nykyrel moved his finger in and out inside of her. Ramdam na ramdam niya na basang-basa na siya sobra. Nakapatong ang paa niya sa pang-isahang sofa at nakabuka ang kanyang mga hita. She knew that she looked flushed as Nykyrel slid his finger in and out, making her moan in pure bliss. And next thing Lechel knew, she was coming hard around his finger.
Hinihingal na napasandal si Lechel sa matitipunong dibdib ni Nykyrel. “Sana pinaghubad mo muna ako.”
Mahinang natawa si Nykyrel, ang bibig nito ay hindi kalayuan sa tainga niya. “I c-can’t h-help m-myself. Kapag ikaw ang kasama ko, n-nawawala ako sa tamang h-huwisyo.”
Namula ang mga pisngi ni Lechel kasi parehas lang sila ng lalaki. Kapag ito ang kasama niya, nawawala siya sa tamang katinuan.
Inayos ni Lechel ang bahagyang nagusot na damit at humarap sa lalaki. Namumula pa rin ang mga pisngi niya. Ipinalibot niya ang mga braso sa leeg nito. “Napapansin ko, minsan hindi ka na nauutal.”
Tumango ang lalaki. “Napapansin ko rin. M-maybe because I f-feel at e-ease talking to you. Pero minsan tulad ngayon, nauutal pa rin ako—”
“Stop.” Tinakpan niya ang bibig ng lalaki para tumigil ito sa pagsasalita. “Huminga ka nang malalim, pakalmahin mo ang sarili mo at isipin mong kahit anong mangyari, hindi kita kukutyain at mapagkakatiwalaan mo ako.”
Tumango si Nykyrel saka huminga nang malalim. “Okay na ba `to?”
Ngumiti si Lechel. Oras na para sa naisip niyang plano para sa lalaki. “How about magpa-theraphy ka?”
Handa na si Lechel sa sigaw ni Nykyrel, pero hindi iyon nangyari. Sa halip ay hinaplos nito ang pisngi niya saka matiim na tumingin sa mga mata niya.
“Sa tingin mo, k-kapag nagpa-therapy ako, m-magiging m-maayos na ang p-pagsasalita ko?” May pagdududa sa boses ni Nykyrel. Hindi naman niya ito masisisi kung iyon ang nararamdaman nito sa therapy session na suhestiyon niya.
“Subukan natin kung magiging okay ka,” pangungumbinsi niya sa lalaki. “Wala namang mawawala, `di ba?”
Nag-iwas ito ng tingin, pero nakita ni Lechel ang pangamba sa mga mata nito.
“W-what if the t-therapist told s-someone a-about my d-disorder?”
Lechel took a deep breath. “Ano naman ngayon? A rumor is already circulating about you having a disorder.” Nanlaki ang mga mata ng lalaki sa narinig, pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita. “All you could do now is to prove them wrong. Nykyrel, you can’t hide in here forever. Please? Saka kung nababahala ka sa therapist na baka itsismis ang disorder mo, we will let him or her sign a contract saying that what happens in your session is private and if it gets out, puwede mo siyang kasuhan.”
Bumuntong-hininga si Nykyrel. “Pag-iisipan ko.”
Kahit paano ay nasiyahan si Lechel sa sinabi nito. “Thank you!” Niyakap niya ang lalaki. “Ang gusto ko lang namang mawala na ang disorder mo. Masakit ang makita kang kinukutya, Nykyrel. I can’t let them taunt and mock you anymore. Maging malakas ka para sa sarili mo, baby. Fight those demons inside you.”
Humigpit ang yakap sa kanya ni Nykyrel. “Salamat, Lechel. S-salamat at nandiyan ka para sa akin.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “Nandito lang ako.”
She knows that she’s lying.
Pinakawalan siya ng lalaki sa pagkakayakap saka pinanggigilan ang tungki ng ilong niya. “By the way, may tanong ako,” sabi ni Nykyrel na bahagyang namumula ang mga pisngi.
Kumunot ang noo ni Lechel. “Ano `yon? Bakit parang namumula ang mga pisngi mo?”
Nykyrel looked embarrassed all right.
“Ahm…” Tumikhim ito. “What do you mean by XOXO?”
Malakas na tumawa si Lechel sa tanong ng lalaki, napahawak siya sa tiyan niya sa sobrang tawa. Masyado talaga itong naburo sa bahay na simpleng XOXO lang ay hindi alam ang ibig sabihin.
Tiningnan siya nang masama ni Nykyrel. “Whatever.”
Tumigil siya sa pagtawa saka ito sinagot. “It means hugs and kisses.”
Napalitan ng ngiti ang madilim na mukha ni Nykyrel. “Oh! XOXO then.”
Malakas na namang natawa si Lechel. Nykyrel could really be funny sometimes.