noveltoon logo noveltoon
Wicked Encounter (Dark Boss Series 2)

Chapter 14

Ch. 15 / 23 Feb 05, 2022

Chapter Fourteen

M ASAYA si Lechel para kay Nykyrel. Napagdesisyunan din nitong kumuha ng therapist. Nandoon siya nang kausapin ni Nykyrel si Mr. Delos Santos tungkol sa gusto nitong mangyari.

Mr. Delos Santos was a fifty-year old man with gray hair. Isa ito sa magagaling na therapist sa buong bansa. Binigyan nito si Nykyrel ng karapatang kasuhan ito kapag may pinagsabihan itong iba tungkol sa disorder ng lalaki.

Nykyrel had been attending his sessions every day. Ang nakakatuwa pa, pumayag si Nykyrel na sa opisina ni Mr. Delos Santos gawin ang bawat session. Ibig lang sabihin niyon, sinusubukan talaga ni Nykyrel na maging normal.

Si Lechel naman ay nanatili sa bahay ni Nykyrel at inumpisahang isulat ang report niya tungkol kay Nykyrel Guzmano. Lahat ng alam niya sa lalaki ay isinulat niya. Everything was going smoothly.

Napaigtad si Lechel nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Nagluluto siya ng hapunan nila ni Nykyrel.

“Hey, babe.” Boses iyon ni Nykyrel.

Napangiti siya at tinapos ang niluluto saka humarap dito. “Kumusta ang session mo ngayong araw?”

Masaya itong ngumiti. “It was awesome.”

Napangiti rin si Lechel. Dalawang linggo palang itong nagse-session, pero kapansin-pansin agad ang pagbabago ni Nykyrel. Panay na ang salita nito at parang lagi itong masaya nitong mga nakaraang araw. May mga pagkakataong nauutal ito, pero hindi sa kanya kundi kapag kausap nito si Mr. Delos Santos.

“Niluto ko ang paborito mo.” Hinalikan niya ito sa mga labi. “Umupo ka na, ipaghahain kita.”

Masayang sumunod si Nykyrel. Nakangiti niyang ipinaghain ang lalaki. Parehong magaan ang pakiramdam nilang dalawa habang naghahapunan. At pagkatapos nilang linisin ang pinagkainan, may ibinigay sa kanyang sulat si Nykyrel.

“Ipinabibigay sa `yo ni Mr. Delos Santos,” sabi nito. “I’m curious to know what inside, but...”

Napangiti si Lechel saka binasa ang laman ng sulat.

Ms. De Villa,

I assumed that Mr. Guzmano’s quick response to our session is because of you, kaya naman hihingin ko sana ang tulong mo. Nasabi sa akin ni Mr. Guzmano na hindi na siya nauutal kapag ikaw ang kausap niya. Sa akin naman, minsan na lang at mabibilang ang minsan na `yon ng mga daliri ko. Napagdesisyonan kong oras na para subukan nating ipakausap si Mr. Guzmano sa iba. I hope your response to my letter is positive.

-Mr. Delos Santos

“Anong sabi niya?” tanong ni Nykyrel na sinusubukang sumilip para mabasa ang nakasulat.

Tinupi ni Lechel ang papel at inilagay sa bulsa. “Sabi ni Mr. Delos Santos, oras na para subukan mong kumausap ng iba maliban sa aming dalawa.”

Dumaan ang takot sa mga mata ni Nykyrel, pero agad din naman iyong nawala. “Ganoon ba? Sino naman?”

Alam ni Lechel na nilalabanan nito ang takot para hindi niya makita, pero alam niyang takot ang lalaki. Nararamdaman niya iyon. She can sense it, damn it.

Nagkibit-balikat siya. “Ikaw ang pumili. I suggest you pick someone you trust.”

Nag-isang linya ang kilay nito, halatang nag-iisip nang malalim. Seconds later, his whole face lit up. “Si Daniel Mendoza.”

Tumaas ang kilay niya. “`Yong executive assistant mo?”

Tumango si Nykyrel. “Yes. Him.” Niyakap siya nito sa baywang saka hinalikan sa mga labi. “Sa susunod na linggo kaya, puwede?”

“Oo naman,” nakangiting sagot niya. “The sooner, the better.”

“Sa tingin mo, mauutal ako?” May takot na nakatago sa boses nito.

Umiling si Lechel. Malaki ang tiwala niya sa mga session nito. “You’ll be fine, Nykyrel.”

Ngumiti ito at hinalikan siya sa nga labi. “I will be.”

Napatili si Lechel sa gulat nang bigla siyang buhatin ni Nykyrel saka nilakad ang daan papuntang swimming pool.

“Nykyrel, ibaba mo ako.”

Tawa lang ang sagot sa kanya ng lalaki hanggang sa makarating sila sa gilid ng swimming pool.

“One… Two…” Tawa nang tawa si Nykyrel.

“Nykyrel! Ibaba mo ako! Kapag itinapon mo ako sa swimming pool, I swear—”

“Three!” Bigla siya nitong itinapon sa swimming pool.

Her back hit the surface of the water and next thing she knew, water surrounded her whole body. Mabilis siyang lumangoy para makaahon.

Handa na siyang sigawan si Nykyrel, pero wala siyang nakita nang makaahon ang ulo niya. Confusion filled her. Nasaan naman kaya ang lalaking iyon?

Lechel’s eyes widened in panic when someone grabbed her leg and pulled her down. Nilamon ng tubig ang matinis niyang sigaw. Kinain siya ng takot. Ginawa niya ang lahat para makaahon at nang makaahon ang ulo niya, may yumakap sa baywang niya mula sa likuran.

Napuno ng malakas na tawa ni Nykyrel ang buong paligid. Galit na humarap siya sa lalaki at malakas niya itong sinampal. Naputol ang pagtawa ni Nykyrel at namimilog ang matang napatitig sa kanya.

Nanubig ang mga mata ni Lechel. “Alam mo bang sobrang natakot ako sa ginawa mo?”

Lumambot ang mukha nito. “I’m sorry.” Halata ang guilt sa guwapo nitong mukha. “I’m sorry. I’m sorry. I’m sorry.”

Naiinis na pinagsusuntok niya ang dibdib nito na nauwi sa pagyakap niya rito nang mahigpit. Nykyrel was only wearing a boxer short.

“Huwag mo nang uulitin `yon.”

“I’m sorry.” Hinaplos nito ang likod niya. “Hindi ko na uulitin.”

Nanatili sila sa swimming pool ni Nykyrel sa ganoong posisyon nang biglang namilog ang mga mata niya nang may maramdaman siya.

“Nykyrel!” Lechel looked shocked. “Bakit... b-bakit tinitigasan ka?”

Malakas na tumawa si Nykyrel na lalong ikinainit ng mga pisngi niya.

“Nykyrel!”

“What?” Lumangoy ito palapit sa kanya saka idinikit sa tagiliran niya ang matigas nitong pagkalalaki. Nagtaasan ang balahibo niya. “This is what you do to me, Lechel. Yakap pa lang, nabubuhay na siya.”

Inirapan niya ito. “Alam mo, Nykyrel, simula nang mag-umpisa kang mag-session, nag-iba ka na. You became a tease.” Hinubad niya ang damit at ang itinara na lang ay ang bra at panty.

Mas lumapad ang ngiti nito. “Those session changes me, babe. I think I become more confident each day that passes. Magaling na therapist si Mr. Delos Santos. At may sorpresa ako sa `yo.”

Tumaas ang kilay ni Lechel saka ihinilig ang ulo sa balikat ni Nykyrel. “Ano naman?”

“Kaninang umaga, bago ang session ko kay Mr. Delos Santos, nakipagkita ako kay Miss Gibson.”

Agad siyang nakaramdam ng selos nang marinig ang salitang miss. Nag-angat siya ng tingin dito at mataray na nagtanong. “At sino naman si Miss Gibson?”

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Nykyrel. “Selos ka?”

“Gusto mong sipain kita?”

“Asus...” Niyakap siya nito at hinalikan sa mga labi. “Lechel, kahit pa siguro isang milyong babae ang makilala at makasama ko, ikaw pa rin ang pipiliin ko.”

Sumikdo ang puso niya. “At bakit?”

“Kasi iba ka sa kanilang lahat. At nandiyan ka sa tabi ko nang mga panahong nasa madilim na bahagi ang buhay ko. And because of you, I saw light again and I saw hope. When I look at you, I see a woman who genuinely cares for me.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “I see the woman who I want to spend my life with.”

Lechel’s heart melted. Mahigpit niyang niyakap ang lalaki at hinalikan sa leeg.

Holy God! He wants to spend his life with me!

Hindi bato ang puso niya para hindi iyon matunaw sa sobrang saya.

Bahagya niyang pinakawalan ang lalaki sa pagkakayakap at siniil ng mapusok na halik ang mga labi ni Nykyrel.

He instantly kissed her back. Yumakap ang kamay nito sa baywang niya, samantalang ang isang kamay nito ay nasa kanyang dibdib, minamasahe iyon.

“Oooh…” Napadaing si Lechel nang maramdamang pumasok ang kamay nito sa loob ng suot niyang panty at nilaro ang hiyas niya. “Oooh!”

Bumaon ang kuko niya sa balikat nito at habang ninanamnam ang sarap ng daliri nito sa loob niya, nagtanong si Lechel.

“A-ano pala ang sorpresa mo sa akin?” Napaungol siya. “Oooh, Nykyrel.”

Naramdaman niyang isinandal siya ng lalaki sa gilid ng pool at pinaglandas ang mga labi sa leeg nito.

“Miss Gibson…” Nykyrel licked her neck. “Is a psychiatrist.” Kinagat nito ang balat sa leeg niya. Napakainit ng hininga na tumatama sa leeg niya. “At hiningi ko ang tulong niya para mawala na ang takot na nararamdaman ko.” Matiim siya nitong tinitigan. “I want to be a man who is worthy of you, Lechel. At magagawa ko lang `yon kapag nawala na nang tuluyan ang takot ko.”

“Nykyrel…” Hinaplos niya ang pisngi nito. “You’re the most amazing man I have ever met. At nakakataba ng puso na malamang isa ako sa dahilan ng kagustuhan mong magbago.”

“At the moment, you’re my anchor. Huwag mo akong iiwan, ha?”

Nangingiting tumango si Lechel. “Nasa tabi mo lang ako.”

Sana mapanindigan ko ang pangako kong `to.

“Music to my ears.” Ipinagpatuloy na naman nito ang paghaplos at paglalaro sa hiyas niya. “Now, I’ll make you scream.”

Nykyrel thrust his two fingers in and out of her. So fast and hard. Napapaliyad siya sa sobrang sarap. And truth to Nykyrel’s words, Lechel screamed so loud as she came. Hinihingal na yumakap siya sa lalaki.

“Take me to bed, Nykyrel.”

“Gladly.”

Binuhat siya ng lalaki at umahon sila sa swimming pool. Basang-basa sila habang naglalakad papasok sa loob ng bahay. Nang makarating sila sa kuwarto ng lalaki, inihiga siya ni Nykyrel sa malambot na kama at hinalikan ang mga labi niya.

Nagpaubaya naman si Lechel at sinagot ang halik nito. Nang mag-umpisang nagmalikot ang kamay nito, ganoon din ang kamay niya.

DAYS passed by in a blur. Nanatili si Lechel sa bahay ni Nykyrel habang ito naman ay patuloy na uma-attend sa mga sessions. Araw-araw, nakikita niya ang pagbabago ni Nykyrel. He grew more confident every day. It was amazing to see Nykyrel’s transformation. From being insecure to a confident man. And his session was put to test two weeks after.

“Kinakabahan ako,” sabi ni Nykyrel habang nakaupo sila sa loob ng CCBells cafe.

Nasa katabing mesa lang nila sina Mr. Delos Santos at Ms. Gibson. Lihim siyang napailing-iling nang maalala ang una nilang pagkikita ng babae. Lechel thought that Ms. Gibson was a young woman, nagkakamali pala siya. Dahil si Ms. Gibson ay nasa mid-forties na at maagang nabiyuda.

Huminga siya nang malalim saka hinawakan ang kamay ni Nykyrel. Pinisil niya iyon at sinalubong ang nag-aalala nitong mga tingin.

“Nykyrel, nagiging maayos ang lahat,” sabi niya at nginitian ito.

Tumango naman ang lalaki. “Salamat at sinamahan mo ako rito.”

Ngumiti lang siya bilang sagot.

Ilang minuto pa ang lumipas bago may isang lalaking lumapit sa mesa nila. Agad niyang nakilala ang lalaki kasi nakausap na niya ito noong hinahanap pa niya si Nykyrel. At parang namukhaan din siya nito dahil nag-aalangang ngumiti ito sa kanya.

Tumikhim ang lalaki. “I’m Daniel Mendoza.” Pilit itong ngumingiti. “I assume you remember me.” Nakatingin ito sa kanya.

Magiliw sana siyang magpapakilala nang pormal nang maramdaman niya ang nakamamatay na tingin ni Nykyrel sa bagong dating.

“Mr. Daniel Mendoza.” His voice was menacing. “If y-you love your lips and teeth, you better stop smiling at my woman or you’ll lose them.”

Her heart instantly hammered inside her chest.

His woman?

Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Daniel at tumingin kay Nykyrel. “M-Mr. Guzmano?”

Tumaas ang kilay ni Nykyrel. “Yes, Mr. Mendoza?”

Ang kaba sa mukha ni Daniel ay napalitan ng malapad na ngiti. “I’m so happy to finally meet you, Sir.” Tumingin ito sa bakanteng upuan saka tumingin ulit kay Nykyrel. “Ahm, puwede ba akong umupo, Sir?”

“Sure.”

Mabilis na umupo si Daniel at walang tigil na nagsalita. “Mr. Guzmano, napakasaya ng board nang sabihin ko sa kanila ang ipinapasabi mo two weeks ago. At masaya rin ako na sa wakas ay magpapakita ka na. Good heavens! Some of the employees will throw a thank you party for your appearance two weeks from now. And then there’s this—”

“H-huminga ka muna, Mr. Mendoza. B-baka mabulunan ka sa sarili mong l-laway.”

Nagtagis ang bagang ni Nykyrel. Alam agad ni Lechel kung bakit. Nauutal na naman ito.

Pinisil niya ang kamay ng lalaki para ipaalam na nandoon lang siya. Pero bigla na lang tumayo si Nykyrel at nagpunta sa rest room nang hindi man lang nagpapaalam.

Bumuntong-hininga si Lechel habang nakasunod ang tingin sa likod ni Nykyrel saka bumaling kay Daniel.

“Mr. Mendoza, siguro mas makakabuti kung umalis ka na muna bago siya bumalik. May pinagdadaanan lang ngayon si Nykyrel, sana manatili itong lihim sa ating tatlo.”

Agad namang tumango ang lalaki. “Makakaasa ka.” Tumayo ito at mabilis na nagpaalam.

Siya naman ay napunta ulit ang tingin sa pinto ng men’s room. Limang minuto na ang nagdaan, pero hindi pa rin lumalabas si Nykyrel. Nagsalubong ang mga kilay niya saka naglakad papunta sa men’s restroom.

Lechel knocked on the door. “Nykyrel? Nandiyan ka pa ba?”

Lechel heard shuffling inside the door and it opened. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pinakahuling lalaki na gusto niyang makita sa buong buhay niya.

“Jonathan?” pabulong niyang sabi.

Napatitig sa kanya ang ex-boyfriend niya, parehong nakaguhit sa mukha nila ang gulat. Pagkatapos ay gumuhit ang ngiti sa mga labi nito.

“Chel!” Yumakap ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. “Kumusta? Ayos ka lang ba? After our breakup, I didn’t hear anything from you anymore.”

Bago pa siya makasagot, nahagip ng mga mata niya ang maputlang mukha ni Nykyrel. Her heart dropped at the sight. Ilang beses niya lang itong nakitang namutla at iyon ay kapag kinukutya ito.

“Nykyrel, ayos ka lang?” tanong niya, pero wala siyang nakuhang sagot.

Tumingin si Jonathan kay Nykyrel, nakangisi ito. “Kilala mo si Nyk? Hmm… What a surprise.” Bumaling ito sa kanya. “Anyway, you want to go out sometimes. Na-miss kita—”

Nykyrel stormed out, bumping into Jonathan’s shoulder and hers. Malalaki ang hakbang na lumabas ito ng cafe at tumakbo palayo.

Nanikip ang dibdib ni Lechel sa nakita. “Oh, God.”

Tatakbo sana siya para sundan si Nykyrel nang pigilan siya ni Jonathan sa braso.

“Hayaan mo siya. He’s a loser anyway,” sabi nito dahilan para umakyat ang dugo sa ulo niya.

Malakas niyang iwinasiwas ang kamay ni Jonathan na nakahawak sa braso niya saka patakbong sinundan si Nykyrel. Wala siyang pakialam kung naka-high heels siya. She ran after him. Hinanap niya ito sa buong paligid, pero hindi niya ito nakita. Nang mapagod, napagdesisyunan niyang sa bahay na lang siya nito maghihintay.