noveltoon logo noveltoon
Wicked Encounter (Dark Boss Series 2)

Chapter 2

Ch. 3 / 23 Feb 05, 2022

Chapter Two

N YKYREL cursed when the woman fell to the ground with a thud. Itinirik niya ang mga mata saka hinawakan sa leeg ang kanyang aso para pigilan itong sakmalin ulit ang babae. Isang simpleng denim short at T-shirt ang suot nito kaya kitang-kita niya ang sugat na gawa ng kanyang aso. Napatitig siya sa paa na sinakmal ng alaga niya.

Pity. Those legs looked delectable.

With that thought, Nykyrel grimaced. Matagal-tagal na rin pala simula nang huli siyang nagparaos sa isang babae. It had been a fucking year. Kaya siguro ganoon siyang mag-isip.

Napabuntong-hininga si Nykyrel saka tinapik-tapik ang ulo ng aso niya.

Good boy.

Binuhat niya ang walang malay na katawan ng babae. Dumudugo ang sugat nito. Wala siyang pakialam kung ano man ang mangyari sa babae, pero ayaw naman niyang mamatay ito sa loob ng kanyang bahay kahit pa nga ito ang dahilan kung bakit nakagat ito ng aso.

Inihiga ni Nykyrel ang babae sa mahabang sofa sa sala niya saka kumuha ng malinis na tubig at pamunas. Pagkatapos niyang linisin ang sugat ng babae, naiinis na kinuha niya ang first aid kit saka kinuha roon ang gamot para hindi kumahol ang babae pagkalipas nang ilang araw. It was an anti-rabies vaccine.

Pagkatapos niyang isalin ang vaccine sa syringe, binalikan niya ang babae. That was too much work, damn it! Nykyrel sighed as he injected the anti-rabies to the unconscious woman.

Why the hell am I doing this? naguguluhang tanong niya sa sarili.

Dapat ay itinatapon niya palabas ang pangahas na babae. Umiling-iling si Nykyrel. Hindi niya maintindihan ang sarili. Humugot siya ng malalim na hininga saka napatitig sa mukha ng babaeng walang malay.

Underneath those eyelids was a dark chocolate color eyes. Matangos ang ilong nito at natural na mapula ang mga labi. She had a heart-shaped face and burgundy color hair. All in all, she’s very pretty. And pretty women were dangerous.

I really must send her away the moment she wakes up. Fuck!

NAGMULAT ng mata si Lechel. She was aware of the pain in her left leg. Dahan-dahan siyang bumangon saka tiningnan ang masakit niyang paa. Malinis na ang sugat.

Who would—that man!

Mabilis niyang inilibot ang paningin, hinahanap ang guwapong lalaki. Tumigil ang mga mata niya sa pang-isahang sofa. There, a handsome man sat, motionless and emotionless.

Tumikhim si Lechel. “Hi.”

Walang buhay ang mga mata na tumingin sa kanya ang lalaki saka ipinakita sa kanya ang whiteboard. May nakasulat doon.

GET THE FUCK OUT OF MY HOUSE!

Nagsalubong ang mga kilay ni Lechel sa inis dahil sa nabasa. That was so rude! At bakit isusulat nito iyon? Hindi ba ito nakakapagsalita?

Tiningnan niya nang masama ang lalaki. “Baka nakakalimutan mo na sinakmal ako ng aso mo! The least you could do is take care of me.”

Umikot ang mga mata ng lalaki saka ito nag-umpisang magsulat sa whiteboard. Pagkatapos nitong magsulat, ipinakita nito iyon sa kanya.

FUCK YOU! IKAW ANG PUMASOK SA BAHAY KO. IKAW ANG PUMASOK NANG WALANG PAALAM. KAYA WALA AKONG RESPONSIBILIDAD SA `YO. KAYA UMALIS KA NA!

Paulit-ulit na binasa ni Lechel ang nakasulat sa white board. Hindi niya napigilang matawa. Ano ba ang problema ng lalaking ito? Tumingin siya sa lalaki na parang sinusuri mula ulo hanggang paa.

“Pipi ka ba? Sino ka? Anong pangalan mo?”

Tiningnan siya nang masama ng lalaki saka nagsulat na naman sa whiteboard.

I’M NYKYREL GUZMANO. NOW, FUCK OFF AND GET OUT OF MY FUCKING HOUSE!

Nanlaki ang mga mata ni Lechel sa nabasa. Ito si Nykyrel Guzmano? Akala niya mabaho ito? What the hell?

“Ikaw si Nykyrel Guzmano? Puwede ka bang ma-interview?” tanong agad niya. Ito na ang kanyang pagkakataon. “Kailangan kitang makausap kaya ako nandito. Pasensiya ka na at nag-trespass ako. I just need to talk to you—”

Naputol ang sasabihin ni Lechel nang naiinis na tumayo ang lalaki at walang sabi-sabing binuhat siya. She was lost the very moment his arms cradled her. Good heavens! Ang bango nito. Parang gusto niyang ikiskis ang sarili sa lalaki para makuha ang amoy nito.

Marahas niyang ipinilig ang ulo. Ano ba ang nangyayari sa kanya? This man was so devilishly handsome at naapektuhan siya sa kaguwapuhan nito. Mabilis at malakas ang tibok ng puso niya.

Siguro may engkanto ang bahay na `to kaya nakakaramdam ako nang ganito.

Tama. Iyon nga ang dahilan. Napakalaki ng bahay na ito. Malamang, may multo dito.

Naputol sa pag-iisip si Lechel nang marinig na bumukas ang pinto saka walang sabi-sabing binitiwan siya ng lalaki—sa labas ng pinto ng mansiyon nito—dahilan para mapaupo siya sa sahig.

Tiningnan niya nang masama si Nykyrel Guzmano. Nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit. “Walang modo! Muntik nang ma-dislocate ang buto ko sa pigi dahil sa ginawa mo!” galit niyang sigaw sa lalaki. Kung nakakamatay lang ang tingin... bakit ba naging guwapo pa ito? “Letse ka! Hayup—” Bigla siyang natigilan sa pagmumura nang may pumasok sa isip niya. “Naririnig mo ba ako? `Di ba, kapag pipi, bingi rin?”

Pinandilatan siya ng lalaki saka nito malakas na isinara ang pinto. Napasimangot na sumandal si Lechel sa nakasarang pinto at hinimas ang medyo nananakit niyang pigi.

Peste ang lalaking iyon! Walang modo! Walang puso!

Bumaba ang tingin ni Lechel sa kanyang paa. Kitang-kita niya ang sugat ng pagkakakagat ng asong iyon, namamaga ang gilid niyon at nararamdaman niyang nananakit na. Kinagat niya ang pang-ibabang labi saka ipinikit ang mga mata.

Hindi alam ni Lechel kung bakit nakaramdam siya bigla ng pagkapagod. She felt her leg getting numb. Hanggang sa dahan-dahan na siyang nawalan ng malay.

NAPABALIKWAS si Lechel nang magmulat siya ng mga mata at mapansin na nasa isa siyang estrangherong kuwarto. Ang huli niyang naaalala ay ang pamimigat ng talukap ng kanyang mga mata at nakatulog siya habang nakahilig sa pinto.

Nasaan ako? tanong niya sa sarili saka umalis sa pagkakahiga sa kama.

Napatingin siya sa kama. It’s king size, color black like the rest of the things in the whole bedroom.

Umawang ang mga labi ni Lechel.

Hindi kaya... hindi kaya nasa isa akong kuwarto sa mansiyon ni Nykyrel Guzmano? Creepy!

Dahan-dahan siyang lumabas sa kuwarto at pasilip-silip sa paligid habang naglalakad. Napatigil siya sa paglalakad nang makarinig ng tunog galing sa hindi kalayuan. Mabilis siyang nagpunta roon. Nakita niya si Nykyrel Guzmano.

Honestly, Lechel was beyond shocked. Akala talaga niya, matanda ito o kaya naman pangit na mabaho. Pero nagkamali siya. His eyes were the most adorable liquid brown. His lips were the most kissable plum. His ripped body was the most seductive flesh in the world. Oh, and his attitude... it sucks !

Bumuga si Lechel ng hangin dahilan para mapalingon sa kanya ang lalaki. Sinubukan niyang ngumiti, pero nauwi iyon sa pagngiwi.

“H-hi.”

Tumaas ang kilay ni Lechel nang makitang may hawak itong whiteboard at sinusulatan iyon, pagkatapos ay ipinakita sa kanya ang nakasulat doon.

FUCK OFF, WITCH!

Naningkit ang mga mata ni Lechel sa inis. “At talagang may pandamdam ka pang ginamit?” Paika-ika siyang naglakad sa island counter kung saan ito nakahilig at umiinom ng beer habang matalim ang mga mata na nakatingin sa kanya.

Tumikhim si Lechel saka sinubukang tumayo nang tuwid, pero napapangiwi siya sa sakit. Hindi pa niya kaya. Buwisit ang asong iyon!

Huminga siya nang malalim saka taas-noong inilahad ang kamay sa intimidating na lalaki sa harap niya.

“ Mr. Guzmano, I’m Lechel De Villa.” Nang hindi nito tinanggap ang kanyang pakikipagkamay, naiinis na ibinaba niya iyon saka namaywang. “Look, nandito lang ako para magtanong ng ilang k atanungan sa `yo. Pagkatapos niyon, aalis na ako. Kailangan lang kitang ma-interview para ma-promote ako—”

Tumigil sa pagsasalita si Lechel nang makitang nagdilim ang mukha ni Nykyrel Guzmano. Mali yata ang kanyang nasabi. Napalunok siya.

“Please, Mr. Guzmano. Kailangan ko ang promotion na `to—” Tumigil ulit siya sa pagsasalita kasi humakbang palapit sa kanya ang lalaki. Tumigil lang ito nang ilang dangkal na lang ang layo ng mga mukha nila. “M-Mr. Guzmano...”

Lechel couldn’t look away from his deep lazy eyes. Para siyang nahihipnotismo na tumingin doon. His eyes were magnetic and she’s being magnetized. Hindi siya makaiwas ng tingin!

I should slap myself to wake up from this… whatever this is called.

Biglang napasigaw si Lechel sa gulat nang bigla na lang siyang buhatin ng lalaki nang pa-bridal style nang wala man lang pasabi.

“Hoy! Ibaba mo ako!” sigaw niya habang pinagsususuntok ang dibdib at balikat ng lalaki. “Put me down, you brute!”

Kahit anong sigaw ni Lechel, mas naging mahigpit lang ang pagkakabuhat sa kanya ni Nykyrel Guzmano. Hanggang sa makarating sila sa kuwarto na pinanggalingan niya kanina, hindi talaga siya binitiwan ng lalaki. Walang imik siya nitong ihiniga sa malambot na kama saka iniabot sa kanya ang mamahalin nitong cell phone. Kinunutan niya ng noo ang lalaki saka bumaba ang tingin sa cell phone na malapit sa kanyang mukha.

“Ano?” tanong niya.

Hindi nagsalita ang lalaki. Pipi nga, `di ba? Basta iniabot lang nito sa kanya ang cell phone saka tumayo sa gilid ng kama na parang may hinihintay. Nakatingin lang si Lechel sa screen ng cell phone nang ilang minuto saka napapantastikuhang ibinalik ang tingin kay Nykyrel.

“Gusto mong mag-selfie ako gamit ang cell phone mo?” biro ni Lechel. Hindi kasi niya maintindihan ang gusto nitong ipahiwatig.

Inis na pinaikot nito ang mga mata saka inagaw ang cell phone sa kamay niya. May kung anong ginawa ito sa cell phone saka ibinalik iyon sa kanya. Napatitig ulit siya sa screen saka tumaas ang mga kilay niya nang mabasa ang nakasulat sa new message in capital.

PUT YOUR NUMBER.

Understanding dawned on Lechel’s face. Iyon pala ang ibig sabihin nito.

Tiningala niya ang lalaki. “Ano ba ang ipinaglalaban mo? Bakit laging capital letters kapag nagsusulat ka? Ano `yon, para intense?” pagtataray niya saka inilabas ang kanyang cell phone sa bag na nasa uluhan ng kama.

Inilagay ni Lechel ang numero niya sa cell phone ni Nykyrel. She saved it under the name Lechel D., pagkatapos ay ibinalik ang cell phone dito.

“Hayan na ang number ko.” Umismid siya. “Ano naman ang paggagamitan mo sa number ko, ha?” mataray niyang tanong.

Wala siyang pakialam kung si Nykyrel Guzmano ang susi para ma-promote siya. Nakakainis ang ugali nito. Hindi man nagsasalita, halata namang bossy masyado. Buwisit!

Hindi siya sinagot ni Nykyrel. Hindi na iyon nakakagulat. Hindi man nito sinasabi, alam niyang pipi ito. No wonder he did not go out at all. The world could be harsh to differently abled person.

Napatingin si Lechel sa lalaki nang makitang parang nagta-type ito sa cell phone nito. Pagkatapos ay biglang tumunog ang message alert tone ng cell phone niya. Bumaba ang tingin niya sa cell phone na nasa ibabaw ng kama, sa kanyang tabi. It’s a text from an unknown number. Nagtaas siya ng tingin kay Nykyrel, naglalakad na ang lalaki palabas ng kuwarto na iyon. Kinuha niya ang cell phone sa ibabaw ng kama saka binuksan ang mensaheng natanggap.

Rest or I’ll let my dog bite you again.

Napakurap-kurap si Lechel at matagal na napatitig sa pinto na nilabasan ng lalaki. Alam niyang galing iyon kay Nykyrel Guzmano. Ang walang modong aso lang naman nito ang tumikim sa maganda niyang legs. Parang may puso naman pala ito. One-fourth nga lang. Nawawala ang three-fourth.

NAPATIGIL sa paglalakad si Nykyrel nang tumunog ang cell phone niya. Binuksan niya ang inbox at napakunot ang noo nang makitang galing iyon kay Lechel D. Binuksan niya ang natanggap na mensahe.

Thanks. :)

Bahagyang namilog ang mga mata niya sa text ng babae. Hindi siya sanay na may nagpapasalamat sa kanya. People never thanked him; they used him, to get what they wanted.

Kumulo ang galit sa dibdib ni Nykyrel. Bakit ba hinayaan niyang manatili ang babaeng iyon sa kanyang bahay? Dapat pinalayas na niya ito. Dapat ipinakagat ulit niya sa alagang aso. But he knew better why he let that woman stay.

Nang buksan kasi ni Nykyrel ang pinto ng kanyang bahay at nakita ang walang malay nitong katawan, something inside him shifted. Hindi niya puwedeng hayaan ang babaeng mamatay. His heart was just broken and tattered, it did not vanish. Kaya binuhat niya ang babae papunta sa isa sa mga guest room ng kanyang bahay at nagdesisyong palalayasin ito kapag maayos niyang nai-inject ang natitira pang dalawang vaccine ng anti-rabies.

Nice plan. But she thanked you.

Ipinilig ni Nykyrel ang ulo para mawala ang estrangherong emosyong naramdaman niya ngayon lang. Lechel De Villa was not different from those people outside his mansion. She would just use him, and then discard him when she already got what she wanted... and that’s an interview from him.

A devious smile stretched Nykyrel’s lips.

No interview for you, Ms. Lechel De Villa. Let’s see how long you’ll last.