Chapter Five
W ALA silang imik parehas habang kumakain. Gustong magsalita ni Lechel, gusto niyang magtanong, pero sasagutin ba siya ng lalaki? Sasagutin ba ni Nykyrel ang tanong niya sa pamamagitan ng salita at hindi sa pagsulat sa whiteboard nito?
Inilagay ni Lechel ang isang tasang kape sa harap ni Nykyrel. “Inumin mo habang mainit pa,” sabi niya saka ibinalik ang atensiyon sa pagkain.
Ibinalik niya ang tingin kay Nykyrel nang makitang may kinuha itong gusot na papel at ball pen sa bulsa ng pantalon nito saka mabilis na nagsulat doon pagkatapos ay ibinigay iyon sa kanya. Binasa niya ang nakasulat sa papel.
Why are you being nice to me?
Huminga siya nang malalim saka tumingin kay Nykyrel na nahuli niyang nakatingin sa kanya. Hindi ito nag-iwas ng tingin, sa halip ay mas tumiim pa ang titig nito sa kanya. His deep lazy brown eyes captivated her again.
“Nykyrel…” Humugot ng malalim na hininga si Lechel. “Maituturing akong miyembro ng akyat-bahay gang dahil sa pag-akyat ko sa gate ng bahay mo. I deserved to be bitten by your dog.” Kumunot ang noo niya sa sinabi saka umiling. “I mean not really. Ang sakit kaya ng ginawa sa akin ng hayop mo na `yon.” Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Nykyrel. “But nevertheless, hindi ko akalain na lilinisin mo ang sugat ko. You injected me an anti-rabies vaccine, you let me eat your cake, you bought me clothes and now, I’m eating your food. Kahit minsan, masama ang ugali mo at wala kang modo, may utang-na-loob pa rin ako sa `yo.”
His eyes danced in amusement when Lechel mentioned his bad attitude, then scowled after hearing the last part of her speech but didn’t comment.
“Bakit ayaw mong magsalita?” tanong niya pagkalipas nang ilang minutong katahimikan. “Ayaw mo ba akong kausapin?”
Nagdilim ang mukha ni Nykyrel, halata ang galit sa mukha nito. Inabot nito ang papel at nagsulat na naman. Binasa niya iyon.
I can’t talk to you.
Parang may kumurot sa puso niya sa nabasa. “Can’t or won’t?”
Nagsulat na naman ang lalaki.
Can’t.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Bakit?”
Disorder.
“Anong klaseng disorder?”
Nykyrel lips thinned. Hindi ito nagsalita o nagsulat. Inilapag nito ang ball pen sa ibabaw ng mesa saka nag-umpisang kumain ulit.
Hindi ito sasagot. Alam iyon ni Lechel. Whatever his disorder was, it had something to do with his voice or his speaking ability.
Kinagat ni Lechel ang pang-ibabang labi. Kung tama ang iniisip niya, napakasakit niyon para sa isang mayamang negosyante. Nykyrel Guzmano was rich, handsome and smart yet here he was, in his black mansion, hiding from the world because of some disorder.
Bumuntong-hininga siya at kinalimutan ang disorder na sinasabi ni Nykyrel. Nandoon siya para interview-hin ang lalaki. Pero bago iyon, tutulungan muna niya ito sa kahit na anong paraan. Kailangan ni Nykyrel ang tulong at tutulungan niya ito kahit hindi naman nito hiningi sa kanya. Iyon ang kanyang bayad sa pag-i-interview niya rito. At nasisiguro niyang mai-interview ito. Nararamdaman niya iyon. And then, hello promotion.
“So…” Nginitian niya si Nykyrel. “Napansin kong wala kang mga pagkain dito sa kusina. Gusto mong pumunta sa grocery kasama ako? Mamili tayo ng makakain.”
Uncertainty and dread flashed through his eyes. Pero agad rin iyong nawala nang kumurap si Nykyrel.
Bakit natatakot itong lumabas at bumili ng grocery? Ano ba ang nangyari dito?
Umiling si Nykyrel habang may kaunting takot sa mga mata.
“Nykyrel, kasama mo naman ako—”
“No!” Malakas nitong tinampal ang mesa saka bigla na namang umalis at iniwan siya.
Anong nangyari sa lalaki?
Lechel’s curiosity was now eating her. Gusto niyang malaman kung bakit ganoon na lang ang naging reaksiyon ni Nykyrel. Bilang isang journalist, normal na sa kanya ang ma-curious sa mga bagay-bagay sa mundo. Normal sa kanya ang magtanong at alamin ang kasagutan. At hindi niya titigilan ang lalaki. She would help Nykyrel, unravel his secret and then she would get his interview. It’s a win-win. At kapag nagawa na ang mga iyon, makukuha na niya ang kanyang promotion.
Huminga siya nang malalim saka iniligpit ang pinagkainan nila. Hinugasan niya ang mga iyon saka ibinalik sa lalagyan. Pagkatapos ay nagpunta siya sa kuwarto niya at tinawagan ang kanyang kaibigan.
“Hey, Jan Irish,” bati niya sa kaibigan na itinitili na ang kanyang pangalan nang sagutin ang tawag.
“Oh, my God! Lechel! Lechel, my dear friend! Lechel! Lechel—”
“Magtigil kang babae ka kundi papatayin ko `tong tawag,” pananakot niya.
Agad namang kumalma ang kaibigan niya at naging normal na ang boses nang magsalita. “Kumusta ka na? Umalis ako nang naakyat mo `yong gate. Hinintay ko ang tawag mo! Peste kang babae ka! Alam mo bang pinag-alala mo ako?”
Napangiti si Lechel. “Jan Irish, ayos lang ako. Well, nakagat ako ng aso, pero maayos na ang pakiramdam ko kasi inalagaan naman ako ni Nykyrel.”
Narinig niyang suminghap ito nang banggitin niya ang pangalan ni Nykyrel. “Oh, my God! Nagkita na kayo?” Tumili na naman ito. “Guwapo pa ba siya? Makalaglag bra at panty ba? Teka lang, katulad pa rin ba siya ng dati?”
Natigilan si Lechel sa huling tanong ni Jan Irish. “Anong katulad pa rin siya ng dati?”
“Alam mo na, `yong dating siya,” sagot ni Jan Irish na hindi man lang napansin ang kaguluhan sa boses niya. “Nakalimutan mo na ba? Nykyrel used to keep to himself when we were in high school.”
Kumunot ang kanyang noo. “When we were in high school?”
Bumuga nang marahas si Jan Irish bago nagsalita. “Oo nga pala, masyado kang focus sa pag-aaral noong high school tayo para bigyang pansin ang mga tao sa paligid mo.”
Itinirik ni Lechel ang mga mata. “Jan Irish, alam mong hindi ko afford ang tuition noong high school tayo. Kaya lang naman ako nakapasok sa school na iyon kasi scholar ako. Kailangang mataas lagi ang grado ko,” paliwanag niya. “Now, tell me about Nykyrel Guzmano. Kaklase natin siya?” Gulat na gulat siya sa kaalamang iyon.
“Nope,” Jan Irish said. “Freshmen tayo, senior na siya. Wala siyang kaibigan at lagi siyang binu-bully.”
Namilog ang mga mata ni Lechel. “Binu-bully?” Sa pangit ng ugali nito, akala niya ito ang mambu-bully.
“Oo.” Naging malungkot ang boses ni Jan Irish. “Crush ko siya noon, `tapos may isang kaklase natin na makati ang dila at nagkuwento. Nykyrel Guzmano has a speaking disorder. Nauutal siya kapag nagsasalita, mahaba man ang sasabihin niya o maikli kaya tampulan siya ng tukso noon.”
“I didn’t know.” Nakaramdam siya ng awa sa lalaki.
God! That must be horrible. To be teased because of something that you did not want to have. Good God.
“Of course, hindi mo alam.” Biglang bumalik ang saya sa boses ni Jan Irish. “Wala kang ginawa noon kundi tumambay sa library kaya wala kang kaalam-alam.”
Huminga siya nang malalim habang iniisip ang pinagdaanan ni Nykyrel habang nag-aaral. He got bullied. No wonder ayaw nitong lumabas ng bahay kasi takot itong kutyain na naman. Iyon rin ang dahilan kung bakit ayaw nitong makipag-usap sa kanya. Kaya pala nauutal ito kapag nagsasalita.
“Bakit hindi mo `to sinabi agad sa akin?” nagtatakang tanong ni Lechel sa kaibigan.
“Malay ko ba na gusto mo palang malaman.” Bumuga ng hininga si Jan Irish. “According sa tsismis noon, nagpapa-therapy naman daw si Nykyrel kaya naisip ko na baka magaling na siya.”
No.
Her heart clenched for him. He’s far from being okay.
“Bakit nagsinungaling ka sa akin tungkol sa katauhan niya? Na mabaho siya at matanda na?” Puno ng pang-aakusa ang boses niya. “Alam mo naman palang walang katotohanan `yon.”
Bumuntong-hininga ang kaibigan niya. “Tinatakot lang kita.” Mahina itong tumawa, pero wala namang kasiyahan sa tawa nito. “Saka kapag nalaman mo ang mga sinabi ko sa `yo ngayon, baka isinulat mo na agad `yon at ipinagkalat. Lechel, my dear friend, alam kong promotion mo ang nakasalalay sa assignment mo na `to, pero maawa ka naman kay Nykyrel. Hindi ko man siya ganoon kalalim na kilala, pero nararamdaman kong marami na siyang masasakit na pinagdaanan. He doesn’t need media pestering his life any longer. Kaya nga yata siya nagkulong sa bahay niya, eh.” Jan Irish sighed. “Well, assignment mo siya kaya ikaw ang magdesisyon. Basta mag-ingat ka riyan at tawagan mo ako kapag may kailangan ka, okay?”
“Okay.”
Nang nawala ang kaibigan sa kabilang linya, nanghihinang napahiga si Lechel sa kama. Nykyrel Guzmano was the key to her promotion. She wanted that promotion very bad. At hindi niya isusuko ang promosyon para lang kay Nykyrel.
With determination burning inside her, she opened the note application in her phone and started typing information about Nykyrel.
HINDI namalayan ni Lechel na nakatulog pala siya. Nagising siya dahil sa katok na nanggagaling sa pinto ng kanyang kuwarto. Alam agad niya kung sino ang kumakatok.
“Bukas `yan,” sabi niya sa malakas na boses saka bumangon at umupo sa kama.
Bumukas ang pinto at pumasok doon si Nykyrel. He’s wearing black faded jeans, black leather jacket, underneath it was a white shirt. Then his deep lazy brown eyes bore into hers, captivating her again. At kahit medyo malayo ito sa kanya, nanunuot pa rin sa ilong niya ang mabango nito, amoy na mas nagpapalakas at nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso.
Lumunok siya.
Look away, Lechel!
He’s salivating to look at.
Tumikhim si Lechel saka pinilit ang sarili na magsalita. “A-anong ginagawa mo rito?” Namula ang pisngi niya nang mapansing nautal siya.
“G-grocery,” nauutal nitong sagot.
Hindi nakatakas sa paningin ni Lechel ang hiyang bumalatay sa mukha ni Nykyrel dahil sa pagkautal nito. Ngumiti siya. Wala siyang pakialam kung nauutal ito kapag nagsasalita. It’s a birth defect and it wasn’t his fault. Ang totoo, masaya siya na nagsasalita na ito kahit maikli lang.
Nakangiting umalis siya sa kama. “Okay lang ba na hindi ako magpalit ng damit?”
Simpleng tight jeans at baby pink blouse lang ang kanyang suot saka flat shoes. Ang buhok niya ay nakalugay lang at wala siyang kolorete sa mukha.
Nykyrel raked an appreciative look over her body and smiled. “P-pretty.”
Agad na nawala ang ngiti nito nang mautal na naman. Kailangang may gawin siya. Pero ano?
Lumapit si Lechel sa lalaki saka ito hinawakan sa braso. “Halika na. Mag-grocery na tayo.”
NAPATITIG si Nykyrel kay Lechel habang hawak nito ang braso niya. Kinausap na niya ito at nautal na naman siya. Handa na siyang pagtawanan nito o kutyain, pero wala itong ginawa. Instead, she spoke to him normally, like he didn’t have a disorder. Para bang wala itong pakialam na may disorder siya.
Wala ba itong pakialam na nauutal siya kapag nagsasalita?
Hope blossomed inside his heart, but he quickly squashed it. Lechel was a beautiful woman. Siguro, mabait lang talaga ito dahil kailangan siya nito. Kaya siguro hindi siya kinukutya, dahil may utang-na-loob ito sa kanya.
That made sense.
Para siyang robot na naglakad palabas ng bahay, nasa tabi niya si Lechel. Napatigil ito sa paglalakad at mahigpit na kumapit sa jacket niya nang biglang kumahol si Dazner nang makita si Lechel.
“Nykyrel!” Halata ang takot sa boses ng babae.
Tiningnan niya nang masama ang aso na agad namang tumigil sa pagkahol at bumalik sa dog house. Ipinalibot niya ang braso sa baywang ng babae. Agad niyang naramdaman ang pag-iinit ng katawan.
Napabuntong-hininga si Nykyrel. Inalalayan niya si Lechel papunta sa garahe saka binuksan ang pinto ng passenger seat ng Bentley Mulsanne. He didn’t want to attract attention, pero nasisiguro niyang mas kapansin-pansin kung ang Ferrari niya ang gagamitin nila.
Nang makapasok si Lechel sa loob ng sasakyan, isinara niya iyon saka umikot papunta sa driver’s seat. Nang buhayin niya ang makina ng sasakyan, pinatakbo iyon papunta sa gate. Gamit ang remote control, binuksan ni Nykyrel ang gate at lumabas. Malakas ang tibok ng puso niya nang makita ang maraming bahay sa labas ng gate.
Humigpit ang hawak niya sa manibela habang pinapakalma ang takot sa kanyang dibdib. Natigilan si Nykyrel nang maramdaman ang kamay ni Lechel sa nakakuyom niyang kamao na may hawak sa manibela.
Tiningnan niya ang babae. Nginitian siya nito.
“Nasa tabi mo lang ako, Nykyrel.”
Medyo nabawasan ang takot niya, pero nandoon pa rin ang damdaming iyon, handang kainin siya mula sa loob.
“L-lets m-make it f-fast,” sabi niya saka tumingin sa daan para itago ang pagkapahiyang nararamdaman.
Bakit panay ang salita niya? He’s stammering, for fuck sake! Gusto niyang tumigil na sa pagsasalita, pero hindi naman magawa. Gusto niyang kausap ang babae.
Lechel must be secretly laughing at him right now. Fuck! Bakit ba hindi siya makapagsalita nang tuwid? Galit siya sa sarili dahil sa pagpipilit na kausapin ang babae.
Isinara ni Nykyrel ang gate gamit ang remote control saka mabilis na nagmaneho palabas sa Gentleman Village. Itinigil niya ang sasakyan sa pinakamalapit na grocery store. Sabay silang lumabas ni Lechel sa sasakyan saka sabay na pumasok sa grocery store.
Nakatungo lang si Nykyrel habang kumukuha si Lechel ng push cart na gagamitin nila. Ayaw niyang may makakita sa kanya at makakilala. He’d make a fool of himself. Fuck!
Bakit ba kasi siya pumayag na lumabas? Anim na taon na siyang hindi lumalabas sa mansiyon at nabuhay naman siya. And one woman changed that. A woman he just met. Fuck!
“Halika.” Boses iyon ni Lechel. “Doon tayo sa vegetable section.”
Marahas siyang umiling.
Marahang tumawa si Lechel. “Hindi ka fan ng vegetable?”
Umiling si Nykyrel. Pinaikot nito ang mga mata saka siya hinawakan sa braso at hinila papunta sa meat section. Lahat ng kanyang nagustuhan, inilagay niya sa cart. Pagkatapos ay nagpunta sila sa mga junk food and canned foods. Napuno na ang cart nila. Wala lang silang imik na dalawa.
Nasa wine section sila nang may nagsalita sa likuran niya.
“Oh, my God! Nykyrel Guzmano? Ikaw ba `yan?”
Sabay silang lumingon ni Lechel. Mahina siyang napamura nang makita si Gretta Buenzo, naging girlfriend niya noong high school siya. Akala niya, iba ito sa lahat, akala niya gusto talaga siya ng babae. But he should know better. Pretty woman like Gretta Buenzo would never like someone like him, a man with disability. He learned that the hard way.
Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Gretta. It’s sickening to watch. “H-hello, N-Nykyrel.”
Alam niyang nagpapanggap lang ito na nauutal. Alam niyang tinutukso siya ng babae. Ito ang nangyayari kapag lumalabas siya. His personal demons become real and dread consumed him. Always.
“O, bakit hindi ka m-magsalita, N-Nykyrel?” Bumungisngis ito na parang natutuwang hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. “N-nakalimutan ko, uutal-utal ka nga pala.” Tumawa si Gretta nang nakakainsulto. “P-poor, N-Nykyrel.”
His heart clenched in unexplainable pain. Gusto niyang bumukas ang lupa at kainin siya. Ayos lang na ipahiya siya at kutyain, pero hindi sa harap ni Lechel. God! He wanted to die right there. He wanted to curl in the corner and beg God to kill him right there and then.
Tumawa na naman si Gretta. “Oh, b-bakit, N-Nykyrel, i-iiyak ka b-ba?” Panay ang pangungutya sa kanya ni Gretta habang nanatili siyang napako sa kinatatayuan.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang maramdamang umalis si Lechel sa kanyang tabi. She must be ashamed to be with him by now. Mas mabuti nang umalis ito sa tabi niya para hindi ito madamay. Nasisisguro niyang hindi gugustuhin ni Lechel na mapahiya kaya—
Isang matinis na sigaw ang nagpatigil sa pag-iisip ni Nykyrel. Nag-angat siya ng tingin.
Umawang ang mga labi niya nang makitang nasa tabi ni Gretta si Lechel, may hawak si Lechel ng walang lamang bote ng wine. Ang laman niyon ay ipinaligo na ni Lechel kay Gretta.
“Ano bang problema mo?” maarteng sigaw ni Gretta kay Lechel.
Ngumiti si Lechel. It was an icy cold smile. “Nakakairita ka kasi, eh. Nilalason mo ang buong grocery store sa pangit mong mukha at ugali.” Inilapit ni Lechel ang bibig sa tainga ni Gretta at bumulong, pero sapat na para marinig niya. “Kapag ininsulto mo ulit si Nykyrel, ilalampaso kita sa sahig hanggang sa dumugo ang pagmumukha mo. Sisiguruhin kong hindi ka na makikilala at sa ospital ang bagsak mo. At sa oras na ipinagkalat mo na tinakot kita, siguruhin mong hindi kita makikita kasi ipapakain kita sa aso nang buhay. Trust me, it will hurt you and I will be laughing my ass off as I watch you die.”
Pagkatapos magsalita ni Lechel, namumutla na si Gretta at halata ang takot sa mukha.
Humakbang palayo si Lechel kay Gretta na mabilis pa sa alas-kuwatrong tumakbo paalis. Parang nasiyahan si Lechel sa pagtakbo ni Gretta dahil tumawa ito saka humarap sa kanya.
“Halika na. Bayaran na natin `to,” sabi nito na ikinagulat ni Nykyrel.
Hindi ba ito magtatanong kung sino si Gretta? Umaakto ito na parang walang nangyari.
“Babayaran mo rin `yong wine, Ma’am,” sabi ng saleslady na malapit sa kanila.
Nginitian ni Lechel ang saleslady saka siya itinuro. “Siya ang magbabayad n’on, hindi ako.” With that, she went to the counter.
Hindi niya napigilan ang mapangiti. He’s thankful to Lechel. And seeing her smiling face, he felt at ease. Siguro nga wala itong pakialam kung may disorder siya.
I hope so.