Chapter Thirteen
B EING with Lechel was amazing. Nykyrel found it hard to believe that a woman could make him happy like this. Gusto niyang manatili na lang silang dalawa sa loob ng mansiyon, pero alam niyang hindi iyon gugustuhin ni Lechel.
She’s a free woman who liked being outside and mingling with people. At hindi niya pipilitin ang babae na manatili sa mansiyon kasama siya. Ang gagawin niya, siya ang sasama rito sa labas ng kanyang mansiyon. Siguro oras na para lumabas sa mansiyon niya at harapin ang mundo. Magiging maayos lang siya, kasama naman niya si Lechel.
At para mas ma-motivate pa siya lalo, tinawagan niya si Daniel, ang executive assistant niya. Simula nang magtrabaho ito sa Guzmano Company, iyon ang unang beses na tatawagan niya ang lalaki.
“Good afternoon. Daniel Mendoza speaking, how may I help you?”
Napangiti si Nykyrel. His ever-efficient assistant.
“Daniel, t-this is Mr. G-Guzmano.” Tumikhim siya bago nagsalita ulit. “Tell t-the board that I’ll see t-them in a month.”
Halata sa katahimikan ni Daniel ang gulat. It took him a minute before he spoke. “Yes, boss.”
Pinatay niya ang tawag at huminga nang malalim. Nagawa na niya. Now, it’s time to do what Lechel said. Fight his own demons and force them out of his system. Napakadaling sabihin, pero napakahirap namang gawin.
Nykyrel sighed in contentment when a slender arm hugged him from the back. Alam agad niyang si Lechel iyon dahil sa amoy nito. God! Iba ang epekto sa kanya ng babae, nakakaya niyang gawin ang mga bagay na akala niya ay hindi magagawa kahit kailan.
“Hey, handsome.” Hinalikan nito ang leeg niya. “Ang aga mo yatang magising.”
“Yeah.” Humarap siya sa babae saka siniil ng mainit na halik ang mga labi nito. “M-may ginawa a-akong importante, eh.”
Tumaas ang isang kilay ni Lechel. “Ano naman `yon? Puwede ko bang malaman?”
Napapantastikuhang napatitig siya kay Lechel. Alam ba ng babaeng ito ang epekto nito sa kanya?
“Babe…” Niyakap niya ito sa baywang. “You k-know you can a-ask anything.”
May emosyong dumaan sa mga mata ni Lechel at alam agad niya kung ano iyon. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang misyon nito kung bakit nito inakyat ang gate ng bahay niya. Maliban sa disorder niya, ang totoong pakay nito sa kanya ang kinatatakutan ni Nykyrel.
Yes, Lechel was sweet and understanding. But he couldn’t keep asking why. Why was she doing this? Para ba makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya? Ano pa ba ang gusto nitong malaman? Marami na itong alam tungkol sa kanya, sobrang dami na sapat na para maging katatawanan siya sa business world kung ilalabas nito iyon.
Ang ipinagtataka ni Nykyrel, bakit hindi pa nito ipinagkakalat ang impormasyong nakuha nito tungkol sa kanya?
He couldn’t stop thinking that maybe... maybe she felt something for him. O baka nagi-guilty lang ito.
Tumayo nang tuwid si Lechel saka ngumiti. “Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko sa `yo kagabi?”
Iyon lang ang laman ng isip niya buong magdamag.
“Oo. I decided to give it a try.”
Mas lumapad ang ngiti sa mga labi ni Lechel. “Salamat at pumayag ka. Hahanapan kita ng magaling na therapist at psychologist!” Ang aliwalas ng mukha nito at natutuwa siyang makita itong masaya dahil sa kanya. “And in no time, magiging maayos na ang pagsasalita mo. `Tapos makikilala ka na ng buong mundo.”
Lumakas ang tibok ng puso ni Nykyrel. Kinain na naman siya ng takot. Sa pagkakataong iyon, hindi niya iyon hinayaan na kainin siya. Nilabanan niya ang takot na nararamdaman at ngumiti kay Lechel.
“Yeah.” Himinga siya nang malalim. “Magiging maayos din ako.”
And I can finally court you properly, Lechel.
“Tama. Kapag naniwala na magiging okay ang lahat, magiging okay talaga ang lahat.” Niyakap siya nito sa leeg saka hinalikan ang baba niya. “I’ll be with you. I promise.”
Parang may kumurot sa puso ni Nykyrel. “Huwag kang mangangako kung hindi mo kayang tuparin.”
Nag-iwas ng tingin si Lechel. “Pangako.”
Nykyrel sighed. “K-kailan mag-uumpisa ang therapy ko?”
“As soon as possible.”
“Okay.”
NAPATITIG si Lechel sa guwapong mukha ni Nykyrel. Pakiramdam niya, napipilitan lang itong magpa-therapy. Sana naman mali ang nararamdaman niya. Ayaw niyang pilitin nito ang sarili sa isang bagay na hindi nito gusto.
“Nykyrel?”
“Hmm?”
“Ayos ka lang ba? Talaga bang payag ka sa gusto ko?”
Sinalubong nito ang mga mata niya. “Kanina? Oo. N-ngayon? Hindi ko a-alam.”
Tinalikuran siya nito at tumayo sa tabi ng bintana at tumingin sa labas.
“I n-never tried therapy before, Lechel. N-natatakot ako na baka hindi g-gumana.”
Vulnerability was visible in his voice. Her heart reached out to him.
“A therapist told me that to cure my disorder, the people around me should understand and have patience with me.” Tumawa ito nang mahina, walang emosyon. “N-no wonder hindi ako gumaling. My mother thinks I’m an abomination. Hindi niya magawang tingnan ako kasi hindi ako perpekto na tulad niya. Yes, my looks are inherited from her good genes but that’s all. Did you know? My mom was a model.”
Humarap sa kanya si Nykyrel, may mapait itong ngiti sa mga labi.
“Nang malaman ng mga magulang ko na may disorder ako, natakot silang ilabas ako, hindi dahil natakot silang kutyain ako kundi natakot silang masira ang reputasyon nila. When I turned seven, they couldn’t even look at me. Bawat pagsapit ng kaarawan ko, nagdarasal ako na sana kahit man lang yakapin ako nina Mommy at Daddy, okay na sa akin. Isa na `yong napakagandang regalo sa akin. But they never hugged me, let alone greet me a happy birthday.”
May nalaglag na isang butil ng luha sa pisngi ni Nykyrel. “Alam mo `yong pakiramdam na nag-aral ka nang mabuti para maging first honor, `tapos sa araw ng graduation walang dumating kahit isa sa mga magulang ko. Walang nagsabit ng medalya sa akin. Naawa yata sa akin `yong teacher ko, ang principal ang nagsabit sa akin ng medalya.
“High school came and the bullying worsened so did my fear of those people around me. Ayaw noon ng mga magulang ko na mag-aral ako ng high school, pero mapilit ako. Naniniwala ako noon na baka nga may tatanggap sa akin sa bago kong school. Ipinaglaban ko ang karapatan ko sa mga magulang ko na mag-aral at kahit ayaw nila, pinayagan nila ako. Pero para sa mga taong nakapalibot sa akin, isa lang akong laruan, laging pinagtatawanan. And that moment when you think a woman finally understood you because she’s your girlfriend, it turned out I was just a bet to be won.”
Napahawak si Lechel sa bibig. God! Grabe ang nangyari kay Nykyrel.
“Alam mo bang ayaw ni Dad na ako ang humawak sa kompanya niya kahit na ako lang ang nag-iisa niyang tagapagmana? Ayaw niya kasi ikinakahiya niya ako kahit nakapagtapos naman ako ng kolehiyo. Nahihiya siya dahil may disorder ako. Nang mamatay si Dad, hindi ako nagluksa, tumawa ako. Dahil ang anak na ayaw nito ay siya na ngayong namamahala sa negosyong iniwan nito. So, you see, Lechel, that’s what made me hide in my mansion. People made fun of me... all the time. Walang ipinagbago.”
Kinagat ni Lechel ang pang-ibabang labi. Hindi niya napigilan na umiyak sa nangyari sa lalaki. Ngayon, naiintindihan na niya nang buo ang takot nito. He had really been through a lot. Nasasaktan siya para sa lalaki. Good God. Sobra-sobra ang pinagdaanan nito.
Hinawakan niya ang kamay nito saka dinala iyon sa bibig niya at hinalikan. “Nykyrel, hindi ako katulad nila.”
Tumaas ang isang kilay nito. “Sigurado ka ba diyan?”
Mabilis siyang tumango. “Hindi kita sasaktan.”
Isang ngiti ang kumawala sa mga labi ni Nykyrel. “Panghahawakan ko `yan.”
Inilapat niya ang mga labi sa mga labi nito. Hindi tumutol si Lechel nang maramdamang minamasahe ni Nykyrel ang mayayaman niyang dibdib. Agad na nabuhay ang kanyang katawan. Naramdaman agad niya na nag-uumpisa nang mabasa ang kanyang pagkababae. At dahil nasa loob pa sila ng kuwarto nito, madali siya nitong nahubaran at naihiga sa kama.
“Nykyrel...”
Napunta ang mga labi nito sa leeg niya habang ang kamay ay abala sa paghaplos sa hita niya, naglalakbay din iyon papunta sa pagkababae niya na naghihintay sa atensiyon ng kamay nito.
Kumiwal ang katawan ni Lechel nang mapunta ang bibig nito sa dibdib niya habang ang daliri ang ekspertong naglalabas-masok sa kanyang pagkababae. Ang hinlalaki nito ay pumipisil at umiikot-ikot sa hiyas niya. Involuntarily, her hips started moving. Sinasalubong niya ang paglabas-masok ng daliri ni Nykyrel.
Malapit na niyang maabot ang kasukdulan nang hugutin nito ang daliri sa loob niya at pinalitan iyon ng mahaba at matigas nitong pagkalalaki.
“Oooh… Nykyrel!” Lumiyad ang katawan siya at malakas na umungol. “Nykyrel… Oooh, God. Baby, faster—Oooh…”
Nykyrel’s thrust hardened and deepened. Ang mga labi nito ay nasa mga labi niya habang mabilis na umuulos. Palakas nang palakas at pabilis nang pabilis ang bawat paglabas-masok nito sa pagkababae niya.
Panay ang ungol ni Lechel. Para siyang nababaliw. Malapit na niyang maabot ang sukdulan. Yumakap siya sa lalaki at sinalubong ang bawat pagbayo nito sa pagkababae niya.
“Oooh!” Napasigaw si Lechel nang maramdamang may sumabog sa kaibuturan niya. “Nykyrel!”
Naramdaman niyang napuno ng mainit nitong katas ang loob ng pagkababae niya. This was the first time they had sex without protection.
Nanginginig ang mga hita ni Lechel habang nababawasan ang masarap na sensasyong hatid ng pag-iisa ng katawan nila.
“Nykyrel...”
Nagtama ang mata nila ng lalaki.
“Lechel…”
Humihingal na nagsalita siya. “We didn’t use protection.”
That made Nykyrel smile. “We didn’t?”
Inirapan niya ang lalaki na nasa loob pa rin niya ang kahabaan. “Hindi. Nararamdaman ko pa ang katas mo sa loob ko.”
“Hmm…” Iyon lang ang sinabi ni Nykyrel bago hinugot ang pagkalalaki sa loob niya.
Nagulat si Lechel nang buhatin siya ni Nykyrel. Pumasok sila sa banyo. Maingat siyang itinayo ng lalaki sa malamig na tile-floor saka niyakap mula sa likuran habang nasa ilalim ng shower.
Hot water cascaded down her body while Nykyrel was sensually kissing her neck. Gumagapang ang kamay nito mula sa puson niya papunta sa nipples niya habang ang isa nitong kamay ay nilalaro ang pagkababae niya.
“Oooh… Nykyrel…”
“Lean down, babe.” His voice was husky, dark and seductive.
Mabilis na sinunod ni Lechel ang sinabi ng lalaki. Agad niyang naramdaman ang pagpasok ng kahabaan nito sa loob niya mula sa likuran.
“God—Oooh… Nykyrel!” Dumiin ang kamay niya sa malamig na tile-wall ng banyo habang mabilis na naglalabas-masok ang pagkalalaki nito sa pagkababae niya.
Nykyrel’s cock was stiff and hard as rock as it thrust in and out. Napuno ng malalakas niyang ungol ang buong banyo. Mabilis niyang narating ang sukdulan at agad namang sumunod sa kanya ang lalaki.
Lechel was panting. “Nykyrel…”
Niyakap siya ng lalaki mula sa likuran at bumulong sa tainga niya. “Third round?”
Malalaki ang mga matang humarap si Lechel sa lalaki. “Gusto mo bang hindi ako makalakad?”
Ngumisi ito. “I could do that.”
Bumaba ang mga mata niya sa pagkalalaki nito. It was unbelievably waking up again.
“Nykyrel!” Namula ang mga pisngi niya. “Akala ko ba kailangan n’yo nang ilang minuto bago tumayo ulit ang alaga n’yo?”
Nagkibit-balikat lang si Nykyrel. “I don’t need a minute when it comes to you.”
Ihinilig ni Lechel ang ulo sa balikat ng lalaki. “Nanginginig ang mga hita ko.”
“Kailangan mo yata ng isa pang round.”
Natatawang tinampal niya ang balikat ni Nykyrel. “Ewan ko sa `yo. What I need is a hot bath.”
Binitiwan siya ni Nykyrel saka binuksan ang jacuzzi nito na nasa loob din ng banyo. Tumingin ito sa kanya. “Come here. Mare-relax ka rito.”
Agad na sumunod si Lechel at ihiniga ang katawan sa jacuzzi. The water was warm and relaxing. God! It felt so good.
Akala ni Lechel ay sasamahan siya ni Nykyrel sa jacuzzi, pero bumalik sa ilalim ng shower ang lalaki. Pagkatapos nitong maligo, nagpaalam ito sa kanya na magbibihis lang saka maghahanda ng almusal nila.
Napangiti siya nang makalabas ito ng banyo. Maghahanda ng almusal nila? If there’s one thing she knew about Nykyrel, he couldn’t cook even if his life depended on it. He’s a mess in the kitchen. Nakita na niya kung gaano ito kawalang alam sa pagluluto.
Lechel was enjoying the jacuzzi when Nykyrel slipped inside the bathroom.
“Hey, babe.” Lumuhod ito sa tabi ng jacuzzi saka hinalikan siya. “L-labas tayo. We’re out of s-stock.”
Namilog ang mga mata ni Lechel sa narinig, umawang din ang mga labi niya. Iyon ang unang beses na ang lalaki mismo ang nagyaya sa kanyang lumabas. Masaya siya para kay Nykyrel. Sa wakas, he’s really trying hard to fight the fear inside of him.
“Sige. Magsa-shower lang ako,” sabi niya.
“Okay.” Hinalikan ulit siya nito. “Make it fast.”
Nang lumabas ng banyo si Nykyrel, agad siyang umahon at nag-shower. Nang makalabas si Lechel, agad siyang nagbihis at hinanap ang lalaki na nasa sala pala at hinihintay siya. Dala-dala nito ang susi ng sasakyan.
“Let’s go?” Nginitian niya ang lalaki at hinintay na bawiin nito ang pagyayayang lumabas.
And to Lechel’s surprise, he didn’t.
Pinagsalikop ni Nykyrel ang kamay nilang dalawa saka siya hinila papuntang garahe.