Chapter One
“B AKIT sa tingin mo, hindi pa nakikita si Nykyrel Guzmano sa labas ng bahay niya o sa kahit na anong gusali simula nang i-take over niya ang pamamahala sa kompanya ng ama niya?” tanong ng editor-in-chief ng Business Today Magazine.
Nagkibit-balikat si Lechel. “Ano naman ang pakialam ko kung ayaw lumabas ng lalaking `yon sa lungga niya?” balik-tanong niya. “May mas marami pa tayong importanteng dapat pagtuunan ng pansin. Nykyrel Guzmano hates going out. Period.”
Ano naman ang kinalaman niya sa lalaking iyon? Mga article tungkol sa pagkain ang isinusulat ni Lechel. And last time she checked, hindi pagkain si Nykyrel Guzmano. He was nothing but an old weirdo.
Bumuntong-hininga si Mrs. De Leon, ang editor-in-chief. “Ms. Lechel De Villa, that’s why you are here. I want you to know the reason behind his aloofness to the world outside his mansion. Wala akong pakialam kung ayaw niyang lumabas sa lungga niya, ang gusto ko malaman ay kung bakit.”
Pinigilan ni Lechel na paikutin ang mga mata sa iritasyon. “Ma’am, napakaimposible po ng ipinapagawa n’yo. Ilang journalist na ba ang ipinadala n’yo para alamin ang sekreto ng lalaking `yon? Wala pa pong nagtatagumpay na gawin ang ipinapagawa n’yo.” Hindi takot si Lechel na sagutin ang editor-in-chief dahil auntie niya ito. Pero sa loob ng opisina, kailangan tawagin niya itong ma’am bilang pagrespeto sa posisyon nito sa opisina.
Napabuntong-hininga si Mrs. De Leon. “I know, Lechel.” Makahulugan itong ngumiti. “Hindi mo ba gagawin `yon kahit pa promotion mo ang pag-uusapan natin kapag nagtagumpay ka? No writing about food anymore.”
Umawang ang mga labi at nanlaki ang mga mata ni Lechel. “Totoo? Walang halong biro?” Bigla siyang naging interesado sa ipinapagawa ng auntie niya.
Matagal na niyang gustong ma-promote, iyon na ang pagkakataon niya. Iyon na ang oportunidad na hinihintay niya. Iyon na ang pagkakataon niya para patunayan sa lahat na kaya niyang magawa kahit ang imposibleng assignment.
Tumayo si Lechel mula sa pagkakaupo at ngumiti nang malapad. “Makakaasa kayo sa akin, Ma’am.” Sumaludo pa siya bago lumabas ng opisina ng editor-in-chief.
Excited na siyang simulan ang bago niyang assignment. At iyon ay ang alamin ang sekreto ni Nykyrel Guzmano at sabihin iyon sa publiko. Pagkatapos, makukuha na niya ang promosyon na gusto niya. Lechel wanted that promotion badly. She would move heaven and earth just to be promoted.
Nang makarating sa cubicle niya, nandoon na ang matalik niyang kaibigan, naghihintay sa kanya. Alam niyang tsismis na naman ang kailangan nito dahil sampung cubicle ang layo nito sa cubicle niya.
“Hey, Lechel, dear,” nakangising bati ni Jan Irish, ang matalik niyang kaibigan na tsismosa. “Bakit ka ipinatawag?”
Umupo siya sa swivel chair niya at nakangiting tumingin kay Jan Irish. “Bagong assignment.”
Mahinang tumili ang kaibigan niya. “Wow! Matagal-tagal na rin simula ng bigyan ka ng bagong assignment. Alam kong nasa food department lagi ang article na ipinapagawa sa `yo.” Maarteng pumilantik ang mga daliri nito sa hangin. “Anyway, ano ang new assignment mo?”
Nanatili ang excited na ngiti sa mga labi ni Lechel. “Interview with Nykyrel Guzmano.”
Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Jan Irish at naaawang tumingin sa kanya. “Oh, my poor best friend.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Good luck to you.”
Kumunot ang noo niya. “Ha? Bakit good luck sa akin?”
Pinaikot ni Jan Irish ang mga mata. “Lechel, Nykyrel Guzmano is like a Phantom in the Dark. Hindi siya umaalis sa bahay niya, wala siyang mga katulong. Isa siyang matandang lalaki at masama ang amoy niya.”
Lalong kumunot ang noo ni Lechel, pero hindi niya naiwasang matawa. “Masama ang amoy niya? Saan mo naman nakuha ang mga impormasyong `yan?”
Itinuro ni Jan Irish si Johann, journalist na gustong manligaw sa kanya mula pa noon. “Sa kanya, kaya naman mag-ingat ka. Okay? Baka kainin ka n’on nang buhay. Kawawa ka naman. Mababawasan ang magaganda sa mundo.”
Minsan na ring na-assign si Johann para magsulat ng article tungkol kay Nykyrel Guzmano. Pero puro kasinungalingan at kalokohan ang nakasulat doon. Parang nagalit pa yata ang Guzmano Corporation at hininging mag-public apology si Johann. Mabuti nga at hindi pa ito sinisesante ni Mrs. De Leon dahil sa kalokohang ginawa nito.
Pinaikot ni Lechel ang mga mata. “Magiging okay lang ako, ano ka ba? At kung mabaho si Nykyrel Guzmano tulad ng sinabi mo, eh, di magdadala ako ng mask,” pabiro niyang sabi.
“Bahala ka kung ayaw mong maniwala.” Tumikwas ang kilay ni Jan Irish saka bumalik sa cubicle nito.
Kaibigan niya si Jan Irish mula noong nasa kolehiyo pa siya. Parehas sila ng kurso at parehas silang agad na natanggap nang mag-apply sila sa Business Today Magazine.
Ang pinaka-worst siguro na parte ng pagiging journalist ay ang pagsulatin tungkol sa mga pagkain. Wala naman siyang galit sa mga pagkain, pero ang gusto niyang isulat ay iyong mga importanteng bagay sa mundo. Tulad na lang ng mga nangyayaring sakuna o kaya naman mga pangyayaring nakaka-drain ng dugo sa utak.
Bumuntong-hininga si Lechel at isinandal ang likod sa swivel chair niya. Napatitig siya sa screen ng computer pagkatapos ay nag-umpisang mag-type sa Google search engine.
Nykyrel Guzmano.
Pinindot ni Lechel ang enter. Maraming article na naglabasan tungkol sa lalaki, pero kahit isang picture ay wala siyang nakita. Ang daming kuwento sa bawat artikulo na nababasa niya. According to one article, Nykyrel Guzmano was an old man. A rotten old man. Ang ibang article naman, si Nykyrel daw ay pangit na lalaki kaya takot itong lumabas sa malaking mansiyon.
Napangiwi na lang si Lechel sa nabasa. Hindi na niya alam kung ano ang totoo sa hindi. Napakaraming artikulo ang nababasa niya na hindi kapani-paniwala. But who was she to say that those articles were a fraud? Wala nga siyang alam kahit isang impormasyon tungkol kay Nykyrel Guzmano.
As Lechel searched and read articles, she stumbled onto the address of his huge black mansion. Totoo kaya ang address na iyon?
Block D. The only mansion in the top of the Hill. Gentlemen Village.
Doon nakatira si Nykyrel Guzmano. Of course, alam niya kung nasaan ang Gentleman Village. Ang village na iyon ay kapareho ng Bachelor’s Village na tanging mayayaman lang ang nakakabili ng bahay. But unlike Bachelor’s Village, Gentleman’s Village only sold house and lot to men. It’s kinda sexist, but who cares? Those men are billionaires and hotter than the sun itself. They made a mockery of Prince Charming.
Whoever lived in Gentleman’s Village was far from being a Prince Charming. Lahat yata ng lalaking nakatira roon ay mga babaero. Those men had histories of breaking innocent women heart and dumping it on the garbage can. If you do not want your heart to be broken, better stay out of that village and out of those men’s sight.
Matiim na tinitigan ni Lechel ang picture kung saan nandoon ang mansion na pag-aari ni Nykyrel Guzmano. Napakaganda niyon. Nakakalulang tingnan. The mansion looked like a magnificent palace from the outside, ano pa kaya kung makapasok siya sa loob? Baka ma-lockjaw siya sa kung ano man ang nasa loob ng mansiyon.
Napabuntong-hininga si Lechel saka marahang minasahe ang batok. “Parang mahihirapan ako sa isang `to,” sabi niya sa sarili saka umalis sa kanyang cubicle, dala ang pinakamahal na yatang shoulder bag na kanyang pag-aari.
Hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya si Jan Irish.
“Saan ka pupunta?” tanong nito. “Mag-uumpisa ka nang mag-imbestiga?”
Tumango si Lechel saka bumuntong-hininga. “Parang mahihirapan ako sa isang ito. Nykyrel Guzmano is not a food with a missing ingredient. Para siyang parte ng menu sa isang restaurant, pero hindi puwedeng order-in kasi out of stock. May suggestion ka ba na makakatulong sa akin?”
Ngumisi ang kanyang kaibigan. “Mag-umpisa ka sa executive assistant niya sa Guzmano Company. Ang alam ko, close silang dalawa.”
Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan. Nakapagtataka na may alam ito. “Paano mo naman nalaman `yon?”
Umikot ang mga mata ni Jan Irish. “Friend, baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo.” Walang pagmamalaki ang boses nito. She’s stating a fact.
Laging nakakalimutan ni Lechel kung sino ba talaga si Jan Irish. Napakadaling makalimutan kung sino talaga ang kaibigan. Hindi naman kasi umaakto kung sino talaga ito sa likod ng simple nitong pananamit. Instead, Jan Irish acted like a lunatic who just came out from mental. She was one of the persons she knew who had a softy heart but with a hard core.
Nice combination.
Humugot ng malalim na hininga si Lechel. “Wish me luck, Irish.”
Bahagya nitong tinapik ang pisngi niya. “You’ll survive. Ikaw pa.”
Nginitian niya ang kaibigan saka nagpatuloy sa paglalakad papuntang elevator. Isa lang ang direksiyong gusto niyang puntahan ngayon. Iyon ay ang direksiyon papunta sa Guzmano Company.
NAGHAHANDA ng tanghalian niya si Nykyrel nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. Agad siyang nainis nang marinig ang tunog na iyon. Alam niyang si Daniel iyon at kukulitin na naman siya tungkol sa board.
They can fuck themselves, thank you very much.
Nang natapos ang pag-iingay ng cell phone, nag-text na lang siya.
What?
Inis niyang pinindot ang send. Mabilis ang naging reply ni Daniel.
Mr. Guzmano, may babaeng nagtatanong ng mga bagay-bagay tungkol sa `yo.
Hindi maipinta ang mukha niya habang nagre-reply.
Fucking reporters.
Paano mo naman ho nalaman na reporter siya? reply ni Daniel sa mensahe niya.
Itinirik ni Nykyrel ang mga mata saka nag-reply.
Bakit naman siya magtatanong ng tungkol sa akin kung hindi? Reporters do that. Hindi ba sila napapagod na magtanong kahit wala naman silang sagot na natatanggap?
Pagkalipas nang ilang minuto, nag-reply si Daniel.
Mr. Guzmano. This one is persistent. She even asked for your address.
Nothing’s new, Nykyrel thought.
Kahit pa malaman ng mga ito ang kanyang bahay, walang makakapasok sa loob ng mataas niyang gate. Baliw lang ang aakyatin ang gate niya sa kaalamang may isang bulldog na aso na naghihintay sa baba para kagatin ito.
Tell me who this person is. Call me. Nykyrel send his message.
Ilang segundo lang ang binilang niya at tumawag agad si Daniel. Sinagot ni Nykyrel ang tawag, pero hindi siya nagsalita. Tumikhim lang siya para ipaalam na nakikinig siya.
“Ang pangalan niya ay Lechel De Villa. Isa siyang journalist mula sa Businessmen Today Magazine. Parang siya ang nautusan na interview-hin kayo. Ulit . Hindi ito ang unang beses na nagpadala sila ng tao para ma-interview kayo. That same magazine had sent more than ten journalist, they all failed, as you know. But this one seems different. She’s persistent and more determined to talk to you. That is a dangerous trait of a journalist.”
Napabuntong-hininga na lang si Nykyrel sa narinig saka pinatay ang tawag. Nag-text na lang siya kay Daniel para sa sagot niya sa mga sinabi nito.
She can be persistent and determined, but the gate of my mansion will stay close for everyone.
Hindi na niya binasa ang reply ni Daniel sa kanyang mensahe. Ipinagpatuloy niya ang pagluluto ng pananghalian. Kailangan niyang kumain. Hindi siya mabubuhay kung puro junk food at alak ang laman ng kanyang sikmura.
Not that I’m planning to live longer, Nykyrel thought before flipping the sunny-side up egg in the air and he cursed when it landed on the floor.
Great! Just fucking great!
Naiinis na iniwan ni Nykyrel ang kusina. Cooking was not his thing. Nagpunta siya sa bar na nasa entertainment room niya saka nagsalin ng brandy sa baso. Habang umiinom ng brandy, binuksan niya ang flat screen TV saka inilipat ang channel sa Discorvery Channel. The show was Stripping the Cosmo and he liked to watch it, so he did. Wala siyang pakialam sa nangyayari sa labas ng mansiyon niya. Wala siyang pakialam hangga’t walang nanggugulo sa kanya.
Pagkalipas nang ilang oras, narinig ni Nykyrel ang aso niyang si Dazner na malakas na tumatahol. Sa halip na bale-walain, nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi tumatahol si Dazner nang walang dahilan.
Sino kaya ang pangahas na naglakas ng loob na akyatin ang gate ng bahay ko?
“NABABALIW ka na ba?” pasigaw na tanong ni Jan Irish habang nakatingin sa kanya na para bang napugutan siya ng ulo.
Pinaikot ni Lechel ang mga mata. “Ito lang ang tanging paraan, okay? Sinunod ko ang suhestiyon mo, pero wala namang ibinigay na impormasyon ang executive assistant na `yon.”
Tiningala ni Jan Irish ang mataas na itim na gate. Nandoon sila ngayon sa labas ng mansiyon ni Nykyrel Guzmano. Nagbabalak siyang akyatin ang gate niyon. Nope, scratch that. Hindi siya nagbabalak, talagang gagawin niya.
Nang wala siyang makuhang kahit na ano sa executive assistant ni Nykyrel Guzmano, pinuntahan niya si Jan Irish sa opisina at nagpasama sa bahay ng lalaki. His house was on top of the hill. Alone. Para iyong hunted mansion. Natatakot si Lechel, pero kailangan niya ang promosyon na iyon. At gagawin niya ang kahit na ano makuha lang iyon.
“Sa tingin mo, aabot ka sa tuktok ng gate na `to?” tanong ni Jan Irish habang nakatingin pa rin sa mataas na gate. “Sigurado kang hindi ka nagpapakamatay?”
Inirapan ni Lechel ang kaibigan at tiningala ang gate. “Kaya ko `to.” Inayos niya ang shoulder bag na nakasukbit sa kanyang balikat na ang laman ay cell phone, charger, headset, suklay, Such A flirt Victoria Secret lotion and body mist, HBC face powder, ball pen, notebook na kulay-neon green saka isang high-tech na recorder na kabibili lang niya noong nakaraang taon, pero ngayon lang magagamit.
“Wish me luck,” sabi ni Lechel saka nag-umpisang akyatin ang mataas na gate.
Sa bawat pagtaas niya, palakas nang palakas ang kaba na nararamdaman ni Lechel. Nang makarating sa tuktok, hindi siya tumingin sa baba. Baka mahimatay at tuluyan na nga siyang mamaalam sa mundo. Ang ginawa ni Lechel, nag-concentrate siya sa pagbaba ng gate.
Hindi pa siya nangangalahati sa pagbaba nang makarinig ng nakakatakot na kahol ng aso. Mula sa sulok, biglang may lumabas na kulay-itim na aso, halos kasinlaki yata niya ang hayop na ang hahaba ng pangil habang nanlilisik ang mga mata sa kanya.
“Shit!” Malakas siyang napamura sa pinaghalong gulat at takot na naramdaman. “Shoo! Lumayo ka sa akin! Shoo!” sigaw niya sa aso na nakalabas ang pangil. Mahigpit siyang napakapit sa gate, ayaw niyang bumaba at baka maabot siya ng aso. Siguradong lalapain siya niyon.
“Isa talaga akong malaking baliw!” naiinis na sabi ni Lehel sa sarili saka pinandilatan ang aso na panay pa rin ang tahol sa kanya. Hindi tumigil ang aso sa malakas na pagkahol kahit ilang minuto na ang nagdaan.
And then, the large double door of the mansion sudden flew open and an angry handsome man came out. Puno ng galit ang mga mata ng lalaki nang magtama ang paningin nilang dalawa. And for a split-second, nakalimutan ni Lechel ang aso. Napatitig siya sa napakaguwapong nilalang na nasa harap niya. Oo nga at galit ito, pero mas dumagdag iyon sa angkin nitong karisma.
He had soft, deep, lazy brown eyes. Square jaw. Broad shoulder. His body was ripped with enough muscle to be Abercrombie and Fitch Model. He’s tall, dark and just downright gorgeous.
Hindi maalis ni Lechel ang mga mata sa guwapong mukha ng lalaki. Hanggang sa mataas na tumalon ang aso at sinakmal ang napakaganda niyang mga binti. Bago pa maramdaman ni Lechel ang sakit ng pagkagat nito, nawalan na siya ng malay sa sobrang takot.