Chapter Eleven
H INDI pumayag si Lechel na hindi sila mag-dinner ni Nykyrel bago umuwi sa bahay ng lalaki. Nagtalo na naman sila, pero nanalo siya sa bandang huli. Tumambay sila sa yacht buong maghapon at nang gumabi, umalis na sila at tumuloy sa paborito niyang restaurant.
“Dito tayo kumain,” nakangiting sabi niya.
Hihilahin na sana niya papasok sa loob ng restaurant si Nykyrel nang maramdaman niyang nanigas ito sa kinatatayuan. Agad niyang tiningnan ang lalaki. Kitang-kita ni Lechel ang pagguhit ng takot sa mukha ng lalaki.
“Nykyrel—”
“No!”
Kumawala ito sa pagkakahawak niya saka malalaki ang hakbang na bumalik sa sasakyan nito. Pero bago pa ito makapasok sa loob ng kotse, nakita na ito ng isang grupo ng kababaehan.
“Nykyrel Guzmano?” sabi ng matinis na boses ng isang babae.
Nanigas si Nykyrel sa kinatatayuan.
“Wow, ikaw ba `yan, Nykyrel?” manghang tanong ng isang babae na halos kita na ang singit sa ikli ng damit na suot. “Wow! Look, girls, Nykyrel Guzmano, the stuttering idiot.”
Napanganga si Lechel sa nasasaksihan. Kahit siya ay hindi makagalaw para ipagtanggol ang lalaki. Nykyrel just froze there, not moving even an inch.
“N-Nykyrel, a-anong g-ginagawa mo rito?” pangungutya ng isang babae habang ang mga kasama naman nito ay nagtatawanan.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at nagdasal sa Panginoon na sana naman ay lumaban ang lalaki. These women were nothing, they didn’t matter. They didn’t deserve his time, damn it! Ayaw niyang iligtas si Nykyrel o lapitan kasi gusto niyang ipagtanggol nito ang sarili sa mga babaeng iyon.
Pero hindi siya pinakinggan ng Panginoon. Tumayo lang si Nykyrel habang iniinsulto at ginagawang katatawanan ng mga kababaihan. He never moved a muscle. He stood there, looked down like a wounded animal and never said a thing. Natatakot ba ito?
“Siguro, Nykyrel, namatay ang mga magulang mo sa kahihiyan dahil sa `yo,” sabi ng isang babae.
“Oo nga.” Tumawa ang babae na may maikling damit. “Kawawa naman sila at may anak na katulad mo. Isang dysfunctional na anak.” Lumapit ang babae kay Nykyrel at tinusok-tusok ang pisngi nito. “Naalala mo ba, Nykyrel, noong manligaw ka sa akin dahil akala mo ayos lang sa akin na may disability ka? Wow! Ang kapal din naman ng mukha mo. Oh, well, I won the bet kaya ayos lang. It was fun making fun of you.”
Umawang ang mga labi ni Lechel. Pinagpustahan ng mga babaeng ito si Nykyrel?
Oh, God. Mas malala pala ang nangyari sa lalaki kaysa sa kanyang iniisip. Kailangang may gawin siya.
“Nykyrel,” tawag niya sa lalaki. Nang hindi ito tumingin sa gawi niya, nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay nito.
Pero sa laking gulat ni Lechel nang itinulak nito ang kanyang kamay palayo. Pain embraced her heart; it tightened its hold on her heart and squeezed it tightly.
“Nykyrel—”
“L-leave me a-alone.”
Tumawa na naman ang babae na mas dumadagdag sa pagkairita niya. “P-poor, N-Nykyrel. I-idiot,” sabi nito habang tumatawa.
Tiningnan niya nang masama ang babae na parang leader ng mga langaw na nasa kanyang harap. “Ano bang problema mo? Leave him alone!”
Tumingin kay Lechel ang babae. She smirked. “Well, well, well, what do we have here? Ikaw ba ang girlfriend ng loser na `to?” tanong nito sabay turo kay Nykyrel na ngayon ay nakatingin na sa kanila habang walang emosyon ang mukha.
Naalala ni Lechel ang pagpapakilala ni Nykyrel sa kanya kanina kay Xavier kaya naglakas-loob siyang sagutin ang babae.
“Oo, ako ang girlfriend niya,” sabi niya.
“H-hindi ko s-siya g-girlfriend,” sabi naman ni Nykyrel.
Parang may espadang tumarak sa puso ni Lechel, tumagos iyon sa likod niya. Nilabanan niya ang sakit na naramdaman para hindi siya maiyak dahil sa sinabi nito.
Hindi makapaniwalang tumingin siya kay Nykyrel. “Please, Nykyrel—”
“H-hindi k-kita girlfriend.” Pagkasabi niyon ay umikot ito sa driver’s seat saka sumakay at nagmaneho palayo.
Tumawa ang babaeng nasa tabi niya. “Isa ka rin palang loser. May disability na nga hindi mo pa makuha—”
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Lechel at tumama iyon sa babaeng leader ng mga langaw.
“Fuck you!” Sinampal niya ulit ito sa kabilang pisngi saka sinabunutan.
Lechel was so mad, she could kill the woman in cold blood! Nanginginig ang katawan niya sa sobrang galit at walang nagawa ang babae sa lakas at bilis ng kanyang kilos. Ang ibang kasama naman nito ay umatras nang makita ang poot sa mga mata niya.
“Bakit n’yo ba tinatrato nang ganoon si Nykyrel? Wala siyang ginawang masama sa inyo! Wala!” She kept on saying it again and again.
“Aray! Nasasaktan ako!” sigaw ng babaeng sinasabunutan niya.
Walang pusong itinulak niya ito sa semento saka nanlilisik ang mga matang pinandilatan ito. “Ikaw na babae ka, sa oras na nagkita kayo ni Nykyrel at kinutya mo siya, sa akin ka mananagot.”
Lechel saw fear on the woman’s eyes. Good!
Nagmamartsa siyang umalis at pumara ng taxi. Gusto niyang sundan si Nykyrel sa bahay nito, pero hindi ngayon. Galit din siya sa lalaki dahil sa pagtatanggi nito sa kanya samantalang ito naman ang naunang nagsabi na girlfriend siya nito. Alam naman niyang hindi talaga siya nito girlfriend. Nagpakilala lang siyang ganoon para iligtas ito.
Argh! Buwisit na lalaking iyon!
Sobrang sakit ng puso niya sa nangyari.
Sa bahay niya siya nagpahatid sa taxi. Ayaw niyang makita si Nykyrel. Yes, the psychologist and therapist told her to understand and be patient with him, pero paused muna siya ngayon sa pag-intindi sa lalaki. Mag-aaway lang sila at walang patutunguhang maganda iyon.
Lechel needed time before she talked to Nykyrel.
DALAWANG araw na ang nakalipas mula nang mag-date sila ni Nykyrel. Hindi siya pumunta sa bahay nito dahil galit pa siya. Sa dalawang araw na iyon, nanatili si Lechel sa loob ng bahay niya at kinakalma ang sarili.
Her heart was still torn apart. Nykyrel denied her. Siguro, hindi naman talaga siya nito gusto. She’s just someone to fuck when he got bored being alone. That hurt more than she cared to admit.
Inilapag ni Lechel ang isang tasa ng kape sa island counter at bumuga nang marahas. Breathe in. Breathe out. Shit! Not working—
The doorbell rang. Nagsalubong ang mga kilay ni Lechel. Sino naman kaya ang nasa labas ng bahay niya? Wala naman siyang inaasahang bisita.
Tinatamad na naglakad si Lechel papunta sa pinto saka iyon binuksan. Nanigas siya sa kinatatayuan nang makilala kung sino ang nagdo-doorbell.
“Nykyrel.”
“H-hi.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Anong ginagawa mo sa bahay ko? Paano mo nalaman na dito ako nakatira? At bakit nasa labas ka ng bahay mo? Bakit hindi mo na lang ikulong ang sarili mo sa loob nang mag-isa—”
“You.”
“Ano?”
Kinagat ni Nykyrel ang pang-ibabang labi na parang nahihiya. And a shy-looking Nykyrel looked edible. “N-nagtatanong ka k-kung b-bakit. I said y-you. I-ikaw ang dahilan k-kung b-bakit ako nandito.”
Pero kahit gaano pa ito kaguwapo ngayon, hindi niyon kayang tanggalin ang inis na nararamdaman niya.
“Ano pa bang kailangan mo sa akin?”
May inilabas itong syringe at vaccine mula sa bulsa at ipinakita sa kanya. “O-oras na para sa second injection mo.”
Mapait siyang ngumiti na nauwi sa walang emosyong tawa. “Wow! Just wow.”
“Lechel—”
“Shut it, Nykyrel!” Humalagpos na ang kanina pa niya tinitimping galit. “Alam mo ba kung bakit hindi kita pinuntahan sa bahay mo these past few days? Kasi galit ako! Galit ako sa `yo! You let those women walk all over you and taunt you! And when I tried to help you, anong ginawa mo? Itinanggi mong girlfriend mo ako. Nykyrel, I was just trying to help! Sana nakipag-cooperate ka na lang para hindi tayo parehas na kinutya at pinagtawanan. Kung ikaw, ayos lang sa `yo na kinukutya ka, ibahin mo ako, Nykyrel. Because unlike you, I wouldn’t let them mock me and get a good laugh from it.”
Nagbaba ng tingin ang lalaki. “I d-don’t want to embarrass you.”
Napakurap-kurap si Lechel, halata ang pagtataka sa mga mata niya. “Embarrass me? How?”
“Way back in high school, those women were the meanest bunch of bitches. `Yong babaeng maikli ang damit, mayaman ang pamilya niya at kilala. Ayokong mapahiya ka dahil sa akin. Ayokong kutyain dahil kasama mo ako. Ayokong siraan ka nila dahil lang sa kasama mo ako. Hindi ko sisirain ang imahe mo, Lechel. Kaya kong tumayo nang tuwid at tanggapin lahat ng pangungutya nila, huwag lang ikaw ang kukutyain. I cannot stand it.”
Napatitig si Lechel kay Nykyrel. Iba talaga ang takbo ng isip nito. Ibang-iba sa mga lalaking kilala niya. Bakit ba hindi niya naisip ang dahilan nito ngayon? This man was Nykyrel Guzmano, the man who had been hiding from the world. Siyempre, iba ang pananaw nito sa mga bagay-bagay at tao sa mundo.
And then Lechel realized something. Hindi ito nautal habang nagsasalita. Dapat hindi niya iyon pansinin o punain. God! He sounded so good while talking straight. He had a voice that would oblige you to listen to his every word.
“I’m sorry.” Naputol ang pag-iisip niya nang marinig ang paghingi ng tawad ng lalaki. “Pasensiya ka na at napahiya ka dahil sa akin. Hindi na sana ako lumabas para hindi ka napahiya. Pasensiya ka na talaga, Lechel.”
“Pero lumabas ka ngayon,” sabi niya.
Tumango ito. “Yes. I d-did. I missed y-you.”
Tumalon ang puso niya at kinilig. “Ano?”
“Na-miss kita.”
“Ano? Hindi kita narinig.” Pinigilan niya ang ngiti na gustong kumawala sa mga labi niya.
“I miss you so much!” malakas ang boses na sabi nito.
Mahinang natawa si Lechel. “Gusto ko lang marinig na sabihin mo `yon nang tatlong beses.”
Tiningnan siya nito nang masama. “Na-miss mo rin ba a-ako?”
“Bakit parang galit ka?”
“Pinagtatawanan m-mo ako, eh.”
“Hindi kaya.”
“Yes, y-you are. Sana hindi na lang ako n-nagpunta rito. K-kailangan ko pang m-magbayad ng p-private investigator p-para malaman kung saan ang b-bahay mo, `tapos hindi mo naman pala ako na-miss—”
“I miss you, too, Nykyrel.”
Namilog ang mga mata nito. “S-say w-what?”
Mahina siyang natawa at hinila papasok sa bahay niya ang lalaki. Agad nitong ipinalibot ang paningin sa maliit niyang bahay. A simple living room. Small kitchen. One room. One bathroom. And a large oval shaped study table. Siya lang naman ang nakatira sa bahay na ito, dahil sa bahay nila sa probinsiya nakatira ang mga magulang niya na ayaw manirahan sa siyudad.
“Cozy,” komento nito.
“Thank—”
Bigla na lang inangkin ni Nykyrel ang mga labi niya. Napasinghap si Lechel sa gulat na sinamantala naman ng lalaki. Ipinasok nito ang dila sa loob ng bibig niya at parang may hinahanap roon na ginalugad ang bawat sulok niyon.
Hindi na napigilan ni Lechel ang daing na lumabas sa bibig niya. God! She missed his kisses, his embrace and the heat of his body against hers.
“Nykyrel—” Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil kung gaano kabilis nito pinakawalan ang mga labi niya, ganoon din nito kabilis na sinakop ulit iyon para mapusok siyang halikan sa mga labi.
“Lechel…” he said between kisses. “Na-miss kita.”
Bumaba ang halik ni Nykyrel sa leeg niya. Napaungol siya. He felt him bite her neck, enough to give her a hickey.
Shit! Hindi puwede! May meeting siya bukas sa editor-in-chief!
“Nykyrel!” Sinubukan niya itong itulak, pero walang nangyari. Humigpit lalo ang yakap ng lalaki habang ang isang kamay ay binubuksan ang butones ng pantalon niya.
Napatili si Lechel nang bigla siyang itulak ni Nykyrel paupo sa mahabang sofa saka ekspertong hinubad ang pantalon niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa lalaki na nakatingin sa pagkababae niya na natatakpan na lang ng panty.
“Nykyrel—”
“Shut up and let me taste you, babe.” Mabilis nitong tinanggal ang panty niya saka itinapon iyon sa sahig.
Without further ado, Nykyrel dipped his head and sucked her clít inside his hot mouth. Lechel’s hips jerked with pleasure as Nykyrel continued to suckle on her clítoris.
“Nykyrel! Oooh…” Napasabunot si Lechel sa sariling buhok at kumiwal ang katawan sa sobrang sarap ng sensasyong nararamdaman.
Nykyrel’s tongue slid inside her and then he pulled back and made a circular pattern around his aroused and wet mound. Her clítoris was throbbing with need.
Inilapit pa ni Lechel ang pagkababae sa bibig nito. Lahat ng inhibisyon niya sa katawan ay inilipad na ng hangin palayo sa kanya.
“Lick me… Shit!” Napaliyad siya. “Nykyrel… Lick me harder! Oooh—Holy shit!” Sinapo niya ang ulo ni Nykyrel at mas inilapit pa ang bibig nito sa pagkababae niya.
Good God. His tongue felt so good!
Pabilis na nang pabilis ang paggalaw ng dila ni Nykyrel. It’s making her scream and beg. Kaunti na lang, kaunting-kaunti na lang, lalabasan na siya. Just a little flick and lick of his tongue—
“Fuck!” Lechel glared at Nykyrel. “Bakit ka tumigil—Oooh…”
Napatitig si Lechel sa pag-iisa ng katawan nila. Tumigil pala ito sa pagsamba sa pagkababae niya dahil binuksan nito ang pantalon at nagsuot ng condom.
“Nykyrel…”
He stared at her, his finger slowly stroking her clítoris, intensifying her pleasure more.
“Nykyrel…” Habol niya ang hininga habang nakatitig dito. “Please, gumalaw ka na. Please?”
Dahan-dahang umulos si Nykyrel sa loob niya. Napakapit si Lechel sa gilid ng sofa. Nakakaramdam siya ng kaluwalhatian sa bawat ulos ng lalaki, sa bawat hagod ng kamay nito sa kaselanan ng hiyas niya at sa bawat halik na ibinibigay nito sa kanyang mga labi.
“Oooh…” Napaungol siya habang tinatanggap ang bawat pag-ulos nito sa loob niya. “Faster, Nykyrel…”
And he obliged. Naging desperado ang bawat pag-ulos ni Nykyrel. Mas nagiging mapusok, mabilis at masarap ang bawat paglabas-masok nito sa kalooban niya. She could feel herself exploding in nearly a second.
“Nykyrel—Oooh! I’m coming! Oooh…” Sumisigaw si Lechel sa sobrang sarap habang binabayo ng lalaki ang pagkababae niya.
And seconds later, she exploded blissfully and she was utterly spent. Sumunod rin naman si Nykyrel na agad na tinanggal ang condom na suot at itinapon sa basurahan.
Nakaupo siya sa sofa, pagod sa pagtatalik nila ng lalaki. Pagkatapos ay umupo si Nykyrel sa tabi niya at niyakap siya mula sa tagiliran.
“Lechel?”
“Hmm?”
“Balik na t-tayo sa bahay.”
Tumalon-talon ang puso niya sa saya. “Sa bahay mo?”
“Oo.”
“Hindi ako puwedeng pumunta sa bahay mo ngayong gabi. May meeting ako bukas sa editor-in-chief ko. Baka bukas nang gabi ako makakapunta.”
“Dito ako matutulog ngayong gabi,” sabi ni Nykyrel na ikinagulat niya.
“Ano?” Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
“Dito ako matutulog ngayong gabi,” ulit nito.
“Hindi ka ba natatakot na baka tawagan ko ang media at—”
“I trust you.” Pumikit ang mga mata nito at humilig sa balikat niya. “Malaki ang tiwala ko sa `yo, Lechel.”
Parang may pumiga sa puso niya. “Salamat sa tiwala.” She didn’t deserve his trust.