Chapter Three
L AMPAS na sa ulo ang galit ni Lechel. Pagkatapos siyang dalhin ng hinayupak na lalaking iyon sa kuwarto, iniwan siya at hindi man lang bumalik para magdala ng pagkain. Nagugutom na siya, nanlalagkit ang katawan dahil hindi pa siya naliligo at masakit ang kanyang paa na kinagat ng hayop na iyon na pag-aari ni Nykyrel Guzmano. Just the man she wanted to see. Pero anong ginawa ng kumag na `yon? He couldn’t even feed her!
I am mad! she fumed.
Paika-ika siyang lumabas ng kuwarto. Sisigawan talaga niya ang lalaking iyon kapag nagkita sila. Isang araw na ang nakalipas mula nang iwan siya ng lalaking iyon sa kuwarto.
Ngiwi nang ngiwi si Lechel sa bawat hakbang niya. Nang makarating siya sa kusina ng mansiyon, wala roon ang lalaki. Good, kasi nagugutom na siya. Baka hindi siya matunawan kung nandoon ito.
Nagpunta siya sa refrigerator at natigilan nang may mabasang pangit na sulat kamay sa isang bondpaper na nakadikit sa pinto ng ref. Tinanggal niya sa pagkakadikit ang bondpaper saka binasa ang nakasulat.
Witch,
Don’t you dare eat my food inside. If you do, there’s a pen and paper in the island counter, write down every food that you have eaten. Bakit? Kasi babayaran mo kung ano man ang kinain mo. Now, be a good witch and return to your fucking room.
P.S. I already injected you the first vaccine of anti-rabies. May natitira pang dalawang injection para hindi ka bigla na lang kumahol tulad ng aso ko. But it would be such a pleasure for me if you leave my mansion right now. Don’t go back or my dog will be biting that other delectable leg of yours.
-N.G.
Tiningnan niya nang masama ang hawak na papel. That jerk! Akala siguro ng Nykyrel Guzmano na iyon ay basta-basta siya mapapaalis? Well, he should think again! Aalis lang siya rito kapag na-interview na niya ito.
I will have that interview!
Binuksan ni Lechel ang refrigerator at kumuha ng isang slice na cake at isang basong fresh milk. Iyon lang ang tanging pagkain na nandoon, ang iba ay puro na mga beer at iba pang uri ng alak. Before leaving the kitchen, she made sure to write some nasty curses on the paper lying on the island counter.
Nakangising bumalik si Lechel sa kanyang kuwarto. Masaya siya sa ginawa niya. Akala siguro ng lalaking iyon, susundin niya ito. Hmp! Mamamatay muna ito bago mangyari iyon.
Biglang pumasok sa isip ni Lechel ang guwapong mukha ni Nykyrel. Sayang ang guwapo pa naman nito. Wala nga lang modo saka ang sama ng ugali. Anong klaseng tao ang gugutumin ang bisita? Well, hindi naman talaga siya bisita, inakyat niya ang gate ng bahay nito. That didn’t make her a visitor. Isa siyang buwisita. Pero kahit na isa siyang buwisita, hindi pa rin tama ang inaasal ng lalaking iyon. Hindi talaga!
Umupo si Lechel sa gilid ng kama saka kinain ang kinuha niya sa ref. Speaking of ref, napangisi siya. Ano kaya ang reaksiyon ni Nykyrel kapag nabasa ang isinulat niya sa papel na iniwan nito sa island counter?
Lechel giggled evilly. Oh, she would like to see his angry face.
NAGPUNTA si Nykyrel sa kusina para kumuha ng makakain. Gutom na siya. Mabuti na lang at may natira pa siyang cake sa ref. Talagang itinira niya iyon para sa sarili in case na magutom siya.
Napatitig siya sa pinto ng ref. Tumaas ang sulok ng mga labi niya nang makitang wala na doon ang note na kanyang idinikit. Parang nabasa na ng babaeng iyon ang sulat. Good .
That woman was a witch. He believed so. Siya, na ayaw ng ibang tao sa kanyang bahay ay nagpapasok ng babaeng hindi nga niya kilala. Why was that?
Yeah. Just because she’s pretty, said of his idiot subconscious.
Yeah, that woman was really pretty, but a woman with a face like that was dangerous.
Binuksan ni Nykyrel ang ref. Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makita ang loob. Nawawala ang cake niya! Pero nandoon lang iyon kagabi. Sino naman ang kukuha niyon—realization hit him.
That witch!
Nagtagis ang mga bagang ni Nykyrel. Malakas na isinara niya ang pinto ng ref at lumapit sa island counter para tingnan ang papel na nandoon. Mabilis niyang binasa ang nakasulat sa papel.
Mr. Satanic, oopps! I mean, Mr. Guzmano. With all my heart, I want to say fuck you and your bad attitude. Isa kang alagad ni Satanas na dapat nasa impiyerno ngayon. How dare you starve me! Jerk! Bastard! Argh! I hope your bad attitude drowns you and kill you afterwards!
P.S. thanks for the cake and fresh milk. They’re delicious.
-Ms. Lechel De Villa
Napaawang ang mga labi ni Nykyrel sa nabasa. Sumosobra na talaga ang babaeng iyon! Pagkatapos niya itong alagaan, kinuha pa ang kanyang cake.
Malalaki ang hakbang na pinuntahan ni Nykyrel ang kuwarto kung saan niya dinala si Lechel. Nasa first floor ang kuwarto nito samantalang sa kanya ay nasa fourth floor. Wala siyang pakialam kung gutom ang babae. Ito ang pumasok sa bahay niya nang walang paalam. Ito ang umakyat sa kanyang gate. At talagang siya pa ang sinisi sa kung bakit ito nagugutom? Talagang sinusubukan ng babaeng iyon ang pasensiya niya!
Itinulak ni Nykyrel pabukas ang pinto ng kuwarto ng babae. Pumasok siya at naningkit ang mga mata niya sa inis. There she was, comfortably sitting on the bed, looking so darn pretty while eating his cake. His cake!
A part of his body stiffened at the sight of her… the part between his legs. Damn! Kapag nakikita niya ang babae, agad na nagre-react ang bagay na nasa gitna ng kanyang mga hita.
And I’m fucked if this continues.
NAG-ANGAT ng tingin si Lechel kay Nykyrel. Halata ang galit sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. Bumuntong-hininga siya saka nagpaliwanag.
“Look, nagugutom ako. Kinuha ko lang `yong cake kasi ito lang naman ang pagkain doon.”
Dumilim ang mukha nito habang naglalakad palapit sa kanya. Inaasahan niyang sisigawan siya ni Nykyrel, pero nakalimutan niyang pipi pala ito. Hindi siya masigawan, pero nakakatakot ang madilim na ekspresyon sa mukha nito. Sa bawat hakbang ng lalaki palapit sa kanya, palakas nang palakas ang kabog ng kanyang puso.
“Look, Nykyrel—”
He growled and she shut her mouth up. Kinuha nito ang cell phone sa bulsa at galit na nag-type. Pagkalipas nang ilang segundo, nakatanggap siya ng text. Inabot niya ang cell phone sa night stand saka binuksan ang inbox niya.
Text iyon galing kay Nykyrel. Naka-save ang number nito sa pangalang Mr. Mute the Hottie .
Binuksan ni Lechel ang mensahe at binasa.
You’re testing my patience witch! You ate my cake!
Itinirik niya ang mga mata saka tumingin kay Nykyrel na nakadikit na ang mga paa sa gilid ng kama.
“Hindi mo ako pinakain kagabi, ano sa tingin mo ang gagawin ko?” Tinaasan niya ito ng kilay. “Look, Mr. Satanic, kasalanan mo rin naman `to, eh! Hindi mo ako pinakain kagabi!”
Parang mas galit ito ngayon habang nagta-type ng mensahe para sa kanya. Ilang segundo lang ang lumipas, nakatanggap siya ng text.
Did you just call me Mr. Satanic again?
Napakagat-labi si Lechel at nakangiwing tumingin kay Nykyrel. “Ahm…” Tumikhim siya. “Ah, kasi, m-mukha ka naman talagang satanic,” palusot niya. “You’re not handsome.”
Okay, nagsisinungaling siya.
“`Tapos pangit pa ang ugali mo. Ano sa tingin mo ang iisipin ko sa `yo?”
Nag-text ulit ito sa kanya. Seemingly getting madder every passing second as he type.
Did you just call me ugly? You’ll pay for that!
Napalabi si Lechel saka nagtaas ng tingin sa lalaki. Nagsinungaling siya. He wasn’t ugly. He was handsome... downright gorgeous.
Lechel breathing hitched when Nykyrel rested his one knee on the bed, leaning close to her. Bigla siyang napaatras hanggang tumama ang likod niya sa head board ng kama.
“Mr. Guzmano—” Palakas nang palakas ang tibok ng kanyang puso. “Nykyrel, stop—”
Nanigas ang buong katawan niya. Halos isang hibla na lang ang layo ng mukha nila ng lalaki. Naamoy niya ang amoy-alak nitong hininga.
Whiskey.
Nararamdaman niyang parang may nagliliparang paruparo sa loob ng tiyan niya habang palapit nang palapit si Nykyrel sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na may lalaking nagparamdam sa kanya nang ganito. Damn! One wrong move and they would be kissing.
Nakita niyang bumaba ang tingin nito sa bahagyang nakaawang niyang mga labi. Lechel saw him gulp with a hungry glint in his eyes.
Is he going to kiss me?
Wrong question, but damn her to hell. Lechel wanted him to kiss her. Nararamdaman niya iyon.
Oh, God! Ano ba ang nangyayari sa kanya?
Gusto niyang lumapat ang mga labi ni Nykyrel sa kanyang mga labi. Wala siya sa tamang pag-iisip! And his addicting smell was making her mind go haywire.
Bumaba ang tingin ni Lechel sa mga labi nito. He rolled his tongue over his dry lips. And her belly quivered in response. Nagtaas siya ng tingin.
“Nykyrel—”
Bigla na lang nitong hinalikan ang mga labi niya. Sinamantala nito ang bahagyang pagbuka ng kanyang bibig, ipinasok nito ang dila sa loob.
Lechel groaned at the taste of him. Everything faded. Nakalimutan niya ang inis sa lalaki. Nakalimutan niyang ginutom siya nito. In that moment, all she could think of was how his lips molded perfectly with her and how it tasted intoxicatingly good. Dapat ay itinutulak niya si Nykyrel palayo pero hindi, yumakap siya sa leeg nito at sinagot ang halik.
Their kiss was soft at first, couple minutes later, it turned fervent. Humigpit ang yakap ni Lechel sa lalaki. Hinapit siya ni Nykyrel palapit sa katawan nito. Nararamdaman niya ang init ng katawan nito na nakalapat sa kanya. She clung to him as she kissed him fervently. Like she needed his kiss to live.
Isang inosenteng ungol ang kumawala sa mga labi niya nang bumaba ang halik ng lalaki sa kanyang pisngi, pababa sa leeg niya.
“Oooh!” Isang hindi mapigilang ungol ang kumawala sa mga labi ni Lechel.
Ang mga labi nito ngayon ay pababa na papunta sa mayayaman niyang dibdib. Her body arched at the contact. Napasabunot siya sa buhok nito nang maramdaman ang kamay nito na minamasahe ang mayayaman niyang dibdib.
“Nykyrel…” ungol niya sa pangalan nito. Hindi niya mapigilan na umungol.
“Lechel...” he growled her name.
Natigilan siya sa narinig at namimilog ang mga matang nagbaba ng tingin sa lalaki. Malalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin dito dahil sa gulat.
Hindi niya lang iyon imahinasyon, hindi ba? It was really him... saying her name.
Parang napansin ni Nykyrel na natigilan siya. Tiningala siya nito, nakakunot ang noo at halata na naguguluhan.
“Did you just… say my name?”
He froze, staring at her. Then realization hit him. It was visible in his face. Mabilis itong umalis sa pagkakadagan sa kanya saka mas mabilis pa sa alas-kuwatro na lumabas sa kuwarto niya na para bang may nakakahawa siyang sakit.
Naiwan si Lechel na natitigilan. Nykyrel could speak. Pero bakit hindi ito nagsasalita?
His voice sounded baritone and deep and sexy. Gusto niya ulit marinig na magsalita ang lalaki.
Bumaba ang tingin ni Lechel sa kanyang katawan. Embarrassment filled her. Nakataas ang laylayan ng damit niya hanggang sa dibdib. Her stomach was exposed. Then she remembered Nykyrel massaging her breasts.
Oh, my God!
Nakakahiya! Wala na siyang mukhang ihaharap kay Nykyrel. Ano ba ang sumapi sa kanya at para siyang uhaw na sinagot ang halik nito?
Dahil ba iyon sa atraksiyong nararamdaman niya para dito? Nykyrel had undeniably good looks. Dahil ba iyon sa kakaibang sensasyong ipinaramdam nito sa kanya? O baka naman naeengkanto na kaya pumayag siyang magpahalik sa lalaki at sumagot pa siya.
Nag-init ang pisngi ni Lechel sa nangyari sa kanila ng lalaki. She nearly gave him access to her body. Good God!
He touched my breasts!
Nararamdaman pa ni Lechel ang nakakakiliting sensasyon na iyon. Marahas siyang napailing-iling saka naisipang mag-shower para matanggal ang nakakakiliting pakiramdam sa pagkababae niya. Pumasok siya sa banyo na nakakonekta sa kuwarto at hinubad ang lahat ng damit niya saka binuksan ang shower at pumailalim doon.
SUNOD-SUNOD ang pagmumura ni Nykyrel habang pinapagalitan ang sarili sa isip. Buwisit! Fuck shit! Dapat ay itinutulak niya ang babae palayo, pero sa halip, anong ginawa niya? Hinalikan niya! Hindi lang iyon, he spoke her name, for fuck sake!
Hindi alam ni Nykyrel kung pasasalamatan ang sarili dahil sa pagbigkas sa pangalan ng babaeng iyon. Dahil doon ay nagising siya sa kanyang ginagawa. Nagising ang diwa sa kabaliwang gagawin niya.
For God’s sake! He was massaging the woman’s breasts. And boy, they felt good against his palm.
Fuck me, my mouth, my raging hormones and my fucking body for not listening!
Malutong siyang napamura nang bumaba ang tingin sa kanyang sandata. Ramdam na ramdam niyang handa iyong lumaban.
Fuck!
Hinubad ni Nykyrel ang lahat ng suot, saka nagpunta sa banyo na konektado sa kanyang kuwarto. Kailangan niya ng cold shower para pakalmahin ang kanyang sarili.
Nang una niyang makita ang babae, nagandahan siya rito. Of course, he was a man and her legs were so damn delectable for her own good. And not to mention her kissable sweet lips. And he tasted those lips. They were really sweet.
And I want more of its taste.
He was fucked.
Noong una pa lang nilang pagkikita, naramdaman na ni Nykyrel ang pagkabuhay ng pagkalalaki niya dahil sa babae. Akala niya, dahil lang iyon sa isang taon na siyang bakante. But no, while she slept prettily in his sofa yesterday, he was ogling her long legs that made his “boy” stir to life.
Kanina, wala naman siyang balak na idikit ang kahit na anong parte ng katawan sa babaeng iyon. Pero nang maamoy niya ang hininga nito… Shit! He lost his mind and captured those sinfully seductive lips of her.
Isa iyong napakalaking pagkakamali.
Habang nasa ilalim siya ng malamig na shower, hindi mapigilan ni Nykyrel na hawakan at paligayahin ang sarili.
Fuck the woman. Fuck her!
Iyon ang nasa isip niya habang pinapaligaya ang sarili. He threw his head back and groaned. He’s coming! Malapit na… Just a little more—
Isang malakas at sunod-sunod na katok ang pumigil sa paglabas ng kanyang orgasmo.
“Fuck!” Malakas siyang napamura dahil sa pagkabiting naramdaman.
Binitiwan ni Nykyrel ang sarili saka bitin na bitin na lumabas ng banyo. Bakit ba kasi niya binuksan ang pinto ng banyo? Eh, di sana hindi niya narinig ang katok?
Dalawa lang sila rito sa bahay, sigurado siya na si Lechel iyon. Kaya kailangan niyang buksan ang pinto. Nykyrel felt the need to see her. Damn it! Not good.
Wala siyang pakialam kung tanging tuwalya lang ang nakatakip sa katawan niya mula baywang pababa. Binuksan niya ang pinto. Hindi siya nagkamali. Si Lechel nga iyon.
And she’s very pretty.
At dahil tuwalya lang din ang takip sa kabuuan nito, nabuhay na naman ang dapat, tulog na.