Chapter Ten
N YKYREL was sweating bullets. Nanlalamig ang mga kamay niya at nanginginig ang mga tuhod. Dread and fear was there, lurking in the corner of his mind, trying to coax him to chicken out. Bakit ba kasi pumayag siyang sumama kay Lechel?
Fuck! Baka may kaklase siya noon na makakita sa kanya. Shit! Paano kung may mangyaring masama at mapahiya si Lechel? Hindi niya kakayanin kung mangyari iyon sa babae. Siguradong mamamatay siya sa kahihiyan kapag nangyari iyon. Shit! Why couldn’t he be normal for a change?
Anong gagawin niya kapag pinagtawanan si Lechel dahil sa kanya? Paano kung pagtawanan siya ng mga kaibigan nito? Hindi niya puwedeng gawin iyon sa babae. Hindi niya hahayaang madungisan niya ang magandang imahe ng babae sa iba. He’s an abomination like what his mother had said when she was still alive. Walang tatanggap sa kanya.
Siguro, masuwerte lang si Nykyrel at tanggap siya ni Lechel, pero hindi iyon sapat para suklian nito ang nararamdaman niya. There’s a lot of fish in the ocean, why settle with a fish with disability?
Insecurities hung around him like a thick canopy.
Tiningnan niya si Lechel habang nagmamaneho. Nagtalo sila bago umalis ng kanyang bahay kung sino ang hahawak sa manibela. And five minutes later at heto siya, nakaupo sa passenger seat ng sasakyan niya. She’s so persistent and he was actually turned on. Good heavens!
Parang napansin ng babae na nakatingin siya rito kaya tiningnan din siya nito at nginitian. Malakas ang tibok ng puso ni Nykyrel dahil sa sobrang kabang nararamdaman. Shit!
“Lechel—”
“Shut it, Nykyrel. Pumayag ka, remember?” Pinandilatan siya nito.
Napabuntong-hininga siya. Yes, pumayag siya. At kinakabahan siya sa mangyayari. Paano kung mapahiya sa Lechel sa harap ng mga kaklase niya noon? Paano kung may mangyaring masama at mabahiran niyon ang magandang imahe ng babae? Ayaw niyang mangyari iyon. Shit!
Nanuyo ang lalamunan ni Nykyrel nang iparada ni Lechel ang sasakyan sa gilid ng kalsada, kaharap niyon ang CCBells Cafe. It looked cozy from the outside. He knew that the cafe was built to make the customer comfortable, but he felt the opposite, he’s agitated. Ninenerbiyos siya. Natatakot siya. Lalong nanlamig hindi lang ang kanyang kamay kundi pati na rin ang buo niyang katawan. His nervousness was showing and it’s so palpable.
“Nykyrel, magiging maayos ang lahat,” sabi nito.
Pilit siyang ngumiti. Ayaw niyang malaman ni Lechel ang kaba na kanyang nararamdaman. Kahit walang salamin ngayon sa harap niya, alam ni Nykyrel na namumutla siya sa sobrang kaba.
Paano kung may mangyaring masama dahil sa kanya? Ayaw niyang madamay si Lechel sa kapalpakan niya sa buhay.
“Nykyrel?” tawag ni Lechel.
Tiningnan niya ang babae. “Yes?”
Nginitian siya nito. “It’s going to be okay.”
“H-hope so, babe.”
Hinawakan ni Lechel ang kanyang kamay at pinisil iyon bago ito lumabas ng sasakyan. Sumunod naman agad siya. Nang umapak ang mga paa ni Nykyrel sa semento, bumilis ang tibok ng puso niya.
Please, heart, be still. Please God. Have mercy on me.
Hindi siya ang tipo ng tao na magdadasal para maging maayos ang lahat kasi alam naman niyang imposibleng mangyari ang kanyang hinihiling sa Panginoon. Pero ngayon, habang kinakabahan siyang nakatayo sa labas ng cafe, nagdasal siya na sana maging maayos ang lahat.
Nakangiting inilahad ni Lechel ang palad nito sa kanya. “Halika na.”
Nanlalamig ang kamay na tinanggap ni Nykyrel ang kamay nito. Alam niyang nararamdaman ni Lechel ang panlalamig ng kamay niya.
“Walang kakain sa `yo sa loob,” natatawang biro ng babae sa kanya saka pinagsalikop ang palad nila at hinila siya papasok.
Itinulak ni Lechel pabukas ang pinto ng café. Agad na naramdaman ni Nykyrel ang mga mata ng mga customer sa kanya. Biglang nanlamig ang buong katawan niya. Hindi lang ang kamay niya ang nanlalamig. Parang tatalon ang kanyang puso sa dibdib sa sobrang kabang nararamdaman. Fuck this fear!
“Pasok na tayo.” Tuluyan siyang hinila ni Lechel papunta sa bakanteng mesa na nasa gilid ng cafe.
Parang nakahinga nang maluwang si Nykyrel nang makaupo silang dalawa.
I survive.
“Relax, Nykyrel.” Nginitian siya ni Lechel. “Walang kakain sa `yo rito.”
Pinilit niya ang sarili na ngumiti kahit pa nga ang gusto niyang gawin ay magtago at tumakbo pabalik sa bahay niya. “O-okay.”
Pinalibot ni Nykyrel ang mga mata sa kabuunan ng café. It’s packed with costumers of different ages and genders. Lahat ng tao sa cafe ay may ngiti sa mga labi. They all look satisfied and happy.
Sinong hindi magiging masaya, lalo na ang kababaehan? Lahat yata ng waiter ay lalaki at mga guwapo pa. Heck! This was bad! Maybe Lechel liked one of the waiters!
No! Ibinalik ni Nykyrel ang tingin sa leeg ni Lechel kung saan halata pa ang love bite na ginawa niya.
Good.
“So, anong gusto mong kainin?” tanong ni Lechel na nakatingin sa mga mata niya.
“Ahm, hindi ko alam—”
“Lechel! My journalist friend!” A male voice exclaimed. Nakatayo ang lalaki sa harap ng mesa nila.
Agad na sumama ang pakiramdam niya kahit hindi pa niya nakikita ang mukha nito. Nag-angat ng tingin si Lechel sa bagong dating at ngumiti.
“Hey, Trek. Kumusta? Akala ko, wala ka rito.”
Agad siyang nakaramdam ng selos sa lalaking lumapit sa mesa nila. Fuck!
“At bakit naman? I’m the owner of this cafe at opening ngayon, malamang nandito ako para mag-supervise—” Napatigil ang lalaki sa pagsasalita nang makita siya. “Sino itong kasama mo?”
Nykyrel looked up and saw a very handsome man. His insecurities ate him up in that instant. Ang daming senaryong tumatakbo sa isip niya at ang ending lagi ay iiwan siya ni Lechel para sa lalaking nasa harap nila. Nanikit ang dibdib niya. Bullshit!
Dahil hindi siya kumibo, inilahad ng lalaki ang kamay sa kanyang harap. “Hi, I’m Trek Wolkzbin. I’m a chef and the owner of this nice café. Nice to meet you.”
Yes, Nykyrel confined himself inside his huge mansion, but he knew that surname anywhere.
Wolkzbin Enterprise.
Ayaw niyang magsalita. He wanted to shut his mouth, but his curiosity won. “W-Wolkzbin? A-are you r-related to T-Train Wolkzbin?” Napalunok siya at minura ang sarili sa pautal-utal niyang pagsasalita.
Nykyrel waited for Trek to make fun of his speech disorder, but he didn’t. Sa halip, sinagot nito ang tanong niya nang may ngiti sa mga labi.
“Yeah. He’s my dad,” sagot ni Trek na para bang hindi kilala sa lipunan ang ama nito.
“Wow!” Nykyrel whispered, awed.
Train Wolkzbin was one hell of a business man. At parang hindi sumunod sa yapak nito ang anak. Trek was a chef and last time Nykyrel’s checked, culinary students didn’t deal with numbers and business problems.
“My dad is not a big deal,” natatawang sabi nito. “Anyway, anong pangalan mo? Ngayon lang kita nakitang kasama ni Ms. Journalist.” Trek wiggled his eyebrow at him suggestively. “Boyfriend?”
“Ahm…” Tumikhim siya. “I-I’m N-Nykyrel Guzmano.”
Nanunudyong ngumiti ang lalaki kay Lechel. “Hmm… Nagdadalaga ka na, ah.”
Namula ang mga pisngi ni Lechel.
Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Nykyrel. Biglang nag-init ang ulo niya sa nakita. Only he could make her blush!
“Paano kayo n-nagkakilala?”
Tumingin sa kanya si Trek. “Oh! This woman? Food journalist siya at may restaurant ako. Na-feature niya ang mga original recipes na gawa ko kaya nagkakilala kami. Maraming beses na niya akong in-interview tungkol sa mga pagkain kaya naging magkaibigan kami.”
Trek explained and Nykyrel was relieved. Kahit naman naburo siya sa bahay, alam niya ang sinasabi at ginagawi ng isang lalaki kapag hindi ito interesado sa isang babae. And Trek did just that. Good.
“Oh!” Iyon lang ang nasabi niya.
Napapantastikuhang napatingin sa kanya si Trek saka mahinang natawa. “Anyway, may order na ba kayo? Kung mayroon na—” Nagsalubong ang mga kilay nito at napatigil sa pagsasalita nang may padabog na umupo sa bakanteng mesa na katabi nila. “Light? Light Montero?”
Lumingon ang bagong dating at agad na napalitan ng ngiti ang madilim nitong mukha. “Wolkzbin! Hey, man!”
Nag-excuse si Trek sa kanila saka umupo sa kaharap na upuan ng lalaking tinawag nitong Light.
“Damn, man, akala ko nasa Greece ka pa,” sabi ni Trek at nag-usap na ang dalawa.
Nykyrel turned to them and looked at Lechel. Kumunot ang noo niya nang makitang nakangiti ito nang matamis sa kanya.
“W-what?” nagtatakang tanong niya.
“Masaya ako na nakipag-usap ka sa iba. See? Hindi lahat ng tao sa labas ay ibu-bully ka.”
“Siguro h-hindi l-lahat, p-pero marami s-sila.” Lihim siyang napamura nang mautal na naman. Fuck!
Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa bulsa at nag-type sa new message pagkatapos ay ipinabasa iyon sa babae.
“Kaunti lang ang tao sa mundo na walang pakialam sa pagsasalita ko.” Malakas na binasa ni Lechel ang isinulat niya sa text. Napabuntong-hininga ito. Inabot ni Lechel ang kamay niya saka iyon pinisil. “Nykyrel, just try and open yourself to the world—”
“I did, Lechel. I b-bared myself to t-the w-world.” Kinagat ni Nykyrel ang pang-ibabang labi at nagbaba ng tingin. “A-alam mo ba k-kung anong g-ginawa n-nila s-sa akin? T-they mocked m-me, Lechel. T-they m-made fun o-of m-me. Pinagtawanan, k-kinutya at n-nilait nila a-ako. Kaya hindi m-mo ako masisisi k-kung i-ikinulong ko ang s-sarili ko sa m-mansiyon. Yes, Lechel, y-you and T-Trek did n-not make fun o-of m-me, p-pero paano ang iba? M-masisiguro m-mo b-bang tatanggapin nila a-ako? Matagal k-ko nang tinanggap ang k-katotohanang kahit a-anong gawin k-ko, h-hindi nila matatanggap ang i-isang k-katulad ko.”
NANUBIG ang mga mata ni Lechel sa mga sinabi ni Nykyrel. Ramdam niya ang sakit na pinagdaanan nito, pero hanggang doon lang. Alam niyang masakit ang nangyari sa lalaki, pero hanggang doon lang ang alam niya. She didn’t experience it to know how much pain he had endured, alone.
“Nykyrel…”
“Don’t, Lechel.” Sinalubong nito ang tingin niya. “H-huwag mo akong k-kaawaan.”
Parang nanikip ang dibdib niya. “Hindi ako naaawa sa `yo, Nykyrel. Nasasaktan ako para sa `yo. Wala silang karapatang kutyain ka nang ganoon. Wala silang karapatang saktan ka.” Tumayo siya at lumapit sa lalaki saka ito niyakap nang mahigpit. “I’m really sorry, Nykyrel, for everything that they’ve done to you.”
Naramdaman ni Lechel na nanigas sa kinauupuan si Nykyrel. Nang pakawalan niya ang lalaki at hinuli ang mga mata nito, halata ang gulat sa mukha nito.
“N-niyakap m-mo a-ko,” Nykyrel said, breathless. Parang nagulat ito sa ginawa niyang pagyakap dito.
“Hindi ba puwede?” natatawang tanong niya. Para namang may nakakagulat sa kanyang ginawa.
“Y-you e-embraced m-me in public?”
“Ano naman ngayon?” puno ng pagtatakang tanong niya.
“Nobody e-embraced me in p-public,” bulong nito na para bang big deal ang ginawa niya. “H-hindi ka ba n-nahihiyang yakapin a-ako?”
“Hindi.” Hinila ni Lechel ang upuan para magtabi na sila ng lalaki. “Bakit naman ako mahihiya? I just embraced the most handsome man in this cafe.”
Nykyrel scoffed. “L-look around, Lechel. Lahat yata ng w-waiter sa cafe na `to ay g-guwapo.”
Halata sa mukha ni Nykyrel ang selos na nararamdaman. Lechel’s heart actually skipped a beat. Damn this man.
“Oo nga at guwapo sila, pero ikaw ang pinakaguwapo sa paningin ko.”
Nagliwanag ang mukha ni Nykyrel. “Truly?”
God! She liked putting a smile on his face and making him happy.
“Yes. Truly.” Dumukwang siya at hinalikan ito sa pisngi. “So, order na tayo?”
Ngumiti ang lalaki. “Sure. Pagkatapos dito, may pagdadalhan ako sa `yo.”
Natigilan si Lechel. Nagulat siya sa sinabi nito. “Ano? May pagdadalhan ka sa akin?”
“Yes,” natatawang sabi nito saka pinanggigilan ang pisngi niya. “Lechel, m-mababaliw ako kung halos b-buong taon ay n-nasa b-bahay l-lang ako. I go t-there w-when I n-need fresh air.”
Bigla siyang na-excite sa nalaman. “Saan mo ako dadalhin kung ganoon?”
Nykyrel smirked. “Surprise.”
Lechel felt giddy all of the sudden. Natutuwa siya na hindi naman pala ito naburo sa bahay nito. Good.
Tinawag niya ang waiter saka ibinigay ang order nila. She let Nykyrel pick their food. Gusto niyang malaman kung ano ang o-order-in nito para sa kanila. Gusto niyang malaman kung ano ang gusto nito at hindi gusto pagdating sa pagkain. Gusto niyang malaman ang lahat tungkol kay Nykyrel Guzmano.
“Maganda ba roon?” tanong ni Lechel.
“Oo. M-maganda.”
“Sige. Bilisan nating kumain,” excited na sabi niya.
Napailing-iling si Nykyrel habang mahinang tumatawa. “N-napaghahalatang excited ka.”
“Oo naman.” Malapad siyang ngumiti. “Yehey!”
Dumating ang order nila at naging abala na sila ni Nykyrel sa pagkain. Excited na siya sa pagdadalhan sa kanya ng lalaki. She couldn’t wait!
PANAY ang sulyap ni Nykyrel kay Lechel habang nagmamaneho siya papunta sa pupuntahan nila. Halata sa mukha nito ang excitement. She was beaming happily, grinning from ear to ear.
Nykyrel wondered, hindi kaya ma-disappoint ang babae kapag nakarating sila sa pagdadalhan niya rito?
Hmm… Let see and find out.
Ipinarada ni Nykyrel ang sasakyan sa Roldan’s Port kung saan nakadaong ang yacht niya. Lumabas siya sa sasakyan, ganoon din ang ginawa ni Lechel. Hinawakan niya ang kamay ng babae at pinagsalikop iyon. The excitement in her face was nowhere to be seen.
“A-ayos ka lang, Lechel?”
Ngumiti ito, pero alam niyang pilit iyon. “Oo naman. Medyo kinakabahan lang ako.” Nakatingin ito sa yacht.
Napailing si Nykyrel saka hinawakan sa kamay si Lechel at hinila papasok sa loob ng yacht. Papasok na sana sila sa loob ng yacht nang biglang lumabas ang may-ari ng yacht na katabi ng yacht niya. Si Xavier Roldan. Ang may-ari ng port na iyon at kahit paano ay maituturing niyang kaibigan. Kumaway si Xavier sa kanila nang makita sila. Nykyrel forced himself to wave back.
“Hey, Guzmano.” Lumapit ito sa kanila habang may dalang gitara. Then Xavier’s eyes fell into Lechel’s. “Whoa, baby, who are you?”
Idinikit ni Lechel ang katawan sa tagiliran niya. Naramdaman ni Nykyrel ang mayayaman nitong dibdib sa kanyang braso. Napalunok siya nang maramdamang nag-uumpisang mabuhay ang pagkalalaki niya. Fuck!
“She’s Lechel, my girlfriend.” Nanlaki ang mga mata ni Nykyrel sa lumabas na salita sa bibig niya.
What the heck did I just say?
Hinintay niyang tumutol si Lechel at itama ang sinabi niya, pero nanatiling tahimik ang babae. Nang tingnan niya ang mukha nito, walang emosyon iyon at nakatingin sa ibaba.
Fuck! Did he embarrass her? Shit! Dapat ay pinigilan niya ang kanyang bibig.
Xavier grinned. “Oh, okay. The whole port is all yours. Aalis na muna ako.” May pilyong kislap ang mga mata nito.
Napailing-iling si Nykyrel at hinila na naman si Lechel papasok sa yacht niya papunta sa upper deck. Gamit ang susi na nakatago sa bulsa, binuksan niya ang kuwarto kung saan lagi siyang tumatambay kapag nandoon siya.
“Pasok ka,” sabi niya.
Pumasok si Lechel. Isinara niya ang pinto. Inalalayan niya ito papunta sa balkonahe na nakaharap sa malawak na asul na karagatan.
“Ito ang ipapakita ko sa `yo,” sabi niya at niyakap ito mula sa likuran.
“Ang ganda!” Lechel said, breathless.
“Yes.” Humigpit ang yakap niya rito. “Pasensiya na kung ipinakilala kitang girlfriend ko. I had to. Babaero kasi si Xavier, eh.”
“Oh!” Lechel sounded disappointed. “Okay lang.” Humarap ito sa kanya. “Maganda rito. Salamat sa pagdala mo sa akin rito.”
“I c-come h-here once in a w-while. Maliban sa b-bahay ko, dito a-ako tumatambay. I l-like it here.” Inilapit niya ang noo sa noo nito. “Salamat at nagustuhan mo.”
Ngumiti si Lechel. “No. Salamat sa pagdala mo sa akin dito.”
Sinuklian ni Nykyrel ang ngiti nito, pero sa loob-loob niya, naguguluhan siya. Hindi lang bahay niya ang binuksan para sa babae, pati sa isang lugar na matatawag na safe haven niya.
Was he really falling in love or did he already fall?