noveltoon logo noveltoon
Wicked Encounter (Dark Boss Series 2)

Chapter 20

Ch. 21 / 23 Feb 05, 2022

Chapter Twenty

L ECHEL was having the best day of her life. Natulog siya na katabi si Nykyrel at nakaunan siya sa bisig nito. Nagising siya habang pinapaligaya siya ni Nykyrel at ihinatid siya nito sa bahay niya para magbihis saka siya inihatid sa opisina. And then when lunch came, sinundo siya ni Nykyrel para mananghalian sa labas.

Nykyrel picked Yanzee’s Restaurant, one of the famous restaurants in City. Pagkatapos bilang um-order, hinawakan ni Nykyrel ang kamay niya saka pinisil.

“Lechel?”

“Yes?”

“Ahm…” Kinagat ni Nykyrel ang pang-ibabang labi na para bang nahihiya sa sasabihin. “May itatanong sana ako sa `yo.”

Tumaas ang kilay niya. “Sure. Ask away.”

“Ahm…” Tumikhim ito. “Will you—”

“You’re still with this loser?” sabi ng boses na pumutol sa iba pang sasabihin ni Nykyrel.

Sabay silang napatingin ng lalaki sa nagsalita. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita si Jonathan na nakatayo sa tabi ng mesa nila. Mabilis na napunta ang tingin ni Lechel kay Nykyrel. Alam niyang hindi maganda ang alaala nito kay Jonathan.

But shockingly, Nykyrel just looked at Jonathan, no emotion on his handsome face. Parang hindi ito apektado sa presensiya ni Jonathan. Actually, he seemed annoyed at Jonathan.

“Ano ba ang kailangan mo, Argara?” tanong ni Nykyrel kay Jonathan gamit ang apelyido ng lalaki. “Puwede bang umalis ka na? Nakakaistorbo ka, eh.”

Umawang ang mga labi ni Jonathan habang nakatingin kay Nykyrel pagkatapos ay ngumisi ito. “At nakakapagsalita ka na pala nang tuwid. But that doesn’t change a thing. You’re still a worthless man and Lechel is better off with me.”

Hindi umimik si Nykyrel at nanatiling kalmado ang mukha. Patuloy naman sa panlalait si Jonathan.

“Oo nga pala, narinig kong lumabas ka na sa lungga mo. Sana nanatili ka na lang doon. Wala ka namang kuwenta, eh. Isa kang daga at hindi na magbabago `yon. Kahit pa anong gawin mo, wala ka pa ring kuwenta. Ano naman ngayon kung nakakapagsalita ka na nang tuwid? Hindi ka pa rin nararapat para kay Lechel.”

Inakbayan siya ni Jonathan. Doon nakita ni Lechel ang pag-iba ng ekspresyon ni Nykyrel. From calm to boiling rage.

“Huwag mong hawakan si Lechel.” Nagtatagis ang bagang ni Nykyrel. “Or I will really tear you to pieces.”

Kahit siya ay natakot sa banta ni Nykyrel. Mabilis niyang itinulak palayo si Jonathan at tiningnan ito nang masama.

Nanunuyang ngumisi sa kanya si Jonathan. “Itong lalaking `to ang pipiliin mo kaysa sa akin? Eh, wala nga itong kuwenta, eh. Sa akin ka na lang, papaligayahin kita.”

Dahan-dahang tumayo si Nykyrel. His stance was threatening as he glared at Jonathan. Sa halip na makipagbangayan, itinaas ni Nykyrel ang kamao at malakas na sinuntok si Jonathan sa mukha.

Malakas siyang napasinghap sa ginawa ni Nykyrel. Napaupo si Jonathan sa sahig sa lakas ng suntok ni Nykyrel.

“Matagal ko nang gustong gawin `yan sa `yo, ngayong ko lang nagawa. It’s okay to insult me, but to try to take my woman away from me? I’ll kill you for that.” Nykyrel smirked. “Jonathan Argara, I suggest you go and find someone else to fuck over. I’m done with you.”

Nagtagis ang bagang ni Jonathan na mabilis na tumayo saka dinuro si Nykyrel. “Kahit nakakapagsalita ka na nang tuwid, wala ka pa ring kuwenta. You will always be Nykyrel Guzmano, the stuttering idiot. You are nothing but a worthless being—”

Sa pagkakataong iyon, ang kamao ni Lechel ang tumama sa pagmumukha ni Jonathan. Masakit sa kamay, pero worth it dahil nakita niyang nasaktan din ang walanghiya. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na sila ng mga tao.

“Ikaw ang walang kuwenta,” matigas na sabi niya. “Hindi si Nykyrel.”

Nanlisik ang mga mata ni Jonathan at dinuro siya. “Wala ka ring kuwenta. Parehas lang kayo.” Dinuro nito si Nykyrel. “Kakasuhan ko kayong dalawa. Sinuntok n’yo ako—”

“Oh, really?” Nykyrel smiled coldly, it sent shivers down her spine. “Argara, oo nga at kalalabas ko lang sa mansiyon ko, pero alam ko naman ang nangyayari sa labas. As far as I know, nalugi na ang Argara Chains of Hotel, lubog na lubog na rin kayo sa utang, lalong-lalo ka na na nalululong sa bisyo. You want to sue me, fine with me. But I’ll make sure that you’ll lose. With my money and connection, ikaw ang makukulong, hindi ako.”

“F-fuck y-you, Guzmano.” Jonathan mocked Nykyrel.

Tinawanan lang ni Nykyrel ang pangungutya ni Jonathan. “Go to hell, Argara.” Hindi ito naapektuhan man lang.

“Fuck you!” sigaw ni Jonathan, nanlilisik ang mga mata nito.

Nakahinga nang maluwang si Lechel nang nagmamartsang umalis si Jonathan ng restaurant. Parehas silang umupo ni Nykyrel, nagkatinginan saka nagtawanan.

“That man is pathetic,” sabi ni Nykyrel.

“Masaya ako at hindi ka na takot kay Jonathan,” sabi niya saka hinawakan ang kamay nito.

Nagkibit-balikat si Nykyrel. “When I defeated my demons, I also stopped fearing Jonathan. Those sessions were one of the hardest parts of my life, next to sending you away, but I survived. Sinelyuhan ko na ang bahaging `yon ng buhay ko. Pagod na akong matakot, ayoko na. Oras na para labanan ang takot ko, para sa `yo at sa sarili ko.”

“At masaya ako para sa `yo.” She smiled. “Anyway, ano pala ang itatanong mo sa akin kanina?” pag-iiba niya sa usapan.

Nagpakawala ng buntong-hininga si Nykyrel saka umiling. “Wala. Magtatanong lang sana ako kung sasama ka pag-uwi ko ngayon sa bahay. Wala ako sa mood pumasok mamayahang hapon.” He wiggled his eyebrow at her. “So, sasama ka?”

Natatawang napailing-iling si Lechel. “Sige, sasama ako.”

Malapad itong ngumiti. “Great.”

Sa wakas, dumating na ang order nila. Parehas silang walang imik habang kumakain. At tulad nga ng pangako niya kay Nykyrel, sumama siya sa bahay nito. Nang makapasok sila sa Gentleman’s Village, may iniabot na sa kanyang panyo si Nykyrel.

“Ipiring mo sa mga mata mo. I have a surprise for you,” sabi nito.

Nagtataka man, sinunod ni Lechel ang sabi nito. Bigla siyang na-excite sa kung anong sorpresa nito sa kanya. Piniringan niya ang sariling mga mata at naghintay sa sorpresa nito.

“Ano bang sorpresa mo sa akin?”

“Basta.” May kaba sa boses ni Nykyrel. “Sana magustuhan mo.”

Dahan-dahang bumagal ang takbo ng kotse nito at pagkatapos ay tumigil na. Narinig niyang lumabas ito ng sasakyan at pagkalipas ng ilang segundo, bumukas ang pinto sa tabi niya.

May humawak sa braso niya. “Dahan-dahan lang sa paglabas. Baka tumama ang ulo mo sa pinto,” paalala ni Nykyrel habang inaalalayan siyang bumaba sa sasakyan.

Maingat siyang lumabas ng sasakyan. Nang makalabas na si Lechel, pinagsalikop nito ang kamay nilang dalawa.

“Ahm, dalawang hakbang sa harap mo,” utos ni Nykyrel.

Tumango si Lechel at agad na sinunod ang lalaki. She took two steps forward. Nagtaka si Lechel nang makarinig ng palayong yabag sa kanya.

“Nykyrel?” tawag niya sa pangalan nito. “Nasaan ka?” Natutukso siyang tanggalin ang pagkakapiring ng panyo sa mga mata niya.

“I’m here.” Tumigil na ito sa paglalakad at nagsalita uli. “Take off your blindfold, baby, and answer me.”

Kunot-noong tinanggal ni Lechel ang nakapiring na panyo sa mga mata niya saka napakurap-kurap hanggang sa luminaw ang paningin niya. Nabitawan niya ang panyo na hawak at umawang ang mga labi nang mabasa ang nakasulat sa gate ng bahay ni Nykyrel. It was written like graffiti.

WILL YOU MARRY ang nakasulat sa gate at ang ME? ay nakasulat sa whiteboard na hawak ni Nykyrel.

Hindi siya makapagsalita, nakaawang lang ang mga labi niya sa sobrang gulat.

“Ahm…” Napakamot ito sa batok. “I know, I didn’t even ask you to be my girlfriend, I already jumped ahead. But I don’t want to settle with just boyfriend and girlfriend. Alam kong napakabilis, pero ayoko nang matulog sa gabi na hindi ka katabi at ayokong magising bawat umaga na hindi ikaw ang namumulatan. I already experience that for a year, baby, and it was hellish. So, Lechel, baby, would you like to marry me and be with me for as long as we live? I’ll be the happiest man alive if you say yes.”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Napakabilis ng tibok ng puso niya at parang kinakapos siya ng hininga.

“Nykyrel...” Parang sasabog ang puso niya sa sobrang sayang nararamdaman.

Mabilis itong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Maiintindihan ko kung hindi ka papayag. I know it’s sudden for you, but not for me. Matagal ko nang gustong itanong sa `yo `yan. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Don’t worry, don’t be pressured. I will understand, accept and respect your decision.”

Napatitig si Lechel sa mga mata ni Nykyrel. Kitang-kita niya ang pagmamahal sa mga mata nito para sa kanya. It would be the stupidest idea to hurt this man. She loved him so much; it would be her pleasure to say ‘yes’.

Kinuha niya ang whiteboard na hawak nito at black marker. Sa likod niyon ay sinulatan niya ng YES saka nakangiting ipinakita iyon kay Nykyrel.

Halos lumuwa ang mga mata nito sa nabasa saka biglang nagtatalon sa tuwa. “Yes! Yes! It’s a yes!”

“Nykyrel—”

He crashed his lips on hers and slipped his tongue inside. Buong puso naman niyang sinagot ang halik nito.

Tumigil si Nykyrel sa paghalik sa kanya saka may kinuha sa bulsa nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang isa iyong napakagandang singsing.

“Binili ko `to three months ago. Naghahanda ako sa pagbabalik mo at isa ang singsing na `to sa paghahanda ko.” Isinuot nito ang singsing sa daliri niya saka ngumiti. “Bagay sa `yo.”

Napatitig si Lechel sa daliri na may singsing. It’s official. She was now Nykyrel Guzmano’s fiancée.

“Thanks you,” naiiyak na sabi niya.

Nagsalubong naman ang mga kilay nito. “For what?”

“For loving me.”

Pinanggigilan ni Nykyrel ang tungki ng ilong niya. “That’s my line, babe, not yours.”

Tumingkayad siya at hinalikan ito sa mga labi. “I love you.”

Nykyrel stared at her as if he was in a daze. Napakurap-kurap ito pagkatapos ay para bang nagising saka ngumiti. “I love you too, Lechel. God, I love you, too.”

“I know.” Itinuro niya ang gate. “Kailangan mo ulit `yang papinturahan. Baka lahat ng babaeng makabasa niyan ay pumasok sa bahay mo, magkaroon pa ako ng kakompetensiya.”

Mahinang tumawa si Nykyrel at hinalikan siya sa ibabaw ng tainga niya. “Let them. Kahit naman isanlibo pa sila, wala silang laban sa `yo. Nasa `yo ang puso ko, eh. Ikaw ang may hawak n’on at mananatili `yong sa `yo.”

Kinikilig na kinagat ni Lechel ang pang-ibabang labi. “You have my heart, too, Nykyrel. Now and forever.”

Kumislap ang mga mata ni Nykyrel. Puno iyon ng samu’t saring emosyon. Nangingibabaw roon ang pagmamahal nito sa kanya.

“Mahal na mahal kita, Nykyrel,” sabi niya. “Lagi mong tatandaan `yon, ha?”

Tumango ito at puno ng pagmamahal na ngumiti sa kanya. “I will. And always keep on your mind, my love, that I love you more.”