noveltoon logo noveltoon
Wicked Encounter (Dark Boss Series 2)

Chapter 21

Ch. 22 / 23 Feb 05, 2022

Chapter Twenty-One

“C ONGRATULATIONS to both of you,” sabi ng mga kaibigan ni Nykyrel na siyang huling umalis sa reception pagkatapos ng kasal na idinaos nila sa private beach na pag-aari ni Nykyrel.

“Salamat,” sabay nilang sagot ni Nykyrel.

“Bye. Happy honeymoon, guys.” Dustan waved his hand good-bye and went inside his car. Ganoon din ang ginawa nina Nicholas at Tegan.

Nakilala niya ang tatlo pagkatapos mag-propose ni Nykyrel sa kanya. Dustan was a flirt, but behind his flirty smile, nararamdaman ni Lechel na may itinatago itong takot at kalungkutan. Samantalang si Nicolas naman ay talagang napakaguwapo, pero kitang-kita sa mga mata nito na may pinagdaanan itong hindi maganda. Panghuli ay si Tegan, he was silent and clearly wounded, physically.

Kaya naman pala magkakaibigan ang apat, dahil pare-parehong may nilalabanang takot ang mga ito. They all had demons to fight. At nagpapasalamat siya sa Diyos na tuluyan nang natalo ni Nykyrel ang takot na kumakain noon dito. He’s now a different man.

He’s now a changed man. The most amazing man she’d ever met. Nakilala niya si Nykyrel mula nang may disorder pa ito. At ngayon, ipinagmamalaki niya ito. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng kahit na sino. Dahil iyon naman talaga ang pagmamahal, tatanggapin ang lahat, kabutihan o kamalian man ng taong minamahal.

Inakbayan siya ni Nykyrel nang makaalis na ang mga kaibigan nito. Hinalikan siya nito sa noo. “Thank you, Lechel.”

Tiningala niya ang asawa. “For what?”

“For loving me.” Niyakap siya ni Nykyrel saka hinalikan ang ulo niya. “Oo nga at nagbago ako para sa sarili ko, pero ikaw pa rin ang puno’t dulo ng paggaling ko. God, babe, I love you so much. And I have a lifetime to thank you and love you as much as my heart can give.”

Nanubig ang mga mata ni Lechel. Araw-araw, nararamdaman niya ang pagmamahal nito. Mula sa paggising niya sa umaga, hanggang sa pagtulog sa gabi.

“Salamat din sa pagmamahal, Nykyrel.” Binigyan niya ito ng halik sa mga labi. “I love you so much.”

Masayang ngumiti si Nykyrel saka siya inalalayan papunta sa dalampasigan. Dinaanan nila ang ilang mga tauhan ng caterer na kinuha nila para sa kasal.

Mahinang natawa si Lechel nang makarating sila sa dalampasigan. Nakita niyang may nakalatag na mapalad na parang picnic blanket saka may basket sa gilid na may lamang wine at dalawang kopita. Tumingin siya kay Nykyrel na nakatingin sa kanya.

“Really? Picnic at the beach?”

Mahina itong tumawa saka siya inalalayan papunta sa picnic blanket. “Naisip kong mag-picnic sa dalampasigan. Para maiba naman.”

Ngumiti si Lechel. Kasal na sila at lahat-lahat, napapakilig pa rin siya ni Nykyrel at mas bumilis ang tibok ng puso niya.

“Thank you.”

Sabay silang umupo. Sinalinan siya nito ng wine sa kopita. Tinanggap iyon ni Lechel saka sumimsim ng wine habang nakatingin sa malawak na karagatan na kumikinang sa ilalim ng bilog na buwan. Biglang natigilan si Lechel nang may humalik sa leeg niya.

She looked at the man beside her. “Yes, baby?”

Ngumiti si Nykyrel saka humiga at ginawang unan ang mga hita niya.

Nykyrel sighed in contentment. “Sana lagi tayong ganito,” sabi nito saka hinawakan ang kamay niya at hinalikan ang likod niyon. “Alam kong hindi magiging perpekto ang pagsasama natin. Alam kong marami pa tayong pagdadaanan, pero nangangako ako, mananatili ako sa tabi mo ano man ang mangyari.”

Parang may bumara sa lalamunan ni Lechel sa sinabi nito. She felt like crying but she held her tears.

“Mananatili rin ako lagi sa tabi mo,” sabi niya saka puno ng pagmamahal na nginitian ito. “Marriage is not easy but with you by my side, it will be like a walk in the park.”

Nykyrel kissed her hand again. “It will be a piece of cake, babe. Mahirap pero kaya natin `yon.” Lumapat ang palad nito sa tiyan niya. “I will really do my best, lalo na at magiging tatlo na tayo.”

Masaya siyang ngumiti. “Excited na akong maging mommy.” Nang tumingin siya kay Nykyrel, may takot sa mga mata nito. “What is it?”

Nag-iwas ito ng tingin. “What if maging katulad ko rin siya? What if my disorder siya? Ayokong maranasan ng anak ko ang naranasan kong pangungutya. It scarred me, babe. I don’t want my child to experience pain in that form.”

Hinaplos ni Lechel ang mukha ng asawa at hinuli ang mga mata nito. “It’s okay. Nandito tayo para sa kanya. Hindi mararanasan ng anak natin ang pinagdaanan mo. Mamahalin natin siya sa abot ng makakaya natin.”

Tumango si Nykyrel. “Love really is a powerful thing. It made me strong, it changed me and it made me become the man I am now.” Ngumiti ito. “Natatakot pala ako sa wala. Hindi ko magiging katulad ang anak ko kasi mamahalin ko siya nang buong-buo.”

Lechel leaned in and kissed her husband’s forehead. “I love you.”

“I know.” He kissed her on the lips. “And I love you, too.”

It’s amazing how people changed because of love. That four-letter words may tear people up and hurt them in so many ways, but the same four-letter word had the power to make people’s life better, even the best.

Before she met Nykyrel, Lechel thought that love was an unsolved mystery, but not anymore. Because she understood the true meaning of love when she encountered Nykyrel Guzmano and when the wicked cupid shot his arrows to their hearts.

Lechel would forever love Nykyrel.