Chapter Fifteen
H ALOS limang oras na naghintay si Lechel sa labas ng bahay ni Nykyrel. Hindi niya mabuksan ang gate dahil wala siyang susi. Pero kahit ganoon, hindi siya umuwi, hinintay niya si Nykyrel. Nakaidlip na lang siya sa kahihintay dito.
Nagising si Lechel nang makarinig ng sasakyang tumigil. Mabilis siyang tumayo nang makita si Nykyrel na lumabas sa kotse. Sumusuray ang lalaki.
“Nykyrel!” Napasigaw siya sa pag-aalala nang mapasubsob ito sa semento. Mabilis niyang nilapitan ang lalaki at tinulungan itong makatayo.
“Don’t!” sigaw nito saka siya itinulak palayo. He glared at her accusingly. “H-hindi ako makapaniwala. I-is this your p-plan all along? To m-make me feel hope and c-crush it?” Pain was in his eyes. “B-bakit?”
“Ano ba `yang pinagsasasabi mo, Nykyrel?” Hinawakan ulit niya ang lalaki sa braso at sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nito itinulak palayo. “Ano ba ang ginawa ko at inaakusahan mo ako nang ganyan?”
Tumalim ang mga mata ni Nykyrel. “R-really? Y-you and J-Jonathan?”
Nasasaktan si Lechel para sa lalaki. Nauutal na naman ito at alam niya ang dahilan kung bakit. May sinabi si Jonathan dito para bumalik na naman ang lalaki sa dati. And knowing Nykyrel, it cut deep.
“Matagal na `yon, Nykyrel,” sabi niya habang inaalalayan ito papunta sa gate.
Even in his drunken state, Nykyrel still managed to open the gate with his key. Tinulungan niya itong makapasok sa loob ng kabahayan at pinaupo ito sa mahabang sofa.
Nykyrel rested his head against the back of the sofa. Nakapikit ang mga mata nito.
Mabilis siyang kumuha ng pamunas at malamig na tubig. Hindi ito gumalaw nang hubarin niya ang polo nitong suot at pinunasan ang katawan.
“Ano ba ang nangyari sa loob ng men’s room?” tanong ni Lechel habang pinunupunasan ang pisngi nito. “Puwede mo bang sabihin sa akin? Nag-alala ako sa `yo—”
“Hindi ako naniniwala.”
Tiningnan niya ito nang masama, pero nakapikit ang mga mata ni Nykyrel kaya hindi nakita ang ginawa niya.
“Nykyrel, hinabol kita, pero hindi kita naabutan. `Tapos halos limang oras akong naghintay sa labas ng gate ng bahay mo. Kung hindi ako nag-aalala, eh, di sana hinayaan lang kita.”
Nagmulat ang mga mata nito at tumingin sa kanya. Vulnerability, fear, confusion and pain were written on them.
“T-talaga? Nag-alala ka sa akin?” Umangat ang kamay nito at hinaplos ang pisngi niya. “I f-felt happy this m-morning. Pero nang makausap ko na si Daniel at ang bilis niyang magsalita, nag-panic a-ako. H-hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nagtago ako sa m-men’s restroom. I f-felt like a cornered animal when I s-saw Jonathan again after all t-these years.”
Bumuntong-hininga si Nykyrel saka bumaba ang kamay sa braso niya at pinisil-pisil iyon. “Jonathan is a d-demon in my high school life. H-hindi ako makapaniwalang m-makikita ko siya ulit. T-then he started taunting me, mocking me, saying I was not good enough to be seen w-with you.” His fear and pain were so palpable around them. “`Tapos sabi niya, ex-boyfriend mo siya at mas pipiliin mo siya kaysa sa akin kasi normal siya at hindi nauutal. Hindi ako naniwala sa kanya noong una, pero nang makita kung niyakap k-ka niya.”
“At naniwala ka naman sa kanya?” Napailing-iling si Lechel saka pinagdikit ang noo nilang dalawa. “Nykyrel, oo, ex ko si Jonathan at may dahilan kung bakit ko siya hiniwalayan. I was in college when we become a couple and after a year of being with him, na-realize kong hindi siya ang hinahanap ko.” Binigyan niya ng halik ang tungki ng ilong nito. “Sana hindi ka tumakbo. Sana hinayaan mo akong ipagtanggol ka.”
Mahina itong tumawa. “Lagi mo na lang akong ipinagtatanggol. Nakakababa `yon ng ego.”
Itinirik ni Lechel ang mga mata. “At sa tingin mo naman may pakialam ako?” Ipinagpatuloy niya ang pagpupunas dito. “I told you, I will always be here for you.”
“Hindi mo ako iiwan?” tanong ni Nykyrel habang nakatingin sa mga mata niya na parang binabasa ang laman niyon. “Hindi mo ako gagawing headline sa magazine n’yo para sa promotion mo?”
Nanlaki ang mga mata ni Lechel sa narinig. He knew?
Malungkot na ngumiti ang lalaki nang hindi siya nagsalita. “Noong unang araw mo rito sa bahay ko, paulit-ulit mong sinabing kailangan mo akong ma-interview para sa promotion mo. Baka nakalimutan mo kaya ipapaala ko sa `yo. It got stuck in my mind. Hindi ko `yon nakalimutan. So I’m asking you now, are you just here for me because I’m the future headline of your magazine?”
Umawang ang mga labi ni Lechel at hindi siya makapagsalita.
Mapaklang tumawa si Nykyrel. “Salamat sa pag-aalala.”
Napatitig si Lechel sa lalaki. He knew all along, still he let her in. Anong klaseng halimaw siya para saktan ito nang ganoon? Para ipagkalat sa buong bansa ang kahinaan nito?
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Kailangan niyang mamili. Her promotion or Nykyrel? She wanted to choose both, pero hindi naman puwede. Walang ganoon.
Bumuntong-hininga si Lechel saka iminulat ang mga mata. Nakatingin pa rin sa kanya si Nykyrel.
“Magpahinga ka na,” sabi niya at binigyan ito ng halik sa noo. “You need rest.”
Tumango si Nykyrel. Inalalayan niya ang lalaki papunta sa kuwarto nito. They stumbled a few times but they did not trip or fall, thank God for that.
Nang makapasok sila sa kuwarto nito, inalalayan niya si Nykyrel pahiga sa kama pagkatapos ay hinubad niya ang natitira nitong damit. Lechel couldn’t stop ogling his chest and abs. Lasing na nga pinagnanasaan pa niya.
Damn it, Lechel!
Kinumutan niya ang lalaki na ang tanging suot lang ay boxer. Hinalikan niya ito sa noo saka naglakad siya papunta sa pinto. Lalabas na sana siya nang marinig niya ang boses ni Nykyrel.
“Lechel? Babe?”
Nilingon niya ang lalaki. “May kailangan ka?”
Nakapikit ang mga mata nito. “Hindi ako magagalit kung pipiliin mo ang promotion mo. But if you choose that over me, then you’ll have to leave my house... and my life. `Yon ang kapalit sa pipiliin mo.”
Napakagat-labi si Lechel. “Alam ko. Ayokong iwan ka, Nykyrel. Pero ayoko ring i-give up ang promosyon na matagal ko nang hinahangad. It’s you or my career. Choose for me, Nykyrel.”
Just say you love me and I’ll choose you, piping hiling niya habang naghihintay sa sasabihin ni Nykyrel.
And then he spoke. “I choose your career.”
Ipinikit ni Lechel ang mga mata at hinayaang malaglag ang isang butil ng luha sa pisngi niya. This was what happened when you let people inside your heart and they decided you’re better off without them.
“Okay.” Lumabas siya ng kuwarto at maingat niyang isinara ang pinto. Hinawakan niya ang bibig para hindi nito marinig ang hikbi niya.
Bakit ba nahulog ang loob niya kay Nykyrel Guzmano? From the very beginning, she knew that there would be no Lechel and Nykyrel together. Pero hinayaan pa rin niya ang puso na mahalin ang lalaki.
Nykyrel was amazing, charming, sweet and so lovable. Napakahirap ang hindi ito mahalin. She couldn’t... No, she didn’t stop herself from falling for him. And now, her heart was suffering the consequences.
TITIG na titig si Nykyrel sa kisame habang nakahiga sa kama niya. Hindi siya makatulog. Hindi mawala sa isip niya si Lechel at ang pagpapapili nito sa kanya. Pinili niya ang career nito.
Iyon ang pinakamahirap at pinamasakit na ginawa niyang desisyon. Tama si Jonathan, he would never be good enough for Lechel. He would never be the man Lechel would be proud of. Kailangan niyang pakawalan ang babae. Mas makabubuting ang career nito ang piliin kaysa sa kanya. He couldn’t let Lechel fight his own demons for him. He had to do it himself.
Nang papiliin siya ni Lechel, nararamdaman ni Nykyrel na gusto ni Lechel na piliin niya ang sarili niya. Kahit hindi nito sabihin, alam niyang may nararamdaman para sa kanya ang babae. It may not be strong as his, but it’s there and he just crushed it.
Masakit, pero kailangan. Wala siyang pakialam kung parang pinipira-piraso ang puso niya, ang kaligayahan ni Lechel ang iisipin at uunahin niya.
Maybe someday... he’d be good enough to court her and declare his undying love for her. Pero sa ngayon, kailangan niya itong pakawalan para matupad nito ang matagal nang inaasam na promosyon.
Nykyrel smiled sadly. “Maybe someday… you and I will be together. Someday.”
LAHAT ng importanteng gamit ni Lechel ay inilagay niya sa backpack. Iniwan niya ang mga damit na binili ni Nykyrel para sa kanya. Pagkatapos mag-impake, nagpunta siya sa kuwarto ni Nykyrel.
Mahimbing ng natutulog ang lalaki. It was just five in the afternoon, pero lasing ito kaya naman nakatulog agad.
Umupo si Lechel sa gilid ng kama nito saka hinaplos ang pisngi ng lalaki. Minimemorya niya ang bawat anggulo ng mukha ni Nykyrel. Gusto niyang maalala ang bawat detalye ng guwapo nitong mukha. Ayaw niyang makalimutan ang lalaki.
Ayaw niya itong iwan, pero hindi naman niya mabitawan ang kanyang promosyon. Kaya naman ito ang pinapili niya at pinili nito ang kanyang career. Ang magagawa lang niya ngayon ay gawin ang pinili nito.
Iyon ang gusto nito. Ang career niya. At gagawin niya ang lahat para maging matagumpay siya bilang isang journalist. Naisip na niyang mag-quit sa assignment, pero kung hindi siya ang magsusulat tungkol kay Nykyrel Guzmano? Sino?
Other journalists might write negatively about Nykyrel, they might ruin his reputation as a businessman. At hindi niya hahayaang may manakit sa lalaking mahal niya, kahit pa nga ipinagtulakan siya nito palayo. Naiintindihan naman niya. He needed time to fight his demons. At ibibigay niya ang oras na iyon sa lalaki.
Maybe someday, they’d be together again.
Inilapat ni Lechel ang labi sa mga labi nito. She kissed him softly on the lips and whispered. “I love you, Nykyrel.”
Napakagat-labi siya nang gumalaw si Nykyrel sa pagkakahiga. Tumagilid ito at nakaharap ang likod sa kanya. Masuyo niyang niyakap ang lalaki.
“I love you,” ulit niya.
Pinilit ni Lechel ang sarili na tumayo at lumabas sa kuwarto ni Nykyrel. Nag-uunahang tumulo ang mga luha niya habang naglalakad papunta sa gate ng bahay. Parang sinasakal ang puso niya sa sobrang sakit.
Huminga siya nang malalim at isinara ang gate saka tiningnan ang malaking mansiyon mula sa labas.
Malungkot siyang ngumiti. “Good-bye, Nykyrel.”
“I LOVE you, Nykyrel.”
Nang marinig iyon ni Nykyrel, parang kinakatay ang puso niya sa sakit. Tumagilid siya ng higa para hindi nito makita ang ilang butil ng luha na tumulo mula sa mga mata niya. Nang yakapin ulit siya nito at banggitin ulit ang tatlong katagang iyon, gusto niyang humarap dito at siilin ito ng halik sa mga labi at sabihin ditong mahal na mahal din niya ito.
No, Nykyrel! Don’t turn around. Let her leave and be happy!
No! He wouldn’t ruin her promotion. He had been selfish already, keeping her here in his house, caging Lechel in his mansion.
The woman he loved didn’t deserve the same fate he had, locked up in this mansion because he was too scared to face people. Hindi niya gagawin iyon kay Lechel. Hindi niya ito ikukulong. Masyado niya itong mahal para pahirapan.
Someday, kapag maayos na siya at maipagmamalaki na siya ng babae, hahanapin niya ito at liligawan.
Nang marinig niyang bumukas at sumara ang pinto, napabalikwas siya at napatitig sa pintong nilabasan ni Lechel.
“I love you too, my Lechel.” A tear escaped from his eyes. “I love you so damn much.”
NANG makauwi si Lechel sa sariling bahay, agad niyang binuksan ang laptop at nagsulat ng article tungkol kay Nykyrel Guzmano.
Sa bawat salitang itina-type niya, may nahuhulog na butil ng luha sa pisngi niya. Umiiyak at humihikbi siya habang nagta-type sa laptop niya.
Lechel kept on typing even when her sight became blurry. Hindi siya tumigil sa pagsusulat hanggang sa matapos niya ang article.
Oh, Nykyrel. I love you so much.
Napahagulhol si Lechel saka isinapo ang mga palad sa mukha at umiyak nang umiyak.
Maybe someday... the pain would disappear.
Ang tanong, kailan mawawala ang sakit?