noveltoon logo noveltoon
Wicked Encounter (Dark Boss Series 2)

Chapter 16

Ch. 17 / 23 Feb 05, 2022

Chapter Sixteen

H UMINGA nang malalim si Lechel habang iniaabot sa editor-in-chief ang isinulat na article tungkol kay Nykyrel Guzmano. Wala na siyang lakas ng loob na balikan pa ito sa bahay nito pagkatapos ng nangyari noong isang araw. Pinapili niya ito at ang pinili nito ay ang career niya. Ibig sabihin, ayaw siya nitong makasama.

Lechel was more than ready to refuse the assignment that was given to her, but things changed. Si Nykyrel na ang namili, hindi siya.

Walang imik na tinanggap ng editor-in-chief ang isinulat niya saka binasa. Ang maaliwalas nitong mukha ay napalitan ng pagkunot ng noo pagkatapos at napatango-tango ito.

“I wasn’t expecting this kind of article from you, Lechel.” Nag-angat ito ng tingin sa kanya at mataman siyang tinitigan. “Bakit ito ang isinulat mo?”

Itinuro niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya. “Lahat ng nakasulat diyan ay galing dito. Lahat ng nakasulat diyan ay totoo.”

Tumango-tango ito at ngumiti. “Well, this will do. Saka hindi ko nasabi sa `yo na nagpadala ng mensahe si Mr. Guzmano sa akin kahapon. Nakalagay roon na willing siyang magpa-written interview basta hindi ikaw ang mag-i-interview sa kanya. Kaya naman ipinadala ko si Jan Irish para sa interview. But this article of yours will be put above his interview.” May kinuha itong kulay-puting envelope sa cabinet saka ibinigay sa kanya. “This will be your next assignment.”

Walang imik niyang tinanggap ang envelope at binuksan iyon. Namilog ang mga mata ni Lechel at umawang ang mga labi niya nang makita ang susunod niyang assignment. Napakurap-kurap siya, hindi makapaniwala sa nabasa.

Nag-angat siya ng tingin sa editor-in-chief. “Ano `to?”

“Ang promotion mo.” Ngumiti ito nang malapad. “You will be the next assistant editor-in-chief. Umabot na sa board ang credentials at experience mo at payag silang ibigay sa `yo ang posisyon na `yon. Pero para tuluyang kang matanggap, kailangan mong mag-training sa Chicago ng isang taon para mas lumawak pa ang kaalaman mo.”

Nakaawang ang mga labi ni Lechel habang nagsasalita ang kaharap.

“Isang taon?” pabulong na tanong niya. “Ganoon katagal?”

“Bakit? Ayaw mo?”

Napalunok si Lechel. “Ang tagal kasi.”

“So?” Tumaas ang isang kilay nito. “Is there anyone or someone holding you back?”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “Wala ho.”

“`Yon naman pala. Next week ang alis mo.”

Sumikdo ang puso niya nang mabilis. Next week na? Oh, God! Would she decline the offer? Tatanggapin ba niya? Naguguluhan siya.

“Puwede ka nang umalis.”

Tumango si Lechel at lumabas sa opisina nito. Habang naglalakad papunta sa cubicle niya, gulong-gulo ang kanyang isip. Hindi niya alam kung tatanggapin niya o hindi. Kahit pa pinili ni Nykyrel ang kanyang career, gusto niya pa rin itong makausap. Gusto niyang makasiguro na ayaw nito sa kanya para tanggapin niya ang offer na mag-training sa Chicago.

ILANG minuto na ang nakalipas simula nang mag-doorbell si Lechel, pero hindi pa rin siya pinagbubuksan ng gate. Pero hindi siya tumigil, pinindot niya nang pinindot ang doorbell. Kailangan niyang makausap si Nykyrel.

Mangiyak-ngiyak na si Lechel habang nagdo-doorbell dahil walang nagbubukas. Alam niyang nasa loob si Nykyrel, hindi lang siya nito pinagbubuksan.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at napahikbi. Handa na siyang sumuko nang marinig niyang bumukas ang lock ng gate. Nagliwanag ang kanyang mukha at napangiti siya nang pagbuksan ni Nykyrel.

“Anong g-ginagawa mo rito?” Walang emosyon ang boses nito.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Lechel. “Kailangan kitang makausap.”

Nanatiling walang emosyon ang mukha nito. “What for?”

Nilakasan niya ang loob. “Na-promote na ako.” Huminga siya nang malalim. “Pero kailangan kong mag-training sa Chicago sa loob ng isang taon.”

Walang pagbabago sa emosyon ng mukha ni Nykyrel. His face remained impassive, it hurts. Siya lang ang nasasaktan, hindi ito. Her heart was bleeding.

Did he even care?

“O, `tapos?” Bumuga ito nang marahas. “Eh, di tanggapin mo. It’s your chance, take it.”

Mas bumaon pa lalo ang ngipin niya sa pang-ibabang labi. “Nykyrel…” Kinapalan na niya ang mukha, she had to say it. “Please, pigilan mo ako. One word from you and I’ll stay.”

Bumuntong-hininga si Nykyrel at umiling. “Hindi kita pipigilan. It’s your chance, Miss De Villa. T-take it, o-own it and b-be happy.”

Nag-aalalang tinitigan niya si Nykyrel. Nauutal na naman ito. What’s wrong with him? Anong nangyayari sa lalaki? Bumalik na naman ba ito sa dati?

“Nykyrel…” Hinawakan niya ang braso nito. “Nagpapa-therapy ka pa ba?”

Nag-iwas ito ng tingin. “It’s none of your business now, Miss De Villa.”

Miss De Villa! Miss De Villa!

“Bakit hindi mo ako tinatawag sa pangalan ko? What changed?” Mabilis niyang pinahid ang mga luha na kumawala sa kanyang mga mata. “So, hindi mo na ako ‘babe’ ngayon? Ako na si Miss De Villa? Bakit, ha?”

Nagpakawala ito ng malalim na hininga. “Lechel, umalis ka na. Hindi kita pipigilang pumunta sa Chicago. Go. Accept your promotion.”

Humugot siya ng malalim na hininga saka mariing ipinikit ang mga mata. May nahulog na ilang butil ng luha sa mga mata niya. Mabilis niyang pinahid iyon at iminulat ang mga mata.

“Sige. Aalis na ako,” taas-noo niyang sabi saka tinalikuran ang lalaki.

Nakakailang hakbang pa lang siya nang marinig niya ang boses nito.

“I love you.”

Mabilis siyang humarap kay Nykyrel. Nakatingala ito sa kalangitan.

“Anong sinabi mo?” kinakabahang tanong niya.

Bumaba ang tingin sa kanya ni Nykyrel. “Ha?”

Her heart fell and bled. Guni-guni lang niya ang narinig. Nykyrel still had this impassive look on his face.

Mabilis siyang tumalikod at tumakbo papunta sa sasakyan niya. Nag-uunahang tumulo ang mga luha niya habang nagmamaneho papunta sa kanyang bahay. She had to go. Siguro sa Chicago, makakalimutan niya si Nykyrel.

Pero sapat na ba ang isang taon para mawala sa puso niya ang lalaki?

BUMUGA ng marahas na hininga si Nykyrel habang nakatingin sa palayong sasakyan ni Lechel. Alam niyang nasaktan niya ang damdamin nito. Alam niyang nandoon ang babae para pigilan niya ito.

But how could he be unfair to her? Pangarap nito ang pinag-uusapan. Ayaw niyang maging unfair sa babae. Hindi niya ito puwedeng ikulong sa bahay kasama siya. May mga pangarap ito at sisiguruhin niyang maaabot nito ang mga iyon. At kung makakatulong siya sa pamamagitan ng pagtulak dito palayo, gagawin niya.

Nykyrel loved her enough to be selfless. Habang tinutupad nito ang pangarap, kailangan niyang ayusin ang sarili niya. He promised to himself that the next time he and Lechel saw each other again, he would be a new man, a man that she could be proud of.

I promise.

HUMINGA nang malalim si Lechel habang nakaupo sa waiting area ng airport. Hindi mawala sa isip niya si Nykyrel. She desperately wanted to stay with him... but how could she stay, if he wouldn’t let her?

“Malayo ang tingin,” sabi ng baritonong boses na kumakanta.

Tumingin si Lechel sa tabi niya at kumunot ang noo nang makita ang isang guwapong lalaki na hindi niya kilala.

Inilahad nito ang kamay. “Hi, I’m RV Volkzki.”

Tumaas ang isang kilay niya habang nakatitig sa nakalahad nitong palad at tumingin sa guwapo nitong mukha. “RV?”

The man grinned. “RV, short for Reev Venidect.” He wiggled his extended hand. “Are you going to shake my hand now?”

Tipid siyang ngumiti saka tinanggap ang pakikipagkamay nito. “Lechel De Villa,” pagpapakilala niya.

Lalong lumapad ang ngiti ng lalaki. “Nice to meet you.”

“Yeah.” Inagaw niya ang kamay na hawak nito. “Same here.” Mataman siyang tinitigan ng lalaki kaya naasiwa siya. “Huwag mo akong titigan.”

“You look sad,” komento nito at ngumiti. “So, therefore I conclude that you need company. My company.”

Tumaas ang kilay niya. “Thanks but no thanks. Hindi ko kailangan ng kasama. Saka, isang oras na lang ay aalis na ang eroplanong sasakyan ko papuntang Chicago.”

Ngumiti lang ang lalaki saka tumayo at inilahad ang kamay sa kanya. “Come on. I’ll show you around the airport, even the ‘authorized person only’ places.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Lechel. “At paano mo naman magagawa `yon?”

“I am RV Volkzki, I have connections.” Kinindatan siya nito. “So, halika na?”

Nagdadalawang-isip siyang tanggapin ang kamay nito. “Bakit mo ba `to ginagawa?”

“Ayokong makakakita ng magandang babaeng malungkot.” Natatawang inilahad nito ang isa pang kamay. “Halika na, my lady. Time to wipe off that sad expression on your face.”

Tinanggap niya ang nakalahad nitong kamay para na rin mawala sa isip niya si Nykyrel. RV seemed like a nice man. At hindi naman siya sasama dito sa mga kahina-hinalang lugar. Isang oras pa bago ang flight niya papuntang Chicago, she might as well take Nykyrel off her mind by agreeing to RV’s offer. It’s not every day a handsome man offered to wipe off the sadness on her face.

Pero kahit kasama ni Lechel si RV, si Nykyrel pa rin ang nasa isip niya. Paano kaya ito mawawala sa kanyang isip? Makakalimutan nga ba niya si Nykyrel kapag nasa Chicago na siya? Sana sapat na ang isang taon para makalimot ang pusong nasaktan.