Chapter Seventeen
H INDI alam ni Nykyrel kung ilang beses na niyang binasa ang article tungkol sa kanya na isinulat ni Lechel De Villa, isang taon na ang nakakaraan.
He had reread the article for a million times already, still, he couldn’t stop rereading it again and again. It was the only thing he had of Lechel. Iyon lang ang tanging koneksiyon niya sa babae.
Napunta ang tingin niya sa umpisa ng article.
BEHIND THE FAMOUS NAME: NYKYREL GUZMANO
There are many speculations, gossips and whispers on why Nykyrel Guzmano never goes out in the open. Nykyrel Guzmano is not like what other people think. He’s not rotten, he is not old, he is not ugly and he is definitely not an imbecile. None of it is true, only I know the truth because I was given the privilege to meet and know this man inside and out.
He is a man with an amazing and lovable personality. But behind every man lies a monster known as pain and fear. Nykyrel Guzmano had an intimate relationship with fear.
When I first met Nykyrel Guzmano, I was in awe. He was so handsome but it seemed he didn’t give a damn about his looks. He had these beautiful eyes yet it’s lifeless. He had luscious lips, yet it seemed that a smile hadn’t touched those lips for a long time. He never spoke a word, afraid that I might judge him. We communicated through white board and text messages. I thought he was mute... until he spoke my name.
I entered his home without his approval, and being bitten by his dog was the consequence of my action. I thought he would throw me out, but he didn’t. He treated me good and see to my need. He wasn’t a perfect host, but I wasn’t a perfect guest either.
Nykyrel Guzmano is not a perfect man. But who is? Can you point someone who is perfect inside and out? No, you couldn’t. Because no one is.
This man, who’s been the target of gossips since he took over his father’s company, is an amazing imperfect person. Let’s give him the benefit of the doubt. Nykyrel Guzmano will come out in the open soon and he will be the one telling you the reason behind his aloofness to the world.
As for now, the world just has to wait for Nykyrel Guzmano to open the gate of his massive mansion and let the world know how amazing he is. As for me, I’ll be waiting, too.
To know Nykyrel Guzmano more, read the interview with him below.
Napailing-iling si Nykyrel habang binabasa ang interview niya. Hindi si Lechel ang nag-interview sa kanya, pero isinama iyon sa article ng babae. Per his request, of course.
Napangiti siya. “Kumusta ka na kaya?”
Inilapag niya ang magazine sa ibabaw ng kanyang mesa. This article of Lechel spread like wildfire. Nasisiguro niyang tumaas ang sales ng magazine at nakuha rin ni Lechel sa wakas ang promotion na hinahangad.
Na-promote nga si Lechel. She was sent to Chicago to train as assistant editor-in-chief. Masaya si Nykyrel para sa babae, pero para pa ring may butas ang dibdib niya. Lumipas na ang isang taon pero masakit pa rin.
Bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok doon si Daniel Mendoza, ang kanyang executive assistant.
“Boss, the board is ready for you.”
Ngumiti siya. “Thanks, Daniel.” Inayos ni Nykyrel ang Amerikanang suot saka naglakad palabas ng opisina.
“Good morning, Sir,” bati ng isang empleyado sa kanya.
Nykyrel smiled. “Good morning.”
As he walked to the conference room, he received a lot of ‘good morning’ and he greeted them back. Nang makapasok siya sa loob ng conference room, nawala ang ngiti sa mga labi niya at hinarap ang board.
“Good morning.” Umupo siya sa unahan at nagtanong. “What’s our agenda for today?”
“The twenty-five percent profit increase of the company,” sagot ni Daniel Mendoza. “And of course, the expansion in two countries abroad.”
Tumango si Nykyrel at tinanggal ang lahat ng emosyon sa mukha. “Go on then. I don’t want interruption. If any of you speak before Mr. Mendoza finishes his report, I will skin you alive.”
Mabilis na tumango ang mga nakaupo sa conference table. Tumaas ang sulok ng mga labi niya.
Isang taon na ang nakakaraan, ni hindi nga siya makapagsalita nang deretso. Now, he could even threaten anyone who stood in his way. Funny how life worried in this world.
Hanggang sa natapos ang meeting, wala siyang naging imik. Tango lang nang tango si Nykyrel kapag may nagtatanong sa kanya. Hindi bago sa kanya ang pagiging tahimik niya. That was his life before he met Lechel, his beloved Lechel.
“Mr. Guzmano, may magazine pong gusto kang interview-hin,” sabi ni Daniel nang makalabas sila sa conference room at naglalakad na papunta sa opisina niya.
Kumunot ang noo ni Nykyrel. “Hindi ba alam ng magazine na `yan na hindi ako nagpapa-interview?”
“Sa tingin ko ay alam naman nila. It’s the same magazine who interviewed you a year ago.”
Napatigil si Nykyrel sa paglalakad at nanigas sa kinatatayuan. “What?”
“Kaparehong magazine ho ang gustong mag-interview sa `yo ngayon.”
Palakas nang palakas at pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya. “Sino ang mag-i-interview?”
“Hindi sinabi, eh.”
Huminga siya nang malalim saka nagpatuloy sa paglalakad. “Okay. Tell the magazine I’ll be free tomorrow morning. Nine AM sharp.”
Tumango si Daniel at nagpunta sa table nito, siya naman ay pumasok sa loob ng opisina niya.
Hindi mapigilan ni Nykyrel na umasa na sana si Lechel ang mag-interview sa kanya. After all, isang taon lang ang training nito. And a week ago, a year had already passed.
Ito ba ang mag-i-interview sa kanya? He could only hope... and wait.
PAULIT-ULIT na binabasa ni Lechel ang memo na ibinigay sa kanya ng editor-in-chief kahapon. Gusto nitong interview-hin niya si Nykyrel Guzmano at ngayon ang kanyang appointment. Kababalik lang niya sa Pilipinas, pero gusto agad siyang isalang sa impiyerno ng kanyang boss.
“God, help me do the right thing,” sabi niya. Tamang-tama naman na bumukas ang pinto ng kanyang opisina.
Itinirik ni Lechel ang mga mata nang pumasok sa opisina niya si RV. Ano na naman kaya ang nakain nito?
“Ano na naman ang ginagawa mo rito?”
Ngumisi lang ito at umupo sa visitor’s chair. “Nandito ako para imbitahan kang mag-lunch ngayong araw.”
“May appointment ako.”
“How about dinner?”
Lechel narrowed her eyes on RV. “Reev Venedict Volkzki, may pinagtataguan ka ba?”
Napasimangot ito. “Bakit napakadali sa `yong mahulaan `yon?”
Mahina siyang natawa. “Nag-iisip ka ba? Normal lang na madali kong mahulaan ang laman ng isip mo. I’m your best friend, remember?”
“Isang taon pa lang tayong mag-best friend,” paalala ni RV.
Inirapan niya ito. “Eh, sino ba ang nangulit na maging mag-best friend tayo? Sino ba ang sumunod sa akin sa Chicago para kulitin akong makipagkaibigan sa `yo?”
“Ako.” Sumimangot na naman si RV. “I only did those things because you are a best-friend material. Nang hindi ka nahumaling sa kaguwapuhan ko noong una tayong nagkita, napagdesisyunan kong gawin kang kaibigan. Women fall on my feet, like, every day, and you didn’t. It was freaking refreshing.”
Lechel stuck her tongue out at him.
Umingos naman si RV. “Childish.”
Inirapan niya ito saka ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.
“Chel!” Parang batang sumimangot si RV nang hindi niya ito pansinin. “Please? Dinner tayo mamaya.”
Bumuntong-hininga siya saka tumingin kay RV. “Sino ba itong pinagtataguan slash iniiwasan mo?”
Umayos ito ng upo. “My dad.”
“Ano ba ang ginawa ng daddy mo?”
“He wants me to get married,” RV grumbled. “Hindi na raw kasi siya bumabata. Fuck it! At mamaya, sa family lunch at dinner, siguradong ipipilit na naman niya ang kagustuhang bigyan ko siya ng apo.” Iminuwestra nito ang kamay sa sarili. “Look at me, Chel, and tell me that I’m a fucking father material.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Iresponsable ka sa lahat ng bagay maliban na lang sa negosyo. Sa isang taon na magkaibigan tayo, wala kang babaeng sineryoso. Para kang nagpapalit ng damit kung makapagpalit ng girlfriend. So, no, hindi ka father material. Puwede ka nang ikulong sa dami ng babaeng sinaktan mo.”
Natahimik si RV saka sumimangot.
Pinaikot niya ang mga mata. “Fine. Lunch today. Sunduin mo ako bago mag-eleven sa Guzmano Company Building, may appointment ako roon.”
Natigilan ito at nanlaki ang mga mata. “For real? Guzmano Company? So, handa ka nang harapin siya ulit?”
Inirapan niya ito. “Its work, nothing personal. My editor-in-chief wants an interview again.”
“Hmm…”
Inirapan niya ulit si RV. This guy knew too much. Maybe because a year ago, she broke down in front of him and cried her heart out. Ang balikat nito ang naging sandalan niya sa mga araw na walang tigil ang kanyang mga luha. At ngayon, makikita niya ulit ang lalaking nagpaiyak sa kanya. Sapat na ba ang isang taon para maka-move on siya?
Malalaman ni Lechel mamaya. Pero ipinapangako niya sa sarili na hindi na siya magiging katulad noon na desperadang mahalin nito. She had changed.
“So…” RV’s voice trailed off. “Aalis na ako.” Tumayo ito. “Susunduin na lang kita mamaya. Anong sasakyan ang gusto mong gamitin ko?”
Pinaikot niya ang mga mata. RV had this habit of asking her what car he would use. Iyon yata ang problema ng mayayaman, eh. Hindi makapag-decide kung anong sasakyan ang gagamitin sa sobrang dami ng pag-aari ng mga ito.
“How about your new Ferrari?” suhestiyon niya. “`Di ba, bagong bili mo lang `yon?”
“Sure. Let’s test drive it.” Umikot ito sa table niya, papunta sa kanya saka siya hinalikan sa noo. “Bye, Chel. See yah later. Wear something black.”
“You and color black. Weird.” Lechel rolled her eyes. “Bye.”
Nakangiting lumabas ng opisina niya si RV. Napabuntong-hininga naman si Lechel. Today was going to be a long day.
“I’M HERE to talk business, Dustan, not listen to your sexual encounters,” Tegan Galvante grumbled, annoyed. “Kung alam ko lang, hindi na sana ako pumunta rito.”
“Come on, Tegan. Alam ko naman na deep down, gusto mong marinig ang kapilyuhang pinaggagagawa ko.” Ngumisi si Dustan. “Admit it.”
“Fuck you!” Tegan hissed at Dustan.
“Yes, yes, I know I’m fuckable.”
Napangiti lang si Nykyrel sa bangayan ng mga lalaking maituturing niyang mga kaibigan. They all had demons to fight and months ago, Nykyrel finally defeated his.
“Guys, chill,” natatawang sabi ni Dustan Volkov. “I was just trying to lighten up the mood.”
Itinirik ni Nicholas Makkhon ang mga mata. “Guys, stop. Let’s talk business.”
“Okay, okay,” sabi ni Dustan saka inilapag ang malapad na blueprint sa gitna ng conference table. “Ito ang disenyo ng buong isla. The main purpose of this whole island is to bring pleasure, satisfaction and out of the world experience.”
Masusing pinag-aralan ni Nykyrel ang blueprint saka itinuro ang dalampasigan. “Anong nandito?”
Dustan grinned. “That, my friend, is a sea restaurant. Tanging mga mesa lang ang nakalutang. Kung kakain ka riyan, siguradong mababasa ka.”
“Nice,” komento ni Nicholas.
“I know,” Dustan said smugly. “Now…” Itinuro nito ang kanang bahagi ng blueprint. “Dito itatayo ang Triangle Tower na napagkasunduan nating gawing hotel. Ang dalawa sa tatlong tower na ito ay gagawing hotel, ang isa naman ay hotel room ng mga trabahante. These towers will be connected with bridges. And on the rooftop, it will be landscape made for golfing. And in here…” Itinuro nito ang isa pang bahagi ng blueprint. “Dito ang lapagan ng helicopter. And on the side ay ang daungan ng yachts. Itong malaking space ay para sa daungan ng Black Pearl Cruise Ship. Mr. Phaxton Coleman said that his twin, Pharexter, and his cousins, Zero, already agreed to stop by in every cruise. And they set a meeting, today at lunch. May mga kaibigan din silang gustong mag-invest. The owner of Wolkzbin Enterprise, Trek Wolkzbin, the ruthless business tycoon, Saito Becker Kim, the famous Spaniard Count, NK Velazquez and the now owner of AirJem Airlines, RV Volkzki.”
Malakas na napabuntong-hininga si Tegan. “Malalaking tao ang investors natin. Hindi na kailangan pang magdagdag ng iba.”
Tumango si Nykyrel. “Agree.” He met Trek Wolkzbin a year ago. Akala niya, hindi ito susunod sa yapak ng ama, nagkamali siya.
“Well, we will discuss this further at lunch in Délicieux, today. Sa lunch meeting natin mamaya ay pupunta ang mga investors natin sa proyektong ito,” sabi ni Dalton. “At may appointment ako before ten AM.”
“Me, too,” sabi ni Nykyrel saka tumayo. “See you, guys, at lunch.”
“See yah,” sabay-sabay na sabi nina Dustan, Tegan at Nicholas.
Lumabas si Nykyrel ng conference room ng opisina ni Dustan saka sumakay sa elevator pababa. Nang makalabas ng gusali, agad siyang nagpunta sa kotse niya at pinatakbo iyon papuntang Guzmano Building. Nang makarating sa destinasyon, agad siyang nagpunta sa opisina niya.
Daniel was on his feet when he saw him step out from the elevator.
“Sir, maaga pong dumating ang mag-i-interview sa inyo,” imporma nito. “Doon ko na lang po siya pinaghintay sa loob ng opisina n’yo.”
Tumango siya at ngumiti. “Okay, thanks.”
Nykyrel pushed the door open to his office and his body went rigid at the sight. He was hoping, but he never expected to see her... to see, Lechel.