noveltoon logo noveltoon
Wicked Encounter (Dark Boss Series 2)

Epilogue

Ch. 23 / 23 Feb 05, 2022
Prev Next

Epilogue

Epilogue

N

YKYREL

was pacing back and forth outside the delivery room. Kanina pa sa loob ang asawa niya, halos magdadalawang oras na. Hindi siya mapakali.

The nurses’ kept telling him to relax but how could he, when his life and happiness was inside the delivery room, in pain because of him? Gusto niyang samahan si Lechel sa labor room kanina, pero nanghina ang lahat ng buto sa kanyang katawan nang marinig ang sigaw nito. Pero hindi niya hinayaang makita ni Lechel ang kanyang panghihina, kailangan niyang maging malakas para sa asawa at sa magiging anak nila.

Nang dalhin na ang asawa sa delivery room, pinalabas siya ng doktora na magpapaanak dito. He rubbed his palm over his face and sighed. Nag-aalala talaga siya sa lagay ng asawa niya.

“Ganito ba talaga katagal ang panganganak?” tanong ni Nykyrel sa kawalan.

Pabagsak siyang umupo sa waiting area saka nagdasal na sana ayos lang ang asawa at anak niya nang makarinig ng palapit na yabag ng mga paa.

“Hey, man.” Boses iyon ni Dustan.

Nag-angat siya ng tingin at nakita ang mga kaibigan niyang sina Dustan, Tegan at Nicholas.

“Is it Nikkoz or Nikkah?” tanong naman ni Nicholas.

Alam ng mga kaibigan niya na nakapili na sila ng pangalan ni Lechel. Nag-offer ang doktor na alamin ang gender ng baby nila bago pa ito lumabas, pero hindi sila pumayag ni Lechel. Gusto nilang maging sorpresa ang gender ng babay nila.

“Hindi ko pa alam,” sagot niya. “Hindi pa lumalabas, eh.” Bumuga siya ng marahas na hininga at tumayo. Tamang-tama naman na bumukas ang pinto ng delivery room.

“Mr. Guzmano?” sabi ng doktora.

Mabilis siyang lumapit. “Kumusta ang asawa ko? Ang anak ko? Are they fine? Are they well? Tell me, please.” He was panicking.

Ngumiti ang doktora. “Ayos lang ang mag-ina mo.” Bumaba ang boses nito na tanging sila lang ang nakakarinig at sinabi sa kanya ang gender ng anak niya.

Malapad ang ngiti na kumawala sa mga labi ni Nykyrel. “Thanks, Doc.”

“Welcome. Mayamaya lang, ilalabas na ang misis mo at susunod na ang anak n’yo. Pakihintay na lang at paki-ready ang mga gamit n’yo.”

Tumango si Nykyrel at humarap sa mga kaibigan na nagtatanong ang mga mata.

“Well? Is it a he or a she?” Dustan asked, impatient as always.

Nykyrel grinned. “It’s Nikkoz, guys.”

Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ng mga kaibigan. Kahit si Tegan na binibili ang ngiti ay may ngiti sa mga labi.

“Congratulations, man,” sabay-sabay na sabi ng tatlo.

Ngumiti lang si Nykyrel. He was now officially a father. At sisiguruhin niyang magiging isa siyang mabuting ama sa kanyang anak at mapagmahal na asawa kay Lechel.

God, he was one lucky man.

Wakas