noveltoon logo noveltoon
One Night with the Billionaire (Filipino)

Chapter 7

Ch. 8 / 33 May 10, 2025

NAGMAMADALING nagbihis si Zeke. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Ni hindi pa nakakapagsuklay ng buhok ang binata nang lumabas ng silid at magtungo sa kuwarto ng kapatid. Halos natitiyak niyang naroroon ang babae. Hindi na siya nag-abalang kumatok at dire-diretsong pumasok sa loob.

"Kuya!"

Gulat na napatakip sa dibdib ang babae na nasa akto ng paghuhubad

"Get out. Sobrang kabastusan na itong ginagawa mo, Kuya—"

Ngunit parang walang narinig na tuloy-tuloy siyang lumapit sa babae.

"Kuya!"

"Stay out of this, Annika," hinagip niya sa braso ang babae at hinila itong palabas ng silid patungo sa silid niya.

"Kuya—"

Hintakot na napatitig sa kanya ang babae nang ilapat niya ang pinto ng kanyang silid at diinan ang lock. Dinig niya ang sunod-sunod na pagkatok ni Annika sa labas ngunit hindi niya ito pinansin.

"H-huwag kang lalapit. Kung nagagalit ka dahil—"

"Take off your clothes."

"A-ano?"

"Maghubad ka."

Namilog ang mga mata nito saka lalo pang pinagkrus ang mga braso sa harapan.

"Fine. I'll do it myself."

Impit na napatili ang babae nang haklitin niya mula sa kamay nito ang pang-itaas na bahagi ng suot nitong bestida. At dahil mukhang luma na iyon at may karupukan ang tela, dagling napunit ang damit at nahantad sa kanya ang katawan nito na natatakpan lamang ng ternong itim na panloob. Hindi na niya hinintay na makakilos ito nang basta na lamang niyang abutin ang panty nito at ibaba iyon.

Naramdaman niya ang sunod-sunod na paghampas ng kamay nito sa kanyang likod. Pero hindi niya ininda ang sakit na dulot ng ginagawa nito. Ang mga mata niya ay kaagad natuon sa pulang balat na matatagpuan sa kanang pisngi ng pagkababae nito, malapit sa singit.

"It is you."

Bumiling ang mukha ni Zeke nang lumagapak iyon sa malutong na sampal.

"Bastos!"

Ginapi niya ang dalawang kamay nito at isinalya sa kama. Napasinghap ito at kaagad nagkumahog na bumangon. Pero bago pa man nito magawa iyon ay mabilis niya itong kinubabawan at sinuspinde ang magkabilang kamay sa ulunan.

"It was you all along..." ramdam niya ang pag-iinit ng pisnging nasampal. Ngunit balewala iyon ngayong tinutunghayan niya ang mukha nito sa malapitan.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo! Walanghiya ka, bitiwan mo ako!"

"Need I remind you, honey, that you are not wearing your underwear? Let's take this off, too, shall we?" tukoy niya sa suot nitong bra. It was made of lace at halos anag-ag niya ang mamula-mula nitong nipples.

"B-bitiwan mo ako, please? Wala akong atraso sa'yo," she squirmed as he tries to unclasped her bra.

"Meron. You stole something from me and I need it back."

"Wala akong n-ninakaw sa'yo na kahit ano."

"Are you sure about that?" he leaned down to kiss her on the lips, pero kaagad itong nakaiwas. Napangiti siya. Lalo lamang nitong pinatunayan na ito at si "Jenny" ay iisa.

He nipped her chin and kissed her on the neck. He buried his nose at the base of her throat.

"Your smell is still the same, very intoxicating and addictive."

Bumaba ang isa niyang kamay at dumako sa pagitan ng mga hita nito. Napangisi siya nang pagdikitin nito ang magkabilang tuhod. He nudged it open with his knee. Nagpakailing-iling ito. Hinagod niya ng daliri ang gitna ng pagkababae nito.

"P-pakiusap, b-baka hinahanap na ako ng a-anak ko."

Sa sinabi nito ay parang binuhusan ng malamig na tubig ang nararamdaman niyang pagnanasa. At sa eksaktong sandali namang iyon ay bumukas ang pinto ng kanyang silid. Mabilis niyang inabot ang comforter at ibinalot kay Willa bago umalis sa ibabaw nito.

"You are such a hypocrite."

Nang lingunin ni Zeke ang pinagmulan ng tinig ay nakita niya si Vincent, hawak nito ang duplicate key sa kanyang silid. Kasama nito si Annika na agad dinaluhan ang kaibigan nitong natatakpan ng kumot, halos ituktok lamang ang kita.

"Ate Willa, are you okay?"

"Nasaan ang bata?" aniya sa kapatid. Hindi niya pinansin ang pang-iinsultong nakaguhit sa mukha ni Vincent. "You, get out of my room."

"I don't think so. Annika, ask your friend if she wants to press charges for sexual harassment. I will provide her with a good lawyer."

"The hell, you will. Get the fuck out of my room. This is none of your business."

"I make it my damn business. You are harassing her. Can't you see how terrified she is?"

"It was just a little misunderstanding. Now do me a favor and get the hell out of my room. Where is the kid?" aniya kay Annika.

"I left her downstairs with Manang Elsa. She'll be fine there."

"Fetch her for me and bring her here."

"What? Kuya, what is going on?"

"Are you high? You're acting like a fucking loon," ani Vincent.

"Just do what I say. And you," galit na itinuro ni Zeke si Vincent. "Shut the fuck up!"

Namula ang mukha nito at nagtagis ang mga bagang. Bago lumabas ay isang sulyap ang ibinigay nito kay Willa.

"Don't hesitate to scream if you need help."

Anhin na lang ay sipaing palabas ni Zeke ang kapatid upang mawala na ito sa kanyang paningin. The bastard is really getting on his nerves.

"Kunin mo ang bata at dalhin mo rito. I want to see her."

"Kuya Zeke..."

"Apparently, that little girl is my daughter."

Napaawang ang mga labi ni Annika at hindi ito nakapagsalita nang may ilang sandali.

"H-how...? I mean—"

"It's just a simple Biology. I can't tell you the details, though."

"Oh, please," Annika rolled her eyes heavenward. "Wait, if Sammy is your daughter, then that means she's my niece?"

"Yes."

"I'll go and get her now."

Excited na lumabas ng silid si Annika.

NAHAPIT ni Willa sa dibdib ang makapal na kumot. Sinulyapan niya ang halos pira-piraso niyang bestida sa sahig. Bukod sa napipintong paghaharap ni Samantha at ni Zeke, isa sa pino-problema niya ay kung paano siyang makakaalis sa silid nito nang walang damit. Kinapa niya sa ilalim ng kumot ang kanyang bra at pasimpleng isinuot iyon. Ang panty niya ay nasa sahig sa may bandang paanan ng kama.

Nag-init ang magkabila niyang pisngi nang maisip niya ang hitsura ng silid—ang wasak niyang bestida at ang nakakalat niyang panloob sa sahig. Parang gusto niyang lumubog sa kinahihigaan sa senaryong posibleng nagdaan sa isip ng mga kapatid ni Zeke pagkakita sa mga iyon.

"You couldn't possibly thinking of running away from me again, are you?"

Nahigit ni Willa ang paghinga nang makatagpo ang tingin ng lalaki.

"Wilhelmina. Or should I call you Willa?"

Pinanatili ni Willa na nakatikom ang bibig.

"I think the name suits you better than Jenny," tila may panunudyong wika nito habang nakataas ang isang sulok ng bibig.

"At sa p-pagkakatanda ko rin ang pangalan mo ay Rafe at hindi Z-Zeke."

Tila nasiyahan ito sa sagot niya dahil lumuwang ang pagkakangiti nito.

"I'm the one who bought you at the auction. The man who was supposed to receive my gift that night didn't come. Which is fine by me, I met you."

Magsasalita pa sana si Willa nang marinig niya ang katok sa pinto.

"A-ang damit ko. Baka makita ni Samantha," pati 'yong panty ko, hindi na niya nakuhang idugtong iyong huli dahil mabilis na dinampot ni Zeke ang kanyang damit kasama na ang panloob.

"Nanay," ang akmang pagtakbo ni Samantha palapit sa ina ay naudlot nang mapatingin ito sa gawi ni Zeke.

"Hi."

Kimi lang itong ngumiti sa pagbati ng hindi pa nakikilalang ama. Pagkuwa'y tumuloy na ito sa paglapit kay Willa.

"May sakit ka po ba, Nanay?" may pag-aalalang tanong ng paslit.

"As much as I want to witness this special reunion, I think the three of you need some privacy," kaagad na pasintabi ni Annika pagkatapos na maihatid si Samantha.

Bahagya ng napasalamatan ni Zeke ang kapatid. Si Willa naman ay kinabig ang anak nang sumampa ang bata sa kama at tumabi sa kanya.

"Walang sakit si Nanay. Pinapatuyo ko lang 'yong damit na nabasa ko kanina."

"Ay, oo nga pala. Uuwi na po ba tayo, Nanay?"

"Oo, anak. Um," hindi niya alam kung paanong buwelo ang gagawin niya para masabi rito ang tungkol kay Zeke.

"How about this? Gusto mo bang tumira kayo ng Nanay mo sa isang bago at malaking bahay?"

Sabay na napatingin ang mag-ina kay Zeke. Naupo ito sa gilid ng kama malapit kay Samantha.

Wari'y litong napatingin ang bata kay Willa.

"Ako ang Dad—err, Tatay mo. At gusto kong sa akin na kayo tumira ng Nanay mo. Gusto mo ba 'yon?"

Parang lalong nalito ang bata sa sinabi ni Zeke.

"Anak, s-siya ang Tatay mo," susog ni Willa sa sinabi ng binata.

Pero iyong tungkol sa sinabi nito na pagtira kasama ito ay hindi na lamang niya sinabi. Parang hindi tama na tumira kaagad sila sa iisang bahay gayong isa pa rin itong estranghero sa anak nila.

"Hindi na kayo uuwi sa bahay niyo," matatag na pahayag ni Zeke na parang nababasa ang tumatakbo sa isipan niya. "I want her to get to know me. At hindi mangyayari 'yon kung magkahiwalay tayo ng tirahan."

"P-puwede bang iwanan mo muna kami?" ani Willa.

Napahinga nang malalim si Zeke bago napilitang tumayo.

"I need to make a phone call. Mag-usap muna kayong mag-ina," at lumabas na ito ng silid.

"Anak, alam kong naguguluhan ka pa sa lahat ng ito. Pero gusto kong bigyan mo ng pagkakataon ang Tatay mo, gusto ka niyang makilala at makasama."

"Magiging asawa mo po ba siya, Nanay?"

"A-asawa?"

"Opo. Sabi ni Aling Bebang, dapat mag-asawa raw po kayo para magkaroon ako ng Tatay. Mag-a-asawa na po ba kayo, Nanay?"

"Anak, kapag malaki ka na at kaya mo ng intindihin ang mga ganyang bagay ay saka ko na ipapaliwanag sa'yo. Sa ngayon, bigyan mo muna ng pagkakataon ang Tatay mo na kilalanin ka, puwede ba 'yon?"

Kahit parang alanganin ay marahang tumango ang bata.

Marahan itong kinabig ni Willa. "Mahal na mahal kita, my life. Lagi mong tatandaan 'yan, ha?"

"Mahal din po kita, Nanay."