noveltoon logo noveltoon
One Night with the Billionaire (Filipino)

Chapter 23

Ch. 24 / 33 May 10, 2025

PALAKAD-LAKAD si Willa sa loob ng silid. Mag-a-alas dose na ng hatinggabi ngunit wala pa rin si Zeke. Inihatid lang siya nito sa bahay pagkatapos ng opening ng Samantha's Sweet Bites. Pagkatapos no'n ay walang paalam na itong umalis. Nag-aalala na siya. Baka malasing ulit ito kaparis ng nangyari dati at maaksidente sa daan.

Napaantada siya sa naisip.

Huwag naman po sana.

Naalala niya ang lingerie na binili ni Zeke para sa kanya. Hindi pa niya iyon naisusuot dahil parang nasasagwaan siya. Masyadong sexy. Hindi siguro masama kung isusuot niya sa gabing 'yon para masubukan kung maaakit niya ito kahit may sumpong.

Inilabas niya ang lingerie mula sa closet at isinuot. Tamang-tama na patapos na siya nang maulinigan niya ang pagdating ng sasakyan ni Zeke. Napahinga siya nang malalim.

Ano kaya ang magiging reaksyon nito sa sandaling makita ang ayos niya?

Ini-a-adjust niya ang suot na stocking nang biglang bumukas ang pinto. Kaagad niyang pinaskilan ng matamis na ngiti ang mga labi.

"What the...?" Tila ito ipinako sa kinatatayuan. Nang makabawi ay halos pabalibag nitong isinara ang pinto. "Where the hell are you going?!"

Napamaang si Willa.

"Addict ka ba? Dis-oras na ng gabi lalabas pa ako ng bahay?" nabura ang ngiti niya at napalitan ng pagka-dismaya.

"E, ano ang ginagawa mo?"

Napasimangot siya. "Ano kaya sa palagay mo?"

"Hindi ako manghuhula."

"Kasi..."

"Kasi ano?"

"S-susubukan ko kung m-maaakit kita," napatakip si Willa ng dalawang kamay sa mukha nang mag-init ang kanyang mga pisngi.

Hinintay niya itong magsalita. Pero wala siyang narinig ni ano mula rito. Sa halip ay mga kaluskos nito ang narinig niya. Nang dahan-dahan niyang ibaba ang dalawang kamay ay bigla siyang nanlumo. Naghubad nga ito ng damit pero sa banyo naman dumiretso.

Isa-isa niyang dinampot ang mga pinaghubaran nito atsaka inilagay sa hamper. Matamlay siyang naghubad ng kanyang mga suot. Palpak ang first attempt ng pang-aakit niya.

Nang makapaghubad ay muli niyang isinuot ang hinubad na pajama at tee. Muli niyang ibinalik sa closet ang lingerie.

Useless, saloob-loob niya.

Bumalik na siya ng higaan at nagtalukbong ng kumot. Kung hindi lang ito lalong magagalit ay lilipat sana siya sa kuwarto ni Samantha. Pakiramdam niya ay nangangapal ang kanyang mga pisngi at hindi niya kakayaning humarap dito.

Nakakahiya.

Mayamaya ay narinig niyang bumukas ang pinto ng banyo. Anhin na lang ay hilingin niyang kainin siya ng kama para hindi nito makita.

"Akala ko ba aakitin mo ako?"

Natigilan si Willa. Unti-unti niyang ibinaba ang kumot hanggang leeg.

Nakita niya si Zeke na nakatayo sa may paanan ng kama habang nakatapi ng tuwalya. Bahagya pang tumutulo ang katawan nito sa tubig dahil sa basang buhok.

"Hindi ka naman interesado. Bakit pa?"

"Sinabi ko ba? Naligo lang ako dahil galing ako ng lab. Our research teams were conducting some test kaya amoy-gamot pa ako."

Kaya pala bigla itong umalis matapos siyang ihatid.

"Malay ko ba. Kahit kasi galit ka, magpapaalam ka," nakuha niya pang sabihin.

"Sorry."

Napaglapat niya paloob ang kanyang mga labi. "Sorry rin. Hindi ko na uulitin ang sinabi ko kanina."

"Dapat lang. Dahil sa susunod na maisip mo ulit ang kalokohang 'yon hindi ka na makakalabas ng bahay."

"Grabe. Batas Militar?"

"Hindi lang basta Batas Militar. Pagsusuotin din kita ng electronic anklet para alam ko kung nasaan ka."

"Ano ako, preso?"

"Don't test me, hon. Gagawin ko talaga 'yon," seryosong sabi nito pagdaka.

"Hindi na nga."

"Pero bago tayo magkalimutan, akala ko ba aakitin mo ako? Bakit takip na takip ka ng kumot?"

"Akala ko kasi hindi ka interesado, hinubad ko na tuloy 'yong props."

"You don't need any props, honey," hinila nito ang kumot na nakatakip sa kanya. "Ikaw lang, sapat na."

Kinilig siya sa sinabi nito. Pati yata ang perlas niya ay nag-react. Sumuot ang dalawang kamay nito sa laylayan ng pajama niya at hinagod ang ilalim ng magkabila niyang binti. Marahan siyang napahugot ng paghinga. Siya itong may balak na mang-seduce pero siya itong nasi-seduce. Hindi na nag-aksaya ng sandali si Zeke at kaagad itong kumubabaw sa kanya. Agad nitong sinakop ang kanyang mga labi at mapusok na hinagkan.

Kusa niyang inabot ang laylayan ng kanyang tee at itinaas. Inabot iyon ni Zeke at hinubad sa kanya. Mainit na tumutok ang mga mata nito sa kanyang dibdib bago iyon kinubkob ng magkabilang kamay. Wala siyang suot na bra kapag natutulog. Kahit nga panty ay ayaw rin nitong nagsusuot siya kapag matutulog na sila. Gusto nito ay aksyon kaagad, wala ng maraming sagabal.

Napaliyad si Willa nang maglaro sa isa niyang nipple ang dila nito. Palitan nitong sinipsip ang mga iyon. Nagsimulang lumalim ang kanyang paghinga. Habang abala ang bibig nito sa dibdib niya ay gumala ang kanyang mga kamay sa likod nito at harapan. Inabot niya ang tapi nitong tuwalya sa beywang. Iniawang niya nang husto ang kanyang mga hita nang pumagitna ito roon.

Dumausdos pababa ang bibig ni Zeke mula sa dibdib niya pababa sa kanyang tiyan. Inabot nito ang garter ng pajama niya at mabilis iyong ibinaba. Parang nadismaya pa ito nang makitang may suot siyang panty. Na kaagad din naman nitong isinunod pababa kasama ng pajama.

Nang ganap siyang matalupan ay kaagad nitong ipinosisyon ang ulo sa pagitan ng mga hita niya. Bago ito yumuko upang tikman ang pagkababae niya ay tumingin ito sa kanya na may munting ngiti sa mga labi. Na para bang sinasabi nito kung gaano itong nasisiyahan na tikman at sambahin ang pagkababae niya.

Napaawang ang mga labi ni Willa sa unang dampi pa lamang ng mainit-init na hininga ni Zeke sa kaumbukan ng pagkababae niya. At nang humagod na ang dila nito sa kanal ng humihilab niyang laman ay kusang kumiwal ang kanyang balakang. Hindi niya napigilan ang sariling mapaungol nang manaliksik sa pagitan ng mga labi ng kanyang kaselanan ang dila nito. Baba-taas na humagod iyon doon bago pinaikutan ng dila ang umungos na butil ng kanyang pagkababae.

Tumaas ang isa niyang kamay sa dibdib niya at palitang nilamas ang mga iyon. Ang isa niyang kamay ay napahawak sa ulo ni Zeke na mas lalo pang idiniin ang paulaol na pagsisid sa kanyang kaselanan.

"Ah, Zeke, Zeke," lagi na lamang siyang binabaliw ng lalaking ito, saloob-loob ni Willa.

Namaluktot ang mga daliri niya sa paa at lalo pang ibinuka ang mga hita habang parang alon na umiindayog ang kanyang mga balakang. Sinasalubong ang masarap na pag-araro ng dila ni Zeke sa kanyang pagkababae. Inilabas niya ang dila at binasa ang nanunuyong mga labi.

"Ooh," parang umiikot ang kamalayan niya sa mahusay na paghagod ng dila nito.

Napapatirik ang mga mata ni Willa sa tuwing sisipsipin ni Zeke ang perlas niya. Nang sabayan nito iyon nang pagpasok ng dalawang daliri sa lagusan niya ay dagli siyang nag-orgasmo. Madali nitong na-stimulate ang kanyang G-spot. At the same time, he nibbled and sucked her sensitized clit. Pakiramdam niya ay bigla siyang ibinirit nito sa glorya. Nanginig ang kanyang mga kalamnan at naghabulan ang kanyang paghinga.

Dumadagundong pa ang pintig ng kanyang puso nang pumantay si Zeke sa kanya. Inabot nito ang kanyang mga labi at buong init siyang hinagkan. Agresibo siyang nakipaglaban ng halikan dito. Nang makakuha ng buwelo ay itinulak niya ito sa dibdib hanggang sa siya ang mapaibabaw. Kahit parang nagulat ay nagpaubaya lamang ito.

Naramdaman niya ang pagbundol ng matigas nitong pagkalalaki sa ibabaw ng kanyang kaselanan. Dahan-dahan siyang dumausdos pababa. Pumihit siyang paharap sa paanan nito at naupong pasaklang sa ibabaw ng tiyan ni Zeke. Napakagat-labi siya na tila biglang naglaway nang mahantad sa kanyang harapan ang matigas at malaking simbolo ng pagkalalaki nito. Hindi siya sigurado kung average lamang ang laki nito. Ngunit base sa pakiramdam niya kapag pumapasok ito sa katawan niya ay above average ang size nito.

Kinalong niya ito sa isang kamay. Pagkuwa'y yumuko siya at dinilaan ang medyo namumula niyong tuktok na parang kabute. Narinig niya ang marahas na paghugot ni Zeke ng paghinga. Napangiti siya. Hindi niya maiwasang gunitain iyong unang gabi na may namagitan sa kanila. She was completely clueless when he asked her to give him a blowjob. Ngayon ay hindi na ganoon ka-inosente ang utak niya.

Muling yumuko si Willa at isinubo ang matigas at pumipintig na kalamnan na hawak niya. Isinubo niya ito hanggang sa abot niya.

Isang ungol ang narinig niya mula sa kanyang likuran. Dahan-dahan niyang ibinaba-taas ang bibig sa kahabaan nito, tantiyado niya lamang ang kilos dahil medyo naninibago pa siya. Nang unti-unti siyang masanay ay medyo binilisan niya. Sinabayan niya ng ungol at himas ng isang kamay ang bawat taas-baba niya.

"Oh, fuck. Willa, Willa, honey."

Musika sa pandinig niya ang bawat ungol at daing ni Zeke na tila inaapuntahan ng mataas na lagnat. Pinagbuti niya ang ginagawa. Pinaikot niya ang dila sa ituktok saka ito bahagyang sinipsip na parang lollipop.

"Aah, Willa..."

Habang taas-babang humihimas ang isang kamay niya sa kahabaan nito ay hindi niya nakaligtaang himasin ang puno ng pagkalalaki nito. Katulad ng kahabaan nito na labas-masok sa bibig niya, tila suminsin ang balat nito roon. Isang palatandaan na malapit na ito.

Samantalang abala ang bibig ni Willa, naramdaman niya ang magkabilang kamay ni Zeke sa magkabila niyang binti. Unti-unti nitong hinila ang mga iyon palapit dito hanggang sa mapilitan siyang lumuhod at iurong ang ibabang katawan sa ulunan nito. Saglit pa at muli niyang naramdaman ang mainit na dapyo ng bibig nito sa kanyang pagkababae. Nang maunawaan niya ang ibig nitong mangyari ay parang lalo siyang ginanahan sa kanyang ginagawa.

Nagtagisan ang kanilang mga ungol at halinghing sa pagpapaligayang ginagawa nila sa isa't isa. Ramdam niya ang panginginig ng mga kalamnan habang panay ang tagas ng nektar sa kanyang pagkababae.

"I-I can't hold it a-anymore, hon," wika ni Zeke.

Marahan siyang pumihit ng posisyon. Sa kabila ng panginginig ng mga kalamnan ay bahagyang iniangat ni Willa ang sarili. Hinawakan niya ang naghuhumindig nitong pagkalalaki atsaka iyon iginiya sa basa niyang lagusan sabay upo rito.

Marahas na napasinghap si Zeke nang ganap itong pumaloob sa kanyang pagkababae. Napaliyad siya at itinukod ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod nito habang malantik na gumigiling ang kanyang balakang.

"Ungh… aah. Faster, honey."

Nakita niya ang mariing pagkuyumos ni Zeke sa bed sheets habang nag-uulap ang mga mata sa pagkakatingin sa kanya. Binilisan niya ang paggiling sa ibabaw nito.

"Ah, I'm coming."

"A-ako rin," napasinghap siya. Mas lalo pa niyang binilisan ang paggalaw. "Ah, Zeee-keee...!"

"Oh, fuck. Willa, Willaaa...!"

Damang-dama ni Willa nang sumirit sa kanyang sinapupunan ang mainit na semilya ni Zeke kasabay nang pagbaon nito nang husto sa kanyang kaibuturan. Isang mahabang ungol ang kumawala sa kanyang mga labi kasabay ng pagpilantik ng kanyang balakang.

Humihingal na bumagsak siya sa ibabaw ng dibdib ni Zeke. Naramdaman niya ang pagpulupot ng isang kamay nito sa kanyang balakang.

Unti-unti ng tinatangay ng antok ang diwa ni Willa nang marinig niya itong magsalita.

"Magpakasal na tayo."