"WHAT did you do, Kuya?!"
Gulat na nag-angat ng tingin si Zeke mula sa pinipirmahang dokumento sa kanyang mesa nang basta na lamang bumalandrang pabukas ang pinto ng kanyang opisina. Pumasok doon ang halos sumisingasing sa galit na si Annika. Namumula ang mukha nito at umaalon ang dibdib sa tila tinitimping galit.
Nakita niyang sumungaw ang nag-aalalang mukha ng kanyang sekretarya.
"Close the door, Miss Reynes."
"Y-yes, Sir."
"What's the matter?" aniya.
Iniwan niya ang pinipirmahang mga dokumento sa kanyang mesa at hinarap ang galit na galit pa ring kapatid. Hula niya ay kagagaling lamang nito sa simbahan base sa bihis nito.
"Si Walter Ocampo. Bakit mo siya ipinatanggal sa trabaho?"
"Sasagutin ko lang ang tanong mo kung sasagutin mo rin ang tanong ko?" naisip niyang hindi uubrang magkunwari siya sa kapatid na walang nalalaman sa ibinibintang nito. "Ano ang relasyon mo sa kanya?"
"Nothing!"
Napailing-iling si Zeke. "Why don't I believe that?"
"That's not my problem, Kuya. But whether you believed me or not, it's the truth. You have no right to do that since he's good at his job."
"At paano ka nakasiguro sa bagay na 'yan? Mino-monitor mo ba ang mga kilos niya?"
"I have never done and will never do such a thing. But I think you have a knack for it, haven't you?"
"I don't like your tone, young lady."
"And I don't like you meddling with my life!"
Naningkit ang mga mata ni Zeke sa sinabi ng kapatid.
"Pinangangalagaan ko lang ang kapakanan mo."
"Kapakanan ko? I was just helping that poor guy, I don't see any harm in that. He doesn't even know me. So, who were you protecting me from?"
"Nagkalat ang mga oportunista, little sis. And you're being naive for allowing someone to manipulate you."
"Manipulate me? You have no idea what you're talking about, Kuya. At hindi mo ba ako narinig? He doesn't even know me. Maliit na tulong lamang ang ginawa ko sa taong 'yon."
"Sa kanya lamang ba? Alam kong kapatid niya ang babaing 'yon na madalas mong binibilhan ng kakanin sa labas ng simbahan."
"So? Masama na ba ngayon ang tumulong sa kapwa? They were very hardworking people. Lalo na ang Ate niya. Aren't you happy, that instead of wasting my money on material things I helped other people?"
"Why them?"
Natigilan si Annika sa tanong niya.
"Iyon ang hindi ko maintindihan. Walang kaso sa akin ang pagkakawanggawa na ginagawa mo. Pero bakit parang sobra ang interes mo sa magkapatid na 'yon?"
Napayuko ito.
"I can't tell you why," halos bulong lamang na sagot nito.
"Fine, don't explain anything. Just stay away from those people."
Nakita niya ang pagtigas ng mukha ng kapatid.
"I will not do that."
"Don't try my patience, Annika Myles. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin."
Nangilid ang mga luha nito. Tinigasan ni Zeke ang loob at ipinakitang hindi siya apektado sa pag-iyak nito.
"I hope you won't regret this, Kuya," pagkatapos sabihin iyon ay lumabas na ito ng kanyang opisina.
Mariing naihagod ng binata ang mga daliri sa kanyang buhok.
Sa lahat ng kanyang mga kapatid ay si Annika ang pinakamalapit sa kanya. Bata pa kasi ito nang mawalan ng ama. Sa tuwing may activity ito sa school na kailangan ng presence ng guardian ay siya ang parating nakaalalay sa kapatid. Naiinis siyang isipin na nang dahil sa lalaking 'yon ay masisira ang closeness nila.
Tumunog ang cellphone niya. Bahagyang kumunot ang kanyang noo nang makita ang pangalan ng caller.
"Paige."
"Hello, handsome. Kelan mo ako bibisitahin dito sa unit ko?"
Inawat ni Zeke ang sarili na mapabuntong-hininga nang marahas. Lately ay masyado na itong nagiging clingy. Gayong simula't sapul ay nilinaw na niya ritong hanggang kama lamang ang ugnayan nila. Idagdag pang sa bawat pagbisita niya rito ay binabayaran niya ito ng malaking halaga. Kung tutuusin ay hindi siya obligadong gawin iyon dahil puwede siyang makipag-sex sa kahit na sinong babae na gusto niya nang hindi niya kailangang magbayad. Ngunit may kailangan siya rito. Ito lang ang tanging koneksyon niya sa babaing nakatalik four years ago.
At matagal na niyang ipinahahanap kay Paige ang babae. Ngunit ayon dito ay lumipat na ng tirahan ang babae at walang makapagturo kung nasaan na ito.
Napabuntong-hininga siya. Apat na taon na ang nakakaraan ngunit wala pa rin itong maibigay na impormasyon. Marahil ay panahon na para bitiwan niya si Paige. Bukod sa nagiging clingy na ito ay mukhang umaasa itong may patutunguhang maganda ang ugnayan nila.
"I'm sorry, Paige. Pero sa palagay ko ay wala ng dahilan para magkita pa tayo."
Hindi na niya hinintay na magsalita pa ang babae at tinapos na niya ang pakikipag-usap dito.
Marahil ay sadyang ayaw lamang nitong sabihin sa kanya kung nasaan ang babae. Out of loyalty. Dahil kung hindi siya nagkakamali, kaibigan nito si "Jenny". Bagama't tinanggihan siya ng babae na magkaroon ng anupamang ugnayan sa kanya pagkatapos ng gabing iyon, naniniwala pa rin siya na ang lahat ng bagay ay may katapat na halaga. At titiyakin niyang sa sandaling muli niyang makita si "Jenny" ay io-offer niya rito ang halagang hindi nito matatanggihan.
Mistula itong narkotiko na kumapit na sa kanyang dugo magmula ng gabing iyon. Magdamag siyang nakipagtalik dito. At dahil pareho silang hapo, umaasa siyang hindi kaagad-agad ito makakaalis ng hotel room kinabukasan. Ngunit nagulat siya nang paggising niya ay wala na ito. Ang tanging bakas na naiwan nito ay ang pulang marka sa bed sheet ng kama.
Naiinis siyang isipin na pagkatapos ng gabing iyon ay may iba pang lalaki na aangkin sa katawan ni "Jenny". He wanted her to be his. All his until he got tired of her. But she's nowhere to be found. Ang alam din ni Paige ay si Rafe ang nakatalik ni "Jenny" ng gabing 'yon. Hindi niya sinabi rito na siya ang nakipagtalik sa babae sa halip na ang kaibigan.
He sighed and squeezed the back of his neck. He'll give anything to spend another night with her. He can't seem to get her out of his system. Hindi siya naniniwala sa gayuma. Pero pagkatapos niyang makatalik si "Jenny" ay daig pa niya ang sumailalim sa kung anong uri ng mahika. Gayong kung tutuusin ay hindi niya masyadong napagmasdan ang buong mukha nito. Ang tanging palatandaan niya rito ay isang kulay pulang balat na kasinlaki ng kanyang thumb mark. At ang balat na iyon ay matatagpuan sa tagong bahagi ng katawan nito.
SA kabilang dako ay para namang sinakmal ang dibdib ni Paige sa katatapos lamang na pakikipag-usap kay Zeke. Ayaw man niyang aminin noong una, pero ngayon ay aminado na siya. Nahulog na ang loob niya sa binata. Sinasabi niya sa sarili na trabaho lang, hindi puwedeng madawit ang kanyang puso. Pero hindi niya namalayan, hulog na hulog na pala siya kay Zechariah Sandejas.
Hindi siya makapapayag na mawala ito sa kanya. Alam niyang imposible siya nitong totohanin. Lalo pa nga at kumpara sa estado nito ay isa lamang siyang mababang uri ng babae. Pero ganoon pa man, aamot siya ng panahon hangga't puwede niya itong makasama. Kahit ano ay gagawin niya para bumalik ito.
At isa lang ang paraang alam niya. Kailangang makita niya si Willa. Mukhang desperado ang kaibigan ni Zeke na muling matagpuan ang kaibigan niya. Pasensya na lang ito, iyon lang ang tanging paraan para makuha niyang muli ang atensyon ng lalaking mahal niya. Kung talagang hindi nito gusto si Rafe, siguro naman ay madadaan nito sa madiplomasyang pagtataboy ang lalaki. Lalo pa at alam niyang may asawa na ito.
Si Walter. Ito ang susi para matagpuan niya si Willa. Dahil bagama't naputol ang ugnayan nila ng kapatid nito, from time to time ay tumatawag ito sa kanya. Lalo na kapag may problema. Siya ang hingahan nito ng sama ng loob at magkaminsa'y labasan ng init ng katawan. Magmula nang binyagan niya ito ay nagkaroon na sila ng isang kakaibang ugnayan—friends with benefits.
Tinawagan niya si Walter. Ang alam niya ay bakasyon na ito. At habang hindi pa pasukan, balak nitong maghanap ng trabaho. Nalungkot nga siya nang ibalita nito sa kanyang natanggal ito sa dating pinapasukan.
"Hi, Walt."
"Paige!" tuwang tugon sa kabilang linya.
Dati kapag tutukuyin siya nito ay tumataginting na "Ate Paige". Pero magmula nang may mamagitan sa kanila ay naging "Paige" na lang.
"Kumusta?"
"Ito, nasa bahay. Inaayos ko ang butas ng dingding namin. Mahirap na at parehong babae ang kasama ko rito."
"Oo nga. Kumusta si Samantha, ang Ate mo?"
"Ito, ma-byuti pa rin ang aking Prinsesa."
Napangiti siya. Nakakalungkot ang nangyari sa magkapatid na ito. Ibinenta ni Willa ang sarili upang masagip sa tiyak na kamatayan ang kapatid. Sa huli ay aksidenteng nabuntis naman ito ng lalaking nakakuha rito.
Sa kabilang banda, may kabutihan ding idinulot ang mga nangyari. Tumino si Walter at naging responsable. Nakikita niya rin kung gaano nito kamahal si Samantha. Sa kabila ng lahat ng hirap na pinagdaanan ni Willa sa pagbubuntis sa bata, ay mukhang iyon pa ang nagbigkis sa magkapatid upang gumanda ang kanilang samahan.
"Ah, siya nga pala, Walt. Puwede kaya akong makabisita sa inyong magkapatid?"
"Oo naman. Bakit naman hindi? Hindi naman kayo nag-away ni Ate, di ba?"
"Hindi nga. Pero alam mo naman 'yon, di ba? Parang nagkasamaan kami ng loob noong i-suggest ko sa kanya na ipatanggal ang..." hindi niya na itinuloy ang sinasabi dahil alam na nito kung ano ang tinutukoy niya.
"Ah, wala na tiyak sa kanya 'yon. Past is past."
"Naks, 'yan ang sinasabi ko sa'yo, eh. May pa-ingles-ingles ka na ngayon."
Narinig niya ang maikli nitong pagtawa sa kabilang linya.
"Puwede mo bang ibigay sa akin ang address? Baka makabisita ako sa inyo minsan para makumusta ko na rin nang personal ang Ate mo."
"Ako, hindi mo kukumustahin?" may bahid-landing tanong nito.
At alam na alam niya kung ano ang ibig nitong sabihin.
"Kailangan pa ba? Puwedeng-puwede mo naman akong bisitahin dito sa unit ko."
"Puwede rin sigurong kapag bumisita ka ay ako na lang ang maghahatid sa'yo pauwi."
"Hmm, puwede."
Narinig niya ang mahina nitong paghiyaw ng "yes". Napangiti siya.
Matapos na ibigay sa kanya ni Walter ang eksaktong address ng bagong tinitirhan ng mga ito ay nagpaalam na siya.
Makalipas ang tatlong araw ay nag-text si Paige kay Zeke. Posible kasing i-reject nito ang tawag niya. Iyon din ang dahilan kung bakit nagpalipas muna siya ng ilang araw bago ito kinontak.
Alam q n kng saan cya nakatira.
Wala pang tatlumpung segundo ay tumawag si Zeke.
"Where?"