noveltoon logo noveltoon
One Night with the Billionaire (Filipino)

Chapter 12

Ch. 13 / 33 May 10, 2025

"GUESS what? I'm getting married."

"Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ni Rafe sa kabilang linya matapos na ibalita ni Zeke ang plano nitong pagpapakasal. "You're pulling my leg, aren't you?"

"Nope. I'm serious, dude. And hear this, I am now a Dad, too. Or rather, Tatay. Sounds nice, huh? My little girl calls me Tatay."

"You sound off. Are you high?"

"Fuck you, dude. I'm serious. Katulad niyo ni Anja ay civil wedding lang muna ang aming kasal. If everything works out, we'll take it to the next level. I expect you and Red to be there."

"You are serious."

"I am, geez."

"When?"

"We haven't fixed the date yet but it will be soon. Probably after a week."

"Okay. Keep me posted."

May hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha ni Rafe nang ibaba ang hawak na cellphone matapos ang pakikipag-usap kay Zeke.

"You look dumbfounded," pansin ng asawa niyang si Anja.

"Yes. Something the matter?" susog ng kanyang ina katabi ang panganay nilang anak ni Anja na si Maddy.

Sa kasalukuyan ay buntis sa ikalawa nilang supling ang kanyang asawa. Naglilihi ito sa peras kaya habang naghihintay ng oras ng hapunan ay nasa sala silang mag-anak at nakikikain ng prutas dito. He doesn't like the fruit. Pero wala siyang choice kundi tanggapin ang bawat isubo sa kanya ng asawa. Mukhang kasama sa paglilihi nito ang purgahin siya sa peras.

"Well, I just received a very surprising news," tugon niya sa tanong. "Zeke is getting married."

"Aba'y isang malaking sorpresa nga 'yan," anang asawa niya.

"Zeke is Sandra's eldest son on her first marriage, right?" tanong ng kanyang ina.

"Yes, Mom."

"She must be ecstatic to hear the good news. Anyway, it's about time. Magkakasing-edad lamang kayong magkakaibigan kaya tama lamang na mag-settle down na rin siya."

No comment doon si Rafe. Medyo naninibago siya sa tono ng pagkukuwento ng kaibigan kanina. Para itong masyadong excited at tuwang-tuwa. Could it be that his friend is in love?

MATAPOS sabihin kay Rafe ang nalalapit na pagpapakasal ay si Red naman ang tinawagan ni Zeke. At katulad ng una, ayaw rin siyang paniwalaan nito. Maniniwala raw ito kapag nasa venue na ito mismo ng kasal niya at nakikipagpalitan ng I do sa kanyang bride.

Hindi na lamang siya nakipagtalo. At hindi rin naman niya masisisi ang mga ito. He was very vocal when he told them na hindi siya mag-aasawa hangga't hindi siya umaabot ng kuwarenta. Pero hindi niya rin nasunod ang sarili niyang salita. Kagaya ng ipinangako niya kay Willa.

What can I do? Her lips are very tempting, he thought.

Tinapos na niya ang pakikipag-usap kay Red. He's anxious to be alone with Willa. Natitiyak niyang masama ang loob nito dahil hindi siya tumupad sa pangako niya. Kaya nga halos ayaw niyang bitiwan ito habang magkasama silang namimili. He's worried that she might bolt once he takes his eyes off of her.

Tahimik siyang pumasok ng silid at nakiramdam. Nakahinga siya ng maluwag nang matagpuan niya si Willa na nakahiga sa ibabaw ng kanyang kama—ng kanilang kama. Mukhang natutulog na ito. Nahapo marahil sa maghapon nilang pamimili. Maging si Samantha ay mahimbing ng natutulog matapos hilamusan ng yaya nito.

Maingat siyang naupo sa gilid ng kama at pinagmasdan ang natutulog na si Willa. Marahan niyang pinaglandas ang hintuturo sa mga labi nito. Parang nalalasahan pa niya kung gaano katamis iyon.

Ganoon pala ang lasa ng virgin lips, he thought with amusement. Sweet and pure.

Nakita niyang gumalaw ang talukap ng mga mata nito. Pagkuwa'y dahan-dahan itong nagmulat.

"Zeke..." parang inaantok pang bigkas nito sa kanyang pangalan.

"Sorry."

"Sorry?"

"I broke my promise," he brushed her lips with his thumb.

Tila natukoy naman nito agad ang ibig niyang sabihin.

"Now, I'm your all firsts. And last," yumuko siya at banayad na inilapat ang mga labi sa bibig nito.

She didn't resist nor tried to avoid his touch. Naghintay lamang ito. At nang lumapat ang mga labi niya sa mga labi ni Willa ay kusang pumikit ang mga mata nito.

MAY mainit na damdaming bumalot sa puso ni Willa sa banayad na paglapat ng mga labi ni Zeke sa mga labi niya. Nang hagkan siya nito kanina sa loob ng fitting room ay hindi na niya masyadong naisip ang tungkol sa pangako nito. Siguro ay dahil buo na rin sa isip niya na ito ang lalaking mapapangasawa niya kung kaya't balewala na sa kanya kung inangkin man nito ang mga labi niya kahit nakapangako itong pananatilihing birhen iyon hanggang sa araw na maikasal sila.

Isang munting ungol ang kumawala sa mga labi ni Willa. Ungol na kanina ay hindi nagawang palayain dahil sa nasa publiko silang lugar. Unti-unti, ang banayad nitong paghalik ay naging maalab at mapag-angkin. Muling naglumikot ang dila nito sa loob ng bibig niya at pinilit hulihin ang kanyang dila. Kalaunan ay natuto siyang gayahin at sabayan ang ginagawa nito, natuto siyang tumbasan ang init. Ang makipag-eskrimahan sa dila nito at haliling makipagsipsipan dito.

Nagduweto ang kanilang hingal at ungol. Namalayan na lamang niya na nakahiga na ito sa kanyang tabi, inililis pababa ang tirante ng suot niyang pantulog. At nang matambad ang kanyang dibdib ay walang inaksayang sandali at kaagad na kinubkob ng isang kamay ang isa at isinubo ang utong ng kabila.

"Zeke," napaarko ang likod niya sa biglang bulusok ng masarap na sensasyon patungo sa sentro ng kanyang pagkababae.

Haliling pagpisil sa kanyang nipple na may kasamang pagmasahe ang ginagawa ni Zeke. Saka sasalitan ng pagsipsip ng bibig nito na may kasalit na bahagyang pagkagat. Bagay na lalong nagpasidhi ng kiliting naiipon sa ibaba ng kanyang tiyan.

Lumalim ang kanyang paghinga at nagkaroon ng pangangatal na parang sa isang nilalagnat.

"Z-Zeke..." napakapit siya balikat nito nang ang isang kamay nito ay bumaba sa pagitan ng kanyang mga hita.

Baba-taas na humagod ang daliri nito sa gitna ng kanyang pagkababae na imboluntaryong ikinakiwal ng kanyang katawan. Nang pumasok iyon sa loob ng panty niya at balat sa balat na hipuin ang kaselanan niya ay nahigit ni Willa ang paghinga. Ramdam niya ang pamamasa ng kaselanan.

Habang palitang pinagpapala ni Zeke ang magkabila niyang nipple ay nagsimulang maglumikot ang mga daliri nito sa kanyang pagkababae. Hinanap niyon ang nakakubling perlas at pinaikutan ng hinlalaki hanggang sa kusang umungos.

Napaungol si Willa. Ang ungol niya ay nauwi sa daing nang ipasok nito ang isang daliri sa loob niya. Halos pangapusan siya ng hininga nang magsimula iyong maglabas-masok sa pagkababae niya. Napahalinghing siya. Ang isang daliri nito ay nadagdagan pa ng isa at mas higit na bumilis ang paghugot-baon.

"Zeke, Zeke," halos mahibang-hibang na siya. Sumasabay sa paghugot-baon ng mga daliri nito sa kaselanan niya ang haliling paghitit ng bibig nito sa nipples niya. "Haa… umph."

Namaluktot ang mga daliri niya sa paa sa papatinding alab sa puno ng kanyang pagkababae. Hindi nagtagal at gumuhit ang matinding tensyon sa kaibuturan niya.

Napasigaw si Willa sa sobrang sarap nang sapitin ang unang orgasmo. Nanginig ang mga punong-hita niya at nakipit ang kamay na nasa pagitan niyon. Hinang-hina ang pakiramdam niya nang bahagyang lumayo sa kanya si Zeke. Itinaas nito ang kamay na nasa pagitan ng mga hita niya. At nang isubo nito ang dalawang daliri na nangingislap pa sa katas na tumagas sa pagkababae niya ay parang muling nilukob ng init ang buo niyang katawan.

"Very sweet," bahagya nitong itinuwid ang sarili at naghubad ng lahat ng saplot sa katawan. Wala siyang ibang ginawa kundi ang panoorin ito hanggang sa mahantad sa kanya ang perpekto nitong pangangatawan.

Nang abutin nito ang laylayan ng pantulog niya at itaas iyon para hubarin sa kanya ay buong pagpapa-ubaya niyang itinaas ang mga braso. Isinunod nito ang panty niya. Pagkuwa'y pumagitna ito sa mga hita niya na hindi pa halos nanunumbalik ang lakas sa katatapos na orgasmo.

Muntik na siyang mapapitlag nang madama ang mainit nitong hininga sa kaumbukan niya. Nang yumuko siya at panoorin ang ginagawa nito ay napakagat-labi siya. Gamit ang dila ay hinimuran nito ang basa niyang pagkababae. At habang ginagawa nito iyon ay nakatingin ito sa kanyang mga mata na para bang sinasabi nito kung gaano itong nasisiyahan sa ginagawa sa kanya. Nag-init ang kanyang mukha kasabay ng pag-aalab ng kaselanan niya. Ibinuka nito nang husto ang mga hita niya habang sinisisid nang todo ang kanyang pagkababae. Hinanap nito ang kanyang perlas. Katulad ng ginawa nito sa mga nipples niya, sinipsip nito iyon na muling nagpabaliw sa kanya.

Nakuyumos niya ang unan at kubrekama sa matinding sarap. Halili nitong sinipsip at inipit sa pagitan ng mga labi ang perlas niya. Naramdaman niya ang mga daliri nito sa magkabilang pisngi ng pagkababae niya. Ibinuka niyon nang husto ang mga labi ng kaselanan niya habang nagpipista ang bibig nito at dila sa kanyang gitna. Muli siyang napaungol sa sarap sa pagsungkal-sungkal ng dila nito sa nag-aalab niyang bukana. Pabiling-biling ang ulo niya, hindi mapakali sa nakaliliyong kiliti. Pakiramdam niya ay malapit na naman siyang mag-orgasmo.

"Zeke..." parang nahihibang na nabigkas niya ang pangalan nito. Paulit-ulit.

Pero bago pa man siya sumabog ay inilayo nito ang bibig sa kaselanan niya. May pagtatakang napatingin siya rito. Hindi na siya nakapagtanong nang makita niya ang nag-uumigting nitong pagkalalaki. Tila handang-handa na iyong lumusong sa basang-basa niyang pagkababae. Parang humihingi ng pahintulot na ikiniskis nito ang ulo ng kahandaan sa kanyang perlas. Sa isang mabilis na pagsulong ay diretso itong sumagad sa kanyang kaibuturan.

Nahigit niya ang paghinga sa tila namumuwalang pakiramdam sa kanyang lagusan. Pagkatapos ay marahan nitong iniatras ang sarili. Damang-dama niya ang paghugot ng kahandaan nito. At nang halos dulo na lamang ang naiwan sa bukana ng pagkababae niya ay saka ito muling sumulong. Ilang beses nitong ginawa iyon. At sa tuwi na pakiramdam ni Willa ay nakabitin ang kanyang paghinga.

"Zeke."

"What do you want, honey? Tell me."

"I-ikaw," kusang kumawit ang mga binti niya sa beywang nito nang muli nitong ilayo ang sarili.

"At ano ang gusto mo? Say it," yumuko ito at bumulong sa tila nanghihibong mga salita. "How do you want it, honey—slow and deep or fast and hard?"

"F-fast and hard."

"Are you sure?"

"Y-yes."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay muli nitong ibinaon ang sarili sa kaibuturan niya. Napaungol siya. Sinakop nitong muli ang mga labi niya saka mariin at mabilis itong naghugot-baon sa loob ng pagkababae niya. Para siyang nakalulan sa matuling roller coaster. Halos hindi niya mahabol ang kanyang paghinga sa bawat atras-sulong nito sa kaibuturan niya.

Itinaas nito ang magkabila niyang kamay sa ulunan niya. At habang mariin at mabilis itong naghuhugot-baon ay pinagsalikop nito ang mga palad nila. Sakop din nito ang mga labi niya kaya ang mga ungol niya’y nakulong sa kanyang lalamunan. At nang halos magkasabay nilang sapitin ang rurok ay naglayo ang mga labi nila at kapwa napasinghap ng hangin. At hindi katulad noong una, sa huling sandali ay hindi hinugot ni Zeke ang kahandaan mula sa loob niya. Naramdaman niya na lang ang mainit nitong semilya na bumuhos sa kaloob-looban niya.

"We're getting married soon. Hindi na siguro masama kung masusundan na natin si Samantha."

Napaawang na lang ang mga labi ni Willa at hindi kaagad nakapaghagilap ng isasagot.