noveltoon logo noveltoon
One Night with the Billionaire (Filipino)

Chapter 22

Ch. 23 / 33 May 10, 2025

SA loob ng dalawang buwan ay naging buhos ang atensyon ni Willa sa negosyong pinagsosyohan nila ni Annika. Siya ang naging hands-on sa pangangasiwa ng kanilang cafe at lahat ng mga kakailanganin dito habang si Annika naman ay sa financial at legal matters. Ang especialty ng cafe slash snack bar nila ay Filipino snacks—from bibingka to palitaw. Ang beverages nila ay freshly-brewed kapeng barako at seasoned fruit juice.

Two months later ay binuksan nila ang store na may pangalang Samantha's Sweet Bites. Maliit lamang ang cafe ngunit maganda ang puwesto nito dahil nasa commercial area ito na accessible sa mga office workers at estudyante. Hindi nila inaasahan na dudumugin sila sa opening. Bakit nga naman hindi, dumating sa opening ang guwapong commercial slash ramp model na kapatid nina Annika at Zeke, si Vincent. Pinagkaguluhan ito ng mga fans.

"Bihirang lumabas ng public 'yan si Kuya Vince kapag wala rin lang siyang engagement," sabi sa kanya ni Annika. "Buti naman at dumating siya ngayon. May free endorsement na tayo."

Parang kinikilig na natawa ito. Nahawa siya sa katuwaan nito.

"Guys, I want you to meet my sister Annika and her business partner, Willa."

Tongue-tied si Willa nang lapitan sila ni Vincent at ipakilala sa dalawang kasama nito.

"Si Direk Anton Frias at Mr. Sean Machts, my producer."

Nakangiting kinamayan nila ni Annika ang dalawang lalaki.

"Can I interest you to pose in Extraordinaire?"

Nang bahagya siyang sikuhin ni Annika ay hindi pa malalaman ni Willa na siya pala ang kinakausap ni Sean Machts. Akala niya kasi ay si Annika ang tinutukoy nito dahil napakaganda ng dalaga para maging modelo rin na tulad ng Kuya Vincent nito.

"Oh, me?" teka, ano nga ba 'yong Extraordinaire? Hindi niya alam kung ano iyon. Cooking magazine ba iyon o...?

"Absolutely not," matigas na wika ng isang tinig mula sa likuran nila.

Napasinghap na lang si Willa nang sukat hawakan siya niyon sa siko at dagling hilahin sa tabi nito.

"Zeke," gusto niyang kabahan sa nakikitang reaksyon nito. His facial muscles twitched as if he was trying to control his anger.

"I will not let my future wife pose for any men's magazine, got that, Machts?"

"Hey, chill," kaagad namang nagtaas ng dalawang kamay si Machts na para bang sinasabing hindi ito handang makipag-away.

"It was just a harmless offer. She is free to decline if she doesn't want to," ani Vincent na kaagad pumagitan sa kapatid at kay Machts.

"Was it your idea?" naniningkit ang mga matang baling dito ni Zeke.

"Of course not."

"Why don't I believe that?"

"That is no longer surprising, brother. You are always suspicious."

Susugurin na sana ito ni Zeke ngunit mabilis itong pinigilan ni Willa. Namagitan na rin si Annika.

"Kuya, please. This is not the right time or place for your squabbles."

Umalon ang dibdib ni Zeke sa timping galit. Isang malamig na tingin lang ang ipinukol dito ni Vincent.

"I think we've already extended our stay, we're going. 'Sorry, little sis," hinagkan ni Vincent sa noo ang nakababatang kapatid. "Willa, it's so nice to see you again. I'll put on some good words about your cafe."

"Don't bo—" hindi natapos ni Zeke ang tangkang pambabara sa kapatid nang pasimple itong sikuhin ni Willa.

"Salamat. Aasahan ko talaga 'yan," ani Willa sa binatang modelo.

"You can count on it. I don't go back on my words."

Muntik na niyang masabi na mabuti pa ito at may isang salita. Hindi tulad ng kapatid nito na parati na lamang binabali ang binibitiwang pangako sa kanya.

Inihatid ni Annika hanggang sa sasakyan si Vincent. Si Willa naman ay hinarap si Zeke.

"Kailangan mo ba talagang gawin 'yon? Ano ka ba naman? Kahit sa publikong lugar, mag-aaway kayo?"

"Zip it, hon."

Napapitlag siya nang sukat pisilin siya nito sa beywang kung saan nakaangkla ang isang kamay nito. Nang tangkain niyang baklasin iyon ay lalong humigpit ang pagkakakapit nito sa kanya.

"Don't," mariing bulong nito sa kanyang tenga. "I don't wanna give you more bruises, okay? Come to think of it. Dapat siguro ay ipa-check-up na kita sa doktor."

"Wala akong sakit."

"Mas mabuti ng malaman natin. Bukas ay isasama kita sa doktor ko. Tamang-tama dahil pediatrician ang asawa ni Dr. Centino, sa kanya na lang natin dalhin si Sammy para ma-monitor ang asthma ng anak natin."

"First day namin bukas, hindi ba puwedeng sa ibang araw na lang?"

"Mas uunahin mo pa ang negosyo mo kaysa sa sarili mong kalusugan at sa ating anak?"

Napahinga nang malalim si Willa.

"This is why I don't want you to work. Nahahati ang priorities mo."

"Oo na. Magpapa-check-up na," gusto niyang mapapadyak sa inis.

Sa buong pagtataka niya ay kinabig siya nito at hinagkan sa ituktok ng ulo.

"Sorry. I didn't mean to upset you. Ang gusto ko lang naman ay tiyaking healthy ka at si Sammy."

Para namang nalusaw kaagad ang inis niya.

Ilang pagtikhim mula sa likuran nila ang nagpalingon sa pareha.

"Hey," kayluwang ng ngiting sinalubong ni Zeke ang dalawang lalaki at isang buntis na babae. "I'm so glad you came, guys. Honey, meet my friends. Rafael Stamos and his lovely wife Anja."

"Hello," tinanggap ni Willa ang pakikipagkamay ng mag-asawa. Bagama't nakilala na niya ang dalawang lalaki noong gabing ihatid ng mga ito si Zeke ay iyon pa lamang ang formal introduction sa pagitan nilang tatlo.

"And this guy here is Redentor Madrid."

"Just call me Red," ani Redentor na naglahad sana ng kamay ngunit mabilis na hinarang ni Zeke.

"That's not necessary."

"Wow, territorial much?"

"Shut up. My dear friends, meet my future wife, Wilhelmina."

"Willa na lang," aniya sa mga ito.

"It's so nice to finally meet the mystery girl that makes our friend so over the moon these days."

"Enough said," ani Zeke kay Red.

Nagkatawanan na lang ang mga ito na para bang may secret joke ang tatlong lalaki na sila lang ang nakakaalam.

"My, congratulations, darling. Mukhang successful ang opening ng business mo."

Parang biglang nanigas si Willa sa kinatatayuan nang makita ang Mommy ni Zeke. May mga kasama ito. Isang babae na mukhang kaedad lamang nito at isa pang babae na tila hindi nalalayo ang edad sa kanya. At napakaganda, halatang may class.

"It's not just mine, Mommy. Partner kami rito ni Ate Willa," sabi ni Annika.

"Partner? Don't make me laugh, my dear. Why make someone like her your partner when you can just pay her like any ordinary employee."

"She's my partner because she's the essence of this cafe, Mom."

"What are you doing here?" galit na salubong ni Zeke sa ina.

"Ganyan ba ang tamang pagbati sa iyong ina? My God, nasaan na ang manners mo? Kaya nga ba ayaw kong dumidikit ka sa mga taong galing sa squatter."

"If you came here to support Annika, you should watch what you're saying, Mom."

"Is that any way to treat your mother?" tila gustong sumambulat ng galit ni Sandra Lee.

"If you are my mother, you should act like one and give us face. Because in case you didn't notice, Mother, you are already causing a scene."

Tila noon lamang naalala ni Sandra kung nasaan ito ng mga sandaling iyon. She held her chin up and compose herself like a queen.

"Moving on, kasama ko si Eve at ang napakaganda niyang anak na si Evangeline. Vangie, dear. I want you to meet my son, Zeke."

Tinanguan lang ni Zeke ang babaing ipinakilala rito ng ina. Napansin ni Willa na parang napahiya ang babae.

It was a very tense moment. Na binasag ng kaibigan ni Zeke na si Red.

"Hi, I'm Zeke's friend, Redentor Madrid."

Nang ipihit siya ni Zeke palayo sa Mommy nito ay sumama na lang siya rito.

"Are you okay?" may pag-aalalang tanong nito.

"O-oo naman. Bakit naman hindi?"

He brushed his knuckles against her cheek.

"Just ignore her, okay? Narinig mo naman si Annika, she took you as a partner because she believes in your skills. And looking at the customers right now, naniniwala akong hindi nagkamali ang kapatid ko sa paniniwala niya sa kakayahan mo."

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Willa.

"Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala. Isa pa, may naiisip na akong solusyon sakali man at hind pumatok itong negosyong pinasok namin ni Annika."

"Ano?"

"Susubukan ko kung may kinabukasan din ako sa modeling na katulad ni Vincent. Tatanungin ko 'yong ka—" hindi niya natapos ang sasabihin nang mahigpit siyang sambitlain ni Zeke sa magkabilang punong-braso.

Halos magliyab ang mga mata ni Zeke nang magsalita.

"Don't even think about it, you hear?!"

"Z-Zeke, nasasaktan ako, ano ba?" Biro lang naman ang sinabi niya at wala siyang intensyong totohanin. "N-nagbibiro lang ako."

"Kahit biro, huwag na huwag mong sasabihin sa akin 'yan!"

Pagalit siya nitong binitiwan saka nagngangalit ang mga bagang na lumayo sa kanya. Nahilot niya ang magkabilang punong-braso. Nang mapalingon siya ay nakita niya ang Mommy ni Zeke, may nasisiyahang ngiti sa mga labi nito. Parang tuwang-tuwa ito sa pagtatalo nila ni Zeke.

Napahinga siya nang malalim. Aminado siya, kasalanan niya. Alam na nga niyang may pagka-seloso, ginalit niya pa.

Paano ko kaya siyang aamuin?