noveltoon logo noveltoon
One Night with the Billionaire (Filipino)

Chapter 14

Ch. 15 / 33 May 10, 2025

SA halip na umuwi ay natagpuan ni Zeke ang sarili sa club na pag-aari ng kaibigang si Red. Sa isip ay paulit-ulit na nagbabalik sa kanyang alaala ang mga pangungusap na binitiwan ng ina.

"Hindi mo ba naisip na baka sinasamantala niya ang pagkahumaling mo sa kanya at ngayo'y ginagamit niyang sandata ang bata? Isang bata na hindi mo naman talaga anak?"

Aah, fuck!

Nagagalit siya sa posibilidad na totoo ang mga sinabi ng kanyang ina. And yet what angered him most is not the fact that Samantha is not his. It was the thought that another man had touched what he already considered his four years ago.

Fuck shit!

Sa biglang sulak ng galit ay naidagok niya ang kamay sa mesa. Natumba ang bote ng iniinom niyang rum, bumagsak iyon sa sahig at nabasag. Kaagad siyang nilapitan ng waiter at nilinis ang kalat.

Nakaupo siya sa mezzanine floor ng club kung saan eksklusibo lamang sa kanilang tatlong magkakaibigan. May nakatokang waiter doon para magsilbi sa kanilang magkakaibigan o kung sino man sa kanilang tatlo ang naroroon.

"Bigyan mo ako ng dalawang bote pa nito," aniya sa waiter na ang tinutukoy ay ang nabasag na bote. Halos paubos na iyon nang bumagsak sa sahig.

"Yes, Sir," mabilis na tumalima ang waiter matapos malinis ang nabasag na bote.

Naidipa niya ang dalawang braso sa kinauupuang couch saka tumingala. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Hindi siya makapaniwalang mapaglalalangan siya ng dalawang babae. Was it their plan all along? Ang ibitin siya ni Paige sa kunwari'y hindi nito pagkakaalam sa address ni Willa? Siyempre nga naman, mientras na hindi nito ipinapaalam sa kanya kung nasaan ang kaibigan nito ay lalo siyang manggugumigil na hanapin ang babae.

"Aah, fuck you both to hell!"

"Sino ang kaaway mo?"

Di-kawasa ay lumitaw ang dalawang kaibigan niya—sina Red at Rafael. Dala ni Red ang dalawang bote ng rum na ipinakuha niya sa waiter.

"Give me that," kinuha niya ang isang bote kay Red at binuksan iyon. Pagkatapos ay parang uhaw na uhaw na tinungga ang alak diretso mula sa bote.

"Damn. What is the matter with you?" tanong ni Rafael

"Itinanong ko na rin 'yan kanina. Pero ayaw sumagot."

"Those witches. I am going to make them pay for what they did to me."

"Witches? Pumunta ka ba ng Europe, dude?" biro ni Red.

"Fuck you, Redentor Madrid."

Tinawanan lang ni Red ang sinabi niya rito.

"Ano ba kasi ang problema mo?" tanong ulit ni Rafe. Parang Tinagalog lang nito ang tanong kanina. "At kumusta na nga pala ang babaing pakakasalan mo? Nag-away ba kayo?"

"Don't ever mention that witch! Hindi ko na siya pakakasalan. Ikukulong ko na lang siya sa kuwarto hanggang sa magsawa ako sa kanya at maglaho na rin itong pesteng virus na pumasok sa katawan ko."

"Virus? May sakit ka?" si Red.

"Its called love virus," ani Rafe.

"I'm not in love with her! I am going to throttle her."

"You will throttle her naked. Sure. We already get the picture," maasim na sagot ni Rafe.

"The image is not very cinematic," nakangiwi namang sabi ni Red.

"Shut up, you two, and let me drink in peace."

"Sipain ko na kaya 'to palabas ng club," Red crooked a finger in his direction.

"Hah! I'm a paying customer, you can't kick me out."

"I can. Lalo kung makakaperhuwisyo ka na sa iba kong customer."

Umungol lang siya sa sinabi nito.

"Ano ba ang nangyari? At bakit bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin d'yan sa utak mo?" ani Rafe. Kumuha na ito ng baso at binuksan ang isa pang bote ng inuming dala ni Red.

"Hey, that's mine," tukoy niya sa pangalawang bote ng rum.

"Ubusin mo muna 'yan bago ka mag-mine riyan," pakli ni Red. Kinuha nito ang isa sa dalawang basong tinagayan ni Rafe ng alak.

"Ayaw mo ba talagang sabihin sa amin ang problema mo?" pangungulit pa rin ni Rafe.

"Natanso ako," mapait niyang sagot.

"Care to elaborate?"

Umiling siya at nagpatuloy lang sa pag-inom. Hindi niya kayang sabihin sa mga kaibigan na ang batang kaybilis na napamahal sa kanya ay hindi niya pala anak.

No, that kid is mine. She's my daughter. At kung totoo mang ginagamit lamang ito ni Willa upang mas lalong paigtingin ang interes niya, puwes gagamitin niya rin ang bata upang mapanatili ito sa tabi niya.

Muli siyang tumungga ng alak. Hindi pansin ang nagtatakang tingin ng mga kaibigan. Hindi nagtagal at tahimik na lang ding nakipag-inuman ang mga ito sa kanya.

"GOOD evening."

Nagulat si Willa nang mapagbuksan niya ng pinto ang halos hindi makatayo ng tuwid na si Zeke. Alalay ito sa magkabilang braso ng dalawang guwapong lalaki. Ang isa'y mukhang Latino habang ang isa naman ay hindi niya ma-distinguish kung ano ang lahi dahil medyo kakaiba ang mga mata nito. Gayunma'y parehong matangkad at may matitipunong pangangatawan ang dalawa.

"Ah, g-good evening."

"Akyat na kami sa kuwarto kung okay lang," wika ng lalaking mukhang Latino habang nakaalalay pa rin kay Zeke.

"Oo, paki na lang. Salamat."

Sumunod siya sa mga ito habang inia-akyat ng hagdan si Zeke. Mukhang pamilyar na ang mga ito sa bahay dahil kahit hindi niya itinuro ang silid ay alam na alam kung saan dadalhin si Zeke.

Muli siyang nagpasalamat sa mga ito nang maayos na maihiga ang binata.

"By the way, I'm Rafael Stamos, Rafe for short," pakilala ng lalaking may pambihirang mga mata.

Kung hindi siya nagkakamali ay parang minsan na itong nabanggit ni Zeke.

"Ako naman si Willa," aniya na tinanggap ang kamay na inilahad nito.

"I'm Red Madrid. I hate my full name kaya hindi ko na sasabihin sa'yo. Kaibigan kami ni Zeke."

"Natutuwa akong makilala kayo."

"Out, fuckers. Don't touch her, she's mine," sukat narinig nila mula sa lasing na nakahiga sa kama.

"Naku, pasensya na kayo," humihingi ng dispensang sabi niya sa dalawang lalaki.

Tumawa lang ang mga ito na parang balewala ang sinabi ni Zeke.

"Aalis na kami. Baka biglang bumangon 'yan kapag hindi pa kami lumayas," sabi ni Red.

"Salamat ulit," aniya nang ihatid ang mga ito hanggang sa pinto ng master bedroom.

"Don't mention it. Good night," ani Rafe.

Nang makalabas ang dalawang lalaki ay kaagad na inilapat ni Willa ang pinto. Lumapit siya sa kama at hinubaran ng sapatos at medyas si Zeke. Isinunod niya ang suot nitong damit. Wala na itong coat at nakalas na rin ang kurbata. Isa-isa niyang kinalas ang pagkakabutones ng damit nito bago siya pumasok ng banyo. Kumuha siya ng bimpo at binasa iyon sa gripo na may hot and cold ang tubig. Pagkatapos ay binalikan niya si Zeke at pinunasan ang mukha, leeg, at dibdib. Iyon ang nakikita niyang ginagawa dati ng kanyang ina sa tatay niya kapag nalalasing.

Habang pababa ang kamay niya sa dibdib nito at tiyan ay dama niyang parang biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. Kung bakit naman kasi taglay na ng lalaking ito ang lahat. Guwapo, matangkad at firm na mga abs.

Napatingin siya sa buckle ng sinturon nito. Saglit lang siyang nag-isip bago kinalas iyon at hinubaran na rin ito ng suot na slacks. Sa loob ng may isang linggo na nilang pagtatabi sa kama ay alam niyang hindi ito natutulog nang may damit. Nang hilahin niya pababa ang suot nitong slacks ay isang crumpled paper ang nalaglag mula sa bulsa nito. Dinampot niya iyon at muling naupo sa tabi ni Zeke upang ipagpatuloy sana ang pagpupunas dito. Pero natigilan siya nang may mahagip na mga salita sa papel. Paternity Analysis Report.

Sandali siyang naguluhan bago niya naisip na marahil ay iyon ang resulta ng DNA test na ipinagawa ng kapatid ni Zeke.

Ano ang ibig sabihin nito? basa niya sa mga nakasulat sa papel.

Kung tama ang interpretasyon niya roon, sinasabi sa result na hindi magka-match ang DNA analysis nina Zeke at Samantha.

Imposible! hiyaw ng isipan ni Willa. Walang ibang lalaking nakagalaw sa kanya kundi ito lang.

"Niloko mo ako."

Namimilog ang mga matang napatingin siya kay Zeke. Na ngayon ay tila humulas na ang kalasingan at matamang nakatingin sa kanya. Puno ng akusasyon ang mga mata.

"Hindi totoo 'yan. Anak mo si Samantha."

"Science don't lie. Niloko mo ako!"

"Hin—" nabigla siya nang hatakin ni Zeke at mapasubsob sa dibdib nito.

"You made a fool out of me. I'll make you pay for it dearly."

"Zeke," may takot na umusbong sa dibdib niya nang makita niya ang galit sa mga mata nito. "Hindi kita niloko. Maniwala ka sa a—hmp!"

Mariin nitong sinakop ang kanyang mga labi at walang pag-iingat na kinuyumos ng halik. Sinubukan niyang magpaubaya at bakasakaling magbago ang paraan ng paghalik nito. Pero walang nangyari. Tila intensyon nitong saktan siya sa ganoong paraan.

"Zeke," para siyang malulunod nang pawalan nito ang kanyang mga labi. Mahapdi iyon at parang namamantal nang husto. Nalalanghap niya ang matapang na amoy ng alak sa hininga nito. At gusto niyang isiping nang dahil lamang doon kung kaya't nagagawa nito ang ganoong karahasan sa kanya.

Pumaibabaw ito sa kanya at marahas na hiniklas ang suot niyang damit. Napatili siya. Mistulang halimaw ang lalaking ngayon ay nakakubabaw sa kanya. Mabilis nitong hinubad ang sariling damit at boxers. Pagkatapos ay siya ang hinubaran habang sindak na sindak pa rin sa nakikitang galit at pagnanasa sa mga mata ni Zeke. Nang marahas nitong kubkubin ang kanyang mga dibdib ay napadaing siya sa sakit.

"Z-Zeke, huwag ganito, please?"

"You don't deserve gentleness and respect, Wilhelmina. I will fuck you until you can barely walk."

Napailing siya. Sinubukan niyang abutin ang mukha nito upang pawiin ang galit na nakalarawan doon. Ngunit ginapi nito ang kanyang mga kamay at sinuspinde sa kanyang ulunan.

"Don't touch me. I will fuck you but you will never touch me, you hear?"

"Zeke..." isang impit na hikbi ang tanging namutawi sa kanyang mga labi.

Siniil nito ng halik ang kanyang leeg. Pinaglandas nito ang dila sa kanyang balat pababa sa kanyang dibdib. Palitan nitong isinubo ang magkabila niyang nipple at walang pag-iingat na sinipsip at bahagyang kinagat. Mariin niyang naipikit ang mga mata. Sa kabila ng intensyon nitong saktan siya ay kakatwang nag-aalab ang sentro ng pagkababae niya.

Bumaba pa ang bibig nito sa kanyang tiyan samantalang ang magkabilang kamay nito ay naging abala na sa pagpisil at pagdama sa kanyang katawan. Nahigit niya ang paghinga nang dumako ang isang kamay nito sa kanyang pagkababae at basta na lamang suyurin ang gitna niyon. Napakagat-labi siya nang pumasok ang isang daliri nito roon.

"Ze—" bigla niyang nahigit ang paghinga nang dalawang daliri nito ang biglang pumasok sa kaibuturan niya. Napaigik siya. Masakit dahil wala pa siyang sapat na lubrication.

Nang pumatong ito sa kanya at biglang pag-ugnayin ang mga katawan nila ay napahiyaw siya sa sakit. Dagling pinanlabo ng luha ang kanyang mga mata. At ewan kung dinadaya lamang siya ng kanyang paningin o sadyang blurred lamang sa luha ang kanyang mga mata, may nakita siyang guilt sa mukha ni Zeke.