noveltoon logo noveltoon
One Night with the Billionaire (Filipino)

Chapter 21

Ch. 22 / 33 May 10, 2025

NARAMDAMAN ni Willa ang paglapat ng kanyang likuran sa malambot na kama. Nang maamoy niya ang pamilyar na amoy ng silid nila ni Zeke ay naisip niyang nakauwi na marahil sila. Matapos ang fireworks ay bumiyahe na silang pauwi. Pero sa kalagitnaan pa lang ng biyahe ay namigat na ang talukap ng kanyang mga mata. Mukhang mahina ang tolerance niya sa alcohol.

Naramdaman niyang may naghuhubad ng kanyang sapatos. Nang bahagya niyang idilat ang mga mata ay nakita niya si Zeke. Napangiti siya. Ang guwapo talaga nito. Ah, bakit nga ba nagpapakipot pa siya? Ang isang lalaking kaparis nito ay once in a blue moon lang darating sa buhay ng isang ordinaryong babae na katulad niya. Kaya bakit pa ba siya nag-iinarte?

Marahan siya nitong iginiyang patagilid. Narinig niya ang mahinang tunog ng pagbababa ng zipper ng suot niyang bestida.

"Hm."

"Sh, kailangan mong magpalit ng damit," narinig niyang anas nito.

"Papalitan mo lang ba talaga ako ng damit?"

Mahina itong natawa. Sa pandinig niya ay parang may bahid iyong nerbiyos.

Nerbiyos? Natawa siya sa naisip. Parang ang hirap i-imagine ng isang arogante at ma-awtoridad na Zeke na nini-nerbiyos. Dahil madalas ay siya ang nini-nerbiyos sa tuwing nasa malapit lamang ito. Isang ngiti lamang nito ay para ng malalaglag ang lahat ng dapat malaglag sa kanya—including her underwear. At kapag tumingin na ito sa kanya ng mainit, parang buong katawan niya rin ay nag-iinit. May super human power nga lang siguro siya dahil sa kabila ng lahat ay nagagawa niya itong i-resist.

Napaungol siya nang maramdaman ang pagdantay ng mainit nitong palad sa kanyang likuran. Dahan-dahan nitong hinawing pababa ang strap ng kanyang damit hanggang sa lumaylay iyon sa magkabila niyang braso. Kusa niyang itinaas ang mga kamay upang mahubad ang suot na damit. Dumapa siya at bahagyang iniangat ang katawan nang hilahing pababa ni Zeke ang kanyang bestida. Sa sumunod na sandali ay mga kaluskos na lamang ang narinig niya.

Ipinikit na ni Willa ang mga mata at hinayaan ang sariling tangayin ng antok. Kung may binabalak man si Zeke ay bahala na ito. Basta't siya ay matutulog na.

Hindi siya sigurado kung gaano katagal na siyang naiidlip nang gisingin siya ng isang kaaya-ayang pakiramdam.

"Zeke," nai-ungol niya ang pangalang iyon bago dahan-dahang idinilat ang namimigat na talukap ng mga mata.

Pero dapat pa ba siyang magulat? Ang lalaking responsable sa kaaya-ayang pakiramdam na gumising sa kanya ay hayun at nakasubsob sa pagitan ng mga hita niya. Ramdam niya ang dila nito na sumisisid sa kaibuturan ng pagkababae niya.

Napakiwal ang balakang ni Willa sa masarap na sensasyong dulot ng ginagawa nito. Naikuyumos niya ang dalawang kamay sa kubrekama. Sinubukan niyang bumangon ngunit hindi niya nagawa nang manlambot ang kanyang mga kalamnan. Dinidilaan nito ang paligid ng kanyang pagkababae habang ang hinlalaki nito ay mabilis na hinahagod ang nakaungos niyang perlas.

"Zee-keee..." nai-ungol niya nang mahaba ang pangalan nito. Pati ang magkabila niyang singit ay dinilaan nito bago ito muling bumalik sa sentro ng kanyang pagkababae.

Inipit nito sa pagitan ng mga labi ang kanyang hiyas at bahagyang hinatak. Paulit-ulit.

"Uhm."

Tila hindi pa ito nakuntento, bahagya nito iyong kinagat-kagat bago sinipsip.

"Zeke, Zeke, Zeke," para siyang nahihibang na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan nito.

Kung sumagi man sa alaala ni Willa ang usapan sa pagitan nila ni Zeke ay hindi rin iyon nagtagal. Darang na darang na siya ng ginagawa nito para magkapuwang pa ang ibang isipin sa kanyang utak.

"Aah," nakagat niya ang ibabang labi nang abutin nito ng isang kamay ang kanyang dibdib at lamasin iyon. Pinisil nito ang kanyang nipple saka bahagyang piniga ang kabilugan ng kanyang suso.

Nang muling maglaro sa gitna niya ang dila nito ay napakiwal ang kanyang balakang. Pakiwari niya ay bigla siyang naging isang mahusay na mananayaw. Malantik na gumiling ang kanyang balakang at sinalubong ang bawat hagod ng pinatigas nitong dila sa sensitibo niyang hiyas.

"Umph," lumalim ang kanyang paghinga. Patindi nang patindi ang naiipong init sa puno ng pagkababae niya. "Zeke, Zeke."

Ungol, daing, aah...pakiwari niya ay nagdidiliryo na siya sa mataas na lagnat. Humahalinghing siya habang walang kapagurang gumigiling ang kanyang balakang at kusang ikinikiskis ang hiyas sa mainit at matigas na dila ni Zeke.

"Oh, oh," para siyang goma na unti-unting binabanat patungo sa ituktok ng kaganapan.

Paikot-ikot sa hiyas niya ang dila nito at pagkuwa'y taas-babang hahagod mula sa linyang nag-uugnay sa kanyang puwetan patungo sa bukana ng kanyang pagkababae.

"Oooh," hindi na mapakali ang kanyang balakang. Parang gusto niya itong patigilin na parang ayaw niya.

Bumaba ang kamay ni Willa sa ulo ni Zeke. Napasabunot siya sa buhok nito nang sipsipin nito ang kanyang hiyas.

"Aah...!" pumilantik ang kanyang balakang nang bigla siyang mag-orgasmo. Binalot ng labis na pangangatal ang buo niyang katawan.

Pakiramdam niya ay nasa ibabaw pa ng mga ulap ang kaluluwa niya nang hawakan ni Zeke ang ilalim ng magkabila niyang tuhod at dahan-dahan iyong ilapat sa dibdib niya. Yumuko ito at inabot ang kanyang mga labi. Napaungol siya nang magtalik ang kanilang mga dila.

"Tell me if you're not comfortable," wika nito habang hinahalik-halikan ang tongki ng kanyang ilong.

"H-hindi. Ayos lang."

Bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg. Ipinaling niya ang kanyang ulo upang mas magkaroon ito ng access. Humagod ang dila nito pababa sa kanyang leeg patungo sa kanyang dibdib. Inabot nito ang isa niyang nipple at sinipsip.

"Hmm."

Lumipat ito sa kabila. Muli siyang napasabunot sa buhok nito.

"Zeke."

Habang hawak nito ang likuran ng magkabila niyang tuhod ay naramdaman niya ang pagkiskis ng matigas nitong ari sa mga labi ng kanyang pagkababae. Para na naman siyang binalot ng kakaibang kiliti. Baba-taas iyong kumiskis sa kanyang laman at parang nanunudyong sinungkal-sungkal ang sensitibo pa niyang hiyas.

"Zeke."

"You want something, honey?" palipat-lipat ito sa magkabila niyang dunggot. Pakiwari niya ay domoble na ang laki ng mga iyon sa medyo mariin nitong pagsipsip.

"H-hindi mo ba ipapasok?"

"Gusto mo ba?"

In her semi-clouded mind, naalala niya ang kanilang kasunduan. No sex.

Pero ano pa ba ang mga pinaggagawa nito sa kanya habang natutulog siya at hanggang sa mga sandaling iyon?

Napakagat-labi si Willa. Muling kumiskis ang ari nito sa kaselanan niya. Ngayo'y medyo may diing dumudunggol-dunggol sa hiyas niya ang matigas na ulo ng pagkalalaki nito. Gusto niyang mapahiyaw sa kiliting halos magpabaliw na naman sa kanya.

Mariin niyang naipikit ang mga mata. Hindi siya makapaniwalang kaybilis naglaho ng conviction niya.

"Tell me what you want, honey," mapanghibong wika nito nang ipitin sa pagitan ng mga labi ang kanyang tenga.

"I-ikaw, hindi ka ba nahihirapan?" bagama't ramdam niya sa kanyang balat ang malamig na air conditioning sa kanilang silid ay kita niya ang kislap ng pawis sa magkabilang gilid ng mukha nito.

Napaungol ito sa kanyang tanong.

"I'm trying so damn hard to keep it all in. Pero sa totoo lang ay malapit na akong sumabog. Ikaw lang ang inaalala ko."

"N-narito na 'to, eh. I-ipasok mo na."

"That's cute."

"Ha?" ang pagtataka niya ay napalitan ng isang daing nang bigla itong umulos sa kanyang lagusan.

"Uh, home base at last," ungol nito nang ibaon ang mukha sa kanyang leeg.

Napakagat-labi siya. Home base nga. Sagad na sagad. Ikinawit ni Zeke ang isa niyang binti sa balikat nito habang ang isa'y ipinulupot sa kabila nitong tagiliran. Muli nitong inabot ang kanyang mga labi bago banayad na nagsimulang umulos. Banayad na banayad saka bigla nitong bibilisan. Halos tumirik ang mga mata ni Willa sa sarap.

Nagtalik ang mga dila nila. Kasabay ng mainit na pagtatagpo ng kanilang mga katawan ang mapusok na paglilingkisan ng kanilang mga dila. Sa bawat mariing pagbaon ni Zeke sa kaibuturan niya ay huhulihin nito ang kanyang dila at sisipsipin. Napapaungol na lang siya sa sarap sa tuwing gagawin nito iyon.

Hindi nagtagal at nagsimula na namang maipon ang matinding init sa puson niya.

"Zeeekeee, ooh!" kusang sumalubong ang balakang niya sa unti-unting pagbabago ng tempo ng mga ulos ni Zeke.

Nakakaramdam na siya ng pangangalay. Ngunit hindi naman niya magawang ibaba ang binti niyang nakasabit sa balikat nito. Gustong-gusto niya ang posisyong iyon dahil kapag naghuhugot-baon ito ay may nakakanti itong sensitibong spot sa loob ng kanyang pagkababae. Lalo na kapag bigla itong bumabaon. Halos umikot ang kamalayan niya kapag sumasagad ito sa kaibuturan niya.

"Ooh, honey. You're driving me crazy," tila daing ni Zeke sa pagitan ng mabibilis na pag-ulos.

Dinig na dinig ang maingay na salpukan ng kanilang mga kaselanan. Sumasabay roon ang langitngit ng kanilang kama.

"Zeke, Zeke, oh...!" bigla niyang nahigit ang paghinga. Ang sarap! Pero nagpatuloy lang si Zeke. He was riding her orgasm.

At tila wala na rin ito sa sarili nang mahigpit na hawakan ang punong-hita niya habang mabilis at mariing umuulos.

"Aah, Willa, Willaaa!"

Narinig niya ang marahas na paghigit ni Zeke ng hininga bago ito tila nasuspinde sa ibabaw niya. Kasunod niyon ay bumaha ang init sa kaibuturan niya.

Napaungol si Willa. Sumikip nang husto ang kanyang pagkababae kasabay ng muli niyang paglasap sa kakaibang luwalhati.

"Ooh..." latang-lata ang pakiramdam ni Willa. Pakiramdam niya ay piniga ang lakas niya sa magkasunod na orgasmo.

Nang kumilos si Zeke ay napaungol siya. May kiliti pa rin ang medyo may katigasan nitong kalamnan na nakabaon sa kanya. Mayamaya ay kusa iyong hinugot ni Zeke at inayos ang kanyang mga binti.

"Are you okay?" tanong nito sabay haplos sa punong-hita niya.

"Ayos naman. Kaya lang mukhang hindi na ako makakalakad bukas."

"Then just stay in bed."

Iningusan niya ito.

"Plinano mo talagang lasingin ako, ano?"

"Hindi ka naman talaga nalasing," may panunudyong wika nito.

Namumula ang mga pisnging muli niya itong inirapan.

Tinawanan lang siya nito sabay halik sa kanyang mga labi. Pagkatapos ay bumangon ito at pumasok ng banyo. Paglabas ay may dala na itong basang bimpo. Pinunasan nito ang kanyang pagkababae. Ramdam niya ang mainit-init pa nitong semilya sa pagitan ng mga hita niya. Pero walang anuman nitong ipinagpatuloy ang paglilinis sa kanya.

Nang bumalik ito sa banyo ay napaisip siya. Sa ilang beses na pagtatalik nila ay delikadong masundan na nga nila si Samantha. Kailangang masimulan na nila ni Annika ang negosyong iminumungkahi nito. Kung magpapakasal siya kay Zeke, gusto niyang kahit paano ay may nasimulan na siya para sa sarili.

"Ang lalim ng iniisip mo," ani Zeke nang tumabi sa kanya at hapitin sa dibdib nito.

"Hm," tinampal niya ang kamay nito na mabilis na kumubkob sa dibdib niya. "Tantanan mo muna ako, Zeke, utang na loob. Ang sakit ng singit ko."

"Sorry," medyo gamol na sabi nito nang isubsob ang mukha sa kanyang leeg.

"Hindi ka na naman tumupad sa usapan. Noong una sabi mo hindi mo muna ako iki-kiss. Tapos ngayon..."

"Sorry but I'm not sorry, okay? You're already mine. I only claimed what is rightfully mine, your lips and your body. Kung iniisip mong puwede ka pang magpakasal sa ibang lalaki, think again. Because I am not letting you go."

Pinigil niya ang kanyang mga labi sa pagngiti. Nakakakilig naman kasi ang sinabi nito kahit medyo brusko ang dating.

"Good night," aniya.

"'Night, hon."

Nakatulog si Willa na may ngiti sa mga labi.