"WALTER?"
Bagama't parang takang-taka kung paanong nakarating doon ang kapatid ay nakita ni Zeke ang katuwaan sa mukha ni Willa pagkakita sa kapatid.
"Paano ka nakarating dito?" natutuwang lumapit ito sa nakababatang kapatid.
"Ipinasundo ako ni..." itinuro ni Walter si Zeke.
"I asked my driver to pick him up earlier."
"I-ipinasundo mo siya? Paano mong...?"
"I have my ways, honey. Mag-usap na muna kayo. C'mon, sweetheart," niyaya ni Zeke si Samantha.
Nakikipaglaro ito kay Walter nang mababaan nila sa sala.
"I'll buy you some more toys and new clothes. Hihintayin lang natin si Nanay," aniya sa anak.
Napapansin niyang medyo ilag pa rin sa kanya ang bata. First time niyang maging ama kaya nangangapa pa siya kung paano huhulihin ang loob nito.
"Um, ano-anong laruan ang gusto mong bilhin ko para sa'yo? Gusto mo ba ng Barbie dolls?" iniluhod ni Zeke ang isang tuhod sa harapan ng anak.
Halos pigil niya pa ang paghinga nang marahang tumango ang bata. Napangiti siya.
"Ano pa? Bukod sa Barbie dolls ano pang laruan ang gusto mo?" naisip niyang kahit anong hilingin ng anak ay ibibigay niya, pambawi sa mga panahong salat na salat ito sa maraming bagay.
"Sabi po ni Nanay, dapat makuntento lang ako sa isang laruan. Hindi ko naman daw po kasi sila malalaro nang sabay-sabay."
Napatango-tango siya. Mukhang napalaki ni Willa nang maayos at disiplinado ang kanilang anak. Naalala niya tuloy noong unang beses na makita niya ito sa simbahan na madalas puntahan ng kapatid. Unconsciously, maaaring noon pa man ay nakilala na niya ito sa tinatawag nilang lukso ng dugo.
Dahan-dahan niyang inabot ang mukha ni Samantha. Nahagod niya ng isang kamay ang pisngi ng anak. Hinawi niya patungo sa likuran ng tenga ang ilang hibla ng buhok na kumalas sa ribbon nito. Sa sandaling makasal sila ni Willa ay ipapaayos niya ang mga dokumento ng bata. Dadalhin niya ang kanyang mag-ina sa Disneyland.
"Kilala mo ba si Mickey Mouse?"
"Opo."
"Gusto mo ba siyang makita nang personal?"
"Puwede po?"
"Oo naman. Pupunta tayo sa bahay niya. Doon sa Disneyland."
"Talaga po?" nakita ni Zeke ang biglang pangingislap ng mga mata ng anak.
May kakaibang tuwa siyang nakapa sa dibdib. Si Mickey Mouse lang pala ang makatitibag ng pader sa pagitan nilang mag-ama.
"Puwede po ba nating isama si Nanay?"
"Aba'y siyempre naman. Hindi puwedeng mawala si Nanay," amused na sagot ni Zeke.
"Gusto ko po 'yon. Gusto ko pong pumunta sa Disneyland."
"At hindi lang 'yon. Bukod sa makikita mo nang personal sina Mickey Mouse at ang mga kaibigan niyang sina Donald Duck at Goofy, puwede ka pang sumakay sa iba't ibang rides."
"Puwede rin po bang sumama si Tito Walt?"
"Um, magta-trabaho muna ang Tito Walt mo. Kasi, di ba, kailangan niyang pumasok ng eskuwela. So, for the time being, tayo muna nina Nanay ang magkakasama-sama. Ayos lang ba 'yon, anak?"
Tila natigilan ito. Nag-alala si Zeke. Naisip na baka hindi nito nagustuhan ang mungkahi niya.
"Magiging Tatay ko po ba talaga kayo?"
Biglang nagbara ang lalamunan niya sa inosenteng tanong ng bata.
"Of course, sweetheart. Who else?" marahan niya itong kinabig sa kanyang dibdib.
"Sabi ni Aling Bebang, dapat daw mag-asawa si Nanay para magkaroon ako ng Tatay. Magiging asawa na po ba kayo ni Nanay kaya magiging Tatay na ang tawag ko sa inyo?"
"No, sweetheart. That's not it. Ako talaga ang Tatay mo. And yes, pakakasalan ko si Nanay kaya magiging asawa ko na siya. Pero hindi lamang dahil doon kaya magiging Tatay mo ako, I am your real father. Ako ang tunay mong ama. I'm the, uh—" sa isip ay lihim na napamura si Zeke.
Paano ba ipaliliwanag sa inosenteng bata na siya ang naging instrumento kung kaya ito nabuo sa sinapupunan ng ina nito?
"Anak, di ba ipinaliwanag ko na sa'yo kung paano nabubuo ang baby?"
Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Zeke nang makita si Willa.
"Sabi niyo po ay isa akong munting regalo mula sa langit na inilagay ni Jesus sa inyong tiyan."
"Oo. Pero ang naglagay sa'yo sa tiyan ni Nanay ay si Tatay."
"Katulad ni Kimpoy?"
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Willa. Zeke found himself staring at her beautiful face. She looks so radiant and fresh kahit halos magdamag niya itong hindi pinatulog.
"Oo. Hindi ba't ang naglagay sa kanya sa tiyan ng Mama niya ay ang Papa niyang si Kuya Nomer? Kaya ikaw, ganoon ka rin. Ang naglagay sa'yo sa tiyan ni Nanay, ay si Tatay."
Nang mapadako ang tingin sa kanya ni Willa at matagpuan siyang nakatitig dito ay kaagad itong namula. Kaswal lang siyang nagbawi ng tingin bago ibinaling ang atensyon sa anak.
"Malinaw na ba ang paliwanag ni Nanay?"
"Opo. May Tatay na rin ako," tila naluluha itong napayakap sa kanya.
Nagsisikip ang dibdib na mahigpit na niyakap ni Zeke ang bata. Hindi siya emosyonal na tao. Pero ng mga sandaling iyon ay ramdam niyang nag-init ang kanyang mga mata sa biglang bugso ng emosyon.
Mabilis niyang hinamig ang sarili.
"Let's go shopping."
"TRY this on."
"Zeke, sabi ko naman sa'yo si Samantha na lang ang—"
"Really? Must we argue about this again and again? You are going to be my wife and as such, gusto kong maging presentable ka sa mga gatherings na pupuntahan natin."
Napapahiyang kinuha na lamang ni Willa ang damit na ipinasusukat sa kanya ni Zeke. Pinagtitinginan na kasi sila ng mga sales lady. Tatlo sa mga ito ang nakasunod at umaasiste sa kanilang pamimili. Gusto niyang mairita dahil parang mga kinikilig na dalaginding ang mga ito na panay ang bulungan at bungisngisan habang nakatingin sa lalaking kasama niya.
At mukha namang nag-i-enjoy ang hudyo, ngitngit na saloob-loob ng dalaga.
Hindi niya mapigilang magdabog habang naghuhubad. Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang may kumatok mula sa labas ng fitting room.
"You need help, honey?"
"Hindi," halos paangil na sagot niya habang mariing magkalapat ang mga ngipin. Buwisit na lalaki!
"There's more. Gusto kong isukat mo rin ang mga ito. Can you open the door, please?"
"Sandali lang," inayos niya muna ang three-fourth sleeve ng bestidang isinukat niya bago binuksan ang pinto.
Eksaktong tinanggal ni Willa ang latch ng pinto, Zeke shouldered his way in.
"A-ano ang ginagawa mo?"
Sa halip na sumagot ay sinuyod siya nito ng tingin sa suot niyang kulay itim na damit.
"Hmm, that looks good on you. Pero hindi ba mukhang maiksi?"
"Gusto ko 'to," komportable siya sa lapat ng damit at sa tela.
Isa pa ay disente iyong tingnan at hindi masagwa. Tama lang ang haba at hindi maiksi katulad ng sabi nito.
"All right, we'll take it. Now try these, too," ilang pares pa ng damit ang dala nito para ipasukat sa kanya.
"Sige, lumabas ka na. Baka isipin pa ng mga sales lady ay—"
"Baliw na baliw ako sa'yo?"
Napamulagat siya sa sagot nito.
"I think this is already turning into an obsession."
Napasiksik siya sa dingding ng fitting room nang itukod nito ang isang kamay sa may gilid ng kanyang mukha.
"Z-Zeke, b-baka kung ano ang isipin nilang g-ginagawa natin dito. A-atsaka si Sam—"
"She's with her nanny," pinadaan nito ang hintuturo sa gilid ng kanyang mukha hanggang sa ilalim ng kanyang baba. Pagkuwa'y itinaas nito iyon at bahagya itong yumuko hanggang sa ga-hibla na lamang ang layo ng kanilang mga mukha.
"Z-Zeke—umph," pinatahimik nito ang mga labi niya sa pamamagitan ng isang halik.
Hindi na lamang siya pumalag upang hindi sila makalikha ng ingay sa loob ng fitting room. Mapusok nitong sinakop ang kanyang mga labi. Pinadaan nito ang dulo ng dila sa kanyang mga ngipin hanggang sa kusa niyang iawang ang bibig. Nanghimasok ang dila nito at hinuli ang kanyang dila. Muntik na siyang mapaungol kung hindi niya napaalalahanan ang sarili. Nagtalik ang kanilang mga hininga at sinipsip nito ang kanyang dila.
Nang maramdaman niyang sumuot ang isang kamay nito sa ilalim ng suot niyang damit ay inipon niya ang lahat ng kanyang self-control at itinulak ito.
"L-lumabas ka na," bahagya pa niyang nahigit ang paghinga. Ramdam niya ang pag-iinit ng mukha.
Pinadaan nito ang hinlalaki sa kanyang mga labi at pagkuwa'y pilyo itong ngumisi.
"Later."
Nang makalabas ito ay mabilis niyang ini-slide ang latch ng pinto sabay sandal doon.
Walanghiyang lalaki. Masyadong... kuu, hindi niya alam kung ano ang iisipin sa lalaking 'yon.
Diyata at obsess daw ito sa kanya?
Kalokohan.
Ang huling tanda niya ang haba ng buhok niya ay hindi pa sasayad hanggang sa kanyang puwetan. Pero matapos ang sinabi nito pakiwari niya ay sumasayad na sa lupa ang kanyang buhok.
Halos ginugol nila ang buong maghapon sa pamimili. Lihim na ipinagpasalamat ni Willa na hindi na naulit ang insidente ng panghahalik ni Zeke sa kanya sa loob ng fitting room. Gayunma'y ayaw halos nitong bibitiwan ang kamay niya. Kahit kumakain sila ay suwerte ng bitiwan nito ang kamay niya maski isang minuto.
Pambihira naman talaga.
Hindi naman siya marunong manggayuma. Pero si Zeke ay daig pa ang ginamitan ng gayuma na may kasamang voodoo.
Pagkauwi nila ay isang bisita ang naghihintay sa kanila. Si Vincent.
"Hi," nakangiting bati nito kay Willa.
"What the hell are you doing here?" ani Zeke sa kapatid.
"I came here to get the specimen," nginitian nito si Samantha. "Hello, baby girl. You look so pretty."
Ngumiti lang ang bata rito. Naisip ni Willa, napaka-irresistible ng ngiti ng kapatid ni Zeke kaya naman agad itong nakakuha ng katugong ngiti mula sa kanyang anak.
"We haven't been properly introduced. Ako si Uncle Vincent, or Uncle Vince if you want. Puwede ring Tito Vince kung gusto mo."
"Tito ko rin po kayo, katulad ni Tito Walt?"
"Siya ba ang kapatid ng Nanay mo?"
"Opo."
"Then, the answer is yes. Tito mo rin ako."
"Can you tell me again why you're here?" ani Zeke sa kapatid.
"I need to take a specimen from you and this lovely little girl here for DNA comparison. I'm gonna take it to the lab."
"What the fuck for? I said I'll do it myself."
"I'm just following Mom's order."
"Wow, very commending, little brother. Kelan ka pa naging masunuring anak?"
"Do you want me to stay here longer than I should? All I need is a strand of your hair or a saliva swab," may inilabas itong cotton buds at maliit na plastic upang paglagyan ng specimen na hinihingi nito.
Pagalit na kinuha iyon ni Zeke mula rito.
"Open your mouth, sweetheart," inuna ni Zeke ang anak.
Si Willa ay nakamasid lamang sa lahat ng iyon. Nababasa niya lamang dati ang tungkol sa DNA testing na pinag-uusapan ng mga ito.
Matapos kay Samantha ay bumunot naman ito ng ilang hibla ng buhok sa sarili.
"There. Will you leave now?"
Ngumisi lang ito bago sinambot mula kay Zeke ang dalawang maliit na packet.
"Bye, baby girl," malambing nitong kinuwit ang tongki ng ilong ni Samantha. "I'll see you around, Willa."
Sumama ang hilatsa ng mukha ni Zeke sa huling sinabi ng kapatid.
"I don't wanna see you anywhere near my house, you hear?"
"Loud and clear, brother," patuyang sinaludohan ni Vincent ang kapatid bago nginitian si Willa at tinungo ang pinto.
"Zeke, bakit naman gano'n ang—"
"Not a word, Willa. At huwag na huwag kong malalamang nakikipag-usap ka sa lalaking 'yon, nagkakaintindihan ba tayo?"
Napabuga ng hangin sa bibig si Willa sa kawalan ng maitutugon.
Selos lamang ba ang umiiral kay Zeke kaya ito nagkakaganoon o sadyang may malalim na pinagmumulan ang away ng mga ito?