“W HAT have you found out?” interesadong tanong ni Kurt nang makuha ni Jade ang gustong impormasyon sa security guard. Tumayo at lumapit sa mesa niya.
“Ang trailer na sinasabi ko sa iyo’y kasama sa mga delivery truck na lumabas noong isang gabi. Heto ang record.” i niusog sa harap ng binata ang dokumento. “Ganoon din kagabi.”
“This is legal,” wika nito matapos daanan ng tingin ang DR.
“Yes,” tango ni Jade. “But the record shows that all delivery trailers went out of the compound at quarter past seven.
At karaniwan na talaga’y sa pagitan ng alas-siyete at alas-siyete y media umaalis ang mga truck dahil alas-otso ang lift ng truck ban. They have more or less thirty minutes drive to the toll gate. Seven thirty-five tayo umalis dito kagabi pero nasa loob pa rin ng compound ang trailer.”
“While the record shows that it went out along with the other trucks at the same time,” nagsasalubong ang mga kilay na dagdag ni Kurt.
“Precisely.”
“Meaning?”
Tumuwid ang dalaga. “I don’t know what to think, Kurt. Maybe nothing.”
“Yes. Masyado mong dinidibdib ang trabaho mo, Jade. Relax a little,” payo ng lalaki na naupo sa silya sa harap ng mesa niya.
Nagkalambong ang mga mata ng dalaga at sumandal sa highback chair. “How can you expect me to relax? May nakaambang kidnapping threat sa akin. Nagdududa ako sa operation sa foundry. And I hope you’re right na masyado ko lang sineseryoso ang trabaho ko dahil ayokong bigyan ng pagkakataon ang d addy na bumalik. Maraming taon ang isinakripisyo ng Daddy at ayoko silang ibalik ni Mommy dito.”
“What about Romano? Hindi ba siya ang dapat na nasa posisyon mo ngayon?” naiiritang tanong nito. Ano ang ginagawa ng lalaking iyon sa Amerika?
“He will assume his position in his own good times, Kurt.” b ahagyang naningkit ang mga mata niya sa tono ng lalaki patungkol kay Romano. “Tinutulungan ako ni Romano. Pero ang importante sa lahat, I don’t want to fail both my family and my twin brother.”
Tumayo ang lalaki. Yumuko at muling itinaas ang mukha niya. “You worry the office, boss, and let me take care of the kidnapping-threat part, okay?”
“Kurt...” she whispered.
Mabilis na pinakawalan ng lalaki ang baba niya. “What?” he snapped, not liking the sound of her voice. He didn’t like the way she was gazing at him either.
“Will you kiss me?” she asked boldly.
“No!” mabilis na sagot ni Kurt na tila ba nahuhulaan nitong iyon ang sasabihin niya. “Despite the strong facade, I know you’re worried. With the threats and all that. And the responsibility that you are taking so unnecessarily at heart. And you’re vulnerable right now. But don’t use me, Jade,” wika nito sa mapanganib at nagagalit na tono.
Umikot ang mga mata ng dalaga. It was an outright rejection. Wala siyang natatandaang may lalaking ni-reject siya sa mga slight flirtation niya kahit na ano pa ang motibo niya. Kahit pa sabihing ginagamit lang niya ang mga ito.
“Alright.” m uli siyang sumandal. Hinagod ang sentido para sa isang imaginary headache and closed her eyes. “Maybe you’re right. I’m vulnerable and I’m worried. And I need a date. I’ve been without a date since I came back.”
Naniningkit ang mga matang tinitigan siya ng lalaki. Pagkatapos ay walang kibong lumabas ng silid.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga nang mapag-isa na lang. Dinampot ang telepono at may tinawagan.
“Hi, Bradley...”
“Jade!” bulalas ng lalaki sa kabilang linya. “Saan galing ang tawag na ito? Narito ka at ngayon mo lang ako tinawagan?”
Natawa si Jade sa eksaheradong pagtatampo sa tinig ng binata. “I’ll see you Friday night. Sa Rock Cafe. Eight sharp.”
ALAS-DOS ng hapon ang palitan ng shifting ng mga guwardiya. Agad na kinausap ni Kurt si Perez. Napag-alaman nitong sinamaan ng tiyan ang guwardiya at paroon at parito sa men’s room. Pinayuhan ito ng foundry supervisor na huwag na munang lumabas ng guard’s lounge at ayusin ang sarili. Na tatawagin na lang muna nito ang isang guwardiya sa main gate upang halinhan ito sandali.
Subalit napag-alaman din ni Kurt na hindi ito pinalitan ng isa sa dalawang kasamahang nakatoka sa main gate. Malalim na nag-isip ang lalaki bagaman hindi nito ipinaalam kay Jade ang natuklasan. Maaaring wala namang kabagay-bagay iyon.
ALAS-SIYETE y media ng gabi. Nasa itaas pa rin si Jade. Kumakalam na ang sikmura ni Kurt. Naiinis na lumabas ito ng opisina at pumanhik sa opisina ng dalaga.
Nasa kalagitnaan siya ng hagdan nang mamatay ang buong ilaw sa building. Mula sa salamin sa bintana malapit sa may hagdan ay madilim din sa labas. Dinalawang hakbang niya ang bawat baitang papanhik sa second floor at sa opisina ng dalaga.
Sanay ito sa dilim at hindi naging mahirap ang pagtunton sa pinto ng private office ni Jade. Nabunggo pa nito ang dalagang nasa aktong palabas sa may pinto.
“Kurt! Ano ang nangyari? Brownout ba?”
“Get inside, hurry!” Halos itulak nito papasok ang dalaga. “And how do you lock this damned door and building entrance?”
“Madilim...” bulong ni Jade na nabangga ang isang swivel chair. Muntik na siyang matumba kung hindi siya nahawakan ni Kurt sa braso. Inilabas ng binata ang lighter at sinindihan.
“Makikita mo ba ang mga buton sa liwanag na ito?” Hinila siya nito patungo sa mesa niya.
“Maliwanag na iyan,” aniya na kinapa ang remote control sa drawer na magbababa sa mga bakal sa stairs entrance patungo sa second floor at rooftop.
Ganoon din sa mga firescape at sa mga bintanang salamin sa loob ng silid. Ilang sandali pa’y maririnig na ang pagbababa ng mga bakal sa labas, at sa mga bintana sa firescapes.
“Who knows about these controls maliban sa pamilya?”
“No one. Not even my Dad’s former and trusted secretary. Brownout lang ito, Kurt,” aniya na ang balak ay buksan ang mga salamin sa bintana.
“Huwag kang magbubukas ng bintana!” babala ni Kurt at hinila siya pabalik.
“What’s wrong with you? Isang simpleng brownout lang ito,” naguguluhang wika ng dalaga. “Nandito tayo sa loob ng compound. No one can hurt me here, heaven’s sake!” angil niya sa overprotectiveness ng lalaki.
“Mabuti na iyong nag-iingat, Jade.” h umakbang ito patungo sa bintana.
Sinundan niya ng tingin sa dilim ang lalaki nang biglang may naisip. “B-bakit hindi gumana ang mga generator? Automatic ang mga iyon?”
Mula sa gilid ng bintanang salamin ay hinawi ni Kurt ang blinds. Tinanaw ang buong baryo. “Sa compound lang walang ilaw.”
“Could be fault wiring,” rason niya. “What about the generators? Can’t we call someone to check on it?” Bago pa makasagot si Kurt ay kinapa na ng dalaga ang telepono. “Pakisindihan mo ang lighter mo at tatawagan ko ang mga security guard sa gate.” i nangat niya ang phone mula sa lagayan nito subalit patay ang linya. “Walang linya!” bulalas ni Jade. Inangat ang private line subalit ganoon din. Nagsimulang bumangon ang kaba sa dibdib niya. “Paano nating tatawagan ang mga guwardiya? May tao pa ba sa foundry? Ano ang nangyayari?” Nagpa-panic na ang tinig niya.
“Will you be quite!” singhal ni Kurt sa pabulong na paraan. Hinugot ang two-radio sa baywang ng maong. “This is eagle one, come in...” tawag ng lalaki. Paulit-ulit. Subalit static ng linya lang ang maririnig. “Damn!”
“W-what’s going on, Kurt?” Napaupo siya sa swivel chair. On instinct ay binuksan ang kanang drawer at mula roon ay inilabas ang baril ng ama.
“Alam mo bang gamitin iyan?” tanong ni Kurt sa kanya na nahulaan kung ano ang kinuha niya sa drawer.
“W-we were all trained to use this mula pa noong mga teenager kami,” wika niya na humigpit ang hawak sa baril.
“Good,” ani Kurt na humakbang patungo sa pinto. “Buksan mo nang kaunti ang pintuang bakal sa hagdan at titingnan ko ang mga tauhan ko sa gate,” wika nito, sabay bukas sa pinto ng opisina.
“No!” Napatayo si Jade. Mula sa gahiblang liwanag na nanggagaling sa poste sa labas ng compound ay mabilis niyang nalapitan ang lalaki. “Baka mapahamak ka. Madilim at hindi mo alam kung ano ang naghihintay sa iyo sa ibaba.”
Hindi malaman ni Kurt kung matatawa o maiinis. “Believe me, Jade. I’d been in a far more dangerous situations than this one. Hindi mo kayang isipin kung gaano kamapanganib. I’ll be fine, okay?”
“No,” mariing sagot niya. Wala sa loob na humawak sa kuwelyo ng lalaki. “You’re being paid para bantayan ako. At inuutusan kitang manatili rito sa tabi ko!”
Umikot ang mga mata ni Kurt na napatingala sa madilim na kisame. Pagkatapos ay bumaba ang mga kamay sa baywang niya at isinandal siya sa panel ng pinto. Nararamdaman nito ang takot ng dalaga.
“Hindi tayo makakaalis ng compound kung hindi ako bababa, Jade...” he said thickly. Ang buong pansin ay nasa malambot at mabangong katawan ni Jade. Nagkamali itong hawakan ang dalaga.
“Ayoko! Hindi mo ako iiwan sa dilim na ito!” Humigpit ang hawak niya sa lapel ng polo shirt ni Kurt. At akma pa siyang magpoprotesta nang maramdaman ang paghinga ng binata sa mukha niya at pagkatapos ay ang mga labi nito sa mga labi niya.
It was a kiss that meant to silence her. Nagkabisa dahil kumalma si Jade at na-shock sa epekto ng halik na iyon. Higit na bumilis ang pintig ng dibdib niya kaysa kanina sa takot na baka makapanhik ang mga kalaban.
When she moaned and kissed him back ay iglap siyang binitiwan ni Kurt. Lumingon sa may mahabang pasilyo.
“May mga tao sa hagdanan...” bulong nito... anger in his voice. Higit na naapektuhan sa ginawa... sa pagkakamaling ginawa. “Stay here...”
Napasandal sa pinto si Jade at pumikit. Hindi sa mga tao sa kabila ng accordion steel ang nasa isip kundi sa mga labing umangkin sa mga labi niya kani-kanina lang.
Minumura ni Kurt ang sarili habang walang ingay na lumalapit sa may hagdanan.
He shouldn’t have kissed her! Isa iyon sa mga pagkakamaling ginawa niya.
Nasa tapat na siya ng accordion door nang marinig ang anasan mula sa kabilang bahagi.
Marahil ay lima o apat na tao. Ang tantiya nito base sa bulungan ng mga ito na nauwi sa pagmumura nang malamang hindi sila makapapasok. Mabilis itong bumalik sa opisina. Naroon pa rin si Jade at nakasandal sa pinto.
“Gaano katibay ang pintuang bakal na iyan?” tanong nito.
“Gawa iyan sa high grade steel. The finest Kristine Steel can produce...” pagmamalaki niya sa kabila ng lahat.
“Tinatablan ng bala?”
“Laser, puwede pa. Kung baril, magsasayang lang sila ng oras. Besides, remote control ang lock niyan.”
“What about acetylene?”
“N-no!” Walang tinig halos na lumabas sa bibig niya. “M–mayroon niyon sa foundry. Marami!” Tuluyan nang bumigay ang tinig ng dalaga.
“Calm down, Jade!” muling singhal ni Kurt sa kanya. “They can’t hurt you, I promise.”
“Madilim, Kurt. Mas gusto kong nakikita ko ang kalaban. Kaya ko silang patamaan ng baril...”
“Iyon ang advantage natin... ang dilim.” Natitiyak nitong kabisado ng mga tao ang buong pabrika. Hindi nga lamang marahil inaasahang may pintuang bakal na haharang sa kanilang pagpanhik. At natitiyak nitong nagpapakuha na ito ng acetelyne sa foundry.
Mula sa building ay tatlong minuto ang pagtungo sa foundry kung tatakbuhin iyon. Sampung minuto pabalik dahil may dala na itong mabigat. More or less sampung minuto bago makagawa ang mga ito ng butas sa bakal na mapapasukan.
Hinawakan nito sa braso si Jade at hinila upang maisara ang pinto. Pagkatapos ay nagmamadaling tinungo ang bintana. Sinipat sa dilim ang mga taong maaaring magpunta sa foundry. Mabanaag man niya’y hindi niya mapapatamaan ang mga iyon sa dilim sa ibaba.
Magsasayang lang siya ng mahalagang bala.
“Walang pinakamabuting gawin kundi ang abangan ko ang pagbubukas nila ng gate, Jade,” wika nito.
“Oh, god!” nanlulumong napaupo ang dalaga. Nang biglang may maisip. “Kurt...”
“What?”
“May chopper sa rooftop. I can fly it!” nagkapag-asang wika niya sabay tayo.
Napabuntong-hininga nang pagalit si Kurt. “At sa paanong paraan sa palagay mo tayo papanhik sa rooftop gayong nakababa ang mga gate sa hagdan?”
Hindi siya kumibo at ini-lock ang pinto sa silid ng ama. Pagkatapos ay hinawakan sa braso ang lalaki at hinila patungo sa bookshelves.
“Sindihan mo ang lighter mo,” utos niya.
Nagtatakang sumunod si Kurt. Bahagyang lumiwanag sa paligid. Kinuha niya ang lighter mula rito.
“Tulungan mo akong itulak ang bookshelves na ito. May daan patungo sa itaas.”
“Interesting! Paanong naisip ng daddy mo ito?” Gustong matawa ng lalaki.
“Boredom.” s a pagkakataong iyon ay may amusement na sa tinig niya. “Dad was so bored working in this four-walled box. This used to be a one-floor building. Nang lumaki at mag-expand ang kompanya ay ang d addy ang nag-design ng second floor plan, and he thought about this simply because he was bored.
“Ikinaaliw niyang idisenyo ang pintong ito patungo sa helipad hindi sa kadahilanang baka may kumidnap sa akin. He was a frustrated architect. He only took l aw dahil sa pansariling dahilan. What surprised us all ay hindi niya ginamit kahit minsan ang pintong ito. Sa halip ay nagpalagay ng bookshelves...”
Jade heard him chuckled. His voice vibrated in the dark. “He could have forseen that this door would be of great use to his daughter.” Itinulak nito ang bookshelves na de-gulong. Nahantad ang pintong makitid lang nang kaunti sa bookshelves. Pinihit ni Jade ang doorknob at itinulak pabukas at pumasok.
“Isara mo uli,” utos niya at nagpatiunang pumanhik. Sa likod niya’y narinig niya uli ang tawa ni Kurt.
“Parang horror movies, may secret door pa,” naaaliw na wika ni Kurt. “Napaka-kill joy mo, Jade. It would have thrilled me to face those bastards at paulanan sila ng bala.”
“I don’t know what to make of you, Kurt,” naiiling niyang sagot. “You are treating this as a joke... a game.” Nasa itaas na sila ng helipad. Tinakbo niya ang chopper. “Halika na!”
“Go ahead,” utos ni Kurt. Mahangin at maliwanag sa itaas mula sa sinag ng buwan. “I-warm up mo ang makina.” Lumakad siya patungo sa sementadong pader na hanggang baywang. Sinipat mula roon ang dalawang lalaking inutusan patungo sa foundry. Hindi niya ito maaninag mula sa kinalalagyan niya.
May dinukot sa bulsa ng maong ang lalaki. Inalis ang takip at inihagis sa ere. Mula roon ay kumislap na tila lusis ang inihagis. Nagliwanag ang ibaba.
Dalawang magkasunod na putok ang pumailanlang at bumagsak sa baldosa ang may hawak ng cart ng acetelyne at ang kasama nito. Mga putok na hindi narinig ni Jade dahil umaandar na ang chopper. Subalit nakita ng dalaga ang sandaling liwanag.
“Kurt, what was that!” tili ni Jade mula sa pilot seat.
“A warning that they don’t scare me...” bulong ng lalaki sa sarili. Ibinalik sa loob ng boots ang baril at patakbong tinungo ang chopper paikot sa pilot seat.
“Move over, lady. I’ll fly this thing.”
“What?”
“Sa lupa, okay lang kung ikaw ang mag-drive ng kotse. But not on air,” wika nito na bahagyang ngumisi.
Walang kibong lumipat sa katabing upuan ang dalaga. Iniabot ang headset dito nang sumakay ito.
“Where did you learn to fly?” tanong niya nang nasa itaas na sila matapos ang isang deadly exhibition.
Nagkibit ng mga balikat si Kurt. Hindi sumagot. Ginamit ang radio ng chopper para makipag-communicate kay Bernard.