N AGISING siya sa pagbukas ng pinto. Pero pinili niyang huwag magmulat ng mga mata. She curled her body at inabot ang unan sa tabi and hugged it.
“Hmn... you left your scent on my pillow...” she whispered sleepily.
“Wake up, Jade.” m ay banayad na iritasyon sa tinig nito. He didn’t mean to. In fact, he wants to join her in bed the whole day and make love. “Ala-una na ng hapon. Ang mga katulong sa ibaba’y nagtataka na kung bakit tulog ka pa.”
Mabilis siyang nagmulat ng mga mata. Ala-una na ng hapon! Hindi niya akalaing ang puyat at ang nangyari kaninang madaling-araw ay magpahapon ng gising sa kanya.
At kung hindi sumungaw si Kurt ay hindi siya gigising.
Subalit ang masamang tono ni Kurt ay nagpadikit ng mga kilay niya.“Good morning, Kurt,” sarkastikong bati niya, yakap pa rin ang unan, “and I’m sorry,” eksaheradong hingi niya ng paumanhin. “The next time we f— make love, titiyakin kong magigising ako nang maaga!” Nagagalit siya pero nang maisip ang nangyari sa kanila’y muling dumaloy ang mainit na likido sa katawan niya pababa.
“There will be no next time!” Naningkit ang mga mata ni Kurt.
Nakita nito ang iglap na kislap sa mga mata ni Jade. At alam nito kung bakit. Lihim itong napamura. Hindi nito inaasahang magre-react na naman ang katawan pagkakita sa dalaga ngayon.
Her tousled hair all over her bare shoulders. And yet so beautiful. She looks soft and warm. But her lips are swollen na ikinapagdikit ng mga kilay nito.
Lalo pang lumalim ang kunot ng noo ng lalaki nang mapuna ang mga balikat at dibdib niya. Mabilis na lumapit sa kama at hinatak ang kumot na nakatabing sa katawan ni Jade.
“Oh, hell!” mura nito kasabay ng pagpikit at pagtingala. Inihilamos ang kamay sa mukha.
She was battered all over. Even her lips and the line of her jaws are vandalized.
Niyuko uli nito ang dalaga. Ininspeksiyon ang katawan. “Why do you have to bruise so easily?” tila naguguluhang sabi nito para sa sarili.
Nawala ang inis ni Jade sa anyo ng lalaki. Ang arogante niyang bodyguard ay tila hindi malaman ang gagawin dahil lang nakahantad sa katawan niya ang bakas ng ginawa nila kagabi. Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya. Lalong nagdikit ang mga kilay ng lalaki.
“Ano ang nakakatawa!” singhal nito.
Nagkibit siya ng mga balikat at bumangon. Uncaring if she was naked. She enjoyed watching his face habang pinagmamasdan ang tila mga bakas ng bugbog sa buong katawan niya. She heard his controlled groan. At alam niya rin kung bakit. Alam na niyang gamitin ang sariling katawan dito sa disimuladong paraan.
“And what are you so angry about, Kurt?” she asked softly. Taking her time reaching for her robe.
Hindi agad makasagot si Kurt. Napatingala at humugot ng malalim na buntong-hininga. Wala siyang natatandaang babaeng nagpabangon ng pagnanasa niya matapos niyang masiyahan sa pagniniig nila nang sinundang gabi.
Not even Ellaine.
Pero hindi niya maipaliwanag ang arousal niya kahit na nasa ibaba siya at nagtatrabaho. Habang may kausap siya sa telepono’y ang bahagi ng isip niya’y nasa babaeng katalik kaninang madaling-araw.
Ang uri ng trabaho niya sa CIA ay hindi nangangailangan ng conflict mula sa isang babae. Pero hindi na siya natuto. Sa ikalawang pagkakataon, he allowed a woman to control his better judgment. Mas matindi pa kaysa kay Ellaine.
Ellaine controlled only his heart once. Iyon ay sa mga unang buwan ng pagsasama nila. Ang babaeng ito’y mukhang hawak na pati isip at katawan niya.
“Have you called the office?” pukaw ni Jade sa paglalakbay ng isip ng lalaki, itinatali nito ang sash ng roba. Pagkatapos ay itinaas ang buhok pahawi mula sa leeg at dinampot ang clip sa tokador at inipit ang buhok.
Kurt watched her with something undefinable in her eyes.
She’s so lovely.
“Yes.” He made a gurgling sound at inalis ang mga mata sa kanya. “Kanina pa ako dapat na nagpunta roon. Hindi ko lang magawang iwan kang mag-isa dito.” Naroon pa rin ang galit sa tono nito. Pagkatapos ay muli siyang tinitigan... muli ring nag-iba ang ekspresyon ng mukha. “Do... you think you can come to the office today?”
Ngumiti si Jade. “Kung ang tanong na iyan ay dahil kahit paano’y naiisip mong baka hindi ko kaya ay nagpapasalamat ako, Kurt. And yes, sasama ako sa iyo sa opisina. Maliligo lang ako. Give me fifteen minutes and I’ll join you downstairs.”
“Paano mong... maitatago ang mga...” h e rolled his eyes. Sa kauna-unahang pagkakataon, tinatakasan ang utak nito ng tamang sasabihin.
Lumalim ang ngiti ni Jade. “Kung sasabihin ko sa iyong kaya kong itago ang mga love bites at marks mo, Dracula.” s he almost giggled. “...will you kiss me good morning?”
Isang matalim na tingin ang sagot ni Kurt sa kanya bago ito lumabas ng silid. Naririnig pa nito ang tila musikang tawa ng dalaga na lalong nagpadagdag sa inis nito.
“Tease. Bitch. Whore.”
“She isn’t a whore, Kurt. Higit mong alam ngayon iyon. A tease perhaps. A subtle and expensive tease. She was so vulnerable the last few days and you took advantage. More than anybody else, alam mo iyon. Wala ang mga magulang niya. She was so scared that she even offered to pay you para lang hagkan at yakapin siya.”
“Dammit, but she wanted me!”
“She wasn’t asking for sex, alam mo iyon. It was human compassion she wanted. But you can’t give it to her because you are a bastard. Nabubuhay ka sa nakaraan. Sa halip, you f—ed her! And you ruined her, Kurt!”
“Hell! This isn’t the Victorian era where virginity is important. His future husband definitely would not expect her to be a virgin. Sa uri ng sosyedad na ginagalawan niya, sino ang mag-iisip niyon?”
“Siguro nga. Pero ikaw, hindi mo ba gustong aminin sa sarili mo na sa una mo pa lang pagkakita sa kanya almost three years ago ay nag-iba na ang mundo mo? Ang magulo mong mundo?”
“Na pinagulo niyang lalo! Women are pain in the ass!”
“Really? Katulad ba siya ni Elizabeth? o ni Ellaine kaya?”
Shit! Sinipa niya ang balustre ng hagdanan. Nagulat pa ang katulong na tumingala. Bahagyang kinabahan.
“Ihanda mo ang almusal ng senyorita mo,” utos niya rito.
Mabilis na tumango ang katulong at bumalik sa kusina.
BLACK stockings in beige high-heeled shoes, long sleeves cream tailored suit, and a very expensive printed silk scarf around her neck. Ang buhok ay naka -f rench bun. Pino ang makeup. Bahagyang natakpan ang pangangasul ng jawlines niya.
Her bruised lips were covered with brown-plum matte lipstick and a lip liner that made her lips pout. Her scent is assaulting his senses.
“Have I done a very good job?” nakangiting tanong ng dalaga. Nanunukso ang tinig.
Hindi kumibo si Kurt. Nakatiim lang ang mukha at seryoso sa pagda-drive ng sports car ng dalaga. He hated her all the more. Parang balewala kay Jade ang lahat. Nakangiti pang lagi at nanunukso.
Samantalang siya’y pinahihirapan ng pagnanasa niya. Habang nadadaanan niya ng tingin ang mga kakahuyan sa tabi ng expressway ay para bang gusto niyang dalhin doon ang dalaga and f—k her to his heart’s content.
Why, you’re really a crude bastard, man!
“Hindi mo na ako sinagot, Kurt...” untag ni Jade sa pananahimik niya.
“Don’t fish for compliment, Jade,” he snapped. “Alam mo ang sagot doon.”
“Mahirap ba para sa iyong sabihin iyon, Kurt?” she asked softly. “Women need to be complimented once in a while...”
Matagal bago kumibo si Kurt. Isang buntong-hininga ang binitiwan nito bago nilingon siya. He raised his hand and brushed her jaw with his knuckle.
“Have I really hurt you?”
Jade controlled her gasped. Hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin ng lalaki. Hindi iyon ang hinihingi niya mula rito. And yet, tinatanong siya nito kung nasaktan siya. At ang gentleness sa tinig nito’y halos nagpamuo ng mga luha sa mga mata niya.
She swallowed a lump in her throat and smile. “A... a little,” wika niya sa gumagaralgal na tinig. “But you compensated for that, Kurt.”
“I should have been gentle, Jade...” dugtong nito at nakita niya ang paggalaw ng muscles sa mukha nito habang nakatuon sa daan ang mga mata.
“Yes, you should have. But you were in a very strange way.”
Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki na nilingon siya. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“I can’t explain.” Nginitian niya ito.
Paano niyang ipaliliwanag sa lalaki na nararamdaman niyang sa likod ng kagaspangang ipinakikita nito sa lahat ng pagkakataon ay isang banayad at mapag-alalang tao?
Hindi niya maipaliwanag iyon dahil kahit paano’y nasa dibdib ang alinlangang paano kung mali pala siya?
“And it was wonderful, Kurt. And I never thought it could be like that...” h er eyes shining.
And a white heat flowed her body sa alaala ng pinagsaluhan nila.
“It was sex. Plain and simple. We screwed. No big deal. Kaya hindi kailangang kumislap na tila bituin ang mga mata mo.” Muling bumalik ang contempt sa tinig nito.
Huminga siya nang malalim. “Why do you take such delight in being rude to me? Maybe there’s a deep psychological reason somewhere...” m ay himig ng galit sa tinig niya.
Hindi sumagot si Kurt at nagpatuloy sa pagmamaneho. Matagal uling katahimikan bago ito muling nagsalita.
“What do you expect from me, Jade?”
“What do you want me to expect from you?”
“I asked first.”
“What can you give, Kurt?”
“Nothing,” he hissed.
“So nothing.”
“I... f—”
“So you f—ed me.” i tinuloy niya ang sinabi nito. She saw him winced a little sa paggamit niya sa salita nito. “Hindi ako ang kauna-unahang babaeng nakasama mo sa kama, `di ba? So why bother now?”
“Aren’t you bothered?”
“If you aren’t, bakit ako?”
“I initiated you. Who would be next?” h indi napuna ni Kurt na natapakan nito nang mariin ang accelerator sa sinabing iyon at bumilis sila.
Muntik na niyang masuro ang nasa unahang sasakyan kung hindi mabilis nitong nailihis ang sports car at namaniobra uli sa kabilang linya.
Wearily, isinandal ni Jade ang ulo sa headrest.
“Damn you, sumagot ka!” singhal nito sa kanya.
“Gusto kong magalit sa iyo, Kurt, alam mo ba iyon?” wika niya rito sa bahagyang mataas na tono. “But I wouldn’t waste my breath. Walang silbi. Nakilala kitang ganyan at tinatanggap kitang ganyan. Hindi ko alam kung ano ang dahilan at ganyan na lamang ang tingin mo sa aming mga babae... in general.
“Pero gusto kong sabihin sa iyo na kung mayroon mang susunod sa inumpisahan natin...” h uminto siya sandali sa bahaging iyon. Tumanaw sa labas ng bintana. “I still want it to be you,” she said softly... so softly na hindi siya nakatitiyak kung narinig ng lalaki.
Isang paismid na buntong-hininga ang pinakawalan ni Kurt. “Iisa naman ang sinasabi ninyong mga babae, `di ba? But the moment we turned our back, naroon na agad ang reserba.”
Naniningkit ang mga matang nilingon ito ni Jade. “Tinanong mo ako, sinagot kita. Hindi ko ipinipilit sa iyong maniwala ka. At kung sasabihin ko sa iyo ngayong mahal kita, lalo ka nang hindi maniniwala, `di ba?”
“Yes!” He gritted his teeth furiously.
“O, di paniwalaan mo ang gusto mo. Isipin mong sa susunod na araw ay si Bradley naman ang kasama ko sa kama,” she taunted.
“Bitch!”
Itinaas ni Jade ang mga kamay sa ere. “Let’s stop this conversation dahil nagsasayang lang tayo ng hininga. Sa halip, bakit hindi mo ihinto sa damuhan ang sasakyan and let’s f—k to our hearts’ content, you miserable bastard!” galit niyang sabi. “At least, sa bagay na iyon hindi siguro tayo nagtatalo.”
Sa gulat ni Jade ay bumunghalit ng tawa si Kurt. His laughter vibrated around the corners of her car.
Bahagya itong huminto ng tawa nang mapatapat sa toll gate at magbayad ng toll fee. He was still shaking with laughter nang balingan siya.
“I wonder why we have the same thoughts,” nakangisi nitong sabi. “Hindi bagay sa iyo ang ganoong salita, Jade.” n agmenor ito at kinabig siya. “Let me give you that kiss you were asking for this morning.”
At sa pagkamangha pa rin niya’y isang mariing halik ang ginawa ni Kurt. It was so carnal na gusto niyang tumagal pa iyon pero agad siyang binitiwan nito.
His eyes twinkling.
At nagugulat siya sa pag-iibang anyo nito sa paghalakhak na iyon. He seemed younger and less formidable.
What a complex man.
“Napanood mo ba ang Chase ?” tanong niya rito makalipas ang ilang sandali.
“I haven’t had the time for movies, Jade. Why?”
Nagkibit siya ng mga balikat. “Iniisip ko lang kung posibleng mag-make love sa kotse habang tumatakbo ito...”
Nangunot ang noong nilingon siya ni Kurt.
“Gloria Swanson made love to Charlie Sheen while he’s driving her BMW...”
Umungol si Kurt at humagalpak siya ng tawa. So unlady like that Kurt smiled back.