H INDI alam ni Kurt kung kayang ibigay ng ibang babae ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. He raised his face and gazed at her.
Her eyes closed. Namumula ang mukha sanhi ng tumutubong balbas niya. Her lips swollen from his kisses. They’re parted a little sa banayad na pagbabawi ng paghinga. Subalit sa kabuuan ay tahimik ang mukha ng dalaga.
How could he let her go?
DAPAT ay umalis na siya. Dahil pagkatapos ng mainit na sandali’y hindi na muling nagsalita si Kurt. Walang kibo nitong iniabot ang mga gamit niya sa kanya at pagkatapos ay dinampot ang sariling damit at nagbihis.
Naupong muli sa silya at nagsindi ng sigarilyo. Nakatitig sa kisame.
Tahimik niyang inayos ang sarili. Nasa pagitan ng galit at sama ng loob ang damdamin. Pero ano ang mangyayari kung magagalit siya? Siya ang nagpunta rito. Siya ang tanga.
Pero umaasa siyang sa pakikipagkita niya kay Kurt ay makadarama siya ng kahit kaunting pahiwatig na mahal din siya nito.
But the way it is, para dito ay isa lang siyang sexual object.
“Tell me about yourself,” aniya sa tinig na hindi halos marinig. “May karapatan akong malaman iyon kahit paano, `di ba?”
“What do you want to know?” malamig nitong sabi, hindi nag-aangat ng mukha. He heard the sob in her voice it made him ache.
“Pasubalian mo ang mga sinabi ng Daddy at Uncle Bernard tungkol sa iyo...”
Mapait na ngumiti ang lalaki. “Kung ano ang sinabi nila’y iyon na, Jade. Walang kailangang sabihin.”
“Gusto kong marinig ang lahat mula sa iyo, Kurt...”
“Then what?” singhal nito. Muling nagbuga ng manipis na usok sa ere.
“I’ll believe you.”
Humarap si Kurt at malisyosong tumawa. “Because I can give you a real good f...k kaya maniniwala ka sa akin?”
Huminga nang malalim si Jade. Inipong lahat ang kontrol upang huwag sumabog sa galit.
“You’re everything a woman despise, Kurt. At hindi ko maintindihan kung ano ang nakita ko sa iyo at hindi ko mapairal ang matinong kaisipan. But I won’t beg for your attention. Ito ang huli kong pakikipagkita sa iyo. And if you... if you want me...” n aroon ang walang kasiguruhan sa tinig niya sa bahaging iyon ng sinasabi.
Nagyuko siya ng ulo at humugot ng malalim na paghinga kaya hindi niya nakita ang pagguhit ng sakit sa mga mata ng lalaki.
She composed herself again and raised her chin. “If you want me... really want me. Hindi dahil sa sex. It should be deeper than that...”
“Like I love you?”
“Yes,” she whispered. “At alam mo kung saan ako naroroon. Ipinakikipaglaban kita sa pamilya ko. Give your worth.” t umayo na siya. Dinampot ang shoulder bag sa sahig.
“What if I’d really been a traitor?”
Nahinto sa pagbubukas ng louver door si Jade. Nilingon ang lalaki. Wala kahit na anong ekspresyon sa mukha nito.
“Were you?”
“Paano kung ganoon nga?”
Huminga siya nang malalim. “There must be some reason. Pero natitiyak kong hindi dahil sa pera.” h umayon ang mga mata niya sa walang lamang desk.
Sandaling nag-init ang pakiramdam sa kaisipang kani-kanina lang ay ibinigay sa kanya ni Kurt ang walang pangalang kasiyahan. That again, she almost fainted. Agad niyang itinaboy sa isip iyon.
Sa ilalim ng glass top ay ang tsekeng hati sa gitna ng Uncle Bernard niya. Ang halagang nakalagay roon ay maaari nang magpaalwan sa buhay ninuman hanggang sa mamatay. Pero hindi pinag-interesan ng lalaki iyon.
“I’m willing to put your past behind us, Kurt. If you will. And if you...” love me. Pero hindi niya tinapos iyon. Tumalikod at tuloy-tuloy na lumabas.
THERE goes one woman he really have learned to love so deeply. So classy, so beautiful, so much finesse. He played dirty sex with her upang kasuklaman siya nito. Pero hindi niya nakita kay Jade ang inaasahan. She maintained her cool and her pride.
Ano ang gagawin ni Jade sa buhay niya? He has nothing to offer her maliban sa isang nakaraan at pagkataong maaaring kasuklaman ng dalaga.
He was hurting inside. Pero higit na masakit na mawala si Jade sa sandaling malaman nito ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya. Mas masakit sa damdamin kung makikita niya sa mukha ng dalaga ang pandidiri sa kanya.
Kaya niyang ipagtanggol ang sarili sa maling paniniwala ng ibang tao. Pero hindi iyon ang mahalaga sa lahat. Paano kung hindi kayang tanggapin ni Jade ang pagkatao niya tulad ni Ellaine?
And dammit! Hindi siya gumamit ng kahit na anong protection sa dalawang beses niyang pakikipagtalik sa dalaga! Hindi niya kailanman nalilimutan iyon. Paano kung magbunga ang mga kapusukan niya?
Would she hate his child?
SA LABAS ay napayupyop sa dingding ng elevator si Jade. Hindi mapigil ang pag-iyak. Kailangan niyang ikalma ang sarili bago bumaba. Hindi siya makakapag-drive nang ganito. She didn’t care if she die pero pananagutan niya kung makakasakit siya sa daan.
Nagitla pa siya nang may humawak sa mga balikat niya.
“Bakit ka umiiyak, ineng...?”
Mabilis na pinahid ni Jade ang mga luha. Ang nasa harap niya’y isang matandang babae. Marahil ay nasa setenta ang edad.
“Teka...” s inipat siya nito. “Hindi ka empleyado ng agency, ano?”
Umiling ang dalaga. Hindi makuhang magsalita. Nagsisikip pa rin ang dibdib niya.
“Parang nakita na kita...” m uli siya nitong sinipat. Hinagod ng tingin ang buong mukha niya. “Oo nga. Ikaw iyong larawang nasa folder ni Kurt. Iyong babaeng sabi niya’y may nagtatangkang kumidnap. Ikaw nga ba iyon?”
Tumango siya. “A-ako po si... Jade de Silva...”
“Oo nga.” t umango-tango ang matanda. “Ang pamangkin ni Bernard Fortalejo...”
“K-kilala ninyo ang tiyo ko?”
“Aba’y oo, Ineng. Pero bakit ka nga pala umiiyak dine?” Lumingon ito sa nakasarang pinto ng opisina. “Naroon pa si Kurt, ano? Siya ang nagpaiyak sa iyo?”
Nag-alis siya ng bara ng lalamunan. Hinawakan siya sa kamay at hinila. “Tara sa loob at uminom ka kahit kape...”
Tatanggi sana siya dahil hindi niya gustong magbalik sa loob ng opisina subalit iba ang tinatahak ng matanda. Mahaba ang pasilyo at puro dingding ang nakikita niya. Nang sa pagliko nila sa kanan ay matanaw niya ang isang malaking pinto.
“Pumasok ka, ineng...” b inuksan ng matanda ang pinto at pinapasok siya. “Ako si Alejandra. Puwede mo akong tawaging Inang. Iyan ang tawag ng mga empleyado sa akin maliban sa apo ko na paminsan-minsa’y Grandmere ang taguri sa akin.”
Hindi niya kilala ang matanda at ang apong sinasabi nito. Nag-aatubili siyang sumama dahil hindi niya gustong tanggihan ito. Wala sa loob siyang pumasok.
Isang maluwang at maayos na kabahayan ang natambad sa kanya. Wood parquet ang makintab na sahig. May mga rug sa dakong kung saan dapat na mayroon.
Sa gitna ng center table ng malambot na sala set, sa ilalim ng chrome dining table na apatan at may magagandang upuan na yari sa polished wood and rattan.
She admired the kitchen. Lahat ay pre-fabricated at maaaring kalasin kung gugustuhin. Typical American apartment.
Ang kasangkapan sa bahay na iyon ay yaon lamang kailangan. Hindi cluttered. One could easily assumed na isa itong bachelor’s apartment.
Agad ang pagpasok sa isip ng hinala. Apartment ni Kurt ang pinasok niya! She was about to say goodbye nang hawakan siya ng matanda sa braso at akayin sa sofa.
“Maupo ka, ineng, habang ipinagtitimpla kita ng masarap na kape. Kapeng barako at may kaunting krema at asukal lamang. Yaong lasang-lasa mo ang primera klaseng kape,” wika ng matanda na lumakad na patungo sa kusina.
Pinagmasdan niya ang pagsalang nito ng percolator sa built-in stove matapos salinan ng kape ang ibabaw ng percolator.
Matanda na subalit maliksi pa ring kumilos ang matanda. Kumuha ito ng platito at tasa sa pre-fab pantry at dinala sa mesa. Bumalik sa stove at binuksan ang oven. Mula roon ay isang f rench bread ang kinuha at dinala sa mesa.
“Paborito ni Kurt ang tinapay na ito, hija,” nakangiting tanaw ng matanda sa kanya. “Kaya niyang kainin ang isang buo nito at isawsaw sa kapeng barako.”
Wala siyang alam isagot. Hiniwa nito ang f rench bread at inilagay sa isang maliit at pahabang bandeha. Tumayo siya at humakbang patungo sa kusina. Itinuon ang mga mata sa nagpe-percolate na kape sa glass ng stainless pitcher.
Hinila niya ang upuan at naupo.
“Kay puti-puti mo, ineng,” wika ng matanda at pinatay ang kalan. Kinuha ang percolator at nagsalin ng kape sa tasa niya. Pagkatapos ay kinuha ang coffee creamer at nilagyan ang tasa. “Para kang krema sa kaputian. Kremang kapag inihalo mo sa kapeng barako’y kay gandang tingnan at kay sarap...”
Hindi niya mawawaan ang sinasabi nito pero hindi siya nagsasalita. Inilagay nito ang tasa sa tapat niya.
“Tikman mo, ineng...”
Sumunod si Jade at bahagyang hinipan ang mainit na kape at humigop nang kaunti. Masarap. Masarap pa sa imported na kape.
“Nakikita kong nagustuhan mo. Tikman mo rin itong f rench bread. Si Kurt ang nag-bake niyan...” Nanlaki ang mga mata niya roon. Ngumiti ang matanda. “Mahirap bang paniwalaan na ang marahas kong apo’y kayang mag-bake ng tinapay?”
“A-apo ninyo si Kurt?”
Pumormal ang anyo ng matanda. Hinila ang upuan at naupo. “Kami na lang ang magkamag-anak na natira sa bahaging ito ng lupa, ineng...” s andaling nagkalamlam ang mga mata nito at tinitigan siya. “Bakit ka umiiyak kanina? Sinaktan ka ba ng apo ko?”
Hindi niya alam kung ano ang isasagot doon.
“Hindi ko ibig sabihing pisikal, ineng. Sa kabila ng trabaho ni Kurt ay wala akong nalamang nanakit iyon ng babae. Kahit na nga ba ang dati niyang asawa...”
Nakita niya ang pagtitig na ginawa ng matanda sa kanya. Hinahanapan marahil siya ng reaksiyon. Subalit alam na niya ang bagay na iyon. Sinabi na ng Daddy at Uncle Bernard niya.
Tumikhim siya. “I–iniwan ko si Kurt sa opisina niya. Nagpapasalamat ako sa pakikipag-usap ninyo sa akin at...” n iyuko niya ang kape. “...sa kapeng ito. Pero hindi ko gustong datnan ako ni Kurt dito.”
Iwinasiwas ng matanda ang kamay. “Hindi iyon papasok dito hangga’t hindi matutulog. Mas o menos ay umiinom sa opisina niya iyon. Hindi niya magawang uminom dito dahil kinagagalitan ko.”
Muli siyang humigop ng kape. Wala sa loob na dinampot ang slice ng f rench bread at kumagat. Nasisiyahang pinanonood siya ng matanda.
“May relasyon ba kayo ng apo ko?”
Napaangat siya ng tingin sa diretsong tanong na iyon. “B-bakit ninyo nasabi iyan?”
“Matanda na ako, ineng. May maipaglilihim pa ba sa akin? Maraming araw nang nagugulo ang apo ko. Hindi siya dating ganoon. Mula lang nang tanggapin niya ang trabahong ibinigay sa kanya ng tiyuhin mo. At nag-iba na siya mula nang matapos ang kaso sa iyo. Malimit kong mahuling binubuklat niya ang folder mo. At nakita kitang umiiyak kanina. Ano ba ang dapat kong isipin?”
“H-hindi ko ho alam ang sasabihin ko.” n agyuko siya ng ulo at kinutaw nang kinutaw ang kape sa tasa ng kutsarita.
“May pag-ibig ka ba sa apo ko, ineng?”
Muli niyang ikinabigla ang tanong. Hindi siya makasagot pero muling bumangon ang sama ng loob at napahikbi na agad ding pinigil.
“At itinataboy ka niya?” m as kumpirmasyon iyon kaysa tanong. Bumuntong-hininga nang malalim ang matandang babae. Ilang sandali bago muling nagsalita. “Anak ko ang ina ni Kurt, Jade... Jade ang pangalan mo, `di ba?”
Tumango siya.
“Isang uri ng mamahaling bato.” t umango-tango ang matanda. “Si Kurt ay Amerikanong Pranses, Jade, pero siguro’y alam mo na iyan.” Jade had no idea tungkol sa pagiging Pranses ng lalaki. Bagaman hindi ilang beses itong bumubulong ng French sa pagniniig nila. “Lumaki at nagkaisip siya sa `Merika. At marahil may mga ugali si Kurt na napupuna mong hindi maganda...”
“K-kinasusuklaman niya ang mga babae sa pangkalahatan...”
“Hindi ko siya masisisi. Pinagtaksilan ng anak kong si Elizabeth si Jackson habang nasa giyera ito. At lahat ng iyon ay nasaksihan ni Kurt. Sa tuwing kokomprontahin niya ang ina ay sinasaktan siya. Hindi minahal ni Elizabeth si Jackson. Kaya siya nagpakasal dito ay upang matupad ang ambisyong maging American citizen...”
Ikinulong ni Jade sa lalamunan ang disgust sa ina ng lalaki. Hindi niya gustong gumawa ng ingay upang ituloy ng matanda ang pagkukuwento.
“Kung hindi dahil sa tiyuhin mo’y baka tuluyang sinira ni Jackson ang sarili. Inanyayahan ni Bernard Fortalejo ang mag-ama upang manatili sa Paso de Blas nang ilang linggo. Pagkakataon din iyon upang madalaw ako ni Jackson.” i nikot ng matanda ang paningin sa loob ng apartment.
“Hindi ganito ito noong araw. Isa itong tatlong pintong paupahang apartment. Minana ko sa mga magulang ko. Iyon ang ikalawang pagbisita sa akin ng manugang ko. At ikalawang pagkikita namin ni Kurt. Mailap sa akin ang bata. Hindi ko masisisi. Ako ang ina ni Elizabeth. Pero mula noon ay tiniyak kong may komunikasyon kami ng apo ko sa anumang paraan.
“Pinapangako ko siyang anuman ang mangyari’y uuwi siya sa akin.” Sinulyapan nito ang dalagang taimtim na nakikinig. “Hindi ko gusto ang trabaho ni Kurt sa CIA dahil mapanganib pero hindi ko iyon isinatinig sa aking mga sulat. Mga sulat na sa headquarters niya bumabagsak dahil hindi ko alam kung saang bahagi ng mundo ang apo ko. Mapalad nang mabasa iyon ni Kurt nang maaga sa tatlong buwan.
“Hanggang sa makapag-asawa siya. Isinulat niya iyon sa akin. Masayang Kurt ang nababasa ko sa mga sulat niya. Minsan daw ay iuuwi niya rito si Ellaine...”
“At... nadala ho niya ang... asawa niya rito?”
Umiling ang matanda. “Hindi basta-basta nakapagbabakasyon si Kurt mula sa trabaho niya, Jade. Hanggang sa malaman kong nagdalang-tao si Ellaine. Tuwang-tuwa si Kurt bagaman nabanggit niyang hindi gusto ni Ellaine na agad silang nag-anak. Hanggang sa mangyari ang aksidenteng iyon na ikinamatay ni Ellaine at ng anak nila...”
Mahabang katahimikan ang namagitan. Alam na ni Jade ang bahaging iyon. Nasabi na ng ama at tiyuhin.
“W-was... was he responsible for their... death?”
“Hindi ko alam. Hindi nagsasalita si Kurt. Iyon lang ang abot ng aking kaalaman, Jade. Iisa ang tiyak, may ginawa si Ellaine upang masuklam na tuluyan sa mga babae si Kurt. Kung anuman iyon ay hindi ko alam...”
“Ang... tungkol sa sinasabing pagiging... traydor niya sa...” h indi niya masabi.
“Hindi ako nakatuntong ng kolehiyo, Jade, at hindi ko kayang sagutin ang tungkol sa bagay na iyan. Hindi ko alam ang lawak ng trabaho ng apo ko maliban sa mapanganib iyon. At malaking pasasalamat ko nang magretiro siya mula sa trabahong iyon.”