noveltoon logo noveltoon
Kapeng Barako At Krema (Kristine Series 14)

Chapter 18

Ch. 18 / 24 Nov 28, 2025

P AGPASOK pa lang sa gate ay lumabas agad ang dalawang guwardiya mula sa guardhouse at sinalubong ang sasakyan nila. Nagbaba ng salamin si Kurt.

“Your men are ready?” s i Kurt sa mga ito.

Tumango lang ang dalawa at bahagyang sinulyapan si Jade.

“Then go,” ani Kurt at awtomatik na isinara ang windshield at itinuloy sa parking area ang sasakyan sa ilalim ng building.

“Sino ang mga iyon?” tanong ni Jade na nilingon pa ang dalawa na ang isa’y may hawak na radio. “Hindi sila ang dating nakatoka sa gate.”

“Don’t worry about them.” Binuksan ni Kurt ang kotse at lumabas at umikot sa kabila niya. Binuksan ang pinto at lumabas siya.

“JADE,” salubong ng sekretarya niya sa kanila. “May dalawang lalaking naghihintay sa iyo.” n ilinga nito ang dalawang malaking tao sa reception na tahimik na umiinom ng kape.

Bago pa makapagtanong ang dalaga’y tinanguan ni Kurt ang dalawang lalaki na agad namang tumayo.

“Actually, Miss Aribas.” s i Kurt kay Maila. “Hindi kami ang kailangan ng mga lalaking iyan kundi ikaw...”

“Ako?” Nilingon ni Maila ang dalawang lalaking nasa tabi na niya. “Pero wala silang sinasabing—”

“They were waiting for my orders. You see, you’re under arrest. And the usual, you have the right to remain silent...etc. etc...” bale-walang sabi ni Kurt na tinanguang muli ang mga lalaki.

Hinawakan ng mga ito si Maila.

Nanlaki ang mga mata ng sekretarya. Pinaglipat-lipat ang tingin sa mga lalaking naroroon.

“Kurt?” s i Jade na biglang naguluhan.

“Tama ang hinala mo, Jade,” wika nito. “May illegal deliveries na ginagawa sa foundry. Kasabwat niya ang foundry supervisor at nalaman kong bayaw niya ito. Kapatid ng asawa niyang namatay. Kasabwat din ang dating mga guwardiya sa gate 2. At sila rin ang nasa likod ng kidnapping threats mo.”

Akmang tatakbo ang babae subalit nahawakan agad ito ng dalawang lalaki. Nagsisigaw at nagpumiglas si Maila.

“Bitiwan ninyo ako! Hindi n’yo magagawa ito! Sinungaling ang lalaking iyan, Jade. Matagal na akong pinagkakatiwalaang empleyado ng daddy mo!”

“Three years, Maila, to be exact.” s i Bernard na sumungaw mula sa hagdan. “Kasama na ng mga pulis ang bayaw mo, Maila. Mabubulok siya sa bilangguan for multiple murders, theft, attempted kidnapping and illegal possession of firearms. Kumanta ang isang kasama ninyo na pinatay niya ang dalawang tauhan niya. Sinayang mo ang buhay mo at panahon sa walang kakuwenta-kuwentang dahilan,” umiiling na dagdag ni Bernard. “Sana’y ipinakilala mo ang sarili mo. Kung hindi man kayo magkadugo ni Marco, kahit paano’y itinuturing kang pamangkin ni Julia.”

Nanlilisik ang mga mata ni Maila. Pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng dalawang lalaki.

“Alam ni Marco at Julia iyon!” sigaw ng babae. “Hindi ko iyon ipinagkaila sa kanila kaya naibigay sa akin ang trabahong ito. What hurt me most ay ang hindi nila pagkilala sa akin sa publiko at sa harap ng mga anak niya!” At sa nag-aapoy na mga mata’y binalingan nito si Jade.

Napahawak sa braso ni Kurt ang dalaga sa galit na nasa mga mata ng babae.

“And I hate your father, Jade! I hate him!”

“A-ano ang ginawa sa iyo ng Daddy, Maila?”

Bahagyang nawala ang panlilisik sa mga mata nito. “I... I have learned to... to like him, you know...” pahikbi nitong sabi. “love him...” pagkatapos ay muling tumingala kay Jade. “I offered myself freely. Payag na nga akong kept woman basta lang bahaginan niya ako ng pagtingin niya. Pero tinanggihan ako ng ama mo! Paulit-ulit niya akong tinanggihan. Na para bang may sakit akong nakakahawa!”

“Get her out of here,” utos ni Bernard sa dalawang lalaki. Nagpipiglas pa rin si Maila.

Nang nasa bungad na ng hagdan ang mga ito’y mabilis na lumapit si Jade.

“My father didn’t hate you, Maila. Hindi ka rin niya pinandidirihan,” banayad niyang sabi. “My father loved my mother so much na hindi niya magawang pagtaksilan ito. For Marco, Emerald is everything.”

“Maganda rin naman ako, ah...” tila baliw nitong pahikbing sabi. “At bata pa kaysa mommy mo.”

Tumango si Jade, nasa mukha ang simpatya. “No doubt about that, Maila. Pero iisang babae lang ang mahal ng Daddy. And please don’t take it against him.”

Nasa hagdan na ito nang sumigaw. “I didn’t mean to hurt you, Jade! I didn’t mean to hurt anyone. Gusto ko lang na `pag nakuha kita’y mapapansin ako ni Marco. He will submit to my wishes!”

Si Bernard ang sumagot sa malamig at walang kapatawarang tinig. “Siguro nga, Maila. Pero ang mga tauhan mong kinuha’y mga kriminal. Hayok sa laman at sa salapi. Lalo na ang bayaw mo. Hindi mo rin sila makokontrol.”

NANLALAMBOT na pumasok sa opisina niya si Jade. Sumunod si Bernard. Si Kurt ay bumaba upang marahil ay kausapin ang mga lalaki.

“Sino siya, Uncle Bernard? Siya rin ba ang may kagagawan ng pagtatangka sa akin noong nakaraan bago ako pumunta ng Amerika?”

Umiling si Bernard. “Iba ang mga iyon. Deadlier though dahil hindi sila natakot na kuhanin ka sa karamihan.”

“Paano ninyong nalamang may kinalaman si Maila?”

“Si Kurt ang nagsabi sa akin ng lahat, Jade,” sagot nito. Nagpalakad-lakad sa loob ng opisina. “Hindi lang niya ipinaalam sa iyo na mula sa hunch mo’y gumawa siya ng sariling imbestigasyon.”

“Ano ang ibig niyang sabihin kaninang alam ng Lola at Daddy ang tungkol sa kanya?” Naguguluhang tumingala siya sa tiyuhin. Bigla’y nakadama siya ng alinsangan. Wala sa loob na kinakalas ang scarf sa leeg.

“Hindi ko alam kung kilala mo si Alfon, Jade.” i sang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard sa bahaging iyon. “He was Tiya Julia’s second cousin. Kung tutuusin ay napakalayo na ng ugnayan, pero sa probinsiya’y magkakamag-anak halos ang mga tao.

“Ang ina ni Maila’y isa sa mga babaeng pinagsamantalahan ni Alfon sa asyenda. Nang makulong si Alfon ay nagpakilala ito kay Tiya Julia. Hindi na nagtanong ang Tiya Julia. Pinagpala ng lola mo ang babae hanggang sa makapanganak. Si Maila iyon. Nagkaasawa uli ng tagaasyenda ang babae subalit patuloy si Tiya Julia sa pagsuporta sa anak ni Alfon sa pamamagitan ng trust. Pinag-aral sa kabisera sa Paso de Blas.

“Naging guro at nakapag-asawa ng taga-Maynila. Ayon sa report ni Kurt, hindi naging mabuti ang buhay ni Maila sa asawa nito. Si Maila ang bumubuhay sa lalaki at natatakot namang hiwalayan dahil papatayin. Napatay sa ramble ang asawa niya. At doon muling nagpakita at nagpakilala si Maila sa daddy mo.

“Nakatakda na ang retirement ng dating secretary ni Marco and so he offered Maila the job, anyway, qualified din naman. Ang problema, naging obsessed si Maila kay Marco. She wanted him. Sa una’y itinuring ni Marco iyong hero worship. But she was getting worse sa pagpapakita ng pag-ibig sa Daddy mo.

“Obsessed sa isang salita. Kaya nang dumating ka ay dalawang tinik ang nabunot sa dibdib ng daddy mo. The job and the woman,” naiiling na natatawa si Bernard sa pagtatapos ng kuwento. “Sounds amusing kung hindi dahil sa mga pagtatangka sa iyo.”

Si Jade ay tumango-tango. Wala sa loob na hinubad ang overcoat at isinampay sa likuran ng swivel chair. Gusto niyang maawa sa sekretarya. Ilang babae ba ang pinaluha ni Marco nang pakasalan nito ang mommy niya?

Tumingin siyang muli kay Bernard. “So it has nothing to do with Alfon, Uncle?” aniya. “Mas ang obsession niya sa Daddy kaya naisipan niya ang mga threat sa akin. I wonder how she got the money to pay those hoodlums...”

“She didn’t pay a cent. Iyong illegal deliveries ng mga bakal ang ibinabayad niya,” sagot ni Bernard na nilinga siya. “And who knows what else—” n ahinto sa ere ang sinasabi nito nang mapuna ang braso at dibdib ng pamangkin. “What the hell are those!”

Nagsalubong ang mga kilay ni Jade. Niyuko ang sarili at napasinghap. Si Bernard ay inisang hakbang ang paglapit sa kanya.

Marahas na itinaas ang braso niya isa-isa. Sinuri ang mga namumulang balat na ngayo’y unti-unting nagiging asul. Hinawi ang pang-ilalim niyang blusa. Pahablot na tinanggal ang mga butones nito hanggang sa mahantad sa paningin nito ang mga marka sa katawan niya.

“Sino ang may kagagawan nito? Sino?” n aglabasan ang mga ugat sa leeg ni Bernard habang pigil nito ang braso ng dalaga. “Mayroon kang ipinaglilihim sa akin? s a amin?”

“U-uncle, please... you’re h-hurting me...” n apahikbi si Jade. Bumabaon sa braso niya ang tila bakal na mga daliri ng tiyuhin.

Kinabahan siya sa anyo ni Bernard. At alam na niya kung ano ang kasunod niyon. Malalaman ng daddy at mommy niya. Ito ang bagay na hindi niya maaaring ipakiusap sa tiyuhin maubos man ang mga luha niya.

“Papatayin ko ang gumawa nito sa iyo!”

“Then kill me.” s i Kurt mula sa pinto.

“Ikaw!” hindi makapaniwalang bulalas ni Bernard. “Ikaw ang gumawa nito sa pamangkin ko, Kurt?” disbelief in his eyes.

Nang hindi umiwas ng tingin ang lalaki ay gustong manlumo ni Bernard. Pain sliced through him.

“I’m sorry...” s i Kurt.

“Sorry?” Kung gaano kabilis si Bernard sa paglapit kay Jade ay higit itong mabilis na nakalapit kay Kurt.

Isang malakas na suntok ang ibinigay nito sa lalaki. Sumadsad sa dingding si Kurt.

Napatili si Jade. “Uncle Bernard, please!”

“I have treated you like my own son, you bastard!” Naghuhumiyaw sa poot ang tinig nito. “I trusted you. Ipinagkatiwala ko ang pamangkin ko sa iyo, iyon pala’y ikaw ang dapat katakutan!” Muli nitong inambaan ng suntok si Kurt nang patakbong iharang ni Jade ang sarili sa pagitan ng dalawang lalaki.

“No, Uncle Bernard, please stop!”

“Umalis ka diyan, Jade.” h umakbang ito patungo sa executive desk at kinuha mula roon ang baril ni Marco at ikinasa.

“Oh please, Uncle Bernard! Listen to me!” sindak na wika ni Jade na higit pang iniharang ang sarili kay Kurt kahit na itinutulak siya nito paalis.

“Umalis ka sa harap ko,” tabig ni Kurt sa kanya subalit nanatili siyang matigas na nakatayo sa harap nito.

“He will kill you!” sindak niyang sabi.

“Hindi ako natatakot sa kanya, Jade,” mariing sagot ni Kurt.

Hinarap ni Jade ang tiyuhin. “He didn’t rape me kung iyon ang iniisip mo!”

“At paano mo ipaliliwanag ang nasa katawan mo, ha?” poot na usig ni Bernard.

“If he’d raped me, sa palagay mo ba’y maglilihim ako?” sagot niya sa gumagaralgal na tinig. “N-naisip mo ba na... na ginusto ko rin ang nangyari sa amin?”

Iisang linya na lang ang mga mata ni Bernard. “That couldn’t be true, Jade. Ano ang ipinanakot sa iyo ng lalaking iyan? Ano?”

“Nothing. W-we... we both wanted it...” n apahikbi siya sa bahaging iyon.

Halos iisang linya na lang ang mga mata ni Bernard. Itinaas ang baril. “Stay away from him, Jade...”

“Sundin mo ang tiyuhin mo, Jade.” h igit na mapanganib ang tinig ni Kurt sa pandinig niya.

“Shut up, you both!” hiyaw niya pareho sa mga ito. “Ako ang may gusto nito, Uncle. I made him do it!”

“Huwag mo siyang ipagtanggol. He must have seduced you. Walang dapat katakutan sa hayup na iyan. He was a traitor to his own country. Nothing but a f—ng spy who murdered his own son!”

Sinabi iyon ni Bernard sa matinding galit. Hindi na napuna ang kapaitang gumuhit sa mukha ni Kurt.

“And I love him...” Jade added softly, kasabay ng sunod-sunod na paglandas ng mga luha. “I love him... I love him. If you kill him, then kill me too,” at saka humahagulhol na tumakbong palabas ng silid.

Naiwang nagkatinginan ang dalawang lalaki. Parehong namangha sa kabila ng lahat.

Nang makabawi’y muling itinutok ni Bernard ang baril kay Kurt. Nagtatagis ang mga bagang. Ni hindi kumukurap si Kurt at sinasalubong ang nagbabagang tingin ni Bernard.

“Utang ng ama mo ang walang kasilbi-silbi niyang buhay sa akin, hayup ka! And if my money could have saved his life, I would have done so without any second thoughts... pero ito pa ang iginanti mo sa akin!”

Pumailanlang ang isang putok.

Bumalandra sa salaming dingding si Kurt. Pagkatapos ay sunod-sunod na putok pa ang maririnig. Kasabay niyon ay ang pagsabog ng salaming dingding sa tabi ni Kurt.

Sa itaas sa rooftop ay naririnig ni Jade ang mga putok ng baril. Bawat putok ay tila sa kanya tumatama at nagdudulot iyon ng matinding sakit at takot.

Tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha niya.

Ano itong ginawa niya?

Was it wrong to fall in love?

Had she fallen in love with a wrong man?

Pinagagaan lang marahil ng matinong kaisipan ang mga pagpapasya. But the heart will always suffer in the end.

And why don’t we get the chance to choose kung sino ang dapat na mahalin? Hindi ba puso ang nagpapasya niyon?