“S INO ang lalaking iyon, Daddy?” tanong na pilit ni Jade sa ama makalipas ang kaguluhan. “Wala kahit isa sa mga guest sa party ang nakakakilala sa kanya. Kahit ang kausap niyang si Minnie. Nasaan na siya ngayon? He could be dead for all we know.”
“Forget him, Jade Ann,” dismissal nito sa tanong ng anak.
“Paano kong gagawin ang sinasabi mo gayong utang ko sa kanya ang buhay ko?” patuloy ng dalaga. “Alam kong kilala mo siya... ninyo ng Uncle Bernard dahil inabutan kitang tinatanong si Uncle Bernard kung kumusta na siya.”
“Sa ikatatahimik ng loob mo’y sasabihin ko sa iyong nasa isang undisclosed hospital ang taong sinasabi mo. Hindi malubha ang tama at nagpapagaling. Satisfied?” May warning sa tinig ni Marco. “I want this discussion dropped. Next week, aalis ka patungong Texas. And to borrow your grandmother’s parting words, ‘gusto man o hindi ng kahit na sino.’”
“P-puwede ko ba siyang dalawin?”
“No.” Ang monosyllabic na sagot ay pinal. Nanlulumong napasandal sa sofa ang dalaga.
“SEAL!” hindi makapaniwalang ulit ni Bernard. “Are you out of your mind, Aidan?”
“Papa, iyon ang gusto ko. Bakit kailangang pigilan mo ako?”
“Dahil hindi mo alam ang sinasabi mo,” galit na sagot ni Bernard. “Hindi ka lalabas nang buhay sa SEAL, Aidan. They will skin you alive there.”
“`Pa, muntik nang mapahamak si Jade dahil hindi ko siya kayang ipagtanggol...”
“Stop blaming yourself! Kung hindi kayo dumating ay malamang na natangay ng mga kidnapper ang pinsan mo. Dalawa sa mga iyon ay nabaril mo. Lenny and Romano took care of the two bastards.” n ilinga nito ang anak na nakahiga sa bench.
Lenny was half-naked at nakaunan sa dalawang braso. A deep frown in his forehead kahit na nakapikit. Nakabakas pa sa mukha ng binata ang mga pasa sanhi ng pakikipaghamok.
Bernard’s chest tightened at the sight of his firstborn.
His heir.
“Nabaril!” ulit ni Aidan sa mariing tinig na nagpabaling ng tingin ni Bernard dito at ang muli ring pagbangon ng galit sa dibdib sa sinasabi nito. “Tama kayo. At nabaril din ako. At kung wala ang estrangherong iyon na tumulong sa amin, we could have been all dead.” s andaling gumuhit sa mga mata nito ang paghanga. “I couldn’t believe he hit that man right at the back of his head in the dark...”
“Well... well... what are we here? Bloodthirsty savages?”
Nilingon ni Aidan ang lalaking mula nang doce anyos siya’y nagsilbing tunay na ama.
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Hindi ko ikinagagalak na napatay ng estranghero ang isa sa mga kidnapper, bagaman hindi rin naman iyon makaliligtas tulad ng mga kasama niya. But this is survival of the fittest, Papa. Kung hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, then you’re a dead meat!”
“So, ang solusyon ay SEAL? g anoon ba?” Bernard’s mouth tightened sa pinipigil na galit.
Hindi sumagot si Aidan. Nasulyapan si Jewel na nakatayo sa may pinto at kanina pa nakikinig sa kanila. Fear and sadness in her eyes. Itinaas ng binata ang dalawang kamay sa ina at humakbang palapit dito.
“I am sorry,” wika nito nang makita ang anyo ng kinikilalang ina.
The woman who brought hope in his young, bitter, and miserable life. The woman whose heart runneth over with love... and unselfishly poured it to him.
“Please, `Ma...” he pleaded.
Si Bernard na sinundan ng tingin si Aidan ay hindi malaman kung matatawa o magagalit sa nakikitang pagbabago ng anyo ng anak pagdating kay Jewel.
A wolf turned lamb.
Tiningala ni Jewel ang binata and said softly. “Wala ba akong magagawa o masasabi para mabago ang isip mo, Aidan?”
Humugot ng malalim na paghinga ang binata. “Hindi ko kayo tatanggihan, Mama, alam ninyo iyan. But please, don’t. Nakikiusap ako.”
Jewel sighed deeply and gently, dinama ang sugat sa balikat nito at saka tumango.
“Find your place under the sun, Aidan. Pero gusto kong sabihin sa iyong naririto ako lagi... kami ng papa mo... ng mga kapatid mo. We love you, you know that, don’t you?”
“I know,” he whispered at hinalikan sa noo ang kaisa-isang taong hindi nito magawang pagtaasan man lang ng tinig.
Si Lenny ay mabilis na tumayo. He hated the scene between his adoptive brother and his own mother. At hindi niya gustong manatili sa isip niya iyon kaya kailangang lumabas siya ng silid.
Nasa veranda siya nang matanaw ang pagdating ni Romano sakay ng kotse nito. Mabilis siyang bumaba at sinalubong sa garahe ang pinsan.
“Huwag mong sabihin sa aking iyang kunot sa noo mo’y sanhi ng mga kidnapper?” pabirong bati ng binata. His own face black and blue. “How’s your arm, anyway?”
“It’s okay,” sagot ni Lenny na lumakad patungo sa poolside at naupo sa sementadong bench sa ilalim ng palm tree. Sinuklay ng mga daliri ang buhok at tumingala at pinuno ng hangin ang dibdib.
“What is it?” tanong ni Romano na sumandal sa isang palm tree at namulsa.
Tumiim ang mga bagang ni Lenny. “Kausap ng p apa’t m ama si Aidan about that SEAL business...”
“Oh, yes. Matagal nang sinasabi ni Aidan sa atin iyon, `di ba? So?” Hindi sumagot si Lenny. There was something familiar and dangerous in his eyes na napatingala sa itaas si Romano. Pagkatapos ay binalingan ang pinsan. “Or should I guess?”
“Dammit, Romano!” he snapped. “Mga magulang ko ang nasa itaas at kausap niya. And my own mother was teary-eyed habang nakatitig sa kanya! And my own father was in his worst moods dahil lang papasok sa SEAL ang lalaking iyon!”
Huminga nang malalim si Romano at nagpalipas ng ilang sandali bago sumagot. In Lenny’s anger and jealousy, ni hindi nito magawang bigkasin ang salitang ‘ampon’ kay Aidan.
Unawarely ay naroroon ang pagtanggap at respeto para sa ampon ng pamilya.
“Hindi lilipas ang maghapong ito, Lenny, at malalaman ng m ommy at d addy ang plano ni Aidan. Ano sa palagay mo ang magiging damdamin ng d addy at m ommy?” matabang nitong sabi. Nang hindi sumagot si Lenny ay nagpatuloy. “Tulad din ng nararamdaman ng Auntie Jewel at Uncle Bernard. At ano rin ba dapat ang maramdaman ko? Tulad din ng nararamdaman mo ngayon. But haven’t we gotten over this a long time ago? Hindi pa ba sapat ang maraming basagan ninyo ng mukha ni Aidan sa nakalipas na mga taon dahil sa pagseselos mo sa atensiyon na ibinibigay ng mga magulang mo sa kanya?”
“And my own father never bothered to care kung tumabingi man ang ilong ko. O `di kaya ay kung nagkalasog-lasog ang mga buto ko sa dibdib,” he said with a hint of bitterness.
Aidan is more than two years older and bigger, at sa maraming pagkakataon ay talo siya. Sanay ito sa basagan ng mukha sa madilim na kalye at pangit na bahagi ng Texas.
Gustong matawa ni Romano pero nauunawaan nito ang pinsan. “Just as Uncle Bernard didn’t bother if you had kicked Aidan’s balls, you idiot...” umiiling nitong sabi. “And Aunt Jewel attended to you both. Ginagamot na pareho ang mga sugat ninyo. I am a Fortalejo too just as you are, Len. At tiyuhin at tiyahin ko ang mga magulang mo, not to mention my own parents’ attention to Aidan. And once too often, naninibugho rin ako that I felt like kicking his damn ass.
“Pero minsa’y ipinaliwanag ng Daddy na sadyang hinahayaan ng mga magulang mo na ilabas ninyong pareho ang galit sa dibdib kaya hindi kayo inaawat. Ikaw, dahil nagseselos. Si Aidan, dahil sa pakiramdam niya’y kailangan niyang idepensa ang pagkalalaki niya.
“At ni minsan ay hindi nagsabi si Aidan sa mga magulang mo na ikaw ang nagpapasimula ng away.
“And aren’t we so lucky that we have parents na ang pagmamahal sa ibang tao’y walang limitasyon? At hindi mo ba nakikita na kahit buhay niya’y ibibigay niya sa atin dahil lang sa pagtanaw niya ng utang-na-loob sa mga magulang mo?” mahabang paliwanag nito.
“Hell, I know it!” he snapped guiltily. “At alam mo rin kung gaano ko sinisikap na alisin sa dibdib ko ang ganitong uri ng damdamin para kay Aidan.” i sang pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. “It’s just that I can’t help feeling jealous. Even my own sisters are so fond of him.”
“You’ll get over it, cousin. Aidan is an ass, a bastard, an arrogant SOB... what else?” n atatawang nag-isip pa ito ng ibang hindi kanais-nais na adjective para sa ampon ng mga Fortalejo. “But he cares, Lenny. At alam kong alam mo iyan.”
“I feel like a bastard myself, Romano. I have so much to thank for, pero heto at nag-aalaga ako ng ganitong damdamin.” m uli ay nagbuntong-hininga ito at tumingin sa itaas.
Nasa verandah ang pinag-uusapan nila. Walang emosyong nakamasid at humigit-kumulang ay alam ang pinag-uusapan ng magpinsan. Sandaling nagtagpo ang mga mata ni Lenny at Aidan. Unang nagbawi si Aidan at tumalikod.
Napailing si Lenny. Guilt all over his handsome face.
“I can only be thankful that you don’t share my feelings, Romano, or I could have done worse for him.”
“Dahil siguro wala ako sa katayuan mo kaya mas madali kong maunawaan,” sagot ng binata. “Besides, I’m older.” h e grinned.
Umikot ang mga mata ni Lenny.