“A NO ang mga ito, Maila?” tanong ni Jade sa sekretarya ng ama. Iniladlad sa mesa ang mga delivery receipt. “Ang akala ko ba’y may delivery kagabi? Bakit wala sa mga dokumentong ito?”
“W-wala namang delivery kagabi, Jade...” wika ng babae na sinulyapan ang mga dokumento.
Nangunot ang noo ng dalaga. Tinitigan ang executive secretary. Walang sinumang empleyado sa Kristine Steel ang tumatawag sa kanya ng Jade.
Pero siguro dahil nasanay itong ang boss ay si Marco bukod pa sa mas matanda ito nang di-hamak sa kanya. Isa pa, si Maila ay isang maituturing na ring boss. Ito ang may pinakamataas na tungkulin sa lahat ng mga secretary sa buong kompanya.
Ang matandang sekretaryang hinalinhan ni Maila ay dalawampung taon halos sa Kristine Steel at itinuturing ng mga empleyado bilang little president.
“Tawagin mo si Tuazon at ang security guard na in-charge sa gate two kagabi,” utos niya. “Alam nilang may delivery kagabi.”
“Hindi na sila ang duty ngayon. Mga panggabi ang mga iyon,” sagot ni Maila na ewan ng dalaga kung imahinasyon lang niya ang tila galit sa tinig nito. “Pero kahit na, dahil hindi na rin sila magre-report mamayang gabi, Jade.”
Muling napaangat ang paningin ng dalaga. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“May bagong security agency na humalili sa dati na natin. And I do not really understand how these all happened without my knowledge.” s a pagkakataong iyon ay natiyak ni Jade ang galit sa tinig ng sekretarya. “Sa akin nagre-report ang mga security guard. That agency has been with us for a year at wala akong makitang problema. Ako ang nag-a-approve ng mga ihahalili. Why wasn’t I informed about this?”
Hindi agad nakasagot si Jade roon. “Sino ang nagbigay ng authorization na halinhan ang dating agency, Maila?”
“A certain Mr. La Pierre. Siya ang security head. Hindi ko kayang i-tolerate ang lalaking iyon, Jade. Napakabastos!”
“Gusto ko siyang makausap. Send him here,” pormal na utos ng dalaga. At kung hindi siya nagkakamali’y may kinalaman ang Uncle Bernard niya sa nangyayari.
Nasa mga mata pa rin ni Maila ang galit nang lumabas. Hindi niya ito masisi. Nasa ilalim ng chain of command ng executive secretary ng presidente ng kompanya ang security agency.
Makalipas ang ilang minuto’y naramdaman ng dalagang bumukas ang pinto ng silid niya. Hindi siya agad nag-angat ng ulo at tinapos ang pinipirmahang tseke.
“Kailangan mo raw ako.” Ang tinig.
Marahas ang ginawang pag-angat ng ulo ng dalaga. “Ikaw?”
Nagkibit ng mga balikat si Kurt. Naupo sa naroong upholstered bench kahit na walang imbitasyong maupo.
“Ikaw ang head ng security agency?” Mas kumpirmasyon iyon kaysa sa tanong bagaman naroon ang pagkabigla sa tinig.
“At your service, Ma’am.” h e bowed his head mockingly.
Napasandal sa swivel chair niya ang dalaga. Hindi malaman ang iisipin. Hinagod ng tingin ang lalaking kalmanteng nakaupo.
“At kalabisan na marahil sabihing ang Uncle Bernard ang naglagay sa iyo sa posisyon?”
“Right,” balewalang sagot nito.
Higit sa anupaman, mas nagagalit siya sa kalma at pagiging arogante ng lalaki kaysa sa ginawa ng Uncle Bernard niya. Oo nga’t ito ang chairman of the board at ang controlling director ng Kristine Group of Companies, wala pa rin itong karapatang pangunahan ang pagpapasya niya bilang acting CEO. Para ano at mayroong board meeting na ginanap para sa appointment niya?
Pinipigil niya ang galit. Dinampot ang telepono upang tawagan ang tiyuhin nang magsalita si Kurt.
“Sabi nga pala ng tiyo mo ay hindi mo raw gusto na ipaalam sa mga magulang mo ang nangyari kagabi?”
Nabitin sa ere ang telepono at lumipad ang tingin ng dalaga rito. “So?” Bagaman more or less ay alam na niya ang kasunod na sasabihin nito.
“You wouldn’t want to worry your parents, would you?” nakakalokong wika nito. “At siyempre din, hindi mo gustong sirain ang pagbabalik ng mga magulang mo sa De Silva farm, `di ba?”
Ibinagsak ng dalaga ang telepono sa cradle. “This is blackmail!” bulalas niya.
Naniningkit ang mga mata ng dalaga. Alam niyang babalik si Marco at Emerald sa Maynila sa sandaling malaman ng mga ito ang nangyari sa kanya. Muling ibabalik ni Marco ang sarili bilang namamahala ng Kristine Steel. At hindi niya kayang gawin sa ama iyon.
“Wrong,” kontra ni Kurt. “Protection. Don’t be so stubborn, Jade,” patuloy ng lalaki na tumayo.
He moved in circles sa harap niya. She stared at the rugged bone structure of his face. The broad shoulders and muscled body. Hindi nakaalsa tulad ng mga Mr. Philippines at Mr. America but doubtless firm and hard.
Flat stomach and narrow waist. Ang maong nito’y masikip at namumukol sa gitna. Cupping his...maleness intimately... na tila... kamay ng isang babae...
“Years ago, muntik ka nang ma-kidnap at mapatay naman ang magigiting mong mga pinsan at kapatid kung hindi sa akin.”
Nagitla siya at napatingala rito. Matiim din itong nakatitig sa kanya. A leer in his eyes. Nalingunan nito kung saan nakatuon ang mga mata niya at tila nahuhulaan ang iniisip niya. She was sure there was something sexual in the air. Mabilis niyang hinamig ang sarili.
“Isang kayabangan iyan dahil kahit paano’y malaking bagay na naroon ang mga pinsan ko’t kapatid!” Galit ang panlaban niya sa pagkapahiya. “Huwag mong akuing lahat ang karangalan.”
“You’re welcome, Miss de Silva,” tuloy ito sa pagtuya. “Ituturing kong pasasalamat ang sinabi mo. Dahil sa pagkakatanda ko’y ni hindi mo ako nagawang pasalamatan. Oh, well, your father paid me. Sapat na marahil iyon. So typical of the rich and famous.”
Nagpupuyos siya sa galit. “Kung nangyari man iyon noon ay tinitiyak kong hindi ngayon. Kaya hindi ko kailangan ang serbisyo mo. At para sa kaalaman mo, kung ipinaalam ng d addy ang tungkol sa mga kidnap threat, `di sana’y nakapaghanda ako, tulad kagabi!”
Umismid ang lalaki. “Sheer luck ang pagkakalusot mo sa mga would-be-kidnapper mo kagabi, Jade. You wouldn’t be so lucky next time. Not even with your Smith and Wesson,” sinabayan nito iyon ng taas ng kilay sa huling sinabi. Na para bang kung anuman ang kakayahan ng dalaga sa paghawak ng baril ay walang kakuwenta-kuwenta. “Mas paplanuhin nilang mabuti ang gagawin nila.”
“Kaya ka nariyan?” sarkastikong sagot niya.
“Precisely.” Tumayo si Kurt at lumapit sa mesa niya at yumuko. Itinaas ang isang kamay at inihawak sa baba niya.
She tried to struggle free pero halos bumaon ang tila bakal nitong daliri sa baba niya.
“Balewala ang pera sa pamilya ninyo, Jade de Silva. Your family can pay your ransom money. But what if they aren’t just interested in your money?” Binitiwan siya nito at saka hinagod ng tingin. Sexual longing in his eyes. Or was it malice? “Hindi maibabalik ng pera ninyo ang gagawin sa iyo ng mga halang na kaluluwang iyon.”
Napasinghap siya nang maunawaan ang nais nitong ipahiwatig.
“This isn’t a joke, baby,” patuloy ni Kurt. His jet black eyes hardened. “O kaya’y adventure. Ang pinag-uusapan natin dito’y mga kriminal.” b umaba ang mga mata nito sa baba niyang namumula ang magkabilang bahagi sa pagkakapisil nito. “Tsk... tsk... hinawakan lang kita pero tingnan mo iyang balat mo at gusto na yatang magsugat.” t his time he smiled mockingly. “You wouldn’t survive, baby, sa mga kidnapper mo.”
Ilang sandali nang nakalabas si Kurt ay hindi pa rin nakakilos sa kinauupuan si Jade. Hindi niya maintindihan kung ano ang dahilan ng pananayo ng mga balahibo niya. Sa sinasabi nito? o sa effect ng pagkakahawak ng lalaki sa kanya?
And how come she felt weak nang maramdaman niya ang paghaplos ng hininga nito sa mukha niya? In fact, she was half-listening to what Kurt was saying. She was more conscious of the things his nearness did to her body.
Bahagya pa siyang nagulat sa warning knock sa pinto niya. Ilang sandali pa’y sumungaw si Maila.
“Ano ang napag-usapan ninyo, Jade?” bungad nito. “Saan galing ang instruction na halinhan ang dating security agency natin?”
Napabuntong-hininga siya sa kaantipatikahan ng babae. “Galing sa itaas ang utos, Maila. At mananatili si Kurt—Mr. La Pierre, bilang head ng security natin.”
Nakita ng dalaga ang pagtiim ng mga bagang ng babae. Pagkatapos ay muling nagsalita. “Would he report to me?”
“I don’t think so,” matabang niyang sagot. “Not Kurt. Kay Uncle Bernard lang siya responsable.”
“I can’t believe this!” ang sekretarya na inilahad ang dalawang kamay. She was about to say something nang makita ang tinging ipinukol ni Jade sa kanya.
Walang kibong tumalikod si Maila pero tumalim ang mga mata.