noveltoon logo noveltoon
Kapeng Barako At Krema (Kristine Series 14)

Chapter 12

Ch. 12 / 24 Nov 28, 2025

“W ALA kang karapatang gawin iyon!” naiiyak niyang singhal dito. Tila siya batang halos kaladkarin nito palabas.

“Get in,” utos ni Kurt. Hindi pinapansin ang histerya at galit niya.

Hindi tumitinag ang dalaga na kung hindi sa dalawang parehas na marahil ay uuwi na rin ay tiyak na muling sisigaw.

“Dala ko ang kotse ko. At natitiyak kong alam mo iyon!” She gritted her teeth at akmang lalakad patungo sa kotse niya nang hawakan siya ni Kurt sa braso at hilahin.

“Anak ng—” mura nito at sa pagkabigla ni Jade ay binuhat siya at ipinasok sa loob ng pickup at pabagsak na isinara ang pinto.

“What about my car?” halos pasigaw niyang sabi. Nilingon ang sports car niya sa parking area ng disco house. Sa halip na sa kotse niya’y sa segunda mano at mainit na four-wheel drive siya nakasakay.

“May kukuha ng laruan mo bukas. ” i nilabas nito sa parking area ang four-wheel drive.

“Laruan!” bulalas ng dalaga. “Alam mo ba kung magkano ang halaga ng kotseng iyon, ha?”

“Iniisip mong hindi ko alam?” t uloy ito sa pagmaniobra.

Umaasa ang dalaga na anumang sandali’y mababangga ng pickup ang mga nakaparadang sasakyan sa matalim nitong pag-atras-abante at pag-ikot.

Umiingit ang gulong ng sasakyan nang ilabas ni Kurt sa highway.

“Pang-display lang ang sasakyan mo.” Lingon nito sandali sa kanya, sabay kambiyo at apak sa clutch. Bumilis sila. “Magaan at totoong mabilis pero hanggang doon lang. Paano mo naman gagamitin ang bilis niyon sa traffic dito sa Pilipinas, aber? It’s nothing but a small and expensive luxury car. Sa isang pag-ihip ng hangin ay itataob ka niyon.”

“Napakaimpertenente mong tao!” nanggagalaiti niyang singhal. “At bakit pati sa disco ay nakasunod ka sa akin?”

“Ano ba ang dapat gawin ng bodyguard sa palagay mo?” ganting-tanong nito. “Relax na nakaupo sa isang sulok and watch you flirt with your boyfriend sa dis-oras ng gabi? Or to be precise, in the wee hour of the morning...”

“I wasn’t flirting at hindi ko boyfriend si Brad...” b umaba ang tinig niya. Parang may bahagyang kasiyahang nadama sa tono ng boses ni Kurt.

Nagseselos ba ito kay Bradley? Ito ang ikalawang pagkakataong paangil nito kung banggitin ang manliligaw niya.

“If you think I like this job, you can think again,” lingon sa kanya ni Kurt. “Pero binabayaran ako nang malaki ng tiyuhin mo para bantayan ka. Nangangahulugan iyon na magiging anino mo ako sa lahat ng sandali sa ayaw at gusto mo.” Bahagya lang bumaba ang tinig nito at sinulyapan ang side mirror. Dinagdagan ang speed habang pasulyap-sulyap sa rear at side view mirror.

“I am safe with Brad, Kurt...”

“Really? He didn’t keep you safe before, did he? Remember you were in his arms nang tangkain kang kidnapin?”

Magagalit sana siya at ipagtatanggol si Bradley nang makita ang mailap na mga mata ng lalaki at pagbilis nila ng takbo. Lumingon siya sa likod. May iilang sasakyang kasunod sila.

“Ikabit mo ang seat belt mo,” utos ni Kurt.

“A-are we being followed?” kinakabahan niyang tanong kasabay ng pagmamadaling ikabit ang seat belt.

Nagkibit ng mga balikat ang lalaki. “Hindi ko tiyak,” kaila nito. Pero natitiyak nitong sila ang sinusundan ng kotseng itim mula pa kanina sa paglabas nila ng disco house.

“BILISAN mo!” ang lalaki sa driver ng itim na Sedan. “Alam mong hindi natin mapapasok ang Corinthian malibang sa pader tayo magdaraan at hindi magiging madali ang paglabas natin...”

“Bakit iba ang kasama niya? Akala ko ba’y ang boyfriend niyang socialite ang ka-date ng babaeng iyon?”

“Hindi ko rin alam.” n aiiritang itinapon ng lalaki sa labas ng bintana ang kalahati pang sigarilyo. “Ang kasama niya’y ang head ng security sa pabrika. Maaaring ang lalaking iyan ang bumaril kay Jose at Efren.” n aningkit ang mga mata nito sa galit.

Nawalan sila ng dalawang tao. Parehong may tama sa mga binti ang dalawa. Pero wala itong magagawa kundi tuluyan ang mga kasamahan kaysa ikanta sila nito.

Hindi rin nila maaaring itakas ang mga ito. Ititimbre tiyak ng bumaril dito na sadyang hindi nito pinuruhan ang mga lalaki. Mahirap tumakas nang may dala kang sugatan. Paano kung may nakaabang na sa kanila sa toll gate sa lahat ng exit palayo?

“Bakit hindi nai-tip sa atin ang tungkol sa pintuang bakal na iyon?” tanong ng nasa manibela.

“Dahil hindi niya alam,” patuyang sagot nito. “Kung ako ang masusunod ay ang Fortalejo na iyon ang dadalihin ko!”

“Magdadaan ka sa butas ng karayom, boss,” umiiling na wika ng driver. “Nasa penthouse ng Kristine Cement building sa Sucat nakatira ang mag-asawa. Ang mga anak nama’y nasa ibang bansa maliban sa bunsong babae na nasa isla.”

Nagdilim ang mga mata ng lalaki. Big time at high tech ang kailangan bago nila makidnap ang bunsong anak ni Fortalejo sa isla. At wala silang ibang mapagpilian kundi si Jade Ann de Silva. Ito lang ang nakahantad at ito ang mahigpit na ipinapakidnap.

Kung hindi lang malaking pera ang nakukuha nila’y hindi nila pangangahasang pagbalakan ng masama ang anak ni Marco de Silva. Kapag nahuli sila’y mabubulok na sila sa kulungan kung hindi man mamamatay. Pero ang tentasyon na mahahawakan at maangkin nito si Jade ay nagpapanaig sa maraming agam-agam.

“Hindi ninyo siya sasaktan o gagalawin. `Pag natangay na ninyo siya’y dadalhin ninyo si Jade sa bahay ko sa Novaliches. At puwede na kayong magtrabaho uli nang normal.”

Iyon ang utos. Pero inismiran nito iyon. Hindi kailangang ipaalam na pagsasawaan na muna nito ang mestisang dalaga.

“Sawang-sawa na ako sa katawan ng babaeng iyon, pare,” patuloy nito. “Pinagsawaan na nga iyon ng kapatid ko. Kung hindi lang sa salaping nakukuha natin kahit paano’y nungkang pumayag ako sa gusto niyang mangyari.”

Ngumisi ang driver. Nilingon ang nasa likurang kasamahan. “Kung hindi ko pa alam na mas intresado ka kay Jade de Silva, pare.”

“Sariwang-sariwa. Kay puti at kay kinis. Mamula-mula ang balat tuwing nasisinagan ng araw. Makakatikim din ako ng socialite at tisay.” Nang mapatingin ito sa intersection. “Pula ang signal light!” wika ng lalaki. “Bilisan mo at iharang mo sa unahan ng kotse nila ang sasakyan paghinto sa signal light.” Nilingon nito ang isa pang lalaki sa likuran. “Humanda ka!”