noveltoon logo noveltoon
Kapeng Barako At Krema (Kristine Series 14)

Chapter 24

Ch. 24 / 24 Nov 28, 2025
Prev Next

“S INO ang mag-iisip ng password na iyon,” patuloy ni Kurt na matabang na ngumiti. “Saang bahagi ng mundo nila hahanapin iyon. Ni wala sa mapa ng mundo ang pangalang iyon. Even the island then...”

“W-what happened? Ano ang ginawa mo?” Sama-sama na ang damdaming nasa dibdib niya. Excitement and anticipation.

“I confronted her angrily... and again, nakita ko siyang muli sa harap ng computer ko. Frantic na maka-penetrate...” Naglakbay si Kurt sa nakaraan.

Ipinarada niya ang sasakyan sa likod ng sasakyan ng asawa. Nagsalubong ang mga kilay nang tila may napuna siyang dalawang lalaki na nanggaling sa bakuran ng apartment nila.

Mabilis siyang pumasok sa bahay. Tuloy-tuloy sa study. Dinatnan niya ang asawang hindi malaman kung ano ang gagawin sa pagkakahuling pilit itong naghahanap ng access.

“What are you doing?” bungad ni Kurt sa may pinto ng study.

“N-nothing,” sagot nito kasabay ng pagkibit ng mga balikat. Pilit na itinatago ang pamumutla sa nakikitang galit sa mukha ng asawa. “Why can’t you tell me the password, Kurt? What is inside in that file anyway?”

“Files that are useful to you and your people!”

Napasinghap si Ellaine. Nawalan ng kulay ang mukha.

“So it’s true that you’re a KGB spy.” m apanganib niyang nilapitan ang babae subalit mabilis itong nakatayo at nakalayo sa kanya.

Kumuha ng buwelo at nagpakawala ng flying kick na tumama sa sikmura ni Kurt. Nasadsad sa dingding si Kurt sa hindi inaasahang gagawin ng asawa. His instinct is to fight back pero hindi niya magawang saktan ang babae.

“So I am a spy, you nigger!” hiyaw nito sa nanlilisik na mga mata. “And I’ve wasted so much of my time with you. And I’m sure now you will not give me what I want unless I take someone you love most!” Pagkasabi niyo’y tumakbo palabas si Ellaine sa pagkabigla ni Kurt. Hindi naiintindihan ang sinasabi ng asawa.

Si Ellaine ay nagtuloy sa nursery at marahas na hinablot si Jack, ang tatlong buwang gulang na sanggol mula sa nag-aalaga rito. Dinakma ang bag sa chest at nagmamadaling lumabas. Nasa labas na ang mga ito ng apartment nang abutan ni Kurt.

“Ellaine, please, give me back the baby,” pakiusap ni Kurt sa kanya. “Leave Jack out of this. She’s your son, too.”

Umismid si Ellaine. “He’s only yours, Kurt. This baby is a nigger like his father! Now, come closer and I’ll drop your son... just come closer!” banta ng babae sa nanlilisik na mga mata.

Hindi makakilos si Kurt. Ang mga mata’y nasa tumitiling anak nakatutok. Hindi niya pinagdududahang gagawin ni Ellaine ang banta nito.

Dinukot ni Ellaine ang susi ng kotse sa bag at unti-unting humakbang patungo sa sasakyan nito.

“Give me what I need, Kurt, and you will have your son back!” ang huling sabi nito bago pumasok sa kotse.

Halos pabagsak nitong inilapag sa kabilang upuan ang nagtitiling bata. Ipinasok sa ignition ang susi at ini-start.

Nakabibinging pagsabog ang biglang naganap. Kahit si Kurt ay inabot at bumalandra sa apartment.

“Jack!!!”

“NO! NO!” Isinubsob ni Jade ang mukha sa mga palad. Narinig na niya ang maikling bersyong iyon sa ama subalit higit na nakagigimbal na marinig sa mismong taong nakasaksi. Sa mismong taong anak nito ang nasawi.

“Nainip na ang mga kasamahan niya na wala siyang maibigay kahit na anong impormasyon,” patuloy ni Kurt sa nagsisikip na dibdib. “At natitiyak kong hindi iilang kasamahan niya ang dumarating sa bahay kapag wala ako. Bago pa ang pangyayaring iyon ay nakikita ko na ang pagiging restless ni Ellaine. Nagpa-panic na siya. Nagdududa na ang mga kasamahan niyang bumaligtad siya. So they planted a bomb in her car. It was meant for her.”

“At... at idinamay nila ang... walang malay na sanggol...! Oh, g od!” Tuloy sa paghagulhol ang dalaga.

“I blamed myself for my son’s death... na wala akong nagawa. Habang hindi iilang tao ang nailigtas ko sa kamay ng mga terorista’y wala akong nagawa sa sarili kong anak... he—he was only three months old...” t here was so much pain and agony in his voice.

Ano ba ang maaaring sabihin ni Jade upang burahin ang sakit sa damdamin nito? Tahimik siyang humihikbi. Para sa walang malay nitong anak at para kay Kurt, who must have lived through the nightmare.

“May ilang tao sa loob ng CIA na hindi naniniwalang wala akong impormasyong ibinigay kay Ellaine. Hindi mahalaga sa akin iyon. Ang mga heads ko’y naniniwalang wala akong alam. Ipinadala nila ako rito sa Pilipinas para sa isang operatiba under General Harley and for me to recover the tragedy. Dahil lahat ng mahirap na misyon ay tinatanggap ko. Hindi ilang beses kong ipinapain ang aking sarili. Hinahamon ang kamatayan. I didn’t even care if I die.”

Ngayon nabigyan ng dahilan ng dalaga kung bakit para rito’y laro lamang ang panganib.

“I resigned three years ago. I got bored with my job. Inilipat ng Inang sa pangalan ko ang isang kapirasong lupa sa Maynila na kinatatayuan ng isang lumang tatlong pintong apartment. Hindi ko gustong tanggapin pero ipinilit niya. Para sa akin daw iyon. Matagal nang wala ang Mama kaya ako ang magmamana niyon. So, with her permission I had the old apartments demolished, isinanla ang titulo sa bangko at pinatayuan ko ng anim na palapag na building and have it rented for offices.”

“Ang building sa Ermita...” aniya na nag-angat ng mukha.

“Yes. Nagtayo ako ng security agency. It isn’t that big but it’s doing fine.” Tumayo mula sa pagkakaupo si Kurt at nilapitan siya. Itinaas mula sa damuhan at isinandal sa puno.

“Since then women are plaything, Jade... until you,” he whispered. His voice husky, his eyes misty. He brushed his thumb finger on her lips. “I tried to stay away from you. Para sa akin ay wala kang kaibahan sa ibang mga babaeng kilala ko. Sa sarili kong ina... kay Ellaine...”

She swallowed a lump in her throat. “I... I don’t blame you...”

“But I couldn’t get you out of my system. Ikaw na lang lagi ang laman ng isip ko...”

Nagkapag-asa ang dalaga. “Does that mean that...that you l-love me a little?” she whispered.

“I thought what I felt for Ellaine was love. Maybe it was. But I was disillusioned. Binulag ko ang sarili ko sa mga nakikita ko kay Ellaine... for my son. Had it not been for my obsession to make our marriage work... I would have ended our marriage earlier.” t here was so much sadness in his eyes that Jade wanted to weep. “But what I’d felt for her when I first met her couldn’t compete with what I feel for you, ma cherie, ” maemosyon nitong pahayag.

He pulled her to him gently at hinagkan sa ibabaw ng ulo at saka nagpatuloy sa isang walang kasiguruhang tinig. “Pero natatakot akong hindi mo ako tanggapin.”

Bahagyang inilayo ni Jade ang sarili at tumingala. “You know I love you. And I don’t care about your past, Kurt. Hindi mahalaga sa akin iyon. Ang importante ay ngayon at bukas and that you love me too.”

“Jade...” i sang malalim na paghinga ang binitiwan nito. Hindi kumukurap sa pagtitig sa kanya. “I’m part black...” p arang hinatak sa lalamunan ni Kurt ang salitang iyon.

Nagdikit ang mga kilay ni Jade. “A-ano ang ibig mong sabihin.”

“My father was a mulatto actually. Three fourth black. So that makes me a quadrant. His father was half black. An African French but his mother was an American. White American missionary in St. La Crouix, one of those French islands in the carribean where they’d met. My father met my mother in America but brought her to the island when she got pregnant with me. Doon ako ipinanganak and spent five years of my life there. Naunang namatay ang grandfather ko. But when grandmere died, we went back to America and father left for Nam...”

“Why are you telling me your roots? It doesn’t make me love you less...”

“You don’t understand,” wika nito sa tinig na walang kasiguruhan. “I may have inherited my grandparent’s French and American blood. Pero ang anak ko kay Ellaine ay minana ang pagiging quadrant ko, Jade. Bagaman hindi ganoon kaitim ang sanggol ay kinamuhian pa rin iyon ni Ellaine. Hindi niya matanggap ang kulay ng bata...”

Kumawala si Jade sa pagkakayakap nito at inalis sa pagkakatali ang kabayo at sumakay dito. Nakayukong nginitian si Kurt.

“Come and meet my grandmother Julia. She will love you.”

Naroon pa rin ang insekyuridad sa mga mata ni Kurt na tumingala sa kanya. “Ang magiging anak nati’y maaaring—”

“Shut up!” nakatawang putol ni Jade sa sasabihin nito. “If we will procreate the look-a-likes of Mariah Carey or a Vanessa Williams or Halle Berry or even Denzel Washington, I’d surely enjoy having them all. Add Michael Jordan in the team...” nakatawang sabi niya. The happiness in her eyes ay tila nagbigay liwanag nang higit kaysa sa araw.

Nanatiling nakatitig sa kanya si Kurt. At hindi siya maaaring magkamaling mga luha ang nakita niyang kumislap sa mga mata nito.

“Ano ang sasabihin ng... pamilya mo?” gumagaralgal nitong sabi.

“Damn you, Kurt, kailan ka pa naging duwag,” naggalit-galitan niyang singhal. “Uncle Bernard loves you. Don’t you ever believe that he missed the shot, you idiot!”

Ilang sandaling hindi kumibo si Kurt at nakatitig lang sa kanya. Wanting to be sure that everything is real. Na ang sinasabi niya’y totoo. That she loves him sa kabila ng lahat.

“Ellaine didn’t love you, Kurt. She married you for selfish and political reasons. Kaya nagawa niya iyon. Sa iyo... at sa... anak ninyo. But I love you...” ibinulong ng dalaga ang huling sinabi. “everything about you.”

Para iyong balsamo na humaplos sa sugatang pagkatao ni Kurt. “I... wouldn’t change overnight, Jade. I could still be crude and vulgar and—”

“I never meant you to,” agap ni Jade. “I love you, Kurt...” i tinaas ni Jade ang mga kamay at tumingala na tila nag-iisip ng dahilan kung bakit mahal niya ang lalaki. “just because...”

A corner of his lips twisted upward in a sudden grin. “In that case, lady, come back down here and let’s f—k!” Hinila nito mula sa kabayo si Jade sa pagkabigla niya.

Nagulat ang kabayo at tumakbong palayo. Pareho silang bumagsak sa damuhan. Napaibabaw si Jade, straddling him.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. They can almost hear the beating of their hearts. Their gazes locked.

“Thank you so much...” bulong ni Kurt, hinawi ang buhok mula sa mukha niya at pagkatapos ay inabot siya at mahigpit na niyakap. “Thank you... for loving me...” h e buried his face in her hair.

May ilang sandaling hinayaan ni Jade ang pagyugyog ng mga balikat nito habang mahigpit na nakayakap sa kanya. Hinayaan niyang lumaya mula sa lalaking ito ang lahat ng nakaraan. She wants him to face the new day with hope and love. Titiyakin niya iyon.

Then after a while, she raised her face inches over his.

“Let me love you, Kurt...” she whispered and bent again. Erasing traces of tears from his face with her lips. “...my way.”

Nag-echo sa buong paligid ang halakhak ni Kurt at idinipa ang mga braso. “I am yours for the taking, ma cherie...”

IKINASAL ang dalawa isang buwan ang makalipas sa mismong de Silva farm. Sa bahaging nakatanaw sa malawak na karagatan. The sea was clear and endless turquoise, ang mga ulap ay asul. A perfect island day.

Ang makeshift arch kung saan naroon ang dalawang ikinakasal ay napapalibutan ng mga sarisaring orkidyas... in different exotic colors.

Isang pampamilya at malalapit na mga kaibigan lamang ang okasyon iyon. Naroon ang buong Navarro clan. Ang Inang ni Kurt na si Alejandra ay kasama ni Julia sa mesa. At nagsiuwi ang mga nasa ibang bansa upang daluhan ang kasal.

Aidan acted as best man dahil si Lenny na ang nag-witness sa madalian at hindi preparadong kasal ni Romano at Bobbie.

Si Julianne ang maid of honor na napakaganda sa pagiging mestiza nito. Higit na mestiza kaysa kay Emerald. Ang katapat nito’y ang guwapong anak ni Alvaro at Kristine na si James. Her childhood crush.

“I can’t believe my luck,” siko nito sa pinsang si Cameron.

Lumabi si Cameron na pinsan din si James dahil sa mommy niyang si Jenny, ang bunsong kapatid ni Alvaro.

“May girlfriend na si Jim. Huwag kang umasa.”

Pinandilatan nito ng mga mata ang pinsan. “Huwag mong sirain ang araw ko. Kanina ko pa nga iniisip na kaming dalawa ang ikinakasal.”

Nagkatinginan si Cameron at Jessica at parehong umikot ang mga mata sa langit.

Si Anton Karl ay sinisiko rin si Lenny. “Hindi ka ba nagagandahan kay Nayumi?” palihim nitong sinulyapan ang bunsong anak ni Alvaro at Kristine na kasama sa entourage.

“Bakit mo naitanong?” nakakunot ang noong sagot ni Len.

“Sinusulyapan ka, hindi mo pinapansin.”

“You have my permission. Ligawan mo.”

“Bakit maganda naman at seksi, ah.”

“Magkasabay tayong lumaki... halos magkamag-anak na tayo by affinity. Nasaan na ang thrill niyon?” naiiritang sagot ni Lenny.

ISANG white satin wedding gown ang suot ni Jade. Hawak sa mga kamay ang kalumpon ng mga lavender orchids.

Nang magsalita ang magkakasal ng mga kahulugan ng pag-ibig ay nagsalubong ang mga mata ng dalawa. Ni hindi na naririnig pa ang sinasabi ng nagkakasal. Wala sa loob na itinaas ni Kurt ang veil niya at unti-unting bumaba ang mga labi sa kanya.

Umugong ang bulungan at kiligan at katuwaan sa pagkakamot ng ulo ng nagkakasal. Hinahagkan na ng groom ang bride at walang pakialam kung tapos na ang seremonya o hindi pa.

“Children... children... hindi ba dapat mamaya pa iyan?” ang nagkakasal na yumuko at pabulong na nagsalita. Nang hindi ito pansinin ay itinuloy na lamang nito ang rituwal sa paghahagikgikan ng mga bisita.

“Pareho nang may asawa ang mga anak natin, Marco.” s i Emerald na humilig sa balikat ng asawa. May kung anong lungkot ang nadama.

Tumango si Marco pero hindi makuhang magsalita. Nagsisikip ang dibdib nito. Kung sa kaligayahan o sa kalungkutang hindi na kanya ang bunso niya ay hindi niya tiyak.

“I–I used to tie her pony tail...” g umagaralgal ang tinig nito. “I... used to tuck my daughter to bed and kiss her goodnight. She used to be a daddy’s girl, Emerald.” So much loneliness in his voice.

Narinig ni Jade ang huling sinabi ng ama mula sa likod. Yumuko ito at hinagkan si Marco.

“I love you, Daddy,” bulong ni Jade. “I’ll give you lots of naughty little grandchildren. I promise...”

Hindi agad makuhang magsalita ni Marco. Pinisil ang braso ng anak at sapilitang ngumiti.

“Huwag ninyo akong paghintayin nang matagal, Jade.”

“Hinahanap ka ng asawa mo, Jade.” s i Emerald na hinayon si Kurt na nagpalinga-linga.

“Mom, take care of Daddy. May pakiramdam akong hihimatayin mamaya iyan,” pabirong kindat nito sa ina na nakangiting umiling.

“Are you alright?”

Ngumiti si Marco. “I’m okay. And I guess I’m overreacting. I wasn’t prepared for this, you know. Romano got married in haste nang wala man lang babala.”

“But I’m worried about Romano, Marco. Ni hindi niya sinasabi sa atin kung ano ang sanhi ng malubhang alitan nila ni Bobbie. Ang manugang mo’y hindi natin alam kung nasaan,” patuloy ni Emerald na nilinga ang buong angkan na nagkakasayahan.

Si Romano ay nasa isang sulok at umiinom mag-isa.

ANG mga bagong kasal ay naglalakad sa tabing-dagat. Parehong suot pa rin ang mga damit-pangkasal. Pareho ring bitbit ang mga sapatos sa tig-isang kamay.

“St. La Crouix is beautiful, cherie, ” tahimik na wika ni Kurt. Nilinga ang dagat na nagre-reflect ng iba’t ibang kulay mula sa papalubog na araw. “One day, I’ll take you there.”

“I’d love to, darling.”

Muli siyang nilingon ng asawa. “Let’s try the sand,” a suggestive gleam in his eyes.

Tumingala si Jade dito. Sa paningin niya’y biglang naging payapa ang mukha ng asawa. Tila napakaraming taon ang naalis sa edad nito.

“I like that,” sagot niya at ngumiti nang may antisipasyon. “Pero hintayin nating dumilim at mawala ang mga bisita.”

Humalakhak si Kurt. Pagkatapos ay hinawakan ang baba niya at itinaas.

“Je t’aime,” bulong nito.

“As I love you.”

WAKAS