R EPORTERS are everywhere but no one was granted an interview. Ilang araw na naging laman ng peryodiko ang tangkang pag-kidnap kay Jade Ann Fortalejo De Silva. One of the heirs of the Fortalejo-De Silva fortunes.
Laman din ng peryodiko ang larawan ng mga magpipinsan. Kung saan kinuha ng press ay walang nakakaalam.
Gayundin ang bayaning estranghero na nawala na lang sa dilim.
Telephone lines are burning. Mga nag-aalalang mukha ng magpinsang Anton Karl, Cameron, at Julianne ang nasa video phone parati. Ganoon din si Anna na mahigpit na nag-utos na ipadala sa Amerika ang mga apo sa ayaw man at sa gusto ng kahit na sino.
Emerald was sedated for a couple of hours. Sinikap ni Marco na hindi makarating sa ina ang nangyari. Bagaman walang nararamdaman sa katawan ay matanda na si Julia sa edad na setenta y tres. At hindi gusto ni Marco na makaapekto sa ina ang nangyari. Subalit hindi nito maililihim iyon dahil sa mga balita sa telebisyon. Nagpilit ang matandang umalis ng isla upang makita ang mga apo.
The Fortalejo-De Silva clan and the closest friends, ang mga Navarro, were in chaos.
Hindi doon natapos ang pagpipiyesta ng mga peryodiko. Ang sugatang dinala sa ospital ay hindi inabot ng dalawang araw at namatay sa pagtataka ng marami dahil hindi naman malubha ang tama nito. Ang isang nahuli at nakakulong ay inabutang patay na sa selda nito. Nagbigti.
Maraming mga ispekulasyon. Were the Fortalejos and De Silvas had something to do about the death of the kidnappers? o ang gumawa’y ang mismong utak ng kidnapping? Walang makasasagot.
Ang dalawang mga napatay ay mga bata pa at napag-alamang mga dating military men at na-terminate sa serbisyo. Ang isang namatay sa selda ay foreigner.
“SHIT!” Inihagis ni Kurt ang dyaryo sa sahig. “May kinalaman ba kayo sa nangyari sa mga kidnapper?” Nagbabaga at nanunuring mga mata ang nakatuon kay Bernard.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard sa tanong na iyon.
“It would be my greatest pleasure to kill those bastards with my own hand, Kurt. But we don’t murder unarmed and helpless person.”
“What about Marco?” singhal ng lalaki.
“Tinitiyak ko sa iyo, pareho kami ng pamantayan ni Marco. No matter what you think, hindi namin inilalagay ang batas sa aming mga kamay hanggang maaari. At nasa kamay na ng batas ang dalawang kidnapper.”
Gumalaw ang muscles sa mukha ng lalaki. Pinipigil ang galit. “Your sons and nephew could have been killed and—”
“Don’t be hard on yourself, Kurt,” mahinahong putol ni Bernard sa sasabihin nito. Hinagod ito ng tingin. Nakasandal sa steel headboard ng isang ospital bed at nakapaikot ang benda sa buong likod at dibdib.
The man reminded him of Jackson, ang French-American na siyang ama nito. Bagaman mas may character ang personalidad ng anak. During their times, no one had ever thought how dangerous Jackson was to his enemies dahil nga mapagbiro at laging nakatawa. Maliban na lang isang araw nang sumama siyang umuwi rito sa kanila.
Kurt is different. His eyes dangerous. His face hard and cruel. Kakaiba sa batang Kurt na tatlong linggong nanatili sa de Silva farm noon.
Nang huli niyang makita ang ismarte at masayahing Kurt ay nasa kolehiyo ito. Hindi siya makapaniwalang ito ang Kurt na humarap sa kanya weeks ago.
Ganito ba ang ginawa ng airforce at CIA sa lalaking ito?
Napukaw ang pag-iisip niya nang muling magsalita si Kurt. “Hindi mo sinabi sa akin ang totoo, Tito Bernard!” he shouted angrily. “Hindi dapat nasaktan ang mga batang iyon kung niliwanag mo lang sa akin na may mga kidnap threat kayong tinatanggap!”
“Hindi kita sinisisi,” ani Bernard sa nakatiim na mga bagang. “Hindi ko lang inaasahang tototohanin ang banta. For years, we’ve been receiving kidnap threats.”
“Dammit!” p atuloy ang lalaki sa pagpupuyos. Kalahati ng galit ay para sa sarili. For being so careless. For being so overconfident sa pagtrato sa trabaho na balewala. He’s getting older at siguro’y magtinda na lang siya ng taho sa kalsada.
At kalahati ng galit nito ay para sa kaharap. His father’s best and only friend.
“They sent rookies kaya buhay pa ang mga anak at mga pamangkin mo!”
A flicker of fear was in Bernard’s eyes nang matanto nito ang sinasabi ng kaharap. Tama si Kurt. Inilagay niya sa panganib ang buhay ng mga anak at mga pamangkin dahil lang hindi nila ipinaliwanag ni Marco nang husto rito ang sirkumstansiya.
“Kung alam ko ang tunay na dahilan kung bakit pinababantayan mo ang pamangkin mo,” patuloy ni Kurt, anger in his eyes. “Hindi ako papasok sa loob ng bahay. At hindi rin sila magkakaroon ng tsansang mahawakan man lamang ang pamangkin mo because I will be watching them in the dark prepared!” Napapikit ito and smiled mockingly at himself. “Ni blade wala akong dala...”
“I’m—sorry, Kurt...” ani Bernard sa tila pinangangapusan ng hiningang tinig. “Jade hated bodyguards. At hindi rin niya alam ang tungkol sa threats. We thought it was unnecessary to worry them all. At kung sinabi namin sa iyo...” t umaas ang mga mata nito sa lalaki. “y ou will be stalking her like a shadow. Sooner or later, Jade will notice you. At alin na lang sa dalawa, matatakot siya o magalit sa ama. His father promised her that there will be no more bodyguards.”
Hindi sumagot ang lalaki. Halos isang linya na lang ang mga mata. Humugot ito ng malalim na buntong-hininga na nagpaigting ng mga bagang nito.
At nahuhulaan ni Bernard na masakit para dito kahit ang huminga nang malalim dahil sa tinamong sugat. At ni hindi gustong malaman ng lalaki na nakakaramdam ito ng sakit.
“Before my father died, did he tell you everything about me?” he asked calmly.
Malungkot na umiling si Bernard. “Your father was my only friend outside my family. And yet, madalang pa sa patak ng ulan kung magkita kami. Gustuhin ko man, I guess, we were both busy with our own lives. Kung hindi ko pa siya dinalaw minsang nasa Texas ako’y hindi ko malalamang maysakit siya,” he sighed regretfully. “That was when he told me about you. That after you left the airforce, you worked undercover. Na kung sakaling kailangan ko ng tulong ay hanapin kita. He gave me your address here in Manila.”
Tumango si Kurt. Muling tinitigan si Bernard.
“Next time you want my services,” sarkastikong sabi nito “...make sure to trust me.” Inihilamos nito ang palad sa mukha at inihilig ang ulo sa steel headboard at pumikit.
Hindi makuhang sumagot ni Bernard. Ipinahihiwatig ng tinig at anyo nito na tapos na ang usapan nila.
Gusto niyang magalit sa dismissal na iyon. In his whole life, walang taong nagtaboy sa kanya. Direkta man o sa ibang paraan. Nasa kanya lagi ang huling salita.
Nasa pasilyo na siya’y tumitining pa sa isip ang sinabi ng lalaki. ...make sure to trust me.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya.
“You can trust my son, amigo...”
Iyon ang sinabi sa kanya ni Jackson bago sila naghiwalay. Three months later Jackson died. Narooon silang mag-asawa kasama si Marco who had the chance of meeting Jackson noong nasa farm ang mga ito. Parang may isang bahagi sa kanyang nawala nang mamatay si Jackson. Sa mga panahong nalilito siya sa pagitan ng dalawang magulong pamilya ay si Jackson ang nagsilbing ama sa kanya.
Naroon din si Kurt who never said a word. But bitter and angry.
Marahil ay hindi niya sineryoso ang sinabi ni Jackson na dapat din niyang pagkatiwalaan ang anak nito.
He had trusted Jackson with his life pero ang ibigay ang tiwalang iyon sa iba, anak man nito ang taong iyon, ay hindi madaling gawin. Pero siguro’y nagkamali siya.
A small smile played on his lips as he again recalled the parting words. “...make sure to trust me.”