Two-and-a-half years later.
N AGBALIK sa Pilipinas si Jade Ann. Hindi dahil sa kagustuhan niya kundi upang pagbigyan ang kakambal na pamahalaan ang Kristine Steel na dapat ay ito ang gumawa.
At alam niya ang dahilan kung bakit mas nanaisin pa ng kapatid na manatili muna sa Amerika.
“I’m sorry, Jade, kung sa iyo ko muna ibinibigay ang tungkuling dapat ay akin.” Si Romano nang huli silang mag-usap.
“No big deal, brother.” n gumiti siya. “Ikaw pa rin ang magpapatakbo ng Kristine Steel from here. In every board meeting, naroon ka pa rin through the video phone...”
“Thank you,” maikling sagot ni Romano.
“There’s no need for that. At least, napatunayan kong nagtitiwala rin sa akin ang m ommy at d addy dahil nakahandang iwang tuluyan ng Daddy ang kompanya. Sa isla na sila maninirahan ng m ommy.”
Ngumiti si Romano. “Of course, sis. You are more than capable of handling the company. Na-train ka nang husto rito sa Texas. And Daddy’s retirement is long overdue. We owe it to our parents.”
“Yeah,” tango ng dalaga. Sandaling tinitigan ang kapatid. At sa marahan at nanantiyang tinig ay: “Why haven’t you annuled your marriage with Bobbie?”
Tulad ng inaasahan niya’y tumiim ang mukha ng kapatid. Ang laki ng ipinagbago ni Romano matapos nitong desisyunan na hiwalayan si Bobbie anim na buwan matapos lamang ang kasal ng dalawa.
After a year in Texas, Romano went home to marry the woman he loved so much. Stayed with Bobbie for a month in Paso de Blas for their honeymoon. Si Bobbie ang nagpasya na sa halip na mangibang bansa ay sa isla gawin ang honeymoon. More on sentimental value ang dahilan nito. Pagkatapos ay muling nagbalik sa Texas si Romano makalipas lamang ang dalawang buwan upang tapusin ang masteral nito.
Patuloy sa masayang komunikasyon ang mag-asawa hanggang isang araw ay nakita niya ang biglang kaibahan ng kapatid. Ang dating masayahing Romano ay nagbago. Bugnutin at mainitin ang ulo.
Wala na ang nakaiinggit na usapan tungkol sa kanila ng bagong asawa. Nobody knows why. Not even their parents... nor their cousins. Basta hindi na gustong pag-usapan ni Romano ang tungkol kay Bobbie.
Any communications from her is definitely rejected. Though not legally, it seems the marriage is off.
Gusto mang tumulong ng mga matatanda ay wala itong magawa. Si Romano ang hindi makausap nang maayos pagdating sa bagay na iyon. Eventually, tinanggap ng mga magulang nilang respetuhin ang desisyon ng kakambal.
At ngayong panahon na upang magbalik sa Pilipinas si Romano’y siya ang gusto nitong umuwi upang pangasiwaan ang Kristine Steel.
“You never told anyone of what really happened between you and Bobbie, Romano,” patuloy ng dalaga nang hindi sumagot ang kapatid. “Pero kung ganoon rin lang at tila balewalang naturingan kayong mag-asawa, bakit hindi mo gawing legal ang paghihiwalay ninyo?”
“Ako ang kauna-unahang lalabag sa tradisyon ng mga ninuno natin, Jade,” nakatiim nitong sinabi.
Naningkit ang mga mata ni Jade. “To hell with traditions! Hindi ka maaaring manatiling nakatali sa kanya at ganoon din siya sa iyo. Pareho ninyong pahihirapan ang inyong mga sarili. Annul your marriage with her, Romano, and find someone else and be yourself again!”
“Let us drop this subject, okay?” tingala ni Romano sa kapatid. “Now, let me see kung ano pa ang maaari kong ipagbilin sa iyo tungkol sa kompanya.”
Hindi na kumibo si Jade. Pagkaganoon ang tono ni Romano’y hindi mo na mapipilit itong ipagpatuloy ang topic. Deep in her heart she wanted to hate the woman that made his twin brother bitter.
Pero hindi siya ganoon ka-judgmental. Naniniwala siyang mayroon laging dalawang mukha ang coin. Bagaman wala siyang naririnig sa kapatid, wala rin naman siyang alam sa panig ni Bobbie.
“HI, DAD,” bati ng dalaga sa ama nang makita ang mukha nito sa videophone. “Kumusta kayo ng mommy?”
Ngumiti si Marco. Bagaman maliit lang ang screen ay napuna ng dalagang pulos pawis ang ama.
“Ikaw ang dapat kong kumustahin, hija. Ito ang unang linggo mo sa trabaho. How are you coping with your new job?”
A week ago, Marco announced the board of his retirement. And also announced Romano’s appointment as President and CEO. And introduced his daughter as temporary CEO in Romano’s absence.
Napaungol ang dalaga. “C’mon, Daddy, huwag ninyo akong intindihin. Enjoy your retirement, Dad. Sit by the lake with your fishing rod and—”
“Ganyan na ba talaga ako katanda sa paningin mo, Jade Ann, at tila gusto mo na lang na maupo ako sa tabi ng lake at maghintay na may kumagat sa pain ko?” kunwa’y nagdaramdam nitong sabi but his eyes sparkled in amusement.
Ngumisi ang dalaga. “What have you been doing anyway?”
“Lots of things, hija. Kaninang umaga’y nag-race kami ng mommy mo at—”
“Horse racing!” Napaangat sa upuan si Jade. “Dad, baka kung mapaano ang m ommy...”
Humagalpak ng tawa si Marco. May nadamang init sa dibdib ang dalaga. She had never seen her father this happy. Emerald was right, Marco loved the farm very much.
Finally, ibinalik sa tubig ang isda pagkatapos ng maraming taon sa katihan.
“Phone me, darling, kung may problema diyan sa office,” ani Marco nang mahinto sa pagtawa.
Fat chance, nakangiti niyang sagot sa isip. She’d rather consult Romano or her Uncle Bernard kaysa abalahin ang mga magulang.
“Kiss Grandma for me, Daddy, `bye...” at ini-off na niya ang videophone at sinimulang abalahin ang sarili sa gawain nang biglang may maalala.
Nalimutan niyang itanong sa ama kung bakit hindi na ang sekretarya nito ang naroon.
Napailing siya. Kasabay ba ng retirement ng ama ay ang retirement din ng sekretaryang kinalakhan na niya sa kompanya?
HINDI na bago ang trabaho sa kanya. Silang magkapatid at magpipinsan ay hinubog at sinanay sa kanilang mga kompanya. At bagaman katulong niya ang ibang mga senior and junior executives ay nangangapa pa rin ang dalaga. Hanggang maaari ay hindi niya gustong tawagan si Romano kung kaya rin lang niyang gawan ng paraan.
“Good evening, Miss de Silva,” bati ng security guard nang minsang gabihin siya sa pagbaba mula sa opisina.
Tumango ang dalaga. Nakita ang maliwanag pang foundry. “Overtime ba ang mga tao, Tuazon?”
Nilingon din ng security guard ang foundry. “Ang supervisor na lang po, Ma’am, at ang mga tauhang in-charge sa delivery.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano ang dahilan at late ang delivery?”
“Hindi ko po alam, Ma’am,” sagot ng guwardiya na napakamot ng ulo. “Baka po dahil truck ban.”
“That’s alright, Tuazon.” t inanguan niya ito.
Ano nga ba ang malay ng building security sa late delivery? Ibang security guard ang naka-assign sa foundry, ganoon din sa mga gate ng compound. Siguro nga’y nagpalipas pa ng truck ban ang trailer.
Lumakad na siya patungo sa parking lot. Sinamahan siya ng security guard at ipinagbukas ng pinto ng kotse. Nasa mga mata ang paghanga sa midnight blue niyang Alfa Romeo.
“Thank you, Tuazon,” pagpapasalamat niya at ini-start na ang ignition.
Ilang sandali pa’y nasa labas na siya ng compound ng Kristine Steel. Alas-otso y media ng gabi. Mula Bulacan ay magbibiyahe pa siya hanggang Corinthian Garden. What does it matter. Kung sa Sucat siya nagpa-assign ay ganoon din katagal ang biyahe niya sa traffic.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga at binilisan ang pagpapatakbo. Limang kilometro pa bago ang tollgate at medyo makitid ang daan at hindi lahat sementado.
“This is suppose to be a national road, bakit hindi man lang nilaparan ang highway?” nadidismayang kausap niya sa sarili dahil bukod sa hindi naiilawan ang lahat ng poste ay makitid pa ang daan.
Inikot niya ang paningin sa paligid. Ang bahaging ito ng Bulacan ay industrial site. Pulos malalaking establisyimento ang mga nakatayo at nababakuran ng nagtataasang pader. Tulad din ng Kristine Steel.
Ang sa paligid ay mga kogon at mga punong-kahoy. Ang mga kabahayan ay nasa loob ng isang malaking low-cost housing subdivision na malapit sa toll exit. Kaya halos deserted ang daan maliban sa mangilan-ngilang sasakyan na marahil ay pauwi na.
Ang pinaka-common na paraan ng pagbibiyahe sa lugar na iyon ng Barrio Balantok ay tricycle. Ang town proper ay sa kabilang bahagi pa ng tollgate.
Isang kilometro na ang natatakbo ng sasakyan niya nang tamaan ng harapang ilaw niya sa malayo ang isang nakaparadang sasakyan na halos nasa gitna na ng kalsada.
May isang babae ang pumagitna at pinapara siya. Sa likod ng van ay isang lalaki na tila niyuyuko ang gulong. Siguro’y nasiraan ang mga ito at nasa ilang na bahagi sila.
Ang pinaplano niyang paghinto sa mga ito ay biglang napalis sa isip nang sa sulok ng mga mata’y may hindi sinasadyang masulyapan siyang tao sa may kogonan na biglang umatras patago.
Agad ang pagbangon ng kaba sa dibdib ni Jade. Touched a button para sa automatic lock ng mga pinto ng sasakyan niya. Hindi niya malalampasan ang mga ito dahil nasa gitna halos ng daan ang van. At ang babae’y nasa gitna at pinapara siya. Masasagi niya tiyak ito. Paano kung totoong nangangailangan ng tulong?
Bumaba sa sampu ang speedometer niya. Sa liwanag ng ilaw sa headlights niya’y tumayo mula sa pagkakayuko sa gulong ng van ang lalaking kasama nito. Malaking lalaki. There’s no need for help kung flat tire ang problema at malamang na iyon nga dahil gulong ang sinisilip. They must have spare tire.
Humakbang ang babae palapit sa kaliwang bahagi niya at ang lalaki’y sa kanang bahagi ng kotse niya. Ang window shield ang tungo. Kung tulong lang ang gusto, hindi marahil kailangang dalawa ang magsasalikop sa kotse niya. The woman would have been enough.
At nasaan ang lalaking natitiyak niyang nakita niyang umuklo sa...
Bago pa niya matapos ang tanong sa isip ay nakita niyang lumitaw ang lalaki mula sa malayo. Hindi lang ito kundi may kasama pang isa pa.
Humigpit ang hawak ng dalaga sa kambiyo. Automatically shifted to reverse. Stepped hard the accelerator at sumibat paatras ang sports car sa pagkabigla ng lahat na marahil ay hindi inaasahang gagawin iyon ng dalaga.
At lalong hindi marahil inaasahang ganoon katulin umatras ang sports car. Ang dalawang lalaking nasa malayo’y natanaw niyang naglabas ng mga armas at agad niyang pinatay ang headlights at ikinambiyo pabalik ang kotse sa pinanggalingan. Ang gulong niya’y gumawa ng ingay sa katahimikang iyon.
Kung nagpaputok man ang mga ito’y hindi niya alam pero isa ang tiyak, hindi ito tatama sa sports car sa ganoong layo na niya. Mula sa rearview mirror ay natanaw niyang nagtakbuhan sa van ang mga ito. Sa kabila ng matinding kaba’y gustong mangiti ng dalaga.
“You’re all out of your mind kung iniisip ninyong kaya ninyo ang kotseng ito!” pagkasabi niyo’y unti-unting tumaas ang speed ng sports car.
One hundred... one hundred ten... one hundred thirty-five...
Parang isinibat sa dilim ang Alfa Romeo. Ang uri ng takbo niya’y isa na sa mga maaaring sanhi ng aksidente niya. Lumilipad sa hangin ang sports car at literal na umaangat siya sa lupa kapag bahagyang nalulubak sa hindi patag na aspalto.
Nagpapasalamat siya na walang nakakasalubong. At kung naiinis siya kaninang hindi lahat ng mga poste sa daan ay may ilaw, ipinagpapasalamat niya ngayon iyon.
Muli siyang tumingin sa rearview. Deserted ang kalsada. Nagbitaw siya ng malalim na paghinga at binabaan ang speed. Ilang sandali pa’y nasa harap na uli siya ng gate ng Kristine Steel sa pagtataka ng mga security guard.
Ibinaba niya ang salamin. “I’m being followed,” wika niya sa tatlong security guard sa mariin at awtorisadong tinig na kung maririnig lang ni Marco’y would make him so proud of his daughter. “Armado. Huwag ninyong bubuksan ang mga gate kahit na ano ang mangyari. Call the police! And radio all the guards at the gates. Walang sasakyang palalabasin at papapasukin. Kahit na sa atin.”
Agad na sumunod ang mga security guard. Tatlo ang gate sa compound ng Kristine Steel. Main gate ang dinaanan niya. Mayroon sa likod at sa kanang bahagi. Ang likod ay bihirang nabubuksan. Ang kanang bahagi ay ginagamit sa incoming and outgoing delivery trucks and trailers.
Sa mismong pinto ng building niya ipinarada ang sasakyan. Tulad ng mga nasa gate ay nagulat din si Tuazon at ang isa pang kasama nito nang makita siyang bumaba ng kotse.
“HELLO,” ang katulong. “Opo... sandali lang po.”
“Sino iyan, Maring?” s i Jewel nang pumasok sa dining room ang katulong hawak ang wireless phone.
“Si Ma’am Jade po, Ma’am. Si Sir po ang kailangan.”
Inabot ni Bernard ang telepono. “Hello, Jade... what?” Napatayong bigla si Bernard. Napapikit at tumiim ang mga bagang.
“ Dio ! Have you called the police? Si ... Yes... tama ang ginawa mo. Hindi nila papasukin ang compound. They would be foolish to do that.”
“Paano kung may contact sila rito sa loob, Uncle?” s i Jade. Hinawi ang kurtina sa bintanang salamin at tinanaw ang gate. Mula rin doon ay kita ang buong baryo.
Tahimik at kung may mga ilaw man ay sa malalayong mga kabahayan at nagmumula sa ibang mga industrial building. Ganoon din sa mga light post na layo-layo at hindi lahat ay naiilawan. Sa daan ay may mangilan-ngilang headlights siyang natatanaw.
At hindi kalayuan sa pabrika’y may ilaw siyang natatanaw. Hindi gumagalaw. Bahagya siyang kinabahan.
It could be them. Pero hindi niya gustong sabihin sa tiyuhin. Hindi niyon mapapabilis nang higit ang pagtungo rito. Mag-aalala lang nang husto si Bernard at si Jewel. Besides, bahagya na siyang nakadarama ng kaligtasan sa loob ng second floor ng Kristine Steel.
“Paano nilang nalaman ang oras ng labas ko? Ito ang kauna-unahang umuwi ako nang gabi.” Tinitigan ang baril sa ibabaw ng mesa ng ama.
“Damn!” s i Bernard. Sinulyapan ang asawang nagtatanong ang nag-aalalang mga mata. “I’ll be there in twenty minutes. I’ll use the chopper.”
“Uncle... don’t inform Mom and Dad, please...”
Huminga nang malalim si Bernard at saka tumango na tila kaharap ang kausap. “Jade...”
“Uncle?”
“Gaano mo kakabisado ang opisina ng daddy mo?”
Nilinga ng dalaga ang malaking opisina ng ama at unti-unti ay lumitaw ang ngiti sa mga labi.
“I know what you mean, Uncle Bernard. But I don’t think it’s necessary. Malalaman ko pati kung papanhik ang alinman sa mga security guard. I have activated all monitors and locked all exits and entrances in this floor including the firescapes. At naibaba ko na ang mga steel gate sa dalawang hagdanan. And you don’t call this Kristine Steel if they can break those high grade steel.” s he grinned, sa kabila ng bahagyang takot.
Bahagyang nakahinga nang maluwag si Bernard. “Smart girl. But be careful.” i ni-off nito ang linya at may idinayal.
“Ano ang nangyari?” nag-aalalang tanong ni Jewel.
“May humarang sa kanya sa daan,” sagot ni Bernard palabas ng dining room.
“No!”
Nilingon ni Bernard ang asawa. “ Calma , querida . Nasa pabrika si Jade. Hello... yes. Fortalejo here. I need you. Right now! Kristine Cement, rooftop... what? Hell, I don’t care if you’re f—g a whore or a queen! Pronto !”
Nasa harap na ng private elevator si Bernard nang mabilis na tumakbo pabalik sa penthouse at sumungaw uli sa malaking pinto.
“Don’t call Paso de Blas!”
Nabitiwang bigla ni Jewel ang telepono.
“SAAN ka pupunta?” tanong ng babae na ang mga mata’y nakatuon sa bagay sa pagitan ng mga hita ng lalaki.
A certain hunger in her eyes. Half-aroused and yet... lumapit siya at naupo sa gilid ng kama sa harap mismo nito and teased his sex with her mouth.
Hinawakan ni Kurt ang buhok ng babae at inilayo. “Kailangan kong umalis...”
“Sino ang tumawag?” she asked seductively. Inilatag ang hubad na katawan sa kama, nang-aakit. Her body never failed him.
Pero ni hindi na siya tinapunan uli ng tingin ng lalaki. Tumaas ang sulok ng bibig sa isang matabang na ngiti. Dinampot ang briefs sa sahig at isinuot.
“It is rumored that he is one of the six hundred most powerful men around the world. And definitely one of the most influential men in this country. The president owed him his presidency.”
Tumaas ang mga kilay ng babae. Ang interest ay natuon sa lalaking tumawag. “What’s his name, Kurt? I’d like to meet this guy...”
Nagagalit siya. Nasa gitna siya ng pakikipagtalik subalit tila diyos na nag-utos si Bernard Fortalejo. He couldn’t say no. Not that he cares a whit of his anger or his influence. He made a promise to his father.
Pangakong unti-unti na niyang pinagsisisihan ngayon.
Subalit ang ipinahihiwatig ng babaeng nasa kama niya’y gustong magpahalakhak sa kanya. Tinitigan niya ang maladiyosang nakahiga at walang pakialam kung hubad. Marahil ay dalawampung taon ang kabataan kay Mrs. Jewel Fortalejo.
“You could be Helen of Troy incarnate but I’ll bet my whole life if that hell of a man would fall for your charm!” Hinablot nito ang sport shirt na nakasabit sa silya at saka lumabas. “Lock my room when you leave.” Nasa labas na siya nang sabihin iyon.
Naiwang nakatanga ang babae.
Sandaling pinagdudahan ang sariling katangian.