noveltoon logo noveltoon
Kapeng Barako At Krema (Kristine Series 14)

Chapter 20

Ch. 20 / 24 Nov 28, 2025

“I WANT you back, Kurt....”

Dinutdot ng lalaki ang sigarilyo sa ashtray sa tabi ng hospital bed.

“My resignation is irrevocable, Sir...”

“Now I am taking you back,” patuloy ng lalaki. “You can’t just turn your back on us, Kurt. There’s an assignment waiting for you in Saraviejo. The secretary sent a fax yesterday. He specifically mentioned you...”

Huminga nang malalim ang lalaki. At sa determinadong tono ay: “I’m sorry, Sir, but—” n aputol ang sasabihin nito sa marahang katok. Nabaling ang pansin nila ng bisita sa pintong unti-unting bumukas.

Sumungaw si Jade.

He tensed.

Si Jade ay pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki. Foreigner ang bisita ni Kurt. Malaki at marahil ay nasa pagitan ng kuwareinta y singko at singkuwenta ang edad.

“I–I’m sorry. Hindi ko inaasahang may bisita ka. I’ll come back later...”

Subalit tumayo ang malaking lalaki.

“Oh no, please come in. I was about to leave anyway.” n iyuko nito si Kurt. “Think it over, La Pierre...” pagkatapos ay nginitian nito si Jade at tuloy-tuloy nang lumabas.

Sinundan ng tingin ng dalaga ang lalaki. “Who was that?”

“Bakit ka narito?”

Humarap ang dalaga at tinitigan ang lalaki. Nakahiga at nakaunan sa mga braso. Hubad ang pang-itaas at may nakapaikot na benda sa kanang balikat.

“Ikinalulungkot ko ang ginawa ng Uncle Bernard sa iyo.”

Muling nagkibit ng mga balikat ang lalaki. “I’ll live.”

If it was pain that she saw na sandaling nagdaan sa mga mata nito’y hindi matiyak ni Jade. Nakarehistro na sa mukha nito ang panunuya.

Tinitigan ni Kurt ang dalaga. Galing marahil siya sa opisina. She’s in tailored cut dress. Poised and classy.

“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit ka narito?”

Nakailang tikhim si Jade bago sinulyapan ang silya. “H-hindi mo ba ako pauupuin?”

“Be my guest.”

Humakbang siya patungo roon at naupo. “I wanted to hear your side of the story, Kurt. Ipagtanggol mo ang sarili mo sa akusasyon ng Uncle Bernard at ng Daddy.”

Matalim ang mga matang nakatuon sa kanya. “Walang ibang eksplanasyon, Jade. Kung ano ang narinig mo’y iyon na.”

“Please, Kurt. Kahit paano’y—”

“ Hindi ko gustong pag-usapan, Miss de Silva,” agap nito sasabihin niya. “Paniwalaan mo ang sinabi ng mga magulang mo at ng tiyuhin mo. Mas makabubuti sa iy o. Now, leave. Salamat sa pagbisita mo, buhay pa ako.” At tumalikod ito at dumapa sa unan.

Nanlulumong hindi makapaniwala si Jade na hindi siya kakausapin nito. She was about to say something nang bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang nurse.

“I–I’ll see you some other time, Kurt,” marahang sabi niya at walang kibo siyang lumabas.

Humarap si Kurt at nakita pa nito ang likod ng dalaga. Tumiim ang mga bagang at pumikit.

“Oras na ng pag-inom ng gamot, Mr. La Pierre,” ang nurse na inabot ang bottled mineral water sa tabi at sa kabilang kamay ay ang kapsula.

“Dalhin mo palabas ang gamot na iyan, Nurse.” n agmulat siya ng mga mata. “At sabihin mo sa doktor na lalabas na ako...”

Napaatras ang nurse at matapos magdili-dili nang ilang sandali’y lumabas dala ang kapsula.

Nang magbalik si Jade dalawang araw makalipas ay wala na sa ospital si Kurt. Lumabas ito sa mismong araw na nanggaling siya roon.

Hiningi niya ang address nito sa ospital subalit walang isinulat na address ang lalaki. Pirma ni Bernard Fortalejo ang naroroon at address nito.

NANG araw ding iyon ay nasa opisina siya ni Bernard sa Kristine Cement.

“Gusto kong malaman kung saan ko siya matatagpuan, Uncle!” demanda niya sa tiyuhin.

“Jade, alam ba ni Marco ang ginagawa mong ito?”

“Sinabi ko sa Daddy na kakausapin ko siya. I’ve been to the hospital subalit nakalabas na si Kurt.”

Matagal na nag-isip si Bernard at nanlulumong tinitigan ang pamangkin.

“Alam mo ba kung ano itong ginagawa mo, Jade?” he asked softly.

“You’re like my Dad,” padabog niyang sabi. “Gusto ninyong kontrolin ang damdamin ko. Hindi ako makapaniwalang ang mga lalaking nakilala kong may malawak na pang-unawa’y nagiging makitid na ngayon.”

“Hindi mo kilala ang pagkatao ni Kurt, Jade,” patuloy nito. “Hindi si Kurt ang lalaking—”

“I’ll determine that Uncle Bernard,” agap niya and defiantly raised her chin.

“Jade...”

“Alam kong para sa akin ang ginagawa ninyong lahat. But I’m twenty-four,” she said wearily. “I love this family, Uncle Bernard. At kung sino ako ngayon ay utang ko sa inyong lahat... sa paraan kung paano ni nyo kami hinubog... minulat. Hindi ko hahayaang mabalewala iyon nang dahil lang sa isang bulag na pagtingin. I may have fallen for Kurt, pero bakit hindi ninyo akong lahat bigyan ng pagkakataon na patunayan sa sarili ko kung tama o mali ang damdamin ko.”

“You’re young and in love. Papaano mo malalaman kung mali o tama ang ginagawa mo? Emosyon mo ang paiiralin mo,” hamon ni Bernard.

Malungkot siyang umiling. “Trust me, Uncle Bernard...”

NAKAHINGA nang maluwag si Jade nang makita ang pickup ni Kurt sa harap ng isang six-floor building sa Ermita.

Tumingala siya. Nasa ikaanim na palapag ang opisina nito. Naroon din at nakabalandra ang karatula. KLP SECURITY AGENCY. Ang sabi ni Bernard ay okupado ni Kurt ang buong sixth floor. Opisina-cum-tirahan.

Alas-singko pasado na at nakikita na niya ang ilang mga empleyadong naglalabasan sa bukana ng building. Hindi lang marahil sampung opisina ang umookupa sa building na iyon.

Lumabas ng kotse ang dalaga. Hindi pinansin ang maraming taong naa-attract ng sports car at mga humahangang matang nakatuon sa kanya. Dere-deretso siya sa entrance ng building. Hinanap ng mga mata ang nag-iisang elevator at naghintay na bumaba iyon.

Maraming lumabas at mag-isa siyang pumasok. Diniinan niya ang numero 6.

Pagdating sa itaas ay nahantad sa kanya ang pintong may logo ng agency. Brass na nakaukit sa polished wood. Akma niyang itutulak ang pinto nang lumabas ang isang babae.

“Yes?” Hinagod siya nito ng tingin.

Tumikhim siya. “Gusto kong makausap si Mr. La Pierre.”

Tumaas ang kilay ng babae. Sa pagitan ng beinte-dos at beinte-sais ang edad. Naka-uniporme ng paldang gray at dark blue na blusa. Maganda.

“Ako ang sekretarya niya. At off office hours na, Miss. Hindi nag-e-entertain si Mr. La Pierre ng bisita `pag hindi na oras ng opisina.” Naroon ang authority sa tinig nito bilang empleyado.

“Hindi ako kliyente,” pormal niyang sagot. “Personal ang sadya ko sa boss mo. Nasaan siya?”

Bahagyang napaaatras ang babae sa tono niya. “Nasa... opisina niya at—”

“May kausap pa ba siya?”

“Wala nang tao sa loob. Ano ang pangalan mo at sasabihin ko—”

“You can go home and I’ll find him myself.” t inanguan niya ito at bago pa makapag-react ang babae’y pumasok siya sa opisina at isinara ang pinto.

Bukas ang aircon. Ang mga office desk ay bakanteng lahat. Malinis ang opisina. Hindi kalakihan. Naroon na marahil ang buong department sa pahabang silid na iyon.

At malaki ang sixth floor. Kung ganoon ay okupado ni Kurt ang ibang bahagi ng sixth floor bilang tirahan nito.

Muli niyang inikot ang tingin sa buong opisina. Kung ano-ano ang mga nakalagay sa dingding na may kinalaman sa agency. Natanaw niya ang isang louvered two-way door. Iyon marahil ang opisina ni Kurt. Itinulak niya ito at umingit ang pinto.

“Akala ko ba’y umalis ka na, Marcia?” s i Kurt na nakatalikod at nakahilig sa swivel chair na halos humiga at tumama ang dulo sa edge ng desk.

Naka- t -shirt ng light blue. Nakataas ang mga paa sa likurang cabinet.

Tumikhim si Jade.

“If it’s another client tell him to come back tomorrow at huwag mo nang paghintayin ang asawa mo sa ibaba.”

Lumunok si Jade bago nagsalita. “I didn’t come here on official business...”

Marahas na umikot paharap ang swivel chair. Sandali lang ang pagkabigla sa mukha ni Kurt.

“Hindi ako makapaniwalang itinuro sa iyo ng pamilya mo ang building na ito.”

“How are you, Kurt?” tanong niya sa mababang tono. “I came back pero wala ka na sa ospital.”

Nagkibit ang lalaki. “Ang sabi ko’y hindi kita gustong makausap, Jade,” malamig nitong sagot. “Akala ko’y malinaw ko nang nasabi sa iyo iyan sa ospital.”

Hindi malaman ng dalaga ang gagawin at sasabihin. She’s unwelcome. Lantarang itinataboy siya nito. Pero hindi siya aalis hangga’t hindi niya narinig ang gusto niyang marinig.

Iginala niya ang paningin sa loob ng maliit na opisina nito. Pagkuwa’y muling bumalik ang mga mata niya sa desk nito na may salamin sa ibabaw.

Hindi sinasadyang napako ang tingin niya sa isang pamilyar na signature sa ilalim ng salamin. Lumapit siya nang dalawang hakbang at niyuko ang nakapailalim na tseke sa salamin. Hati iyon sa gitna.

Tumaas ang tingin niya sa binata. “You’re not very wise, you know. You should have encashed it. That’s a lot of money.”

Umismid si Kurt. “Mamamatay na lang siguro ako pero hindi ako yayamang tulad ninyo. Pero hindi pa naman ako naghihirap. I can still afford to pay my meals and my employees.”

“You risked your life for me...”

“I f—ed you in return.”

Pinamulahan ng mukha si Jade kasabay ng pagbangon ng galit. Umikot sa tabi nito at hinampas ng bag ang lalaki.

“Bastos kang talaga!”

Mabilis na inagaw ni Kurt ang bag niya at inihagis sa sahig. Pagkatapos ay kinabig siya at mahigpit na ikinulong sa mga bisig nito.

His fingers sank into her hair. Then his mouth covered hers in a violent kiss. Nagpumiglas si Jade.

Tumaas nang bahagya lang ang bibig ni Kurt para makapagsalita. “Ito ba ang ipinunta mo rito?” Muling yumuko at bahagyang kinagat ang lower lip niya.

“Oh!” she cried. Itinulak niya ang lalaki subalit tila nagtutulak siya ng pader. “I hate you, Kurt!”

“You want me.”

“Go to hell!”

“Admit it, Jade. You want me.”

“Ano ba! Bitiwan mo ako!”

“Not a chance. Itinaboy kita sa ospital. At kahit ngayon pero hindi ka nagbigay pansin,” at muli nitong inangkin ang mga labi niya.

His tongue succeeded in getting inside her mouth. Ang kamay nito’y pumailalim sa blusa niya and kneaded her breast roughly.

Hindi iyon ang ipinunta ni Jade doon though she missed him so much. Tumatanggi ang isip niya sa kagaspangang iyon ng lalaki. Pero ang katawan niya’y hindi. Nakikipagkompetensiya sa loob ng silid ang mga ungol nilang dalawa sa tunog ng airconditioner.

Nagulat siya nang marinig ang pagbagsak ng mga gamit sa sahig. Mabilis siyang kumawala at hinanap ng mga mata kung ano ang mga bumagsak na iyon.

“W-what—?”

Tinabig lahat ni Kurt ang laman ng mesa nito. At bago pa siya makapagtanong ay binuhat siya nito at inihiga sa ibabaw.

“S-stop...”

“I want you and you want me, Jade,” wika nito at itinaas ang t- shirt pahubad at inihagis sa sahig.

Kung ano-anong kaisipan ang pumapasok sa isip ng dalaga. Nilinga ang pinto. Ano ang ginagawa ng isang tulad niya sa silid na iyon?

At bago pa muli makarehistro sa isip niya ang matinong kaisipa’y isa-isa nang tinatanggal ni Kurt ang mga butones ng pang-itaas niya.

“K-Kurt...”

“You want this as much as I do, Jade,” he said harshly, kasabay ng pagtaas ng palda niya paitaas sa baywang niya. Then he pulled down her underwear.

“K-Kurt, please... this is not what I meant when I said I love you...” she croaked. Ang isip at katawan ay naglalaban.

“Who’s talking about love?” His dark eyes intent on her as he unsnapped his jeans and pulled the zipper down.

Napapikit si Jade. Hindi siya makapaniwalang hindi niya magawang panaigin ang matinong kaisipan sa lalaking ito. She wanted him so much she could die of shame kung ganito lang ang pagtratong matatanggap niya mula kay Kurt.

Pero nilunod ng mga labi ni Kurt ang anumang alinlangan sa isip niya. He was naked, warm and hard. He was kissing her carnally. Then his sipping lips moved down to her throat, then to her mouth again.

And in between those ravishing kisses, Kurt was murmuring explicit words. Sometimes in French. But what he was murmuring was both vulgar and sweet. Limited ang kaalaman niya sa French pero natitiyak niyang kapag ang salitang iyon ang inuusal ni Kurt ay endearments ang kahulugan.

His fingers brushed her nipples. “Kurt...” she cried softly his name that Kurt made a small sounds of arousal.

His calloused hands moved down to her thighs and stroked the curls. Gusto nang kalimutan ni Jade na huminga. Umiikot ang sensasyon sa buong katauhan niya.

Muling tumaas ang mga kamay ng lalaki, stopping on her breasts and mould them in his palms. Pagkatapos ay ginagap nito ang mga kamay niya at itinaas sa ulunan niya. Ipinagsalikop ni Kurt ang mga daliri nito sa kanya.

“Jade...” he said harshly and thrust. Nakita nito ang sandaling pagsinghap ng dalaga... ang panlalaki ng mga mata... ang bahagyang pag-tense... then the wonderment.

Her legs curled around his body so sweetly. He groaned as he ground her pelvis against hers.

“I can’t get enough...” he murmured furiously as he withdrew and sank into her again... and again. “I can’t get enough...”