I RITABLE siya. Kanina pa siya sa sulok at pinagmamasdan ang dalawa. Mula sa pag-inom hanggang sa pagsasayaw. At kung sayaw ang tawag ni Jade sa ginagawa nito’y di may bagong pangalan siguro ang striptease dancing ng mga bayarang babae sa harap ng mga sundalo.
Oh, god. He hated this job. Gusto niyang kasuklaman ang ama sa ginawa nitong pagpapangako sa kanya sa dying bed nito. Tumiim ang mukha ni Kurt. Alam nito kung gaano kalapit sa isa’t isa ang ama at si Bernard Fortalejo. They were buddies. Para kay Jackson, si Bernard ay isang nakababatang kapatid. Ang away ng isa’y away ng dalawa.
Anim na buwan na sa Vietnam si Jackson nang dumating si Bernard kasama ng mga bagong dating na batang-batang sundalong ipinadala ni Uncle Sam. And Bernard who was just more than a boy was under Jackson’s command.
A scared and idealistic young man na hindi gustong gamitin ang rifle para sa kalaban. Para kay Bernard Fortalejo ay kasangkapan lamang ang mga batang sundalo ng magkabilang panig ng kani-kanilang mga bansa.
Isang pag-aalay sa diyos-diyosan sa modernong panahon. Kung ang mga Aztec ay nag-aalay ng mga batang babae noon sa kanilang diyos ay wala itong ipinagkaiba sa digmaan.
Young soldiers were offered to the gods of war.
Sa battlefield, muntik nang mapatay si Jackson kung hindi ito tinakbo ni Bernard at idinapa. Subalit dalawang tama ng baril ng kalaban ang tinanggap lahat ni Bernard sa ginawa. Si Jackson ay tinamaan ng bala sa hita at nakuhang magpaputok ng baril sa kalaban at napatay ito.
“You f...ing SOB, why didn’t you shoot him?!” hiyaw ni Jackson kay Bernard na halos pigilin ang paghinga sa tamang inabot.
“He... he’s just a boy, Lieutenant...”
“F...k you! This is war, Fortalejo! It’s either you kill the enemy or the enemy’ll explode your f....ng ass!”
Subalit hindi na narinig ni Bernard iyon na tuluyang nawalan ng malay.
Bernard survived his wounds. Ganoon din si Jackson. And both men were sent back home.
“Thank you, buddy.” s i Jackson kay Bernard nang pareho na silang maayos sa ospital. “I owe you my life...” i sang ngiti lang ang isinagot ni Bernard doon.
Nang pareho silang ma-discharge sa ospital ay sumama si Bernard sa nakatatandang American pauwi sa tinitirhan nito. Upang salubungin lamang ng higit pang trahedya kaysa sa digmaang pinanggalingan.
Inabutan nilang pinapalo ng sinturon ng ina ang siyam na taong gulang na si Kurt. Nagsisiksik sa isang sulok ang bata bagaman hindi umiiyak.
“Elizabeth!” Naibagsak ni Jackson ang dalang mga pasalubong at inagaw sa asawa ang sinturon. “What are you doing?”
“So you’re back!” sarkastikong wika ni Elizabeth. Nanlilisik ang mga matang tinapunan ng sulyap ang batang pulos latay sa isang sulok.
Isang Pilipina si Elizabeth na sapilitang nagpakasal kay Jackson upang manatili sa bansang iyon at maging American citizen na rin.
Paika-ikang nilapitan ni Jackson ang batang lalaki. “What has she done to you, my boy?”
Nakita ni Bernard ang pagtiim ng mga bagang ng batang lalaki. At bago pa may makapagsalita uli ay lumabas mula sa silid sa itaas ang isang lalaking nakatapis lamang ng tuwalya.
“What’s taking you so long, Eliza—?” n ahinto sa ere ang sinasabi nito nang makitang hindi lang si Kurt ang kasama ni Elizabeth.
Tila patalim ang tensiyon na humihiwa sa ere sa pagitan ng mga lalaki. Pero hindi si Elizabeth na umismid.
“What do you want to do?” hamon nito kay Jackson. “Kill me?” u mismid ito. “If you do that, Jackson, you’ll go to prison. And what do you think will happen to your beloved son?”
“Go and pack, Kurt,” utos ni Jackson sa anak sa tahimik na tono. Walang kibong sumunod ang bata.
Alam ni Bernard na gahiblang pagpipigil na lamang ang nalalabi rito upang hindi patayin ang asawa. Nakita nito iyon sa mga mata ng lalaki. Sa naglalabasang mga ugat mula sa mahigpit na nakakuyom na kamay.
PANSAMANTALA’Y kasamang nanirahan si Bernard sa mag-ama. He would have gone back home kung hindi dahil kay Jackson. Walang gabing hindi ito umiinom.
Sinikap ni Bernard na ibalik sa katinuan ang isip ng nakatatandang lalaki bagaman hindi iyon madali.
“Think of Kurt, Jackson,” minsa’y sabi ng binata rito. “Look at him...” i tinuro nito ang bintana kung saan matatanaw mula roon ang batang tahimik na nakaupo sa isang wooden bench at nakatanaw sa malayo. “Do something for your son, Jackson. Send him back to school... give him back his normal life or you will ruin him forever.”
“I could kill that whore, buddy!” t inabig nito ang mga bote ng alak sa mesa at bumagsak sa sahig kasabay ng pagyugyog ng mga balikat.
“I know,” bulong ni Bernard at pinisil sa balikat ang nakatatandang lalaki.
ISANG mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Kurt sa alaalang iyon. Dinala sa bibig ang kopita at inubos ang laman. In one way or another, may utang din siyang dapat tanawin kay Bernard Fortalejo.
Umahon mula sa hukay ang ama niya. Nag-aral siyang muli. Isang taon mula noon ay pinadalhan sila ni Bernard ng imbitasyon upang magbakasyon sa Pilipinas, sa farm ng pamilya nito. Ang de Silva Farm.
Doon bahagyang nangiti ang lalaki. Ang dalawang linggong pananatili niya sa De Silva Farm ay ang pinakamaligayang sandali ng buhay niya. Maliban sa isang yugto ng panahon ng buhay niya. Sa ibang bahagi ng mundo... sa St. La Crouix.
Hindi sila ganoon ka-well-off ng ama. Nabubuhay sila sa pension ni Jackson mula sa marines. Kaya kahit kabayo’y hindi sila nagkaroon. Pero sa farm ng mga de Silva ay hindi lang pagsakay sa kabayo ang natutuhan niya. Sinasali siya ng mga ranchero sa pagbubuwal ng mga ito ng toro.
Bernard even offered them to stay. Pero tumanggi si Jackson. Gustuhin man ni Kurt ay naisip nitong may sarili silang buhay. At mula noon, tuwing may pagkakataon ay dumadalaw si Bernard sa kanilang mag-ama. Nag-aalok ng tulong kung kailangan. Ipinipilit kung tinatanggihan ni Jackson.
Nang magbinata siya at sumunod sa yapak ng ama’y hindi na sila nagkita ni Bernard. He was in the Middle East for more than a year fighting the enemies bilang jet fighter pilot.
CIA took him from the airforce and stayed underground for a couple of years until he met Ellaine. A young, sweet and blonde American. He married her two weeks later.
Wala sa loob na ibinagsak niya ang kopita sa mesa sa bahaging iyon ng isip. Kung may makakakita lang sa kanyang kakilala sa sandaling iyon ay matitiyak ng mga ito na nasa pinakamasamang mood siya.
Natuon ang mga mata sa dalawang parehas na nagsasayaw sa saliw ng matamis na musika. Nakatawa si Jade. Tawang hindi nito nakikita sa dalaga sa maghapong magkasama sila. Tila hinagisan siya ng granada sa matinding panibugho.
“Bakit, Kurt, binibigyan mo ba ng pagkakataong maging masaya si Jade kapag magkasama kayo? Why, you’re such a cruel f—ng bastard...”
Hell. Muntik nang matumba ang silya nang padahas siyang tumayo. Lumakad patungo sa dancing hall.
NAGULAT pa si Jade nang maramdaman ang paghawak ni Kurt sa braso niya.
“It’s almost midnight, Cinderella,” wika ng binata. Ang tinig ay nakikipagkompetensiya sa ingay ng musika. “If you intend to go to work tomorrow, tara nang umuwi.”
“Hey!” s i Bradley na hinawi ang kamay ni Kurt sa braso ni Jade. “Get your filthy hand off my—”
Hindi natapos ni Bradley ang sinasabi dahil nahawakan ni Kurt ang braso ng lalaki at pinilipit ito. Umaringking sa sakit si Brad.
“Ayoko ng gulo, pare.” n agbabanta ang tinig nito at pabalyang binitiwan ang kamay ni Bradley. “Gusto ko lang iuwi na ang boss ko, okay?”
Si Jade na nabigla ay pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki. Hindi niya inaasahang naroroon si Kurt.
“Kilala mo ba ang lalaking iyan, Jade?” galit na tanong nito sa dalaga. May kinapa sa likod ng maong.
“I won’t do that if I were you,” babala ni Kurt. “You won’t have the chance to use that to me. Masasaktan ka lang.”
“Brad... Kurt... stop this!” wika ng dalaga sa tinig na hindi malaman kung sisigaw o hindi.
Marami nang mga taong nakatingin na sa kanila. Tumabi sila upang hindi gaanong makakuha ng atensiyon. Binalingan niya si Bradley.
“I’m sorry, Brad... but I have to go now.”
“Sino ang lalaking iyan, Jade?” tanong ng binata sa dalaga sa tonong tila gustong pilipitin ang leeg ni Kurt.
“A simple bodyguard.” s i Kurt ang sumagot. “Now, does that satisfy you? Let’s go, boss...” h inawakan nito ang kamay ni Jade.
Dumaan sa table ng dalawa at dinampot ang clutch bag ng dalaga sa isang kamay at hinila na si Jade palabas.
“Tatawagan kita pagdating ko sa bahay, Brad,” lingon ng dalaga sa binata.